The Cold Princess of Ainabrid...

By paraiso_neo

519K 13.6K 338

(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave o... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17 (Special Chapter)
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30 - Birthday Special 1
Kabanata 31 - Birthday Special 2
Kabanata 32 - Birthday Special 3
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1
Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Author's Note
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
ANNOUNCEMENT 101
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79 - The Ending
Hi Fellows Readers.
OTHER UPCOMING STORIES
SURPRISE

Kabanata 29

6.2K 161 5
By paraiso_neo

CHRISTIAN

Nakahanda na ang lahat ako nalang ang hindi. Hindi dahil ayoko bumalik sa Ainabridge. Gusto ko nga dun ayoko nga umalis dun eh. May isang bagay lang ako naduduwag.
  
Ang muling pagkikita namin ni Stacey.

"Ano't narito ka pa?" sabi ni Jenica sakin. Ano't nandito na naman to.

Sa higit isang buwan na pamamalagi ko dito. Eh hindi talaga kami nagkasundo. At hindi talaga kami magkakasundo as in never.

"Pake mo." sabi ko habang inaasikaso ang mga dadalhin ko paalis.

"Tsk pasabi nalang kay Criszette happy birthday." sabi niya tsaka tumalikod. Pero bago siya tuluyang umalis muli siyang nagsalita. "Tsaka pasabi miss kona siya. Miss na siya ni Ina. Kahit malabong di niya magets gusto kong ipaabot ang katagang iyon." sabi niya tsaka tuluyan ng umalis.

Ina?

Ang weird talaga nun. Eh di nga siya kilala ni Criszette eh. Nagpatuloy nalang ako sa pagaayos ng gamit. Tsaka lumabas ng silid. Ng makasalubong ko si Ama.

"Christian magiingat ka sa pagbabalik ng Ainabridge." sabi niya tsaka tinapik ang balikat ko. "Nais kong makilala si Criszette. Ang iyong kapatid. Sana dumating ang panahon na makilala ko siya." sabi ni Ama kaya naman binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Ikaw din po Ama magingat ka dito sa Amiandre." sabi ko sakanya.

"Ngunit di ako mapakali nag-aalala ako sa iyong Ina." malungkot na sabi niya.

"Ama siguradong okay lang si Ina ngayon wag po kayong mag-aalala." sabi ko tsaka isinuot ang kapa.

"Azureyuersue." bigkas ko sa spell at bumukas ang lagusan papuntang Ainabridge. Bago ako tuluyang pumasok lumapit muna ako kay Ama at niyakap siya.

"Christian." biglang sulpot ni Jenica. Kaya nagtataka akong napatingin sakanya.

"Bakit nandito ka?" ani ko.

"May ipapadala sana akong sulat sayo. Pinapaabot ito para kay Criszette. Ibigay mo sa pagtungtong niya ng 19. At ipabasa."  nakangiting sabi niya. Nagtataka man ako eh inabot ko pa rin.

"Kanino galing ito?" nakakunot noong tanong ko.

"Di na mahalaga kung kanino galing ang mahalaga ay maiabot ito kay Criszette." sabi niya tsaka biglang tumalikod at unti-unting naglaho.

Napakibit balikat nalang ako tsaka lumapit nasa portal. Iwinagayway ko ang kamay ko upang magpaalam tsaka tuluyang pumasok sa lagusan.

Ainabridge Academy

It's nice to be back. Magsisimula na sana ako maglakad ng biglang nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Ng mabasa ko ang pangalan agad naman ako napangiti.

From: Gabby <3

Uy kamusta kana? I miss you.

Kung di niyo naitatanong madalas akong nasa mundo ng mga tao at dinadalawa si Gabby at guess what nililigawan ko na siya.

   Agad ako nagtipa ng mensahe.

To: Gabby <3

 I miss you too. Ikaw kamusta pag-aaral mo?

Nakangiti ko itong isinend tsaka nagsimula ng maglakad.

Ng makasalubong ko si Joshua. Ngiting-ngiti itong sinalubong ako at niyakap.

"Tengene pre nakakabakla man pero namiss kita. Takteng Ursula ka. Saan ka ba galing?" sigaw niya tsaka binatukan ako.

"Masyadong mahigpit yakap mo di ako makahinga takte bakla kaba?" nakakalokong tanong ko kaya agad siyang humiwalay.

Maya maya pa'y nagsulputan na ang iba.

Ngunit dalawang tao ang pumukaw ng aking atensyon.

"Buti naman at naisipan mong bumalik Ursula." nakangiting sabi niya.

Aaminin ko nandito pa rin lahat ng sakit. Nandito pa rin ang lahat pero di siya ang ipinunta ko dito dahil matagal ko ng tinapos ang kinukubling nararamdaman ko para sakanya.

"Christian maligayang pagbabalik." ani naman ni Jameson na kasalukuyang katabi niya. Eto na ba ang dapat kong makita at dapat kong harapin ang dahilan kung bakit kailangang ko umalis.

