Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

91.5K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Labing Siyam na Kabanata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Dos na Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Otso na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata

Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

3.7K 117 152
By MariaBaybayin




"Noong isang araw lamang ay kasama ko pa ang magiting na si Heneral Luna sa pakikipagdigma, ngunit ngayon.... Wala na siya. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat pero isa lang ang alam ko, nawalan kami ng isang magaling, magiting at tapat na Heneral."



Napamulat ang mga mata ko sa panaginip na iyon kasabay ng malakas na kabog sa dibdib ko. Tila isang masamang panitain na bumubulabog naman sa isip ko. Anong araw na ba ngayon? Kelan nga ba namatay si Antonio Luna!

Sa pag iisip kong iyon ay nakarinig naman ako ng ingay na nagmumula sa takbo ng mga kabayo, lahat sila ay nagmamadali at para bang may mahalagang kailangan iparating sa pupuntahan nito. Dali dali akong napadungaw sa binata kung saan ako naroroon. Sinundan ko naman ng tingin kung saan paparoon ang mga lulan ng mga kabayong iyon. Natanaw kong patungo ang mga ito sa lugar kung nasaan ang Presidente. Agad akong napaayos ng sarili at sinundan ang kinaroroonan ng brigadang dumating. Sa di naman kalayuan, nakita ko ang pag pasok ng isang lalaking kababa lamang sa kanyang kabayo na pumasok sa opisina ni Miong. Tahimik akong sumunod rito at nagtago sa isang parte ng lugar kung saan maaari kong marinig ang hatid na balita ng kawal na iyon.

Nakita kong tumayo muna ang lalaking iyon sa harap ni Aguinaldo sabay saludo rito. "Anong balita Janolino?" rinig kong sabi ni Aguinaldo. Nanlaki ang mata ko sa pagkasambit nito ng pangalang iyon.

Janolino? Isang beses ko lang napanood ang Heneral Luna ngunit hindi ko maaaring makalimutan ang pangalan na iyon. Iyon ang pangalan ng isang traydor na puno ng poot na mula sa pamumuno ng isang ring traydor. Siya ang pumatay kay Heneral Luna, Si Pedro Janolino.

Sumama naman ang tingin ko sa lalaking iyon at patuloy na pinakinggan ang usapan ng mga ito. "Wala na po ang aroganteng Heneral, Presidente." wika ng lalaking si Janolino habang may kakarampot nanngiti sa kanyang mukha.

Whaaaaaat?

Para naman akong naistatwa sa masamang balitang aking narinig. Di ko na rin namalayan ang pagtulo ng luha ko sa pisngi dahil sa balitang iyon.

"Nasaan ang kanyang mga labi?" walang emosyong tugon muli ni Aguinaldo.

"Nasa Cabanatuan pa po ang mga labi nito, Señor." wika naman ni Janolino.

Tila tumigil naman ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. Halang talaga ang kaluluwa ni Aguinaldo. Sa kanya narin nangaling, na si Luna ang pinakamagaling niyang Heneral, pero paano niya nakuhang ipapatay padin ito. Tama nga ang nakasaad sa pelikula. Bagamat hindi pa napapatunayan na siya ang nagpapatay kay Andres Bonifacio, Siya rin pala talaga ang nagpapatay kay Antonio Luna.

Patuloy akong nakinig sa usapan ng dalawa. At mas lalo akong naiyak sa mga aking napag-alaman.

"Matibay si Luna, Senor. Mamatay na lamang po siya ay nanatili padin itong lumalaban. Mas lalo naman niyang napainit ang ulo ng aking mga kawal kaya naman po nagtamo siya nang ilan-pung saksak mula sa amin." wika ni Janolino. Bahagya namang napaismid si Aguinaldo.

"Ang mga tapat na opisyales ni Luna, Nadakip ba sila?" sambit muli ni Aguinaldo.

