Do Re Mi: A Melody From the H...

Por momoryoma4488

101K 6.5K 3K

This is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing t... Más

Prologue
Stanza 1: Hi
Stanza 2: Pitiful
Stanza 3: Humming Bird
Stanza 4: Miss Terry
Stanza 5: The S.O.S Club
Stanza 6: Oath
Stanza 7: An Unknown Feeling
Stanza 8: Money Can't Buy Everything
Stanza 9.1: A Happy Simple Minded Guy
Stanza 9.2: The Special Girl
Stanza 9.3: Your Lady
Stanza 9.4: The Obnoxious and The Lady
Stanza 9.5: Meet The Artistic Twins
Stanza 9.6: The Handsome Athlete
Stanza 9.7: The Mysterious Heir
Stanza 10: First Date?
Stanza 11: Weirdness To The Maximum Level
Stanza 12: The P.O.D
Stanza 13: The Silent Pianist
Stanza 14: Fascination
Stanza 15: A Remorseful Past
Stanza 16: The Mansion
Stanza 17: Sweet Memories
Stanza 18: Bitter Memories
Stanza 19: Lace Game
Stanza 20: Definition of Courage
Stanza 21: Phobia
Stanza 22: Two Personalities Collide
Stanza 23: Smile
Stanza 24: When You Say Nothing At All
Stanza 26: The Mastermind
Stanza 27: Devil In Disguise
Stanza 28: Untold Secret
Stanza 29: Mission Impossible?
Stanza 30: Mission Accomplished?
Instrumental Filler: Welcome to the Yakuza Loft
Stanza 31: The Music of His Heartbeat
Stanza 32: Elements of Jealousy
Stanza 33: To Leave Or Not To Leave?
Stanza 34: Behind Those Lines
Stanza 35: I Just Wanna Be Close To You
Stanza 36: Destiny or Fate
Stanza 37: A Dinner Date?
Stanza 38: Dinner Intruder
Stanza 39 : Face Off
Stanza 40: Project of a Lifetime
Stanza 41: Meet The Parent
Stanza 42: How I Met Your Father?
Stanza 43: Don't Mess With Me
Stanza 44: My Love
Stanza 45: Happiness in a Box
Stanza 46: The Voice Within Part 1
Stanza 47: The Voice Within Part 2
Stanza 48: Killing Me Softly
Stanza 49: Happiness Means You

Stanza 25: Cornered

1.2K 79 37
Por momoryoma4488

- Vince - 


Habang papaalis ang aking sasakyan ay nakatingin pa rin ako kay Apollo na papasok na ng gate ng mga Gettysburg. Sobra akong nanghihinayang dahil wala ako doon para makasama silang lahat... lalo na si Anna. 

Mabigat sa loob kong sabihin ang mga bagay na iyon kay Apollo pero alam kong iyon ang tama. Alam ko naman kasing kaya niyang pasayahin ang taong nagpapasaya sa akin. 

"Ayos lang po ba kayo Young Master?" Nawala ang tingin ko sa bintana ng biglang magtanong si Sato. 

"O-Oo. Ayos lang ako." Matamlay kong sagot sa kanya. 

"Chibisuke. Watashi wa anata ga daijōbu janai shitte iru. Anata no koto wa wakatteru ndakara. (Alam kong hindi ka okay. Kilala kita)." Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakangiti pero seryosong nakatingin sa akin si Sato. 

"Ngayon mo na lang ulit ako tinawag ng ganyan." Napangiti ako ng maalala kong matagal na panahon na rin na hindi niya ako tinatawag na chibisuke. (Chibisuke - younger brother) 

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot kay Sato.

"Kilalang kilala mo na talaga ako. Tungkol kasi kay..." 

"Kay Anna? Tama ba ako?" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita at sinabi na niya ang pangalan ng taong nasa isipan ko. 

Gusto kong makipagusap ng ganito kay Sato dahil para na siyang nakatatanda kong kapatid. Magaling at matured siya magpayo sa maraming bagay at isa pa, hindi kami pormal mag-usap katulad ngayon.  

