The Cold Princess of Ainabrid...

By paraiso_neo

520K 13.6K 338

(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave o... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17 (Special Chapter)
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 - Birthday Special 1
Kabanata 31 - Birthday Special 2
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1
Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Author's Note
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
ANNOUNCEMENT 101
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79 - The Ending
Hi Fellows Readers.
OTHER UPCOMING STORIES
SURPRISE

Kabanata 32 - Birthday Special 3

5.7K 143 1
By paraiso_neo

Brilyante ng tubig at katwiran

CHRISTIAN

Nagulat kaming lahat ng biglang lumiwanag si Criszette.

"Eto na ang pinakahihintay ng lahat tama nga ang kutob ko." rinig kong bulong ni Headmistress Grace.

"Ina nangyayari na naman. The History Repeat itself." rinig ko namang sabi ni Mika.

Napatingin ulit ako kay Criszette na ngayo'y pinapalibutan na ng apat na elemento ng kalikasan na una naming nasaksihan noon.

"Diba yan yung nakita noon sakanya na apat na elemento." tanong ni Joshua sa gilid ko.

"Batid kong ayan nga yun." rinig kong sagot ni Serena.

Unti-unting nilalamon si Criszette ng apat na elemento.Ang kanyang buhok ay kusang nagponytail. Nakita ko ang palad niyang nakabukas.

Brilyante?

Paano nagkaroon si Criszette nan?

Kaya napatingin ako sa malaking orasan.

Alas-dose na pala.

Teka? Narinig ko na yung gantong pangyayari eh.

Ang Reyna Jasmine.

Base sa kwento ni Mommy ay noong nagdiwang ng ika-disiotso si Reyna Jasmine ay sa bulwagan daw ito ginanap nagulat daw sila ng sa ganap ng alas-dose ay biglang nagliwanag ito tulad ng nangyayari ngayon kay Criszette. Katulad ng Reyna ay nagising din ang brilyante nito sa loob nito.

"Jaheyo brilyante ng tubig at katuwiran." rinig kong sabi ni Criszette.

"Anong nangyayari kay Criszette?" kinakabahang tanong ni Stacey.

Lahat kami titig na titig kay Criszette na unti-unting nagbabago ang katawan niya.

Mas lalo siyang tumangkad.

Ang dating mahabang buhok ay medyo umikli.Nanatiling kulot ang dulo nito.

"Mishida brilyante ng tubig at katuwiran ngayong hawak na kita ipinapangako kong aalagaan kita at di pababayaan." rinig naming sambit ni Criszette. Nakapikit siya.

"Bakit nasa kanya ang brilyante ng tubig at katuwiran." rinig kong bulong ni Miguel.

Patuloy parin sa pagliliwanag si Criszette. Kaya halos di nanamin makita ang isa't isa dito sa bulwagan dahil sinakop na din ng liwanag ang bulwagan.

"Ina ngayon na." rinig kong sambit ni Prof.Mika.

"Tara na Mika ayokong maulit nanaman." sagot ng Headmistress narinig ko nalang ang yabag ng paa nila na papalayo.

Ano ba talagang nangyayari sa kapatid ko?

Ano ba talaga siya?

Bakit may brilyante siya?

Can someone fucking tell me what happened?

Naiinis ako dahil wala akong magawa kundi titigan lang siya.

Pero bigla kong naalala ang brilyanteng hawak ko. Maaari ko tong magamit. Wala namang makakita dahil nga sa liwanag na nagmumula kay Criszette.

Kaya pumikit ako at bumulong.

"Brilyante ng puno at halaman nagsusumamo ako wag niyo hayaan si Criszette batid kong nahihirapan na siya. Mishida brilyante ng Amiandre na nasa pangangalaga ni Prinsipe Christian."

Sambit ko sa aking isip dahil ayokong marinig ng mga kasama ko tsaka dahan-dahang binuklat ang palad at lumabas ang brilyante.

"Nagsusumamo rin akong pakalmahin mo ang apat na elementong pumapalibot kay Criszette."

Umalis ito saking palad at nagtungo kay Criszette unti-unting nawala ang apat na elemento batid kong napakalma na ito ng brilyante ko.

Nagsama-sama ang apat na elemento at pumasok sa katawan ni Criszette dahilan para mapatili siya.

Maya-maya pa'y bumalik na sa palad ko ang brilyante ko kaya daglian ko itong isinara.