"Nadakip po namin si Rusca at Roman. Ngunit si Bernal ho, nakatakas. Napagalaman ko pong naninirahan daw po ito kay Don Mariano."

Sa pagkakataong iyon ay napatakip na ako saking bibig kasabay ng walang humpay na pagbuhos ng aking luha sa mga narinig. Namunbalik saking isip ang mga pangyayari mula sa pelikula ni Heneral Luna at kung paano walang awang pinatay ang dakilang Heneral. Napapunas ako kaagad ng luha ko sa tatlong pangalang nabanggit.

Kilala ko sila. Kilala ko ang tinutukoy ng Janolino na yun. Sila Eduardo Rusca, Paco Roman at Manuel Bernal, sila ang mga alagad ni Luna sa kanyang brigada. Nasaan sila? Kailangan ko silang mailigtas bago pa man sila matunton ni Aguinaldo.

Totoo pala talaga ang pelikulang ginawa ni Jtarog. Paano naatim ng isang tulad ni Aguinaldo ang kanyang kasakiman. Napaka-wala niyang kwenta. Bakit ba naturingan pang isang Presidente ang tulad niya? Bakit sa libro, nakasaad doon na isa siyang bayani, na isa siyang magiting na Presidente? Hindi siya nararapat mapabilang sa titulo ng mga bayani.

Kasabay ng mga katanungang iyon ang muling pagkatok sa pintuan ni Aguinaldo. Aalis na sana ko ngunit napahinto ako ng makita ang hindi inaaasahang lalaki na pumasok mula sa pintuan ng Presidente. Muling napatakip naman ang bibig ko sa nakita ko.

Bakit nandito si Goyo? Anong ginagawa niya rito? Hindi bat pabalik na dapat siya sa Bulakan?

"Goyo." rinig kong sabi ni Aguinaldo. Tumingin namang muli ito kay Janolino at inutusan na itong umalis. "Maaari mo na kaming iwan, Pedro. Maraming salamat sa balita." muling sambit nito.

Sumaludo lamang ito at tuluyan ng umalis sa paningin ng Presidente. Tumayo naman si Aguinaldo at lumapit kay Goyo.

"Wala si Luna, Goyo." sambit ni Aguinaldo kay Goyo. Gumuhit naman ito ng pagkabigla kay Goyo.

Shiiiiit. Anong araw ngayon..
Bakit ang bilis ng mga pangyayari? Bakit pakiramdam ko marami akong nalaktawang araw?

"May nais akong ipatrabaho sayo, Goyong. Nais kong dakpin at dalhin mo sakin ang magkapatid na Bernal. Nasabi sakin ni Janolino na nagtatago daw ito sa tahanan ni Don Mariano Nable Jose."

Nable jose? Hindi bat iyon ang apilyedo ni Remedios? Ano ang koneksyon ng mga Bernal kay Don Mariano?

Nakatingin lang ng diretso si Goyo sa sambit na iyon ni Aguinaldo. "Nais kong pahirapan mo ang magkapatid na Bernal upang tumiwalag sa katapatan kay Luna. Isa pa, nagkasala rin sila sa batas dahil sa ilang pagsuway sa aking mga kautusan bilang Presiente."

"Ngunit Senor----." Tugon naman ni Goyo. Hindi niya na natapos ang bagay na kanyang sasabihin dahil muling nagsalita si Aguinaldo.

"Inaasahan kong susundin mo ang aking utos, Goyo. Malaki ang tiwala ko sayo."

Hinawakan ni Aguinaldo ang balikat ni Goyo bilang isang pahayag na ibinibigay nito ang tiwala niya kay Goyo. Wala narin namang nagawa si Gregorio kundi ang sumunod nalang, dahil bilang isang Presidente, marapat na sundin ang kanyang mga kautusan.

Huminga lang ng malalim si Goyo at tumugon narin sa sinabi ni Miong. "Cge ho Senor, masusunod po."

