Territorial Men 4: Dwaye Mend...

By missgrainne

10.6M 277K 146K

Stuck in the past and the mystery behind it, Dwaye Mendez try to live his life again as normal as he used bef... More

Synopsis
Prologue
1 ~ Secrets
2 ~ Voice
3 ~ Phone call
4 ~ Trouble
5 ~ DNA
6 ~ Baby
7 ~ Stay
8 ~ Contented
9 ~ Hate
10 ~ Drugged
11 ~ SPG 1/2
12 ~ Baby (SPG 2/2)
13 ~ Possessive + Territorial
14 ~ Lips
15 ~ Hurt
16 ~ Feelings (SPG)
17 ~ Tears
18 ~ Yes
19 ~ Eyes
20 ~ Surprise (SPG 1/2)
21 ~ Wine (SPG 2/2)
23 ~ Heart (SPG)
24 ~ Past 1/3
25 ~ Past 2/3
26 ~ Past 3/3
27 ~ Love
28 ~ Married (SPG)
29 ~ His Life
30 ~ You & Me
Epilogue

22 ~ Pregnant

343K 9K 3.7K
By missgrainne



CHAPTER TWENTY TWO

ANG mararahan na hampas ng alon hindi kalayuan ang siyang tuluyang nagpagising kay Jess. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap para lang mapamilyar sa silid na kinaroroonan niya.

"Where am I?" She murmured to herself and tried to remember what happened, but before she could even do it, she heard Dwaye's baritone.

"You're awake."

She narrowed her eyes on him. "Saan mo ako dinala?!"

Mabilis na naalala niya ang nangyari! They were drinking wine and suddenly she passed out. He put something in that wine and she wasn't aware of it. Damn him!

"Kumain ka muna—"

"Nasaan tayo?!"

Dwaye was standing near the door's balcony. Ang madilim na langit at ang iilang bituin lang na kumikislap ang naabot ng mata niya sa likuran nito, but she can hear the sounds of the waves.

"Sa Isla."

"Saan?!" Nanggigil talaga siya.

Malakas itong napabuntong hininga, tapos ay bahagyang ipinihit patagilid ang ulo para sa paghithit ng sigarilyo na itinago pala ang kamay sa likod, marahan na ibinuga ang usok. His lips sexily protrude a bit as he blew the smoke, nakakaakit sa paningin kahit hindi naman nang aakit talaga.

Idagdag pa na sumasapaw ang dilim sa kinatatayuan nito, mas nadepina ang maangas na tindig ng katawan.

Lihim niyang kinastigo ang sarili. Tignan palang niya ito parang natunaw na ang pagkainis niya sa nangyari.

"Isla Fuentes."

"Nasaan si Atasha?"

"Why don't you eat and let's talk after?"

"Nasaan ang anak natin?" Diin niya sa iritadong tono.

"She's with Alexza."

Jess gasped. Shocked and worried that Atasha is surely looking for her.

"I'll call her."

Hinagilap niya ang cellphone sa kabuuan ng kama ngunit wala do'n. Naningkit na naman ang mata niya nang muling balingan si Dwaye. Naabutan niya itong humithit ulit sa sigarilyo, ibinuga ang usok sa labas.

"Tinawagan ko na kanina. Sinabi kong magkasama tayo."

"Tigilan mo 'yang paninigarilyo mo." Sita niya kahit na ang hot nito kapag humihithit at nagbubuga ng usok.

Guminhawa na ang pakiramdam niya na maayos naman ang anak nila pero gusto niya pa rin tawagan. Siguradong malalaman niya kung paano nag plano si Dwaye para maidala siya sa lugar na 'yon.

Dwaye turned around, making her face his back, then she saw him put his cigarette in the ashtray above the table. Umayos siya ng upo sa kama nang naglakad ito papunta sa gawi niya.

"Where's my cellphone? Tatawagan ko si Daye." Aniya, nakasunod ang mata sa bawat galaw nito sa loob.

She's facing his back again, he was in the mini kitchen, pouring his glass a vodka. Sumimsim ito do'n tapos ay kumuha ng plato at kubyertos, inilagay sa babasagin na lamesa sa gitna. May nakahain na do'n, siya nalang talaga ang hinihintay.

