It Might Be You [Fin]

By YGDara

3.2M 62.1K 4.4K

Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's... More

It Might Be You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Message
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-five [1]
Thirty-five [2]
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue

Thirty-four

64.4K 1.3K 54
By YGDara

"Are you ready to marry me, Erin?"


Napaangat ang ulo ni Erin sa biglaang pagbubukas ng usapang kasalanan ni Vin. Tahimik lang silang nakahiga ngayon sa kama niya. Kagabi nang umamin na siya rito na mahal niya ito at nang halikan niya ito, akala niya hahantong na sila sa pagtatalik mabuti nalang dahil napigilan ni Vin ang sarili. Nahihiya nga siya eh, siya itong babae siya pa ang hirap magpigil.



Nang tanungin niya si Vin kung bakit hindi nito itinuloy ang naumpisahan nilang apoy, tanging ngumiti lang ito at hinalikan siya ng magaan sa labi.



"Sabi ko nga sa'yo, I will respect you. Hindi kita mamadaliin. Maybe some other time, when you are ready."



Mas lalo pa niyang minahal si Vin kaya naman hindi na niya ito pinauwi kagabi. Alam naman niyang pwede na niya isuko ang pagkabirhen niya, pero tama si Vin. May tamang oras para doon, at gusto niya parehas nilang gustong gawin ang bagay na iyon hindi iyong nadadala lang sila sa moment.



They just cuddled and whisper to each other sweet things until they both fell asleep.



And this morning when she woke up, the sight of Vin staring lovingly at her made her heart flutter again and again. Hinding-hindi siya magsasawa sa presensya ni Vin. Kung pwede nga lang sana ay araw-araw ay ito ang una niyang makikita pagkagising niya pero it's too early for that. Tulad na lamang ng kasal.




"Seryoso ka ba diyan?" natatawang tanong niya kay Vin.



Ngumiti ito sakanya at hinalikan siya sa noo. "Yes, I'm serious. Naaalala mo iyong sinabi ko sa'yo noon? The moment those three words would come out from your mouth ay agad na pakakasalan kita."



Napatanga lang siya kay Vin. Naaalala niya iyong araw na sinabi nito iyon. Akala nga lang niya ay nagbibiro ito, hindi naman niya aakalain na tototohanin nito iyon.



"Vin, kakaamin ko lang sa'yo na mahal kita. Hindi ba parang maaga pa para sa kasal?"




"I'm just asking you, Erin. It's okay of you decline it." nakangiting sagot ni Vin.




Bigla naman siyang na-guilty. Alam niyang nalungkot si Vin sa pagtanggi niya. Pero kasi, ibang usapan na ang kasal. Nakakaloka lang iyon. Kasal? Agad-agad?




Hinaplos niya ang pisngi ni Vin. "Huwag tayo magmadali. Iparanas mo naman muna sa'kin ang buhay ng pagiging official girlfriend mo."




"Girlfriend na kita? Ibig sabihin, sinasagot mo na ako?" gulat na tanong sakanya ni Vin. Napaupo pa ito.




Natatawang inirapan niya ito. Maski siya ay tumayo at kumandong paharap rito. Yumakap siya sa leeg nito. "Let's see, I confessed that I love you last night and we almost ha sex. Hindi pa ba sagot iyon para sa'yo?"




Naramdaman niyang pumalibot ang mga matitipunong bisig ni Vin sa bewang niya. "I wanna hear it from you."



Nakagat niya ang labi niya. Hindi naman kasi siya vocal katulad ni Vin eh at alam iyon ng lalaki na ito!




"Understood mo na iyon!" maktol niya.




Natawa si Vin sa inasal niya. "I know, but still iba parin kapag sinabi mo mismo."




Huminga siya ng malalim at diretsong tinitigan si Vin. "Yes, sinasagot na kita Vicente Fortez. Girlfriend mo na ako at boyfriend na kita kaya tigil-tigilan mo ang pagiging mabait sa ibang babae dahil magseselos ako. I love you kaya pwede bang halikan mo na ako?"




Malakas na napatawa si Vin sa mga sinabi niya. "Damn! You are so hot when you're being possesive. I love you too, Erin."




Pagkatapos sabihin nun ay hinalikan na siya ni Vin sa labi.


-----------



Kanina pa nakatanga ang buong barkada sa magkahugpong kamay nila ni Vin. Pinatext kasi niya si Vin sa barkada na magkita sila sa restaurant ni Jeremiah na official tambayan nila.




Nahuli sila ng dating ni Vin dahil dumaan muna sila sa bakeshop para bumili ng cake. Pagkarating nila sa loob ng private room sa restaurant ni Jeremiah, naabutan nilang masayang nagtatawanan ang mga ito hanggang sa matigil iyon nang bumaling ang mga ito sakanila.




Unang nakabawi si Mitch. "Ah, ibig bang sabihin ng holding hands while standing ninyo ay kayo na?"




Itinaas ni Vin ang magkahugpong kamay nila at hinalikan ang likod ng palad niya. "Yes, finally. Nabihag ko na rin ang puso ni Erin." sagot ni Vin habang nakatingin sakanya.




Malakas na umubo si Mico para makuha nito ang atensyon nila. "Medyo corny pare, pero ganyang talaga ang inlove. Congratulations!!!" sabay sigaw nito.




Isa-isa namang tumayo ang mga ito. Binati siya ng mga babae habang ang mga lalaki naman ay kinakantiyawan si Vin.