Ngumiti lang ang Presidente at hinayaan ng umalis si Goyo. Naginit naman lalo ang dugo ko sa utos na ito iyon ni Aguinaldo. Hindi na naman ako nakapagpigil sa inis na nararamdaman ko para sa Presidente kaya naman gumawa na ko ng paraan upang makapasok sa opisina ni Aguinaldo at lakas loob kong hinarap ito.

"Isa kang walang pusong nilalang Miong." galit kong tugon dito habang diretsong diretso ang tingin ko sa pagmumukha nito.

Napakunot naman ang noo nito, "At sino ka naman Binibini.? Sino ka para walang habas akong kausapin ng ganito. Hindi mo yata kilala kung sino ang iyong kausap." kalmadong wika niya.

"Hindi mo na kailangan alamin pa kung sino ako. Hindi mo ko kilala, pero ikaw, kilalang kilala kita. Isa kang walang puso at makasariling Presidente. Alam kong ikaw ang nagpapatay kay Andres Bonifacio at ngayon naman pati si Heneral Luna, pinapaslang mo rin. Isa kang hayop." mariin ko namang tugon dito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. Pinakalma naman niya kaagad ang sarili at tsaka palang sumagot.

"At paano ka nakakasiguro sa mga bagay na inaakusa mo sakin? Wala kang alam, at wala ka ng malalaman pa."

"Hindi mo habang buhay maitatago ang bagay na yan Señor, dahil sa huli, sayo padin mangagaling ang pagsisiwalat ng iyong katraydoran. Marahil ay hindi mo ito pagbayaran dito sa lupa, ngunit maghintay ka lang." pagbabala ko rito.

Natawa naman siya sa mga sinabi kong iyon. Tumawa siya ng may halong pagkasarkastiko at muling ibinaling ang tingin sakin.

"Gaano ba karami ang iyong alam, Binibini? at tila ikaw ay kumpyansado sa iyong mga sinasabi." tanong muli niya.

"Alam ko ang lahat dahil nakatala na ito sa historya, nakasulat na sa libro ng kasaysayan ang iyong mga kagagawan. Wag na wag mong idadamay si Gregorio sa mga gawain mo. Isa kang Sinaunang taksil, El Presidente." galit kong tugon habang nagsisimula ng lumuha ang aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ko ba nahugot ang tapang na meron ako ngayon ngunit isa lang ang alam ko, hindi ko hahayaan na pati si Gregorio ay pumangit ang pangalan sa kasaysayan ng dahil lamang sa hambog na Presidenteng ito. Hinding hindi talaga ako makakapayag.

Halos manlisik ang mata ko sa galit habang papalapit naman siya sa akin. Nang kakaunti nalang ang distansya niya mula sa akin at tinignan naman nito ang mata ko ng may seryosong reakyon. "Gregorio? at ano naman ang koneksyon ng lahat ng ito kay Goyong?"

Ayon kasi sa mga tao rito, si Gregorio daw ang paboritong Heneral ni Aguinaldo kaya naman ganoon nalang siya ka-apektado ng mabanggit ko ang pangalan ni Goyo.

Mas lumapit pa ito sa akin at sinimulan ako nitong sindakin, "Sino ka ba? bakit marami kang alam. Isa ka bang ispiya? Sa tingin ko naman ay isa ka lamang naman na walang kwentang Binibini. Tatandaan mo ito, sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang mga mali mong paratang sakin. Lumayas ka sa harap ko bago pa man ako may magawang hindi kaaya-aya sayo. LAYAS!!" walang emosyong pagbabanta nito.

Pinunasan ko lang ang butil ng luha na nasa pisngi ko at tuluyan ng tumalikod dito at papatakbong umalis sa kanyang silid.

Naaalala ko na, June 5 1899 na ngayon.. Ngunit May 16 lang kahapon hindi ba ? Bakit ganito? Bakit ang laki ng agwat nang araw na tinalon ko.. Hindi ko na maintindihan..