"Kumain ka na muna para may lakas ka."

"Tatawagan ko nga muna si Daye." Nahimigan niya ang pangungulila sa boses.

Dwaye seems to noticed the longing on her voice, he suddenly get his cellphone on his pocket, he checked something on it before he walked towards the bed.

"Here." He handed her his cellphone.

Napanguso na kinuha niya 'yon. There's no password on it. The wallpaper is Atasha's smiling face and it made her smile a bit. Pasimple niyang inangat ang mata kay Dwaye na naupo sa dulo ng kama, natutukso kasi siyang pakialaman ang inbox nito at gallery.

"Call Alexza instead."

"A-Alam niya na?"

Alam na ba ng kaibigan niya na nabuntis siya ng Kuya nito? Uh, nakakahiya dahil inilihim niya kay Alexza ang bagay na 'yon, gayong alam niya ang lahat nang nangyari sa buhay ng kaibigan, pero huli na para magsisi pa. Alexza will surely understand her.

"Hindi ko pa sinabi, pero siguradong ngayon ay alam niya na."

Kulang nalang ay sabihin nitong walang lihim lihim kay Atasha kapag nagkwento.

"For sure." She murmured and dialed Alexza's number.

Ilang ring palang ay may sumagot na.

"Kuya?" It was Alexza. "Kuya Dwaye, naghahanap na si Atasha sa Mama niya."

"It's me, Jess."

"Jess!" Halos patili ang boses ng kaibigan. "Ikaw ha, ang dami mong ikukwento sa'kin. Ang ganda ganda ng anak mo at ang bibo pa! Dito nalang 'to sa'min ha? Wag muna kayong umuwi ni Kuya Dwaye."

Hindi siya nakasingit kaagad. Rinig na rinig niya ang excitement sa boses ng kaibigan.

"Sinasabi ko na nga ba, 'yang mga tingin ni Kuya Dwaye sayo dati, iba, e. Gusto ka talaga!" Dagdag pa nito. "At ikaw naman, I thought you hate my brother? So, bakit may Atasha?" Tinawanan siya nito, nang-aasar.

She didn't tell Alexza what Tommy Herrera did to her and Dwaye. At hindi rin siya sigurado kung nasabi na ba ni Dwaye ang buong pangyayari?

"Yeah, I will tell you everything. I'm sorry about hiding it from you, Alexza."

"Wala 'yon. Ang mahalaga sa'kin ay may anak kayo ni Kuya Dwaye. Nagpapasalamat pa nga ako na sayo siya babagsak."

Sinipat niya si Dwaye, nakahiga na ang kalahating katawan nito sa kama, ang mga paa ay nakalapat sahig. He covered his eyes with his arm.

"Tignan natin kung sa akin nga." Biro niya.

"Hindi pa ba? Hindi pa nakaka score si Kuya? Ang hina!"

Kung alam lang sana ni Alexza. Naka score na kagabi sa kanya si Dwaye! Perfect score nga ang ibinigay niya.

"Jeez! Let's not talk about it. How's my baby girl there? Ano'ng ginagawa?"

"Naglalaro sila ni Blake sa sala. Hinanap ka nga kanina kaya tinawagan ko si Kuya. Nag usap silang mag-ama."

Tumango-tango siya. Ano na naman kayang excuse ang sinabi ni Dwaye sa anak nila?

"Who's that, Tita Alexza? Mama ko? Daddy ko?" She heard Daye's voice at the background. Napangiti siya.

"Yes, here, talk to your Mama."

"Mama! Hello?"

"Hi anak." Maligayang bati niya. "How's my baby girl?"

"Atasha Daye is okay, Mama. I play with Kuya Blake. Saan daddy ko?"

Nag-isang linya ang labi niya. Si Dwaye talaga ang hinanap? Sabagay, siya ang kausap kaya hindi siya hahanapin.

"He's sleeping."

"I'm not sleeping baby." Sumagot si Dwaye.

"Hindi tutulog daddy ko?"

