UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

* CHAPTER 6 "War on!"

5.9K 369 39
By PeachyyyPie

~•~*~•~
BLUE HAVEN WALL WAS WRECKED!
GIANT TROLL FOUND DEAD IN A DITCH!!

HINDI maipaliwanag ni Ceref ang inis na nararamdaman niya nang mabasa ang magkasunod na balita sa forum. Ito kasi ang kontrobersyal na pinag-uusapan ngayon sa kampus, tila ba malaking misteryo sa mga estudyante kung paano nagawang sirain ang matibay na pundasyon ng eskwelahan, at kung sino ang pumatay sa dambuhalang halimaw.

"First day ng klase, ang dami ng nangyari," komento ng kasama niyang si Vix. Hawak nito ang bote ng artificial blood at panaka-nakang sumisimsim 'non. "Mukhang nagpapakitang gilas na ang mga guardians.."

'Guardian? Ang babaeng 'yon?' muling naisip ni Ceref ang kauna-unahang babae na kumuha ng interes niya, hindi dahil sa may gusto siya rito, kun'di dahil sa ipinakita nito. Alam niyang ito ang sumira ng pundasyon ng Blue Haven, pero wala siyang ideya kung sino ang pumatay sa higanteng troll.

"Hindi lahat kagagawan ng Guardians.. Para mo na 'ring sinasabi na sila lang ang kayang gumawa ng mga bagay na 'yan," tugon ni Ceref.

"Bakit? Inaasahan mo bang magagawa 'yan ng lobo? Alchemist? Sorcerer o Mortal?" tumawa ang kaniyang kasama. "Pwede pa sana kung giant troll ang pag-uusapan, pero ang wasakin ang pundasyon ng Blue Haven? Ibang level na ng lakas ang usapan diyan."

Tama ang kaniyang kaibigan, hindi gano'n kadali wasakin ang pundasyon ng eskwelahan, at kinakailangan ng malakas na kapangyarihan para mawasak ang pinaka maliit na konkreto nito. Pero dahil sa nasaksihan niya kanina, sinasalungat nito ang iniisip niya.

"Vix, naalala mo 'yung babaeng nakuwento ko sa 'yo kanina?"

"Oh, anong may'ron 'don? Siya na ba ang ipapalit mo kay Visla?" nang-aasar ang tono ni Vix.

"Shut up! Sa tingin mo magagawa kong ipagpalit si Visla sa weak-ass na babaeng 'yon?" nainis siya.

"Hahaha! Biro lang, wag kang ma-trigerred. Alam naman ng lahat kung ano ang tipo mong babae." niyukot ni Vix ang ubos na artificial blood at tinapon 'yon sa malapit na basurahan. Pinahiran niya ang labi gamit ang likod ng palad. "Anyways, anong meron 'dun sa babae?"

"Ayun na nga e," tumaas ang gilid ng labi ni Ceref, hudyat na may kalokohan itong ginawa. "I think she's dead.."

"What!?" hindi makapaniwala, ngunit tatawa-tawang tanong ni Vix. "Hahaha! Seryoso ka ba diyan? H-How!?" namamangha ito.

"You know me, I'm Ceref," mayabang niyang ani. "If I don't like someone, I'll kill it."

"You're crazy!" pabirong singhal niya kay Ceref. "What did you do?"

"Nilagyan ko lang naman ng timebob 'yong buhok niya.." masayang paliwanag nito. "I bet, isa na sa pinag-uusapan ngayon ang pagkamatay niya at ng kasama niya. Damay-damay na 'to."

"Loko ka talaga, Ceref.. Nandamay ka pa," mahihimigan ang konsensya sa boses ni Vix. Matagal na siyang sanay sa marupok na pag-uugali ng kaibigan niya. Bata pa lang ay alam na niyang hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo. Pero 'di niya akalaing magagawa nitong pumatay ng inosenteng babae dahil sa mababaw na rason.

"Its not my fault she's with that freak!" asik ni Ceref. "Malas niyang dumikit siya sa babaeng 'yon sa gano'ng oras. 'Yan tuloy, pareho silang kontrobersyal ngayon."