"Sa wakas! You finally admit it to yourself." sabi ni Adie.




"Medyo matagal, pero masaya ako na naamin ko narin." nahihiyang sabi niya.




Iyon ang sabi ng mga kaibigan niya. Na matagal niya na raw mahal si Vin at nabubulagan lang siya sa pagkakaibigan nila. Malay ba niyang totoo pala? Hindi naman niya aakalaing maaamin niya sa sarili na mahal niya nga si Vin.




"So, kailan ang kasal?" nakangising tanong ni Ellaine.




"Matagal pa, ano. Kakasagot ko pa nga lang kay Vin." sagot niya sa kaibigan.


Niyakap siya ni Colyn. "We're happy for you, Erin."



Nginitian niya ang mga kaibigan at nagpasalamat. Malaki ang naging tulong nila para ma-realize niya ang totoong nararamdaman para kay Vin.


Masaya rin siyang binati ng mga lalaki at sabay-sabay silang nag-lunch. Masaya silang nagtatawanan lalo na nung nag-asaran sila Jeremiah at Mico.



"Hindi pare, mas gwapo ako sa'yo!" sabi ni Mico. "Hindi ba, sweetie?"

Natatawa namang hinalikan ni Ellaine si Mico sa labi. "Oo naman. Ikaw ang pinakagwapong magsasaka na nakilala ko."



Mas lalong napatawa si Jeremiah. "Hanggang magsasaka lang ang kagwapuhan mo! Mas gwapo ako sa'yo, pare. Tanggapin mo na."



"At bakit?" mataray na tanong ni Mico.



"Kasi magkakaanak ulit ako." proud na deklara ni Jeremiah.



Napatigil silang lahat sa pagkain at nabaling ang atensyon nila sa mag-asawang Santillan.



"Buntis ka?" bulalas niya sabay tingin kay Colyn.



"Kailan pa?" sunod na tanong ni Ellaine.


"Pucha pare! Naka-shoot ka nanaman?!" sigaw ni Mico sabay palo sa balikat ni Jeremiah.



"Three weeks na akong buntis. Si Je kasi, ayaw akong tigilan." sabi ni Colyn.



"Wow! Naunahan niyo pa kami. Tina-try rin naming makabuo ulit eh." sabi ni Mitch.



"Tayo, love? Kailan tayo ulit bubuo?" narinig niyang bulong ni Marco kay Adie.


Napatawa nalang siya. Masaya siya sa mga kaibigan. Nakikita naman niyang masasaya ito sa kani-kanilang pamilya. Kung tutuusin, dapat narin siyang magkapamilya pero ayaw naman niyang madaliin. Darating din siya diyan.


----------

Katatapos lang ng lunch date nila kasama ang barkada nang maisipan na nilang magsiuwi na. Pabalik na siya sa café dahil ayaw niya pang umuwi, tsaka kawawa naman ang kaisa-isang business niya kung hindi niya pa matutukan.



"Erin.."


"Oh?" tanong niya habang naglalaro sa phone ni Vin ng piano tiles. Naisipan niya na i-download din ito pagkauwi niya.



"Sa bahay tayo mag-dinner ah?"


Napalingon siya kay Vin sandali tapos ay napamura siya nang ma-tap niya ang white tile. Natalo tuloy siya nasa five hundred narin ang score niya.



"Ano ulit iyon?" tanong niya ulit.


"Sabi ko sa bahay tayo mag-dinner mamaya."



"Bakit?"



"Gusto kong ipakilala ang girlfriend ko sa pamilya ko." sabi nito tapos ay hinawakan ang kamay niya ng mahigpit.



Kinagat niya ang labi para pigilang mapasigaw. Grabe na talaga ang kilig niya sa mga ginagawa ni Vin. Hindi na niya kaya. Sabi nga ng barkada nila, kulang nalang raw ay langgam sa sobrang sweet nilang dalawa.



"Sige, namimiss ko narin sila Tito't tita pati na si Vai."



Napailing si Vin. "Nakikinita ko na ang mangyayari mamayang gabi."



Natawa naman siya. "Bakit?"



"Alam mo namang inlove sa'yo ang kapatid kong iyon."



Mas lalong napalakas ang tawa niya. "Strict ka kasi sa kapatid mo." pisil niya sa pisngi ni Vin.


Hindi na ito nakasagot pa dahil narating na nila ang café niya. Bumaba na siya ng kotse nito. Dinungaw niya si Vin sa loob ng kotse.


"Susunduin mo ba ako, o ako nalang pupunta sa bahay niyo?" tanong niya.



Napasimangot naman si Vin. "Ano ka ba? Of course I'll pick you up. Silly. I'll be here at exactly six-thirty. Dadaan lang talaga ako sa opisina saglit."



Hinalikan niya si Vin sa labi. "Ayos lang, ano ka ba. Sige na, ingat ka."



"I love you, Erin."


Napangiti ulit siya nang sabihin ni Vin iyon. Grabe, para siyang teenager na ngayon lang nagka-boyfriend.



"I love you too."


---------------

Short update. Sweet nila no? There's more to come. :)

Sa mga nagtatanong, hanggang 40 chapters lang po ito.

Vote and Comment.
Follow me! @kendeyss

Continue Reading

You'll Also Like

388K 2.4K 5
Katerina Torres, sole heiress to one of the richest businessmen in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec...
5.3M 136K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
864K 28.3K 19
"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboratio...
3.6M 63.2K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...