"Hindi pala." Aniya. "Astasha, tell Mama why you get there in Tita Alexza's beach house."

"Sakay kami daddy sa helicopte-y po. Dala niya damit Atasha Daye...at milk. Suy-pays po, Mama."

Naniningkit ang mata niya kay Dwaye, hindi naman nakatingin sa kanya.

"It was your first time riding in helicopter. Hindi ba natakot ang baby ko?"

"No, daddy hugged me and tell me don't be s-ke-y-d because he's with me. Hindi ako babayaan daddy ko. Hindi takot Atasha Daye po."

"Okay anak. Matulog ka na, ha? I will go there as soon as possible."

"Opo, Mama. Whe-y-s my daddy?"

Napairap siya sa paghahanap ng anak sa ama.

"Bakit hinahanap mo pa ang daddy mo? Nandito naman ako, ha."

"Ehh, gusto Atasha Daye daddy. May suy-pays po."

"May surprise na naman?" Pahisterya na sabi niya. "Oh, Dwaye, Atasha wants to talk to you. Anong surprise na naman 'yan?"

Inabot niya ang cellphone dito na kaagad naman kinuha. He pressed the loudspeaker before he speak.

"Hello, anak?"

"Daddy!" Atasha giggled, making her rolled her eyeballs. "Miss kita po." Talaga naman!

"Ah-ah, miss you too, my baby."

Umunat si Dwaye, naabot ang mga binti niyang nakaunat nang hindi sinasadya. Umangat ang tingin nito sa kanya, inignora niya 'yon pero hindi ang sinadyang pagdagan ng kamay nito sa legs niya, hinawi pa palapit, pinagdikit.

Ang silk dress na suot ay umangat na ang dulo hanggang sa hita niya. Napalunok siya nang muling pansinin ang mga galit na ugat sa braso ni Dwaye na nasa binti niya, kumportableng nakadantay.

"Tutulog na po Atasha Daye kasi... may suy-pays ka sa'kin?"

"Yes. You will love my surprise."

Umiikot na ang isip niya kung ano ba ang pinag-uusapan ng mag ama. Na out of place siya sa totoo lang.

"Di ba baby 'yung suy-pays?" Humina ang boses ng anak, halos pabulong.

She could almost imagine Atasha's face whispering something on Dwaye's ears, very secretive.

"Shh," saway ni Dwaye, nakikipaglaro sa anak sa kabilang linya.

"Baby 'yon di ba, daddy?" Ulit pa ng anak sa pabulong na boses at dahil naka loudspeaker ay naririnig niya parin.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Basta, uminit ang pisngi niya!

"Kung anu-ano 'yang sinasabi mo dyan sa anak mo, ha!"

Gusto niyang sipain si Dwaye ngunit pinigil nito ang binti niya. Natawa sa reaksyon niya sabay haplos sa binti niya, nirerelax siya.

"You want a baby?" Dwaye casually asked Atasha.

"Yes daddy."

"Baby baby ka pa dyan." Aniya, magkasalubong ang mga kilay. "Tatandaan niya 'yan. Hindi ka niyan titigilan sa baby na 'yan."

"Gusto ko ma-ya-ming baby po."

Napasinghap si Jess. 'Yung imahinasyon niya naglilikot na dahil sa baby baby na 'yan!

"See? Bahala ka dyan. Lusutan mo 'yan."

"Ikaw ang lulusutan ko." Si Dwaye tapos ay kinindatan siya.

Gusto niyang takpan ang mukha ng unan dahil pakiramdam niya ay ang pula pula niyon. Pati sintido niya ay pumipintig, ikinahihiya niya ang reaksyon niya.

"Anak, matulog ka na. Tatawag ulit kami bukas pag gising mo." Paalam niya sa anak.

"Opo, Mama. Good night. Love you."

"Love you, too, anak ko."

"Sleep well baby." Dwaye's voice softened.

"I love you, daddy ko!"

"Love you more, anak."

The line was ended. Inilapag ni Dwaye ang cellphone sa kama. He rolled over, making him face her. Nakadapa ito sa kama.

