ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HA...

By DreamGrace

67.9K 498 54

I'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Fly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2

CHAPTER 4

4K 73 7
By DreamGrace


PALIHIM na sumulyap si Charie kay Hisoka nang huminto sa rooftop ang elevator na kinalululanan nila. Ano bang panghalina ang mayroon ito at kanina pa ayaw bumalik sa normal ang tibok ng puso niya? Kahit mahigit treinta minutos niyang paulit-ulit na sinusulyapan ito kanina sa sasakyan, hindi pa rin nababawasan kahit katiting ang nakaliliyong epekto ng kaguwapuhan nito sa kanya.

Paglabas nila ng elevator ay agad silang sinalubong ng dalawang lalaki. Base sa pagsasalita ng mga ito nang batiin si Hisoka at magalang na yumukod sa binata, parehong Japanese ang mga ito bagaman mukhang mga Filipino ang hitsura.

"Akala ko ba, may kukunin ka?" tanong niya kay Hisoka nang igiya siya nito palapit sa helicopter na nasa helipad.

"Mayroon nga. Itong helicopter. Ito ang sasakyan natin papunta sa kakainan natin," sagot nito. Inalalayan siya nito pasakay roon.

"Talaga?" natutuwang bulalas niya. "Matagal ko na ngang gustong makasakay sa chopper!"

Muling gumalaw ang isang sulok ng mga labi nito. "I'm glad you're not scared of heights," anito habang ikinakabit ang seat belt niya. Sinenyasan nito ang dalawang tauhan na sumalubong sa kanila roon. Mabilis na ikinarga ng dalawa sa helicopter ang mga gamit na bitbit. Umupo naman sa unahan nila ang dalawang bodyguard ni Hisoka.

Nawi-weird-an na siya sa dalawa. Kanina kasing sinubukan niyang kausapin ang mga ito, hindi siya pinansin ng mga ito, na parang hindi siya naririnig o nakikita. Ayon kay Hisoka, parehong Brazilian-Japanese ang mga ito kaya hindi siya nauunawaan. Ngunit kahit ganoon, hindi ba dapat kahit paano ay ngitian man lang siya ng mga ito kahit hindi siya nauunawaan?

O, unspoken rule ba ni Hisoka sa mga ito na hindi maaaring tingnan ang mga ka-date ng lalaki? Was he the kind of man who was too possessive and jealous of other men looking at his date? Tulad ng ex-boyfriend ng kaibigan niya at dating kasama sa boardinghouse na si Mikka. Dahil sa labis na pagiging seloso ng lalaki, mapatingin lang si Mikka sa ibang lalaki ay pinaghihinalaan na ng boyfriend na nanlalalaki ito. Dahil doon, hindi miminsang napagbuhatan ito ng kamay ng lalaki. Ngayon ay may restraining order nang kinuha ang kaibigan niya laban sa may saltik na ex-boyfriend nito.

Ipinilig niya ang ulo. Gumagana na naman ang overactive imagination niya. Hindi por que dine-dead-ma siya ng mga bodyguard ni Hisoka, ibig nang sabihin ay utos nito iyon. Marahil ay sadyang ganoon lang talaga ang nakasanayan ng dalawa. Hindi pa lang siguro talaga siya sanay sa pakikisalamuha sa mga mayayaman. Kahit naman sina Mother Violy, hindi rin ugaling chika-hin ang mga tauhan nito. Bagay na hindi niya matutuhang gawin. Three years ago, isa rin siya sa mga utusang iyon.

Abala na ang piloto sa paghahanda sa pag-take off ng chopper. Anumang sandali ay aangat na sila.

Excited na pinagsalikop niya ang mga kamay. "Hindi ako takot sa matataas na lugar. Noong bata pa ako, paborito kong tambayan ang bubong n'ong bungalow na tinutuluyan ng mga madre at social worker sa bahay-ampunan. Masarap kasing magpalipad ng saranggola roon. Kaso, tuwing mahuhuli ako roon nina Nanay Melay at Sister Merry, wala akong ulam na karne sa hapunan. Gulay at sabaw lang," pagkukuwento niya kay Hisoka.

Nakakunot ang noong sumulyap ito sa kanya. "You were in an orphanage? You don't have any family left?" tila nababaghang tanong nito na para bang noon lang ito nakarinig ng tungkol sa isang taong nagmula sa ampunan.