"Mamaya na tayo magusap pupuntahan ko pa ang aking kapatid." sabi ko tsaka tumalikod sa kanila at dun ikinubli ang sakit.

Masaya na talaga siya.

"Azureyuersue." sabi ko tsaka naglaho. Hindi ako dumeretso sa dorm ni Criszette sa halip ay sa sekretong at tagong lugar ng Ainabridge. Dito ako madalas tumambay nung nasa Amiandre ako.

Muling nagbalik saking isipan lahat mula umpisa kung paano nagkrus ang landas namin ni Stacey.

"Zette sino siya." duro ni Stacey sakin. Paslit pa lang sila pareha ni Criszette. Grade School kunbaga.

"Siya ang Kuya ko." bagamat ipinanganak ng walang emosyon ay walang gana niya akong ipinakilala kay Stacey. Dahil napakaingay at gulo ni Stacey ay kinulit niya ko ng ginulo. Grade 3 ako tapos sila ay Grade 2.

Canteen..

"Ursula sabi ni Tita ang pangit mo
daw." natatawang sabi niya sakin.

Si Stacey ay napakaganda at may mala rosas na kulay. Nakilala siya ng kapatid ko dahil magkaklase sila at di nagtagal nalaman naming magkakilala ang mga magulang namin kaya naging malapit din kami ni Stacey.

"Pogi kaya ako." nakabusangot na sagot ko sakanya.

"Ang ingay niyo." saway ni Criszette samin ni Stacey kasalukuyan siyang kumakain ng paborito niyang barbeque.

"Pogi your face." sabi ni Stacey at tinaasan pa ko ng kilay.

After 4 years..

Kasalukuyan na kong gagraduate ng Grade 6. Ng makita ko siyang umiiyak sa gilid. Kaya kahit nakatoga na ko ay nilapitan ko siya.

"Stacey ayos kalang." sabi ko at tinap ang ulo niya tsaka umupo sa tabi niya.

"Bakit ganun Ursula ayaw ni Jaydee sakin? Pangit ba ko." namumula na ang mata niya kaiiyak.

"Di ka pangit Stacey. Baka di lang siya yung para sayo ganun." sabi ko at iniharap siya sakin at pinunasan ang luha niya.

"Ganun ba yun." parang bata na tanong niya.

From that day alam kong gusto ko na siya at from that day tuwang-tuwa ako pagnakakapikon kami at si Criszette ang umaawat. Kasi sa bawat masasakit na salita na binibitawan namin sa isa't isa ay labis na kasiyahan ang idinudulot sakin nun.

"Oy ano bang ginagawa niyo diyan." biglang sulpot ni Criszette na may bitbit na barbeque. Kaya tumayo kaming dalawa ni Stacey.

"Salamat Ursula salamat." sabi niya at niyakap ako.

"Dalian niyo na nagiintay na si Mommy satin." sabi ni Criszette at tumalikod na at iniwan kami.

After another years at mas lalo pa kaming naging close ni Stacey mas nagmukha pa nga akong bestfriend ni Stacey kasi naman yung kapatid ko napaka-bato.

Nung maghigh school sila mas lumalim ang pagtingin kay Stacey. Nung 4th year high school sila ay madalas akong bumisita sa school nila. Kaya madalas kaming magkasama.

"Stacey wag kang magpapaligaw ha." sabi ko tsaka ningitian siya.

"Bakit naman? Ang bad mo talaga sakin ayaw mo talaga ako magkaroon ng boyfriend." sabi niya at hinampas ako.

"Kawawa kasi sayo magiging boyfriend mo napakatakaw mo kasi." biro ko sakanya.

"Pumunta ka lang ba dito para asarin ako." nakataas na kilay na tanong niya.

"Depende." sabi ko tsaka tumawa. Nakuntento kasi ako na walang aagaw sakanya. Nung naging sila kasi ni Jameson ay hindi ko alam yun dahil naging busy ako sa pagiging college. Naging kampante ako kaya di ko siya niligawan.

Eh di naman nagkwekwento si Criszette sakin kasi naman di naman palakwento yun.

At ngayon ko lang nalaman lahat.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang punong nasa harap ko. Matayog ito at di man ito nagalaw at may buhay ay ipinaparamdam nitong may karamay ka.

Ibinuka ko ang aking palad ko. At lumabas dito ang tanging prinsipe at prinsesa lang ang nagtataglay ang brilyanteng mafi. Ang kasalukuyang hawak ko ay ang brilyante ng mga puno at halaman. Ibinigay ito ni Ama nung nasa Amiandre dahil sakin daw ito nararapat at ako daw ang tagapagmana nito.

"Aking brilyante ako'y nagsusumamo sa ngalan mo na damayan mo ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagsusumamo akong tulungan mo kong makalaya sa sakit para sa kapatid ko. Nagsusumamo ako iwaksi siya sa aking isip. Tulungan mokong burahin ang pagmamahal na natitira para sakanya." umiiyak na sabi ko. Ang bigat bigat ng lahat. Ang bigat! Paano ba makawala? Paano ba? Ayoko na.

"Ang alaala ay mananatili nalang alala saking isip at puso. Mga masasayang sandali na kasama ka." nakangiting sambit ko habang nilalasap ang tangis ng puno at halaman.

"Alam kong dapat tama na. Alam kong dapat huli na to. Sana nga huli na ito. Nagsusumamo ako sa brilyante ng halaman at puno na paghilumin ang aking sugat na natamo mula sa kanya. Mula sa babaeng nagparamdam ng saya at galak saking buhay. Siguro nga di kami ang nakatadhana dahil may taong nakalaan para samin." sabi ko tsaka pinagmasdan ang mabigat na pakiramdam na nagmumula sa puno at halaman.

Tumayo ako habang nabukas pa rin ang palad at pumikit ng mariin.

"Aking brilyante ako'y nanalangin na di siya pabayaan ni Jameson at pangalagaan si Stacey. At ngayo'y maluwag na saking isip at bukal saking puso ang pagpapakawala ng aking nararamdaman. Sapat na siguro ang nakilala ko siya." naguunahang magbagsakan ang mga luha ko. Pero di ako tumigil bagkus ay patuloy na nanalangin. "Sa ngalan ng brilyanteng ito ay pinapalaya na kita Stacey. Masaya ako para sayo." sabi ko tsaka dahan-dahang iminulat ang mata at isinara ang palad at napaupo ako sa damo. At umiiyak ng tuluyan.

Huli na to. Huling beses na iiyak ako na ikaw ang dahilan.

STACEY

Lahat kami ay tulala ngayon sa canteen dahil sa pagbabalik ni Ursula ng biglang naggalawan ang mga puno at halaman na meron dito sa canteen. At umalingawngaw ang isang boses.

"Aking brilyante ako'y nagsusumamo sa ngalan mo na damayan mo ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagsusumamo akong tulungan mo kong makalaya sa sakit para sa kapatid ko. Nagsusumamo ako iwaksi siya sa aking isip. Tulungan mokong burahin ang pagmamahal na natitira para sakanya."

Ano klaseng panalangin yun?

"Ang brilyante ng puno at halaman. Batid kong tumatangis siya ngayon." rinig kong sabi ni Miguel.

Kung sino man siya takte ang bigat ng paligid ih. Nandadamay pa.

"Ang alaala ay mananatili nalang alala saking isip at puso. Mga masasayang sandali na kasama ka."

Naramdaman namin ang tangis ng halaman at puno. Lahat kami ay nabalot ng bigat na nararamdaman.

"Ang bigat siguro ng loob niya. Sobra siguro siyang nasasaktan kung sino man siya." nalulungkot na sambit ni Serena.

"At ngayo'y maluwag na saking isip at bukal saking puso ang pagpapakawala ng aking nararamdaman. Sapat na siguro ang nakilala ko siya."

Naawa ako para sakanya dahil mukhang masakit nga talaga. At ganto ang kinahinatnan ng pagtangis niya. Ngunit bigla akong natigilan sa huling sinabi ng boses naririnig namin.

"Sa ngalan ng brilyanteng ito ay pinapalaya na kita Stacey. Masaya ako para sayo." 

Natigilan ako at halos maestatwa sa pagkakaupo. Maging mga kasama ko ay napatigil.

"S-stacey." nauutal na sambit ni Serena sakin.

"Ikaw ang dahilan ng pagtangis ng brilyante ng halaman at puno. Paano nangyari yun? Kung ganun sino siya." sabi naman ni Coleen.

Hindi ako nakasagot dahil di ko alam kung sino siya. Maya-maya pa'y bumalik na ulit sa dati ang halaman at puno at nawala na din ang mabigat na aura na meron dito sa canteen.

Nagulat nalang ako ng mahigpit na hinawakan ni Jameson at kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Mahal na Mahal kita." sabi niya tsaka niyakap ako.

Naguguluhan ma'y niyakap ko na din siya.

Mahal na mahal din kita Jameson.

Pero di ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal ko sayo.

Continue Reading

You'll Also Like

23.3K 590 20
Teaser: A girl with rare golden wings and a boy with black evil wings... Angels and Devils fall inlove but it's forbidden. Copyright © 2019 By: Imagi...
274K 8.2K 80
Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapangyarihan na nag-aaral sa paaralan ng mga...
6K 193 50
(BOOK 2 OF LUCKY ONE) ONCE CALLED A LUCKY ONE ONCE SAVED THE ACADEMY IS THERE ANY CHANCE THAT BEING A LUCKY ONE AND SAVE ANOTHER VALUABLE THINGS CAN...
297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...