The Cold Princess of Ainabrid...

By paraiso_neo

520K 13.6K 338

(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave o... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17 (Special Chapter)
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31 - Birthday Special 2
Kabanata 32 - Birthday Special 3
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1
Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Author's Note
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
ANNOUNCEMENT 101
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79 - The Ending
Hi Fellows Readers.
OTHER UPCOMING STORIES
SURPRISE

Kabanata 30 - Birthday Special 1

6.5K 146 3
By paraiso_neo

History Regain and Secret Keeps

CRISZETTE

Sa pagmulat ng mata tumama sakin ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwartong ito.

Maligayang Kaarawan Criszette!

Nakangiti akong bumangon at humarap sa salamin. Napangiti ng mapait. Ito ang kauna-unahang pagdiriwang ng aking kaarawan na wala ang aking Ina. Maging si Kuya Christian. Tanging sarili ko lang kasama ko.

Pinagmasdan ko ang kulot na dulo ng aking Violet na buhok.

"Criszette ngayong mag-isa ka nalang kailangan mo maging matatag. Maligayang kaarawan." sabi ko tsaka umalis sa harap ng salamin at lumabas ng kwarto ko nakita ko si Stacey na animo'y abala at di maiistorbo ng kahit sino.

Parang di niya nga napansin na dumating ako at umupo sa harap niya.

Stacey?

Nalungkot ako ng tila di niya naalala ang kaarawan ko.

Siguro nga nakalimutan na nila lahat.

Malungkot akong tumayo at nilisan ang kwarto at dumeretso sa garden at nagmuni-muni.

"Maligayang Kaarawan Criszette tumatanda ka na. At ngayo'y kailangan mo maging matapang at malakas." sabi ko tsaka pinagmasdan ang mga ulap at liwanag na nagmumula sa kalangitan.

Pagkatapos ay tumayo ako at tumungo sa klase.

"Akin ngayong ituturo ang limang brilyante na meron dito sa Four A's batid kong alam niyo na ang apat na Four A's kaya gusto ko ipakilala sa inyo ang lima na brilyante. Ang una ay ang brilyante ng Amiandre ang brilyante ng puno at halaman ay hawak ng Amiandre." nakangiting sabi ng Prof.

Amiandre? Yun yung sinabi sakin ni Keiron nung isang araw ata.

"Ang sumunod naman ay ang brilyanteng hawak ng Aegisfling ang brilyante ng apoy at paghihinagpis."

Aegisfling?

"Ang sumunod naman ay ang brilyanteng hawak ng Amians ang brilyante ng hangin at kasiyahan. Dahil ang mga Amians ay lubos na masiyahin kaya di sila sinasakop ng Zaynadarks dahil di nila matalo ang taglay na lakas ng kasiyahan."

So ganun kalakas ang kaharian na yun? Amians uhm.

"At syempre di papahuli ang kaharian ng Ainabridge sa pagkakaalam ko ay di ito hawak ng reyna dahil iniwan ito sa kanyang anak na matagal ng itinatago ng kanyang ina dahil wala kahit sino mang nakakaalam kung nasaan ang prinsesa. At ang brilyanteng ito'y kanyang lang mapapalabas sa pagtungtong niya ng edad na disiotso sa ganap na alas-dose ng gabi sa kanyang kaarawan." sabi niya samin.

Napaisip ako.

Eto ba yung sinasabi sakin ng mga taong nakakasalamuha ko sa panaginip na prinsesa.

Ang Prinsesa Jewel.

"Ngunit bakit may ikalima kung apat lamang ang kaharian." tanong ni Coleen kay Prof.

"Ang ikalimang brilyante ay hawak din ng Ainabridge kaya ganun nalang ang kagustuhan ng Zaynadarks na kunin ito. Ang dalawang brilyanteng hawak ng Ainabridge ay ang brilyante ng lupa at kabutihan at ang isa pang brilyante ay ang brilyante ng tubig at katuwiran."