"Oo. Tungkol sa kanya. Tama ba talaga ang ginagawa ko? Tama bang ilayo ko ang sarili ko sa taong... importante sa akin?" 

"Masaya ka ba sa ginagawa mong iyan?" Seryosong tanong ni Sato habang nakatangin sa akin mula sa rear view mirror. 

"Masaya akong nakikita siyang masaya..." 

"Iyan ba talaga ang totoo mong nararamdaman?" Pinutol niya akong muli sa pagsasalita. 

Sasagutin ko na sana kaagad ang kanyang tanong pero naisip kong tama si Sato. 

Eto nga ba ang totoo kong nararamdaman? Eto nga ba ang gusto kong mangyari? Sapat na bang makita ko siyang masaya? Hindi ba pwedeng ako ang maging dahilan ng mga ngiti niya? Hindi ba pwedeng... 

Aaaarrggghhh! Naguguluhan na ako! Wala ito sa plano ko! 

Sa sobrang gulo ng isip ko ay bigla akong napasandal sa upuan at tinakpan ko ng aking kanang braso ang aking mga mata. Hindi ko alam ang gagawin sa mga ganitong uri ng emosyon. 

"Hindi ko alam Sato. Hindi ko alam." Malungkot kong sagot sa kanya. Kung tutuusin, iyon na lang ang mga salitang kaya kong isagot sa kanya dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko. 

"Balang araw malalaman mo rin ang tamang sagot diyan Vince." Ramdam ko ang sincereness at pag-aalala sa tono ng pananalita ni Sato. 

Sana nga ay dumating ang panahon na iyon. Sana... 

"Young Master!" Nagulat ako sa muling pagtawag sa akin ng pormal ni Sato. May kakaiba sa tono at diin ng pagtawag niya sa akin. Alam kong may problema. 

Kaya dali dali kong tinanggal ang aking kamay sa aking mga mata at... 

Bigla akong napaabante sa aking kinauupuan nang biglang magpreno si Sato. Buti na lang at nakaseat belt ako kundi ay tumilapon na ako sa harapang bahagi ng sasakyan. 

"Susundan at susundan tayo ng problema." Mahina kong sabi sa sarili. 

May dalawang itim na kotse ang nakaharang sa aming daraanan. Halatang bullet proof ang mga ito dahil na rin sa kapal ng body kit ng kanilang mga sasakyan. 

"Tumawag na ako sa bahay para humingi ng backup." Hindi tumitingin sa akin si Sato habang ibinababa ang kanyang cellphone. Ramdam ko ang tensyon sa kanyang pananalita dahil na rin sa sitwasyon namin. Alam ko at alam niyang may hindi magandang mangyayari lalo pa't biglang sumulpot ang mga sasakyang ito sa kung saan. 

Sino? Sino ang gagawa nito?

Habang nag-iisip ako ng kung sino ang posibleng may pakana ng pangongorner sa amin ay sabay sabay na bumukas ang mga pinto ng dalawang sasakyan. 

Bumaba mula rito ang mga lalaking nakasuot ng itim na jacket na tumatakip sa kanilang mga puting polo. Kung bibilangin ay halos nasa siyam na katao sila. 

"Sato. Kahit anong mangyari..." Napalingon siya sa akin ng bigla akong magsalita. 

"...huwag kang susugod." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon para maibsan ang tensyon na kanyang nararamdaman. 

Halata sa mukha ni Sato ang pagtataka sa mga sinabi ko. Alam kong nag-aalangan siyang sundin ang utos kong iyon dahil hindi ko karaniwang sinasabi ang bagay na iyon lalo na sa ganitong sitwasyon at dehado kami. 

"Young master." Mahinang sagot sa akin ni Sato. 

'Para na rin ito sa kabutihan mo Sato. Iba ang pakiramdam ko sa isang 'to.' Sabi ko sa sarili ko. 