Napapailing nalang si Vix sa hindi maipaliwang na ugali ni Ceref. Para bang gano'n nalang kadali sa kaniya ang pumatay sa anumang oras na gustuhin nito.

"A-attend ka ba ng training ngayon?" tanong ni Vix sa kaibigan.

"No, uh.." sagot ni Ceref. "Tinatamad ako.."

"Kahapon ka pa daw hindi uma-attend ng praktis sabi ni coach,"

"Psh, hayaan mo 'yun.." tumingin siya kay Vix. "Wala 'kong paki-alam sa nararamdaman niya kamo,"

"Ikaw magsabi niya'n."

Inirapan niyang tinalikuran si Vix saka naglakad palayo. Malapit na ang laban niya, sa susunod na buwan na iyon. Hindi man lang siya nakakaramdam ng kaba at pagkabahala, dahil malakas ang kumpiyansa niyang sa kaniya pupunta ang tagumpay. At kung may isa mang bagay sa ngayon na dapat niyang ikabahala, 'yon ay ang malaman ng lahat na siya ang pumatay sa babaeng 'yon, na ngayon ay nasisigurado niyang lasog-lasog na ang katawan.

Napangiti bigla si Ceref nang maalala ang kalokohang ginawa niya, hindi man lang siya nakaramdam ng kahit na kaunting awa para dito. "I already warned you, don't mess with me.. Tsk, patay ka na tuloy ngayon.." ngingiti-ngiti niyang bulong sa hangin.

"Sinong patay?"

Bigla ay nahinto si Ceref sa paglakad, para bang nanigas ang mga paa niya dulot ng pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. Dahan-dahan siyang tumingin sa kaniyang likod, at gano'n nalang ang kabog ng dibdib niya nang makita ang babaeng inaasahan niyang patay na.

Nakaamang at nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ito. Walang bago sa emosyon ni Eugi, nanatili itong bland at parang tamad kung tumingin. Sa buong buhay ni Ceref, ngayon palang niya naranasan tingnan na para bang isa siyang walang kuwentang bagay.

Anong karapatan nitong tingnan siya ng ganito?

Pero sa halip na inis ang maramdaman niya, hindi mawala sa isip niya kung bakit buhay pa 'to? Hindi ba 'to nasabugan ng bombang nilagay niya sa buhok nito? Anuman ang dahilan, gulung-gulo ang isip niyang alamin ang rason. Hindi niya 'to inaasahan!

Halos matulala siya sa takot, pero ilan pang segundo ng bumalik siya sa tamang huwisyo.

"Ikaw ang naglagay ng bomba sa ulo ko.." hindi 'yon tanong. Bakit ba parang patay ito kung magsalita? Walang himig ng kahit anong emosyon ang boses nito, at para bang hindi ito nagulat na malamang siya nga ang naglagay nito sa ulo niya.

'May saltik yata 'to, e..' isip ni Ceref.

"Oh, ako nga.. Got a problem with that?" isang maangas na tango ang ipinakita niya Eugi.

"Kung balak mo 'kong patayin, 'wag mo 'kong daanin sa mga paganito mo.. Naduduwag ka lang na mabahiran ng dumi 'yang reputasyon mo.." ipinakita ni Eugi ang hawak niyang sira na bomba. Gulat namang napatingin si Ceref 'don. Kung sumabog ang bomba, paano ito nakaligtas? "Ngayon, ikaw naman ang tatanungin ko.." patuloy ni Eugi. "Got a problem with me?"

Hindi mabilis na nakapagsalita si Ceref. Sinubukan niyang gamitin ang 'mind reading' ability niya sa babae, pero panibagong gulat ang naramdaman niya nang wala siyang mabasa sa isip nito. Wala ba 'tong iniisip? O hindi naman kaya ay hindi niya mabasa ang iniisip nito. Hindi pwede 'yon! Alam niyang hindi pwedeng pumalpak ang abilidad niya.

Sinubukang itago ni Ceref ang gulat sa mukha niya. "H'wag ka ngang umasta sa harap ko na kaya mo ko!"