"Now, can you eat?" He asked, caressing her legs lightly. "Or, you want me to feed you?"

"No need."

"Ikaw nalang kainin ko?" Tudyo pa nito.

"Tumigil ka nga." Inirapan niya ito. "Hindi ko parin gusto 'tong ginawa mo. Ano nalang ang iisipin ni..." namilog ang mga mata niya nang maisip si Garry. "Shit. Si Garry! Where's my damn cellphone?!"

"I throw it somewhere."

Sumakit ang ulo niya bigla. Siguradong nagmukhang tanga si Garry dahil hindi siya nakasipot sa dinner date kasama ang pamilya nito. She didn't mean to make him looks stupid. She felt pity for him and it made her guilty.

"Paano si Garry..." napahilot siya sa sintido. "Nakakahiya, Dwaye! Siguradong hinahanap na ako niyon! I disappointed him!"

"I don't give a damn."

Iritado na hinawi niya ang braso nito sa ibabaw ng binti niya. Hindi siya nito naiintindihan! Ayaw niyang mapahiya si Garry at magmukhang tanga sa kakahintay sa kanya. Naaawa siya sa kaibigan!

"Bakit mo ba ako dinala dito? Wala naman akong gagawin dito. Inilayo mo pa ako sa anak ako!"

Bumangon ito. Hindi siya pinansin na nagpunta sa balcony. Nairita siya lalo sa ginawa ni Dwaye. Sinadyang umiwas sa kanya.

She watch him smoking again. Malayo ang tanaw sa dilim, tila malalim na nag iisip.

JESS REALIZED that Dwaye brought some of her clothes, underwear and personal things to that Island. She saw her suite case beside his in the closet. Pinaghandaan talaga ng lalaki ang araw na 'to!

Ilang oras na siyang parang mag isa lang sa silid na 'yon. Natapos na siyang maligo at kumain ngunit nanatili sa balcony si Dwaye. Gustuhin niya mang lumabas ay hindi niya na magawa pa dahil bukod sa mag hating gabi na ay hindi niya pa kabisado ang lugar.

She tried to talk to him awhile ago and asked for her cellphone to call Garry, but they end up fighting because of her reason.

She was now laying in bed facing the balcony, watching him in the dark, alone and mysterious.

"Ano ang hindi mo maintindihan sa gusto kitang makasama, Jess?" Nahihirapan at namamaos ang boses ni Dwaye nang sabihin ang mga salitang 'yan sa kanya kanina. "Na gusto kong marinig ang boses mo, na gusto kitang nakikita, na mababaliw ako kapag hinayaan kitang may kasamang iba?"

Ulit-ulit na rumirihistro ang mga 'yon sa isip niya.

Dwaye brought her to that Island because he wanted to be with her and he don't want to see her being with other man, being with Garry. It's clear to her now.

Napapanguso siya dahil sa pagpigil na huwag mapangiti. Talagang nag effort pa makasama lang siya? Ma-solo lang siya?

Nang makita niyang papasok si Dwaye sa kwarto ay mabilis siyang nagpalit ng posisyon, nataranta bigla. Nakahinga lang siya ng maluwag nang sa shower room ito dumeretso.

"MATUTULOG ka na?" Tanong ni Jess sa mababang boses nang mahiga si Dwaye sa tabi niya galing sa pagligo, mabango, nakakahalina.

"I will try." His tone was flat and he seems like not in the mood. She noticed it.

"Bakit parang ikaw pa ang galit dyan? At hindi namamansin?" Iritado siya.

Nakahiga siya paharap dito, samantalang ito ay nakatihaya, tinatakpan ng braso ang mga mata, hindi talaga siya pinapansin.

Anong pansin ba ang gusto niya? Yayapusin siya? Hahaplusin? Mamasahiin? Ano ba naman 'tong naiisip niya!

"Akala ko ba gusto mo akong makasama? Bakit ayaw mo akong kausapin? Ibalik mo nalang ang cellphone ko. Kakausapin ko si Garry..." humina ang boses niya sa huling salita nang gigil nitong inalis ang braso na nakatabing sa mata at binalingan siya.