"Kung ganun na kanino ang isa pang brilyante." tanong ni Joshua.

"Ang isa ay nasa bunsong anak ng Reyna na wala din nakakaalam kung anong wangis at itsura nito dahil inilayo din siya sa kaharian ng kanyang ina dahil batid niyang ito'y hahanapin ni Israel ang hari ng Zaynadarks."

Kung ganun may kapatid ang Prinsesa Jewel? Kung ganun sino siya?

"Ang lalim ata ng iniisip mo." bulong ni Stacey sakin. Kaya napatingin ako napatango.

"Noon kasi madalas sa panaginip ko ang Prinsesa Jewel na tinutukoy nila. Pero ako ang tinatawag na Jewel nung Israel na yun." ani ko.

"Nakita mo na si Israel." tanong niya sakin.

"Oo at lubhang napakapangit niya."

Kaya natawa si Stacey. Ang pangit kaya niya sobra.

"Pero ang pinagtataka ko Safra bakit tinawag ka niyang Jewel."

Napaisip din ako.

"Ang mga brilyanteng ito ay pinaghiwalay ni Cassandra ang diwatang tunay na nagmamay-ari nito bago siya bawian ng buhay." dugtong ng Prof.

"Ngunit bakit wala sakin ng aking kapatid ang brilyante ng Aegisfling." nagtatakang tanong ni Serena.

"Batid kong wala pang napipili ang brilyante ng apoy at paghihinagpis sa inyong dalawa. Batid kong hawak pa ito ng inyong ina." sabi niya kaya napatango nalang si Serena.

"Batid kong ganun din samin ng kakambal ko. Wala pang napipili ang brilyante ng hangin at kasiyahan. Dahil hawak pa ito ng aming ina." sambit naman ni Jarret.

Nakalimutan kong prinsesa at prinsipe pala itong mga ito.

"Pero ang ipinagtataka namin ay kahapon ay narinig namin ang pagtangis ng brilyante ng puno at halaman. Diba walang anak ang hari ng Amiandre." nakakunot noong sambit ni Miguel.

"At ang mas nakakagulat ay pagsambit niya ng pangalan ni Stacey." dugtong naman ni Jameson.

Sana nagkakamali lang ako ng kutob. Sana mali ako.

"Batid naming nanalangin siya." nagulat kami sa pagsasalita ni Andrei sa wakas naisipan magsalita nito.

Ginagaya ako.

"Siguro'y may anak ang hari ngunit tulad ng Ainabridge ay itinatago niya ito. Akin ding narinig ang pagtangis nito kahapon. Kaya nagulat kami ng marinig ang pangalan ni Stacey." nagtataka na rin ang Professor.

"Batid kong labis siyang nasasaktan at ginawa niyang karamay ang brilyante ng halaman at puno." dugtong pa niya.

"Narinig mo ba yung kahapon Criszette." tanong ni Stacey sakin.

"Hindi eh dahil muli akong bumalik sa training room at nagensayo." sagot ko sakanya.

Dahil ang training room na iyo ay di makakarinig ng kung ano mang pagtangis ng brilyante dahil malakas ang harang at proteksyon nito.

"Oo nga pala." napakamot sa ulo si Stacey.

Nagpatuloy sa pagdidiscuss ang Prof. ngunit may isang bagay na gumugulo sa isip ko.

Princess Jewel.

Pagkatapos ng klase ay dumeretso na ko sa training room. Dito ko nalang siguro icecelebrate ang kaarawan ko.

Maligayang Kaarawan talaga Criszette!

Ngunit napaupo ako sa gilid ng training room. Wala ako sa tamang kondisyon para magtraining dahil nanghihina ang puso ko at isip.

Baka mapahamak lang ako pagnagkataon.

KEIRON

Di ako sanay na ganun siya kalungkot. Makikita mo kasi agad ang emosyon ni Criszette. Mula kaninang umaga ay puno ng kalungkutan ang aura niya.