"H'wag ka 'ring umasta sa harap kong hindi ka nagulat na buhay ako," malumanay ang tinig nito, pero mahihimigan ang pagka-seryoso. "Ngayon, kung gusto mo 'kong paluhurin sa harap mo, gumawa ka ng paraan para ako na mismo ang kusang sumuko at magmaka-awa diyan sa harap mo, pero.." pabitin nitong sabi saka nagbaba ng mapang-husgang tingin sa kabuuan ni Ceref, hindi niya 'yon nagustuhan. "Kapag hindi mo 'yon nagawa.. Ikaw mismo ang luluhod sa harap ko.. You can do anything you want, but you can't make me fall for my knees.."

Mabilis siyang tinalikuran ni Eugi. Hindi man lang ito interesado sa sasabihin niya. Hindi niya inaasahang ang mga salitang 'yon ay manggagaling sa mismong mortal! Gaano ba kalakas ang kumpiyansa ng babaeng 'yon sa abilidad niya!? Tingin ba nito gano'n na lang kadali ang patumbahin siya!? Tss, kung gano'n nagkakamali ito, dahil hindi pa pinapakita ni Ceref ang tunay niyang lakas.

Tinatanggap ni Eugi ang hamon niya. Nakakapagtaka, pero nakakamangha dahil sa ilang taon niyang pag-aaral sa Blue Haven, ngayon palang may tumanggap ng madugo niyang hamon. Isang hamon kung saan pinahihirapan niya ang estudyante hangga't sa ito na mismo ang sumuko at lumuhod sa harap niya. At sa lahat ng estudyanteng gumawa nito, ay wala namang nanalo, maski Guardian, Espers, o Sorcerer.

Hindi maiwasan ni Ceref na mapangisi sa pinakitang tapang ng babae. Kung gano'n handa itong mamatay para panatilihin ang dignidad nito.

~•~*~•~

HABANG naglalakad palabas ng eskwelahan si Eugi, hindi mawala sa kaniyang isipan ang sinabi niya kanina. Tama kaya ang desisyon niyang tanggapin ang hamon ni Ceref? Hindi naman kasi big deal sa kaniya ang posisyon niya sa Blue Haven. Sa katunayan, masaya siya dahil isa siyang mortal at hindi gano'n kalaki ang atensyon na binibigay sa kaniya kumpara sa mga elite students. Pero ang hindi siya patahimikin sa pag-aaral niya? Ibang usapan na 'yan. Hindi niya hahayaang guluhin nito ang taon ng pag-aaral niya rito.

Nakakasabay niya ang ilang estudyante paglabas ng exit gate. Karamihan sa mga ito ay may nag-aabang na kotse o kaya limousine na sumusundo sa kanila. Aksidenteng dumako ang tingin niya sa isa sa mga estudyenteng nakatingin rin sa kaniya. Pero hindi 'yon nagtagal dahil mabilis na nag-iwas ng tingin ang lalaki sa kaniya. Hindi nalang niya 'yon pinansin at pinagpatuloy ang lakad. Unang araw palang ng klase, pero mukhang marami pa siyang pagdadaanan bago makuha ang malutong na diploma.

Pag-uwi niya sa bahay, katahimikan ang bungad sa kaniya. Nakapatay ang TV at walang tao sa sala. Nagtanggal siya ng medyas at sapatos saka 'yon pinatong sa shoe rack. Maririnig ang lakas ng yabag ng bumababa sa hagdan. Nag-angat siya ng tingin 'ron at nakita ang kuya Altex niyang kagigising lamang.

"Oy," garagal ang boses na tawag ng kuya niya. Galing ito sa pagkakatulog dahil sa magulong ayos ng buhok at namumulang mata nito. "Nakaalis na si mama kanina.. Nag-iwan siya ng allowance mo sa 'kin.."

"Hmm.." tugon ni Eugi. Umupo siya sa itim na couch at kinuha ang remote sa ibabaw ng center table.

"May binili pala 'kong pagkain diyan, 'di muna 'ko nagluto kasi kulang tulog ko. Nag overtime ako kahapon." paliwanag ng kuya niya at naglakad diretso sa kusina. Namamasukan ito bilang personal driver ng mga Guardians. May pinagsisilbihan itong pamilya 'ron, at laking pasalamat niya dahil hindi iba ang tingin nito sa kaniya.