Napatingin kami pareho sa harapan ng sasakyan ng mapansin namin ang isang lalaking nakasuot ng shades ang papalapit sa sasakyan. Kaya, bilang paghahanda ay ikinasa na ni Sato ang dala niyang semi-automatic na Calibre .90 pistol.

Kumatok ang lalaki sa bintana ng aming sasakyan na halatang ako ang pakay. Kapansin pansin din na may dala siyang baril dahil sa nakaumbok na hawakan ng baril na nasa magkabilang gilid ng kanyang jacket. 

Ibinaba ng kaunti ni Sato ang salamin at saka niya ito tinanong. 

"Anong kailangan mo?" Kalmado pero matapang ang pagtatanong na iyon ni Sato. 

"Heh. Ang suplado mo naman tsong." Halata ang pagkainis sa tono ng pananalita ng lalaki dahil sa inasal ni Sato. Dumura muna siya sa gilid ng sasakyan bago niya tinanggal ang kanyang shades at saka siya lumapit sa bintana ng driver seat

"Nandito ako at ang mga kasama ko para imbitahan yang bata mong boss sa isang... espesyal na lugar hehe." Ngumuso siya kung nasaan ako nakaupo pero nakatingin lang ako sa harapan ng sasakyan at pinipilit maging kalmado. Nag-iisip ako ng mga plano kung ano ang pinakatama kong gawin sa ganitong uri ng sitwasyon. 

Hindi siya sinagot ni Sato bagkus ay tumingin si Sato ng napakasama sa lalaki. 

"ANONG TINITINGIN TINGIN MO DIYAN? ANG YABANG MO AH" Mukhang napikon siya ng husto sa ginawa ni Sato dahil nakaamba na siya para bunutin ang kanyang baril. Halata na rin kay Sato ang pagpipigil sa kanyang galit ngunit hindi niya ito mailabas dahil sa iniutos ko kanina. 

'Sato. Wag kang susugod! Sundin mo ang utos 'ko!' Iyon ang isinisigaw ng utak ko sa mga oras na ito dahil alam kong mapapahamak siya kapag hindi siya nagpigil ng galit at siya ang unang gumawa ng aksyon. 

Siyam laban sa dalawa. Heavily armed ang mga kalaban samantalang si Sato lang ang may dalang baril. 

Hindi ka dapat mapahamak Sato! Hinding hindi ko iyon hahayaang mangyari!'

"Bababa ako, Sato." Kalmado kong sabi sa kanya. 

"Y-Young master?" Halata ang pagkabigla at pagtataka sa mukha ni Sato. 

"Bababa ako. Sasama ako sa kanila." 

"P-Pero... Young Master..." 

"Kapag hindi ko kayo na-contact o kung hindi ako bumalik sa loob ng dalawang oras ay saka ninyo ako hanapin." Kalmado pa rin ako sa pakikipagusap sa kanya para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko. Ayokong madamay siya kung ako lang naman ang pakay ng mga lalaking ito. 

"Chibisuke..." 

"Watashi wa daijōbuda. (I'll be fine.)" Ngumiti ako sa kanya para maramdaman niyang tototohanin ko ang pangako kong babalik ako pagkatapos ng dalawang oras. 

"H-Hai." Napansin kong nagluluha na ang kanyang mga mata pero pinipilit niyang huwag umiyak. 

Napansin kong lalapit na muli yung lalaki sa bintana pero hindi ko na siya hinintay na makalapit muli sa kotse ko kaya kaagad akong bumaba at hinarap siya. 

"Ako ang kailangan ninyo di ba?" Matapang kong tanong sa kanya. 

"Mukhang nagmana sa'yo 'yang bodyguard mo ah. Masyadong matapang at mayabang. Pfff." Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo na kinuha niya mula sa kanyang bulsa. 

"Sasama lang ako sa inyo kapag hinayaan ninyong makaalis ng ligtas ang bodyguard ko." Seryoso at madiin kong sabi sa kanya. 