"Nakokonsensya ako. Ang lungkot lungkot ni Criszette." sabi ni Stacey at napahugot ng malalim na hininga.

Kasalukuyan kaming nasa canteen para kumain. Hindi sumama si Safra dahil magtetraining daw siya.

"Hayaan mo muna bal mamaya ay magiging okay na siya pagnasakatuparan na natin ang inihanda nating surpresa para sa kanya." nakangiting sabi ni Jameson sakanya.

"Teka nga nasaan si Christian kahapon ko pa siya di nakikita." tanong bigla ni Joshua.

Kamuntikan ng mawala sa isip ko si Christian. Nasaan na naman kaya yung kumag na yun?

"Nandiyan lang yan baka nagpapahangin ganun." sabi ni Miguel sakanila.

Nagulat kami ng biglang sumulpot si Christian.

"At bakit niyo ko hinahanap?" masungit na tanong nito. Tsaka dinukot ang cellphone sa bulsa niya at may kinontack na kung sino.

Ring.. Ringgg!

"Gabby." nakangiting sabi niya.

At ang di niya alam ay nakaloudspeaker ang cellphone niya kaya rinig namin.

"Christian kamusta ka na diyan?" rinig naming sagot nung babae.

"Okay lang ako ano ka ba naman Gabby. I miss you hayaan mo bibisitahin kita diyan sa susunod na mga araw." sagot niya sa babaeng kausap.

"Yiee talaga Christian pag yan talkshit sasapakin kita." may pagka amazona yung babae nakausap niya sa palagay ko.

"Hayaan mo Miss Gabriella Barreto magkakasama tayong muli." nakangiting sambit ni Christian tsaka binaba ang cellphone.

"G-Gabriella B-Barreto? Magkakilala kayo." biglang tanong ni Stacey.

"Yes Stacey nakilala ko siya nung minsang nagtungo ako sa mundo ng mga tao." sabi niya tsaka ibinaling samin ang atensyon.

"P-paanong --- ." di na naituloy ni Stacey ang dapat sanang sasabihin ng unahan siya ni Christian.

"So anong plano para sa kaarawan ng aking kapatid." nakangiting sabi niya.

"Ganto ang plano Christian mamayang gabi sa pagpatak ng alas-dose bago matapos ang gabi ay isang surpresa ang nakahanda para kay Criszette." sagot ni Miguel sakanya.

"At saan ito ipagdadaos." ani Christian.

"Sa bulwagan ng paaralan. Maging ang nakakataas ay naghanda rin." sagot naman ni Serena.

Dun ako nagtataka eh sobrang special naman ata ni Criszette maging nakakataas ay pinaghahandaan siya.

"Mabuti kung ganun. Pero bakit pati nakakataas ay naghahanda rin." nakakunot noong tanong ni Christian.

"Yun din ang di namin maintindihan Christian." sagot naman ni Coleen.

Sa totoo lang kahapon pa namin iniisip ang posibleng dahilan para sumali ang mga nakakataas ng paaralan.Pero bigo kaming malaman ang dahilan.

"Ang sagot ay mamaya niyo malalaman." isang tinig ang umalingawngaw na tanging kami lang ang nakarinig dahil mukhang di ito narinig ng ibang estudyante dito.

"Sino ka magpakilala ka." sigaw ni Joshua sa hangin.

Pero walang sumagot sa kanya.

"Magpakilala ka." sigaw naman ni Miguel.

Napakibit balikat na lang kami. Ng tumunog ang bell ay agad kaming bumalik sa klase. Nasa training ground kami ngayon pagdating namin dun ay nakita namin si Criszette na sinasanay ng professor namin.

"Criszette eto lang ba ang kaya mo." nakangising sabi ng prof. sakanya.

Ningisian lang siya ni Criszette.

"Madami pa akong kaya matabil na professor ngunit baka ika'y aking mapaslang pag sayo ko ito gamitin." walang emosyong sabi ni Criszette pero ramdam mo ang awtoridad nito.

