Half Sisters Lover (Completed)

By shannonle

69.9K 2.3K 202

Gxg More

summary
Meet Dani
Meet the Twins
Meet Rhian
Meet Krystal
Ang pinag aagawan ng Lima
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chapter fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty-one
chapter twenty-two
chapter twenty-four
chapter twenty-five
panghuli

chapter twenty-three

1.3K 65 4
By shannonle

Rhian's POV

Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo sa ospital kung saan kami nagpa appointment. Ramdam kong kinakabahan si Glaiza kaya naman hinawakan ko ang kamay nito saka ko masuyong hinalikan ang likod ng palad nito.

"You don't need to worry, di ba nga, Mommy mo pa ang nag suggest na mag pa DNA tayo. So meaning wala tayong dapat ipangamba pa, saka okay lang din naman kahit half sisters tayo di ba, medyo na o-awkwardan ka nga lang pero love mo pa din naman ako at love pa din kita, at yun lang naman ang mahalaga."

Ngumiti na nga ito atsaka ito naman ang humalik sa kamay ko.

"Tama ka. Whatever the result, ay mananatili ang love natin para sa isat-isa."

Nakampante na nga sila at magkahawak ang kamay na nag intay na lang sila na tawagin. Makalipas naman ang kaunting minuto ay tinawag na sila at pinapasok sa laboratory kung saan pareho silang kukunan ng blood and hair samples. Sadyang dalawang samples ang ipinakuha nila para siguradong-sigurado talaga. Tatlong araw pa bago nila makuha ang result. Medyo nakakainip pero tiwala naman siya na hindi niya talaga kapatid si Glaiza, dahil wala naman siyang lukso ng dugo dito na naramdaman noon. Hindi kagaya doon sa apat na kapatid nila sa ama, kahit pa hindi niya type ang mga ito ay nakaramdam pa din siya ng kulo este lukso ng dugo.

After nila sa hospital ay sa simbahan naman sila nagpunta. Nagdasal sila pareho ng kaunti. At pagkatapos ay umuwi na din sila kaagad dahil kailangan pa nilang matulog pareho dahil sa may pasok sila sa gabi.

----------

Shay's POV

Nalaman kong totoo nga ang ibinalita sa akin ng kakambal ko. Kaya naman iyong punta kong iyon sa L.A. ay hindi na ako muling bumalik pa sa Pilipinas. Nalaman ko din naman pati na wala na doon si Glaiza. Alam kong noong una ay na obsess talaga ako dito. Pero sa pagbalik ko nga dito sa LA at sa muling pag uumpisa ng filming ng tv show namin ay parang bumalik ang feelings ko sa ka love team kong si Sasha

na gumaganap bilang Alison. Ang totoo ay naging sila talaga nito pero agad din silang naghiwalay dahil nalaman noon ng parents nito and since minor ito at siya ang nasa hustong gulang na, kaya naman siya ang pinakiusapang lumayo na muna, kaya din madalang makita sa eksena ito ay para nga maiiwas sa kanya. Pero nangako naman noon ang Daddy nito na kung sakali at tumuntong na ito sa legal age at siya pa din ang gusto ay hindi na tututol pa ang mga ito. At ngayon nga ay eighteen na ito at pangita namang gusto pa rin siya nito kaya naman muling ibalik ang tamis ng pag ibig ang peg nila ngayon.

----------

Daniela's POV

Tuluyan na ngang nawala ang feelings niya kay Glaiza at ngayon ay may idini-date na siya ang singer-actress na si Mandy Moore.

Ipinakilala ito sa kanya ni Shay noong minsang nagkita sila sa isang event na dinaluhan nila pare-pareho. Nagkahulihan agad sila ng loob at isa pang nagustuhan niya dito ay hindi ito judgemental, kahit kasi nalaman nito ang tunay na trabaho niya ay tinanggap pa din siya nito. Masasabi niyang masaya siya ngayon, dahil kay Amanda Lee Moore.

---------

Jamie's POV

Inimbita siya ni Krystal noong minsan na dalawin ito sa Korea. Pinagbigyan naman niya ito dahil kahit hindi niya aminin ay natutuwa siya dito, dahil ramdam niyang tanggap at mahal siya nito bilang kapatid. At isa pa ay napaka charming at sweet pa naman talaga nito kayat hindi niya talaga magawang hindian. Sa tatlong araw na pag istay niya sa Korea ay nagbonding talaga sila ng husto. And one time habang kumakain sila sa isang korean resto na ayon dito ay puntahin talaga ng mga korean idols ay may nakita itong kapwa nga nito celebrity. Pina share na nila ito sa table nila tutal ay nag iisa naman ito noon. Ipinakilala nito ito sa kanya, Jiwon o si Ha ji won.

Mabilis lang na nakapalagayan niya ito ng loob dahil nakakapagsalita at nakakaintindi din ito ng ingles kagaya ni Krystal. Hindi pa doon natapos ang pagkikita nila. Minsan ay lumalabas din sila kahit hindi kasama si  Krystal at nang umalis siya ng Korea para umuwi na sa China ay hinatid siya nito sa airport kasama ni Krystal.

At pagdating niya sa China ay nakilala niya ang producer ng pelikulang kanyang gagawin, si Vicky Zhao Wei. At halatang may gusto ito sa kanya, gusto din naman niya ito dahil naging paborito niya dati ang pelikula nitong So Close.

Torn between two lovers yata siya ngayon sa dalawang chinita na galing sa magkapit-bahay na bansa.

Nga pala, tinantanan ko na ang inggit ko kay Shay, though hindi pa din kami ganoon kalapit sa isat-isa atleast civil na kaming dalawa.

--------

Krystal's POV

Okay na ang lahat, pero nabuwag ang gupo namin dahil sa akin. Bakit? at anong nangyari? Ganito kasi iyon, masyado akong maganda kaya naman na fall sa akin ang mga Unnies ko na sina Unnie Victoria, Unnie Amber, at Sulli. At dahil hindi ko naman kayang suklian ang mga feelings nila for me ay nag decision si Sulli na tuluyan ng lisanin ang grupo namin. At si Unnie Victoria naman ay umuwi na din sa China. Tatlo nalang kami nina Unnie Luna at Unnie Amber, kaya lang lagi akong naiilang kaya naman umalis na din ako sa grupo. At hindi nagtagal ay may na miss ako sa kanila ng husto kaya naman lumipad ako patungong China upang sundan ito.


===========================

A/n:

Alam ko na madami ang walang pakealam sa iba ko pang mga characters pero part talaga sila nito dahil sila ay mga gusto ko din talaga.

Binigyan ko na ng kanya-kanyang ka love team ang magkakapatid para si Glaiza ay kay Rhian na lamang gaya ng gusto ng iba.

If you are going to ask kung bakit iyon ang mga napili kong partners nila, dahil sila ay mga gusto ko din. Gusto ko din nga sana isama si Michelle Madrigal, kaya lang wala akong mapaglagyan sa kanya e.

Nga po pala malapit ko na po itong tapusin.

Salamat sa mga nagtyagang magbasa at bumoto, pati na din sa iilang nag ku-comment. At sa mga magbabasa pa sa mga susunod na mga araw, salamat din po.  

💕 shannonle

Continue Reading

You'll Also Like

107K 3.4K 45
Taekook One Shots Ideas came from songs Contains fluff and angst only
4.5K 449 9
Revenge and life 😈 Death and birth 🥀 🚫🔞
14.3K 1K 22
Story about MoRan's journey to find their true love. In this ff Karan Shergill is a News anchor and Monami Mahajan is Major in Army department. so st...
67.9K 2.8K 21
What if one day you found yourself being invisible? What will you do? Is there anyone who can help you? Who? ** This is a story of an celebrity who...