Kunsabagay, sa laki ng angkan nito, malamang nga ay imposible para dito ang ideya ng isang taong walang matatawag na pamilya, kahit pa sabihing medyo malayo ang loob nito sa ibang mga Aseron. Iyon ay base sa mga kuwento ni Lola Dorinda sa kanya tuwing nagkikita sila ng matandang babae para sa monthly bonding time nila kasama ng iba pang babaeng apo nito.

Subalit mayroon pa rin naman itong mga kamag-anak sa side ng Haponesang ina nito. At malamang sa mga iyon ito malapit dahil sa poder ng mga iyon ito lumaki ayon kay Lola Dorinda.

"Oo. Sampung taon na ako nang ampunin ako ni Daddy Nitoy. Pero bumalik din ako sa ampunan noong sixteen ako. Namatay kasi sa cancer si Daddy Nitoy. Pero iyong anim na taong nakasama ko siya, iyon na yata ang pinakamasasayang taon sa buhay ko. Sa unang pagkakataon ay naranasan kong magkaroon ng sarili kong pamilya." Hindi niya naiwasang mabahiran ng lungkot ang tinig sa pagkaalala sa tatay-tatayan niya.

Lalong kumunot ang noo ni Hisoka bagaman hindi ito nagsalita. Marahang tinapik-tapik nito ang magkasalikop na mga kamay niya na tila sa pamamagitan niyon ay ipinapaabot nito ang simpatya nito.

Sinuklian niya iyon ng matamis na ngiti. Kung sinuman ang nagsabing bakal ang puso nito ay dapat nakikita ito ngayon.

"Hindi naman sa sinasabi kong naging sobrang sama ng paglaki ko sa ampunan. Masaya rin naman kami roon. Sama-sama kami sa paglalaro, pagkain, at sa mga gawain. Para kaming mga magkakapatid na iba-iba ang mga magulang. Pero siyempre, malungkot pa rin kasi alam naming kaya kami naroon ay dahil wala kaming mga sariling pamilya." Bago pa maging madrama ang tagpo ay malakas na tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan niya. "Iyon nga, hindi ako takot sa matataas na lugar. Pero takot ako sa dagat at sa kahit anong malalim na tubig. Hindi kasi ako marunong lumangoy. Wala namang swimming pool sa bahay-ampunan. Nang lumaki naman na ako, hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataong mag-aral lumangoy," pagbabalik niya sa usapan kanina.

Matagal na tumitig ito sa kanya. Muli ay kumislap ang abuhing mga mata nito. Hindi niya mawari kung ano ang emosyong dumaan doon. "Really? Too bad. Perhaps I can teach you to swim one day."

"Talaga? Magaling ka bang lumangoy? Marunong ka bang mag-scuba diving? Sa tingin ko, oo. Parang wala ka naman yatang hindi kayang gawin nang mahusay. Sige, gusto ko iyon," sabi niya. "Kailan mo ako puwedeng turuan? Okay lang kahit kailan. Ikaw na ang bahala. Alam ko namang abala ka sa trabaho mo." Excited siya sa ideyang hindi iyon ang una at huling date nila.

Nakataas ang mga kilay na umiling-iling ito. May-pagkamangha sa mga mata na nakatingin ito sa kanya. "That was amazing. I think you just finished an entire conversation all alone," komento nito.

Nag-init ang mukha niya. Hindi niya kasi mawari kung pinupuri siya nito o sinasabihang masyado siyang madaldal. "Uhm, ayaw mo ba sa madadaldal na babae?"

"Kung sasabihin kong ayaw ko nga?"

"Oh!" Nanlulumong napasandal siya sa upuan at tumanaw sa labas ng bintana ng helicopter. Paano niya rerendahan ang bibig niya na parang may sariling utak? Sinasabi na nga ba niya, dapat pinakinggan niya noon si Nanay Melay nang pagsabihan siya nitong pag-aralan niya ang pagiging kimi at tahimik paminsan-minsan, hindi iyong kung ano ang pumasok sa isip niya ay rumaratsada agad ang bibig niya.

"Relax. You can still talk. Hindi ko sinabing ayoko ng madaldal na babae. Mas gusto kong makinig kaysa magsalita. Kung tahimik din ang babaeng kasama ko, malamang magtititigan na lang kami buong araw," anito, nasa tinig ang pagkaaliw.

Dagling napalingon uli siya rito at saka malawak na napangiti. "Nasabi ko na bang madaldal ako?"

"I figured that out after your fourth sentence."

"Hmm... Ano-ano ba ang gusto mo sa isang babae? Hindi sa interesado akong... Ano... ah, ligawan ka o ano, ha? Biro-birong usapan lang ba, walang halong malisya," aniya na ibinaling ang buong katawan paharap dito. Ayaw niyang lumabas na masyado siyang atat dito kaya kunwari ay idinaan na lang niya sa pagbibiro ang pagtatanong dito. Bagaman may kutob siyang hindi rin siya nito sasagutin ng deretso. Hindi pa naman sila close. Pero kung makakalusot, aba'y sobrang suwerte na talaga niya nang araw na iyon.

Gusto sana niyang panoorin ang mga tanawing nadaraanan nila. Mistulang mga pulutong ng alitaptap ang mga ilaw mula sa mga gusali sa ibaba na tuldok lang sa paningin nila ngayong nasa ere na ang helicopter. Subalit may mas gaganda pa bang tanawin kaysa sa kaguwapuhan ng lalaking katabi niya?

"Where's the challenge in that? Bakit hindi natin gawing seryoso ang usapan at lagyan ng malisya? Nakakabagot naman kung wala. Don't you want me to answer you seriously? Wouldn't you rather find out what I really like in a woman?"

"Well, kung mapilit ka talaga, eh, di sige. So, ano nga ba ang gusto mo sa babae?"

"I like a woman who's not afraid to speak her mind. Like you. A woman who is fiercely independent and brave that she could threaten to do serious harm to a male's manhood if he tries to bully her. Tulad ng ginawa mo sa lalaking iyon sa labas ng bar. I like a woman who can wear any kind of disguise just to escape her golden cage and steal a few days of freedom. Just like you," sagot nito na binigyang-diin ang tatlong huling salita.

Para siyang nahi-hypnotize na hindi maialis ang pagkakatitig sa mga labi nitong tila palapit nang palapit sa kanyang mga labi. Ngunit kung kailan naman handa na siyang salubungin ang iniisip niyang halik na ipagkakaloob nito sa kanya, saka naman ito dumeretso uli ng upo. At muli ay tumaas ang isang sulok ng mga labi nito.

Ilang beses siyang napakurap sa kalituhan. Hindi makapaniwalang itinuro pa niya ang sarili niya. "A-ako ang tipo mong babae? Pero bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw? You're beautiful, feisty, and one of a kind. Stay with me. I want to get to know you. I want to spend more time with you. Hindi lang ngayong gabing ito," he said with a sly look in his gray eyes as he stared at her beneath his lowered lids.

Napaawang ang mga labi niya. Tama ba siya ng intindi sa sinabi nito? O mali ang translation niya sa pag-i-Ingles nito? "Ibig mong sabihin, gusto mong... gusto mo akong maging... Nililigawan mo ba ako? Iyon ba ang ibig mong sabihin? Gusto mong makasama ako para ligawan? Seryoso ka ba na ang tinutukoy mong gusto mo sa isang babae ay iyong tulad ko?" prangkang tanong niya rito. Mapahiya na kung mapahiya siya. Tutal, silang dalawa lang naman ang nagkakaintindihan doon. Dead-ma lang sa kanila ang bodyguards nito. Sadyang ayaw na niyang manghula sa ibig sabihin nito. Baka atakihin siya sa puso hindi pa man sila lumalapag sa lupa. Ganoon katindi ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya sa loob ng dibdib niya.

Tumango ito bilang tugon sa tanong niya.

Bilog nga yata ang buwan sa Mars! Bakit inisang-bagsak sa kandungan niya ang lahat ng magagandang bagay na maaaring mangyari sa kanya sa araw na iyon?

AUTHOR'S NOTE:

HI, DEAR READER, THANK YOU FOR READING MY BOOK. ANG NEXT CHAPTERS AY MABABASA NINYO SA DREAME ACCOUNT KO UNDER THE PEN NAME DREAM GRACE. PLEASE DO LIKE, SHARE AND FOLLOW MY DREAME ACCOUNT. LOVE LOTS!

Continue Reading

You'll Also Like

83K 936 10
"Do your best and God will do the rest." Iyon ang mantra ni Jenneliza. Gagawin niya ang lahat hanggang sa umabot sila ni Johhans Santimaier sa simbah...
60.8K 1.2K 10
"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng manuscripts niya ay pawang mga reject...
57.3K 949 12
"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with t...
60.3K 1.3K 12
This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imagine what my life would be without you in...