Hinintay muna ni Eugi na matapos ang pinapalabas na teleserye bago manood ng balita.

"Kumusta school?" bigla ay tanong ng kuya niya mula sa kusina.

"Okay lang.." tamad niyang sagot. "Mas worse.."

"Bakit? Anong nangyare?"

"Wala.."

"Psh' 'di ka naman siguro binu-bully, no?"

Hindi sumagot si Eugi. Wala siyang balak ikuwento sa kuya niya ang lahat ng nangyari ngayong araw.

"Sabi kasi ni Zafrina marami daw bully 'ron, kilala mo ba 'yun? Siya 'yung babaeng pinagda-drive ko papasok at pag-uwi niya ng school. 'Don kasi siya nag-aaral sa Blue Haven kaya alam niya 'yung sitwasyon ng mga mortal 'don." ani Altex. Kinuwento niya kay Eugi kung paano niya nalaman ang mga ganitong bagay. Kahit na walang interes ang kapatid niya ay pinagpatuloy niya lang ang pagku-kuwento.

["Estudyante, natagpuang patay sa tapat ng isang basurahan,"] ani ng babaeng nagbabalita. ["Natagpuang patay ang labing pitong taong gulang na si Hanna Escaballe, isang mortal specie, matapos paslangin ng mga hinihinalang suspek. Kuwento ng isang saksi, pasado alas dos raw ng hapon ng nangyari ang insidente. Naglalakad 'non ang biktima pauwi nang harangin ito ng isang grupo ng mga lalaki."] pinakita sa balita ang pinangyarihan ng insidente, pati na rin ang naka blurred na katawan ng biktima kung saan 'to nakahandusay. Madaling nakilala ni Eugi ang unipormeng suot ng babae. Estudyante ito ng St. Valentine University, ang dating eskwelahan na pinasukan niya.

"Palagi nalang may nababalitang gan'yan," dinig niyang sabi ni Atlex mula sa kaniyang likuran. Hindi man lang niya nilingon ang kapatid para tingnan, dahil tutok ang mga mata niya sa balita. Naramdaman nalang niya ang presensya nito sa kaniyang tabi nang lumubog ang sopa para umupo. "'Nong nakaraang araw may nabalita ring gan'yan. Estudyante naman ng Polendina at Don Alma University. Napapadalas na 'yung gan'yang senaryo kaya mas nakakabahala."

"Mm.."

"Kadalasan nilang target ngayon 'yung mga kasing edad mo. Na-aalala mo ba si Maddie? 'Yung anak ni aling Nina na mahilig gumimik sa gabi?"

"Mm.." walang interes na tugon nito.

"Ayun! Isang araw, bigla nalang 'di natagpuan! Usap-usapan na baka may nangyari nang masama sa kaniya, o kaya dinakip ng mga kriminal na 'yan.. Pero sabi naman ng lola niya ay baka nakipagtanan lang, pero tingin ko talaga nadisgrasya na 'yun.. Biruin mo, ilang araw ng 'di nagpapakita!" litanya ni Altex. "Kaya ikaw, mag-ingat ka kapag pauwi, 'di na biro ngayon 'yung nangyayari sa paligid. Minamanipula na tayo ng goverment gamit 'yang Blue-Abyss system. Simula nang ipatupad 'yang ranking system na 'yan, mas naging marupok ang mga tao sa kapangyarihan."

"Gano'n talaga, wala tayong magagawa.." nakatutok pa rin ang tingin ni Eugi sa pinapanood na balita.

"Speaking of! Did you-" naningkit ang mga mata niyang tumingin kay Eugi. Nakuha agad ni Eugi ang gustong sabihin ng kapatid niya sa pamamagitan lamang ng makahulugang tingin nito sa kaniya.

"No, I didn't.." sagot ni Eugi matapos sulyapan ang kuya niya. "Not yet.."

"Good," napaluwag ang pag-hinga ng kapatid niya. "As long as possible.. Don't hurt anyone.."

~•~*~•~

END OF CHAPTER 6
THANK YOU FOR READING! VOTE AND LEAVE A COMMENT!

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 202K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
3.9M 99.1K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^