"Ako ba ay iyong tinatakot binibini." ani Prof.

"Kusa kang natakot matabil na prof. di pa ba natin to tatapusin inaantay na ako ng barbeque ko." nakataas na kilay na sabi ni Criszette.

Kaya agad silang gumalaw pareha.

Napakaliksi ni Criszette bawat tama ng espada sa kanya ay di tumatama dahil agad niya itong nararamdaman.

"Neva Scorta." nakangising bangit niya sa spell at nilamon ng spell ang prof.

Agad siyang tumalikod at iniwan ito.

"Napakasutil talaga." rinig kong bulong ni Christian sa gilid.

Naiwan kaming nakatingin sa professor naming nilalamon ng spell na ginawa ni Criszette.

"Paano tayo magtetraining nan? Kung nasa ganyang sitwasyon ang ating guro." tanong ni Serena.

"Matagal pa yan makakabalik. Tara asikasuhin muna natin ang surpresa para kay Criszette." sabi ni Andrei at hinila si Serena paalis.

Tamo tong mokong na to.

"Uso magsalita Kei." bulong ni Miguel sakin.

"Walang rason para magsalita ako." sabi ko at iniwan siya. Nakita kong lumapit si Coleen sa kaniya.

Magbebreak din kayo.

Dumeretso kami sa bulwagan at isinaayos ang handaan para kay Criszette naabutan namin ang Headmistress at ang anak nito.

"Nandito pala kayo Headmistress." nakangiting sabi ni Christian.

"Buti naman naisipan mong magbalik." natatawang sabi ni Headmistress kay Christian.

"Oo naman po. Galing po kasi akong Amiandre." sabi niya. At ningitian lang siya ng headmistress.

Amiandre?

Anong ginagawa ni Christian dun?

"Kung ganun kamusta ang mahal na hari ng Amiandre." tanong ng headmistress.

"Nasa ayos naman po siya." tanging sagot ni Christian at binalingan ang mga katulong naming estudyante na nagsasaayos ng bulwagan.

"Bat kulay Rosas ang tema nito. Baka magwala yun." natatawang sabi ni Christian habang sinisipat ang paligid.

"Bakit ayaw ba ng kapatid mo sa Kulay Rosas." tanong ng headmistress.

"Siya ngang tunay Headmistress galit na galit siya sa Kulay Rosas."

"Kung ganun anong kulay ang ninanais ng iyong kapatid."

"Yung kulay ng buhok niya at uniform niya. Yun ang nais niya." natatawang sambit ni Christian.

"Violet." sabay-sabay na sambit ng mga kasama ko maliban sakin at kay Stacey.

"Oo nakakagulat ba hahaha. Ewan ko ba dun sa dinami dami ng kulay violet talaga gusto niya." paliwanag ni Christian.

Kaya pala nung unang beses na makita ko siya ay halos mahiya ang kulay violet sakanya.

Ms. Violet? Tsk!

"Kung ganun lumayo kayo sakin at babaguhin ko lang ang kulay." ani Headmistress.

Kaya agad kaming nagsilayuan sa kaniya.

"Niche Marta Violeta." rinig naming sabi ng Headmistress agad na nagbago ang kulay nito sa violet.

"Napakaganda." rinig kong bulong ni Serena.

"Tsk. Violet is in the air." natatawang sambit ni Stacey.

"Bumalik na kayo sa inyong mga silid kami na ang maghahanda ng bulwagan." sabi ng Headmistress kaya tumango kami bilang sagot.

"Masusunod mahal na Headmistress." sabay sabay na sagot namin tsaka isa isang umalis.

Kasama ko si Miguel at Coleen sa paglabas ng bulwagan.

"Kai wala ka ba talagang balak magsalita." tanong ni Miguel sakin.

"Wag mo na guluhin yan Miguel nagrereserve yan ng boses para mamaya." natatawang sabi ni Coleen.

Sinamaan ko sila ng tingin pareha.

"Wag nga ako pagtripan niyong magjowa kayo." sabi ko tsaka iniwan sila.