"Banggitin mo pa ang pangalan ng gagong 'yon, papaduguin ko ulit 'yang labi mo." He looks and sounds so pissed.

Itinikom niya ang bibig, kinabahan na baka nga kagatin ulit ni Dwaye ang labi niya. Mang-gigil na naman sa kanya.

"Sorry na." Pinalambing niya ang boses.

Habang tumatagal ay nagugustuhan niyang panoorin ang pagiging iritado nito.

"Matulog ka na."

"Hindi ako makatulog." Napanguso siya.

Kung kailan kailangan ng matulog saka naman hindi siya makatulog! Nawala na 'yung epekto ng wine na ininom niya.

"Halika dito sa'kin."

Marahan siya nitong hinila papunta sa bisig nito. Lihim siyang napangiti. Nagpahila siya at nagpakulong sa mga bisig ni Dwaye. Damn, feeling niya ang arte arte niya, tapos yakap lang pala ang katapat niya.

"Hindi ka na galit niyan?" Maingat ang boses niya.

"Hindi ako galit."

She can feel her breast pressing against the side of his chest. His one arm that wrapping around her became her head pillow too. Their position was relaxing.

"Pero magagalit ako kapag narinig ko pang binanggit mo ang pangalan ng hilaw mong fiancé." He spat the last word like an acid that could kill him. "Kung magpapakasal ka para lang pasakitan ako, huwag mo nang ituloy..."

"Hindi dahil do'n." She lied again!

"...dahil malaman ko lang na pumayag kang maikasal sa ibang lalaki ay masakit na para sa'kin." Dugtong nito sa mababa ngunit mapait na boses.

"I know how irresponsible I was, and I deserve all your cold treatment, all the hates from you. Okay lang sa akin na saktan mo ako sa mga hindi mo pinag-isipang desisyon, pero hindi okay sa'kin na pati ang anak ko masasaktan dahil lang sa gusto mo akong gantihan."

Jess became speechless, realizing how she made a decision of marrying Garry jut because she wanted to get even with Dwaye, without even really thinking the consequences.

"I don't want my daughter to have another father...like how I don't want you to be with another man." He said gently, she could almost hear his heart beat.

"Kaya mo ako dinala rito..." bulong niya, pintig yata ng puso niya ang naririnig niya. "...dahil ayaw mo akong magpakasal sa iba."

Hindi ito kumibo.

"I will still give you the rights as Atasha's father even I am married—"

"Shut the fuck up, Jess." Dwaye cut her off annoyingly and it made her smile. Nababaliw na nga talaga siya! "Iniisip mo talaga na hahayaan kitang magpakasal sa gagong 'yon?! Hindi tayo uuwi! Ikukulong kita dito sa Isla!"

Napasinghap siya at akmang aalis sa tabi nito ngunit matatag siya nitong napigilan, balik siya sa bisig nito kaagad.

"Paano ang anak natin?!"

"Papapuntahin ko dito."

Pinaliit niya ang mga mata, naiinis sa pagiging domenante nito. Napaka talaga!

"Grabe ka..." nasabi niya nalang.

"May nangyari na sa atin lahat lahat, naiisip mo pa rin magpakasal sa iba? Hindi ba sayo mahalaga 'yon?" Anito, halatang big deal na big deal ang nangyari sa kanila sa shower room ng bahay niya. "Sa ginagawa mong 'yan, binibigyan mo lang lalo ako ng dahilan na itali ka sa'kin."

"Nababaliw ka na! Ayoko manatili dito!" Pahisterya na sabi niya.

Halos umalis siya sa tabi ni Dwaye ngunit sadyang nakapirmi ang braso nitong nakayakap sa kanya. Walang silbi ang pagprotesta niya.

"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka buntis!" His voice was firm with the hint of finality.

Her cheeks burned so bad and her heartbeat gone wild as she thought about getting pregnant again.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 282K 51
Honorable but deadly, Caston Villareal is decided not to get involved with any woman who can distract him from getting justice for his mom. But thing...
260K 11.9K 48
"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagbabali ng kaniyang so-called rule. Mapigi...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
9.1M 281K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...