"Kristina," natauhan ako sa pagtakbo ko ng tawagin naman ako ni Miguel. Pilit ko mang itago sa kanyan ang emosyong meron ako ngunit hindi ko magawa.. Nang mahabol niya ko sa pagtakbo ay agad naman akong napayakap dito at hindi na napigilan pang humagulgol.

"Anong nangyari? Bakit ka lumuluha?" Sambit ni Miguel..

Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap ko sakanya, pinunasan ko lang ang luha ko at tsaka ko ito kinausap. "Miguel, Wala na si Heneral Luna." wika ko at muling napaluha. "Patay na siya, pinatay siya sa Cabanatuan ng mga alagad ni Aguinaldo. Mga hayop sila Miguel." usal ko habang patuloy na umiiyak.

"Teka, Kristina, huminahon ka, saan mo ba nasagap ang balitang iyan? Noong isang araw lamang ay galing ang Heneral dito, kaya naman imposible ang sinasabi mong iyan." wika naman ni Miguel.

"Miguel. Totoo ang sinasabi ko. Wala na ang Heneral." muli kong sambit saknya.

"Paano mo nalaman ang mga ito,?"

"Narinig kong naguusap si Janolino at Aguinaldo. Sa inis ko'y hindi ko na nakayanan kaya't agad na akong napasugod kay Aguinaldo upang balaan siya" dugtong ko pa.

Tila nagalala naman si Miguel sa aking sinabi. "Sinugod mo ang Presidente? Ano ka ba Kristina? Malaking tao ang binabanga mo, ano bang pumasok sa isip mo at nagawa ang mga bagay na iyon?" pagaalala naman ni Miguel sakin. Sa totoo lang naguguilty na ko sa dami ng favors sakin ni Miguel, alam kong rin na nawalay siya sa kanyang pamilya dahil sakin. Dahil sa kagustuhan niyang tumulong sakin.

"Hindi ko rin alam Miguel, kung papaano nangyari ang lahat, nadala lamang ako ng emosyon ko dahil sa mga bagay na ipinagutos nito kay Goyo."

Maya maya pa at narinig ko naman ang isang pamilyar na boses ngunit na galit sa boses nito.

"Kristina..." wika nito.

Nakita kong kalmado ito ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pagkabigla at pagkainis..


Ang lalaking iyon ay.... Si Gregorio..




Dear Talaarawan,

Minsan naiisip ko kung worth it ba ipaglaban ang Pilipinas. Sa nakikita at nasasaksihan ko kasi, napakalubha pala ng problemang meron tayo. Lahi laban sa sariling Lahi. Dugo laban sa Sariling Dugo. At mas malupit pa dito, Taksil laban sa mga tapat na alagad ng lipunan at republika. Hindi ba't napakaIronic kung paano namatay ang ating Mahal na Heneral na si Luna? Pinatay at pinagkaisahan siya ng sarili niya kalahi.. Tama nga ang kanyang kataga.. "May mas malala nga tayong mga kalaban kesa Amerikano, ito ay ating mga sarili"

Nalulumbay,
Kristina.





Author's Note

Hi guys.. and now we are down to 5 chapters more.. ikinalulungkot kong ipabatid ngunit kailangan ko na talagang wakasan ang Istoryang ito..

Pero bago ang lahat..

Nais kong magpasalamat sa lahat ng sumubaybay at walang sawang naghintay aa mga update ko sa story na to.. nakakataba ng puso kung paano niyo sinubaybayan ang mga ito at kung paano kayo ng bigay ng iyong kanya kanyang komento para sakinh Akda.. Lubos talaga akong napapasalamat.. :)

Again.. We are down to 5 chapters left.. 😭

Magandang gabi mga Binibini at Ginoo.. :)

Continue Reading

You'll Also Like

Segunda By Binibining Mia

Historical Fiction

14.7K 1K 5
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at mal...
816K 35.4K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
3.4M 171K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...