Narinig ko pang nagtawanan sila. Mga wala talagang magawa.

Headmistress Grace

Di ko mabatid ngunit parang mauulit ang nakaraan ang nangyari sa kaarawan ng ngayong reyna na si Jasmine ng Ainabridge at dun ako natatakot kaya pinagpasyahan ng konseho na bantayan ang piging na inihanda ng mga kaibigan niya para kay Criszette.

"Ina bakit tila ika'y balisa." tanong ni Mika sakin.

"Natatakot ako. Ayokong maulit yung nakita natin na nangyari kay Jasmine noon."

"Di natin hahayaang mangyari yun. Kahit di tayo sigurado na siya ang nawawalang anak ng ating reyna ay kailangan natin siyang protektahan dahil batid natin parehong lalabas ang kapangyarihan at magsisimulang magising ang brilyante at mafi sakanya." sabi ni Mika habang nakapangalumbaba sa table niya.

"Kaya sana maisakatuparan natin ito. Ayokong matunugan ito ni Israel. Balita ko'y ang bunsong anak ng reyna ang hinahanap niya ngayon." sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Oo di kami sigurado na siya nga ang nawawalang anak ng Reyna dahil ang tanging patunay lang namin ay ang wangis niya na halos kapareha ng reyna at ang lakas na taglay niya na tila naiiba sa mga estudyante dito.

Ng pumasok bigla ang imahe niya na walang emosyon, nakabusangot at di palasalita sa isip ko bigla nalang akong natawa.

"Oh Ina bakit natatawa ka diyan." nagtatakang tanong ni Mika.

"Nasaksihan mo ba kung paano niya kadaling natalo si Prof. Niña kanina." natatawang sabi ko. Oo nakita ko yun halos mapaupo ako sa sobrang tawa. At napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko dun si Prof. Niña na nakatayo pa din at mukhang di matakasan ang ilusyon na ginawa ni Criszette.

"Oo Ina. Akalain mong kinaya siya ni Criszette ng ganun kadali." natatawang sagot naman niya.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang sumulpot si Andrei.

Kaya natahimik kami ni Mika.

"Naistorbo ko ata kayo." bored na sabi niya.

Para talaga siyang si Criszette pero mas malala ang isang to.

"Di naman Andrei ano at napadalaw ka dito." tanong ni Mika sakanya.

Ramdam mo ang ilangan na namamagitan samin ni Andrei hys.

Bakit kasi nangyari pa yun noon?

"Pumunta lamang ako dito para sabihin sa inyong magsisimula na ang surpresa at kayo nalang ang inaantay." sabi niya tsaka tumalikod na.

Pero bago siya umalis hinawakan ko ang braso niya.

"Andrei." bigkas ko sa pangalan niya.

"Pwede bang bitawan mo ko. Baka di kita matantsya at makalimutan ko kung sino ka sa buhay ko." sabi niya tsaka pabalibag na inalis ang kamay ko sa braso niya.

Ganun na ba talaga siya katigas?

"Andrei." saway ni Mika sakanya.

Di siya pinansin ni Andrei at dali dali itong nagbigkas ng spell para maglaho.

Ng makaalis siya ay agad lumapit sakin si Mika.

"Napakatigas niya talaga Ina. Hayaan mo nalang muna siguro siya." sabi ni Mika at niyakap ako.

Kailan kaya kita muling mahahagkan?


Continue Reading

You'll Also Like

59.5K 2.2K 33
BOOK I || Missing Princesses Series She is the Center of the Elements. The Elemental Goddess. She is the powerful among them all. For she is the Powe...
THE UNKNOWN CITY By heroo

Mystery / Thriller

12K 540 66
Heide Renier, a normal lady who woke up in the different place where she can't even call it home. It's like...she woke up in different world. A plac...
219K 17.5K 116
Magmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng...
Codename Red By pynkiee

Mystery / Thriller

38.4K 1.3K 34
[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO