It Might Be You [Fin]

By YGDara

3.2M 62.1K 4.4K

Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's... More

It Might Be You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Message
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-four
Thirty-five [1]
Thirty-five [2]
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue

Thirty-three

61.6K 1.5K 103
By YGDara

Magkahawak-kamay naglalakad sina Vin at Erin papunta sa unit ng huli. Tahimik lang nila tinungo ang unit ni Erin. Pakiramdam ni Erin ay nasa may ulap siya nang panahong ito, kahit na walang nagsasalita sakanila ni Vin ay hindi awkward para sakanya. Ang mahigpit na hawak ni Vin sa kamay niya ay nagpapadagdag lang ng lakas ng loob para sa sasabihin niya.






"So, I'll see you tomorrow?" nag-aalangang tanong ni Vin sakanya.



She smiled at him. "Oo naman."



Vin sighed and caressed her cheek. "Promise me you'll never avoid me again."




Hinawakan niya ang kamay ni Vin na nasa pisngi niya at dinama ang mainit na pala nito. "Promise, hindi na. Basta, promise me too, huwag ka nang lumapit kay Leila."




"She's just a friend."



"She likes you."



"Hindi naman siguro, gusto niya lang talaga makabawi sa ginawa kong pagliligtas sakanya."




She sighed. Ito ang mahirap kay Vin eh. He always denies the fact that girls kept oogling to him. Patay-malisya ito. "Ako na nagsasabi Vin, may gusto sa'yo iyong babaeng iyon. Please, huwag ka nang lumapit sakanya."





Mahigpit na niyakap siya ni Vin. Mabuti nalang at wala ng tao sa hall ng floor niya dahil narin madaling-araw na, kaya naman malaya silang mag-PDA ni Vin sa labas.



"If that's what you want. Sige, iiwasan ko si Leila as long as hindi ka na iiwas sa'kin."





Ipinalibot niya rin ang mga braso sa bewang ni Vin at mahigpit din itong niyakap. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito at sinamyo ang mabango nitong amoy. "Thank you."




Naramdaman niyang hinalikan siya ni Vin sa tuktok ng kanyang ulo. "Nagseselos ba ang reyna ko?"




"Why do you keep calling me your queen?" takang tanong niya rito.


Kanina pa kasi niya napapansing madalas siyang sinasabihan ni Vin na reyna daw siya nito. Ayaw niyang mag-assume, pero sa tingin niya ata ay ito ang endearment ni Vin sakanya. Kung sakali man siya ay may endearment din dito, tatawagin niya itong hari?



Yuck! Ang corny kapag siya ang gumagawa pero hindi niya ikakailang kinikilig siya sa pagtawag nito sakanyang reyna.



"Because you're my queen." tinapik pa ng daliri nito ang tungki ng kanyang ilong. "I'll treat you like my iwn royalty, I'll respect you at anda akong sundin kahit ano'ng ipag-utos mo just to show you how much I love you."




Nakagat ni Erin ang ibabang labi nang sinasabi ni Vin sa harap niya mismo ang mga salitang iyon. Mataman itong nakatingin sakanya na para bang handa talaga nito gawin ang mga nasabi. She really can see his sincerity, all his efforts just to prove to her that he loves her and she's happy that he's still here, beside her.




"So, uulitin ko. Nagseselos ba ang reyna ko?" mapanudyong tanong ni Vin.



Natawa siya sa inakto nito. "Oo, nagseselos talaga ako, hindi lang kay Leila kundi sa lahat ng babaeng hinahayaan mong lumapit sa'yo." nagtatampong sagot niya.




"Alam mo namang hindi ko sila maitaboy dahil nakakabastos naman iyon, 'di ba?"




Napapalatak siya. Iyon nga ang ikinaiinis niya eh. Minsan sana hiniling niya na sana kaugali nalang ni Vin si Marco na walang kahirap-hirap na magtaboy ng babae. Pero hindi eh, her Vin is a pure gentleman. Gaya nga ng sabi ng mga babaeng nahuhumaling kay Vin, ito iyong lalaking proud na ipakilala sa pamilya.




Pero lingid sa kanilang kaalaman na hindi perpektong lalaki si Vin. Hindi nila alam na may pagka-arogante ito katulad ng mga kaibigan nito. Hindi nila alam na takot sa ahas si Vin dahil nakakadiri daw ang balat nito. Hindi nila alam na malakas mang-asar ito na tipong titigil lang kapag paiyak ka na.




Those were just few things they don't know about Vin. At gusto niyang ipamukha sa mga babaeng naghahabol rito na siya lang ang babaeng may alam nun bukod sa mommy nito at kay Vaileen.



Si Vin na ang nagbukas ng unit niya at hinila na siya papasok sa loob. Umupo ito sa couch niya at sumunod naman din siya rito. Kusang umakbay ito sakanya at sumandal naman siya rito.




"Vin..."



"Hmm?"



"Sabi mo reyna mo ako, 'di ba?"




"Oo, bakit ayaw mo ba?" tanong sakanya ni Vin.



Iniangat niya ang ulo at tinignan ito. "Sabi mo, susundin mo lahat ng iutos ko. May iuutos sana ako sa'yo, gagawin mo ba?"




Hinawi ni Vin ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya. "Oo naman, maski ano pa iyan."




"Please tell me you love me."



Mukhang nagulat si Vin sa biglaang pagsasalita niya dahil matagal siya nito tinitigan bago natauhan. Sa huli'y ngumiti ito. "Erin, you know I'll say it to you everytime kahit na hindi mo ako utusan."





"I know... kaya lang gusto kong sabihin mo sa'kin ngayon."




Sandaling tinitigan siya ni Vin. Ang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. Ramdam niya ang mabilis na paghinga nito. Maya-maya lang ay ngumiti ito at mataman siyang tinitigan ulit.




"Ellene Rae Romualdez, mahal na mahal kita."




Ilang beses na ba niya iyon narinig mula rito? Ang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing naririnig niya ang mga katagang iyon galing mismo sa labi ni Vin. Para siyang idinuduyan at para siyang kinikiliti sa sobrang kilig na nadarama niya.



"Mahal din kita, Vin." sa wakas ay sabi niya rito.



Napaatras ang mukha ni Vin. Kung ayos lang sana na tumawa sa puntong ito ay gagawin niya. Nakakatawa ang itsura nito, his eyes are wide open and his mouth is hanging open too. Bukas-sara ang bibig nito na animo'y may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi.




"May isa pa sana akong iuutos." sabi niya.




Hindi parin nagsasalita si Vin, kaya naman sinabi na niya ang iuutos niya rito.





"Kiss me."


-------------


"May isa pa sana akong iuutos." sabi sakanya ni Erin.




Hindi makasagot si Vin sa sinabi nito. He was taken aback because of what she just said.



Totoo ba ang mga narinig niya? Mahal siya ni Erin? Hindi kaya pinaglalaruan lang siya ng mga tenga niya at pinapaasa lang siya?




Hindi niya mahanap ang mga salita na gusto niyang sabihin. Para siyang tinakasan ng boses dahil hindi siya makasagot kay Erin. Kung tama nga ang narinig niya na mahal siya ni Erin ay sobrang saya niya! Ilang taon niya ring inasam na mangyari ang bagay na ito. He dreamed for Erin to say those words to him, and now that it happened a while ago, he is happy and overwhelmed by the feelings enveloping him.




Akala niya wala nang mas titindi pa sa sinabi ni Erin, pero may sinabi pa ito na mas lalong nagpayanig ng buong sistema niya.





"Kiss me."





Walang pag-aatubiling kinabig niya ang ulo ng dalaga at marubdob na hinalikan ito. Kahit man lang sa halik ay maparamdam niya ang mga gusto niyang sabihin dito na hindi magawa ng bibig niya. The taste of Erin's lips is like a sweet orange that he just can't forget.



Naramdaman niyang mas lalong inilapit ni Erin ang sarili sakanya kaya naman ay binuhat niya ito paupo sa kandungan niya. She is now straddling him. His hand is on her waist, while the other one is holding her nape.



Nang parehas na silang kapusan ng hininga ay sabay silang kumalas sa halik. Idinikit niya ang noo sa noo nito. Pinagmasdan niya si Erin na nakapikit habang hinihingal. Napangiti siyang muli nang maalala ang sinabi nito.



Hinalikan niya ito ng mabilis sa labi. "Can you say it again?" halos pabulong na pakiusap niya.





Sa wakas ay dumilat na ang mga mata nito at tignan siya. Kahit na magkanda-duling siya sa lapit ng mga mukha nila ay wala siyang pakielam basta ba masilayan niya ng ganito kalapit si Erin.




"What? Kiss me?" nakangiting sagot ni Erin.





He chuckled at what she said. "Do you want to kiss me again?"





Imbis na sagutin siya ay si Erin na mismo ang naglapat sa mga labi nila at katulad ng kanina ay hindi na rin siya nakapagpigil. Basta ba pagdating kay Erin ay tila ba'y nawawala siya sa sarili. Bago pa lumalim ang kanilang paghahalikan ay lumayo ng kaunti si Erin sakanya.






"I love you, Vicente Fortez." she murmured on his lips before kissing him again.



Huminga siya nang malalim. All the waiting has paid off. He's madly inlove with Erin and now she loves him too. Siya na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo, and also he feels like he's the luckiest man on Earth. Having Erin in his arms felt like he just won a lottery. But Erin's worth is nothing like a prize of a lottery. Walang katumbas ang halaga nito. Because for him, nag-iisa lang si Erin.



"I love you Erin, so much."

--------------

Thank God! Graduate na silang dalawa! Magpalakpakan at hindi na torpe si Vin, hindi na denial si Erin!

Vote and Comment please!
Follow me @kendeyss (Twitter and Instagram) :)))

Continue Reading

You'll Also Like

501K 20.8K 21
"Fear the cold and crave the burn." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#9: Playing wi...
2.8M 70.6K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
6.1M 145K 54
Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglalaruan mo!?