Tumingin ulit ako kay Criszette na kasalukuyang lumulutang pa din sa ere habang nakabukas ang palad niya.

Dahil patuloy pa rin sa pagbabago ang kanyang katawan.

(Mishida - Akin)

Wala kahit sinong makaalis sa kanila-kanilang puwesto dahil sa nangyayari.

Maya-maya pa lahat kami ay nagulat ng sumigaw at pumalirit si Criszette.

Dahil unti-unting may umuusbong na kung ano sa likod niya.

Pakpak?

Kulay Violet siya na may mix colored na white. Kaya angganda sa paningin.

Pero paanong nagkaroon si Criszette nito. Bigla nalang siyang bumagsak at nawala ang liwanag na bumabalot sa kanya.

At ang kaninang umusbong na pakpak ay unti-unting nawala.

"Z-zette." tanging sambit ko tsaka nanakbo papalapit sakanya.

JASMINE

"Cedusaaaaa!" sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon.

Jewel?

Di ko alam kung anong meron at napanaginipan ko siya. Bigla ako nakaramdam ng kaba at takot.

May nangyari kaya sakanila nila Shami.

Sana naman wala.Dahil di ko alam magagawa ko pagnagkataon.

"Ina ayos ka lang." nagulat ako sa biglang pagsulpot ng bunso kong anak.

"Napanaginipan ko ang Ate mo." malungkot na sabi ko sakanya.

"Oo nga pala Ina kaarawan niya ngayon. At ngayon ang araw na magigising ang brilyante sakanya."

Oo nga pala.Kaarawan niya ngayon.

"Gusto mo sumama anak sa pagdalaw bukas sa mundo ng mga tao ichecheck natin kalagayan ng Ate mo." sabi ko sakanya.

"Ina kailangan ako ng mga miandre dahil inutusan ako ni Tita Gems.Na magtungo sa maliit na baryo ng Amiandre."

Bigla akong nalungkot. May tungkulin nga pala siya sa Amiandre.

"Ay ganun ba." malungkot na sabi ko.

"Wag ka na malungkot Ina. Kung maaga ako matapos bukas ay susunod ako." nakangiting sabi niya.

"Sabi mo yan ha. Sige na makakaalis kana. Baka may makakita pa satin." sabi ko kaya tumango siya. Pero bago siya umalis lumapit siya sakin at hinalikan ang pisngi ko.

"Mag-iingat ka dito Ina.Hanggang sa muli." sabi niya tsaka naglaho na.

Malungkot kong ibinagsak ang balikat ko.

Bakit kailangan ganto ang maging sitwasyon ng pamilya ko?

Bakit kailangan ganto?

Si Renxo ay nasa Britania ang kaharian ng mga diwata. Isang hari ng mga diwata si Renxo at siya din ang Ama ng aking mga anak.

Yung bunso kong anak nasa Amiandre sa pangangalaga ni Gems ang kapatid ni Shami.

Yung panganay ko nasa pangangalaga ni Shami sa mga mundo ng mga tao.

Hys. Kailan ba matatapos lahat ng to?

Hihiga na sana ako ng makita ang isang papalapit na liwanag.

Senyales na may nagmamay-ari na ng tubig at katuwiran.

Kinabahan ako.At nakaramdam ng  takot dahil isa lang ibig sabihin nandito lang sa malapit ang anak ko at wala na siya sa mundo ng mga tao.

Kung ganun nasaan siya?

Nasaan si Jewel?

Unti-unting lumapit sakin ito ay may ibinulong.

"Nandito na ang anak mo. Nandito na ang panganay na sandiwa ang nakatakdang tatapos kay Israel."

Cedusaaa! Hindi maaari. Kailangan ko siyang mahanap.

Pero saan? Masyadong malaki ang Normsantadia saan ko siya hahanapin?

"Hanapin mo siya mahal na reyna. Hanapin mo siya. Nasa malapit lang siya."

Talagang hahanapin ko siya?

Jewel wag kang mag-aalala hahanapin kita kahit ano pang mangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

86.7K 2.9K 34
She is Andrea Gail Chezzron: She is powerful A very powerful to be exact She is powerful because she is a Goddess Empress. Chezzians thought she is l...
25.2K 701 44
Under editing revision A modern story of a lost princess. A girl living in a dream. Luxurious life, fame and money. Never thought of being responsibl...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
292K 9.2K 43
What will happen if you are brought to a new different world?