Napatingin sa akin yung lalaki habang nagsisindi ng kanyang sigarilyo. Matapos magsindi ay dahan dahang siyang lumapit sa kinaroroonan ko at saka nagsalita. 

"So, nakikipag-negotiate ka para sa kaligtasan ng tauhan mo? Awwww. Ang sweet. Ang bait mo namang amo. Hahaha." Pangungutya ng lalaki habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. 

"Oo. Nakikipag-negotiate ako." Matapang kong sagot sa kanya. 

"Sige. Ikaw lang naman talaga ang pakay namin. Wag ka daw namin saktan sabi ni Boss." Dumura na naman siyang muli at nakita kong tumama ito sa aking sasakyan. 

Napatingin ako kung saan tumama ang kanyang dura at binalik ang tingin ko sa kanya. 

"Pwede bang tigilan mo na ang pagdura." Seryoso at irita kong sabi sa lalaki.

Mukhang ikinagalit iyon ng lalaki kaya sunod sunod siyang dumura sa harapan ko.

"Pwede akong dumura kung saan ko gusto! Bakit pag-aari mo ba itong lupang dinuduraan ko? Ha?" Nanlalaki ang mga mata niya habang sinisigawan ako. 

Hindi ako nagpaapekto sa sigaw niyang iyon dahil hindi dapat ako pumatol sa mga ginagawa niya. 

Habang sunod sunod ang pagmumura at pagsigaw ng lalaking nasa harapan ko ay bigla akong napatingin kay Sato. 

Napansin kong wala na sa manibela ang mga kanyang mga kamay at nakatingin siya kung nasaan ako nakatayo. 

'SATO! WAG KANG SUSUGOD! NANGAKO KA SA AKIN!' Kung kaya ko lang isigaw ang mga katagang 'yan ay ginawa ko na pero hindi ako dapat magpadalos dalos lalo pa't tensyonado na ang sitwasyon. 

'Sana man lang ay may paraan para marinig niya ang pinagsasabi ng utak ko ngayon.' Nagaalala kong sabi sa sarili ko. 

Ibinalik kong muli ang aking mga mata sa lalaking wala pa ring tigil sa pagsigaw at pagmumura sa aking harapan. 

"Hindi ka ba titigil sa pag-iingay?" Napasigaw ako ng wala sa oras dahil sa hindi pa rin siya tumitigil. 

Biglang nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap ko at nakaamba na para suntukin ako. 

"ANONG SABI MO?" Bumuwelo siya ng isang suntok mula sa kanyang kanang kamao pero kaagad ko itong naiwasan. 

Pagkaiwas ko sa kanyang suntok ay kaagad kong hinawakan ang kanyang kanang braso at pinihit ito ng ubod ng higpit papunta sa kanyang likod saka ko sinipa ng malakas ang likuran ng kanyang tuhod para tuluyan na siyang mapaluhod sa lupa. 

"AAAAAAAHHHHH!" Sige! Sumigaw ka lang hangga't gusto mo! Iyan ang bagay sa'yo! 

Habang namimilipit siya sa sakit ay kaagad kong kinuha ang mga baril na nakalagay sa kanyang magkabilang tagiliran gamit ang libre kong kamay at pinindot ang magazine release para mahulog ng tuluyan ang magasin nito. Sinipa ko ang mga magasin sa malayo para hindi kaagad maabot ng kung sinuman sa mga kasamahan niya. 

Kasabay sa pagpapahirap ko sa lalaki ay narinig ko ang sabay sabay na paglabas at pagkasa ng mga baril ng kanyang mga kasamahan. 

Hindi ako nagpasindak sa kanila at tiningnan ko silang lahat ng ubod ng sama hanggang sa mapunta ang tingin ko kay Sato na seryoso na ring nakatingin sa akin. 

Umiiling iling ako sa kanya habang pinipilipit ko pa rin ang braso ng lalaking paladura. 

"WAAAAAAAGGG! WAG KAYONG MAGPAPAPUTOK! KAILANGAN SIYA NI BOSS NG BUHAY!" Sigaw ng lalaki sa kanyang mga kasamahan habang sumisigaw sa sakit. 

"Ano? Makikipagbargain ka o hindi?" Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakapilipit ng kanyang braso. 

"AAAAAAHHHH! OO NA! OO NA! BITAWAN MO LANG AKOOOO! AAAAAHHHH!" Sa lagay niyang iyan, alam kong bali na ang kanyang kanang braso. 

'Sisiguraduhin kong hindi mo na yan magagamit kailanman!' 

"Makikipagbargain ka rin pala eh! Pinatagal mo pa!" Tinodo ko ang pagpilipit sa kanyang braso bago ko ito bitawan. 

"AAAHHHH! ANG BRASO KO! ANG BRASO KO!" Sigaw niya sa sobrang sakit habang naglulupasay sa lupa at hawak hawak ang bali niyang braso. 

Habang patuloy sa pag-iyak ang lalaking paladura ay lumapit ako sa driver seat ng aking sasakyan para kausapin si Sato na nakatingin lang sa akin ng seryoso. 

"Umalis ka na Sato. Magiging okay lang ako." Ngumiti ako ng buong puso sa kanya habang sinasabi iyon. 

Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ako sanay sa ganitong mga emosyon kaya tumalikod ako kaagad at dahan dahang lumayo sa sasakyan. 

"Y-Young... Chibisuke..." Nangangatal niyang tawag sa akin. 

"Ano iyon Kuya?" Tumigil ako sa paglalakad at nakangiting lumingon sa kanya. 

"M-Mag-ingat ka. Hihintayin kitang makabalik." 

Nalungkot ako ng tuluyan sa mga katagang binitawan ni Sato. After all these years, ngayon ko napatunayan kung gaano niya ako pinahahalagahan bilang kapatid. 

"Opo Kuya." Nakangiti kong sagot sa kanya bago ako magbow. 

Pagkabow ay narinig kong umandar ang makina ng aking sasakyan at kumaripas ito ng takbo. 

'Wag kang iiyak Vince. Wag kang iiyak.' Pagpapaalala ko sa sarili ko. 

Pagkatungo ko ay napansin kong maingat na lumalapit sa akin ang mga kasamahan ng lalaking binalian ko ng braso. 

Hindi ko sila tinitingnan bagkus ay pinakikiramdaman ko lang kung ano ang mga susunod nilang galaw. 

Pagkatayo ko ng diretso ay tumingin ako sa direksyon kung saan humarurot ang aking sasakyan at biglang napaisip ng malalim. 

'Sana nga maging okay lang ang lahat...'

Palingon na sana ako ng napansin kong gumalaw ang isa sa mga lalaking nasa likuran ko at biglang may ipinukpok sa ulo ko.

"Anong?"

Biglang nagdilim ang paligid at hindi ko maigalaw ang katawan ko.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Aloha ulit sa lahat! ^___^ ^___^

Pasensya na pala sa delay sa update na ito ng Do Re Mi. Medyo nahaggard kasi ako this week dahil sa trabaho kaya medyo need ko ng kaunting pahinga at alone time na rin. ^____^

Enjoy reading this Stanza series which is dedicated to one of the main characters of this story. So yung mga maka Team Vince lumabas na diyan hahahaha ^____^

Nga pala, alam niyo bang inabot ako ng isang buwan para lang matapos ito at yung dalawang chapter pa nito sa sobrang hirap sabayan pa ng writer's block. As in!

Feel free to comment and vote kapag nagustuhan niyo talaga siya and you may share this story to others who is also fond of reading new stories here in Wattpad.

Thank you ulit sa inyong lahat and continue spreading the love and inspiration here in Wattpad. <3

NOTE: PLAGIARISM is a CRIME so DON'T DARE COPY ANY OF MY WORKS dahil para mo na ring ninakaw ang utak ko kapag nangyari iyon!

Seguir leyendo

También te gustarán

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
6.2K 299 62
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
93K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...