Insecure Lover

By fraaancesc

5.1K 113 34

Ito ay ang storya ng crush life ni Arian Lim. May crush kasi siyang may girlfriend. Lagi siyang sinasabihan n... More

Insecure Lover
1- The Start
2.1- Unknown
2.2- Unknown
2.3- Unknown
3.1- Disaster? Not really.
4- Ikaw Yun, IKAW.
5- The Bar
6- This Is War
7- Jay Vincent
8- Holding Hands
9- Reminiscing
10- Special Chapter
11- I'm Back =)))
12- Meet Jace
13- Dinner
14- Bench Convo
15- Tomorrow will be fun =))
16- Happy Birthday, Nia!

3.2- Disaster? Not really.

206 4 1
By fraaancesc

Yung feeling na kasama mo ang crush mo sa loob ng kotse, masaya na nakakatense na ewan! Pero di siya illegal driver ah, may driver rin siya.

Grabe na to! HAHAHAHAHAHA :'> Noon, tingin palang kinikilig na ako. Eh ano nalang ito? Plus yung gitara part pa kahapon? Kahit magtuloy lang to for 1 week, okay na talaga, Lord. Please lang! Haha.

Pero bakit niya ba ako sinama? Siguro baka dahil naawa siya sa akin. Pero bago pa lang kami nagkakilala, grabe na ang effect sa kanya nung umiyak ako. May crush siguro to sa akin nuh? HAHAHAHAHAH :"> Assumera nanaman ang peg ko eh. Sorry lang po. Paminsan lang naman to eh kaya pagbigyan niyo na.

Ewan ko nga kung saan kami papunta eh. Nalaman ko nalang na tumigil siya sa isang convenience store.

"Wait lang ah, may bibilhin lang ako sandali." Sabi niya sa akin.

"Okay. Anong bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bibili ako ng something para mag-enjoy tayo sa gabing to." Sagot niya sa akin.

O________________________________________________________________O

Ano daw? What does he mean by that?

Naks. Napaenglish pa ako. Haha.

Pero ano daw ulet? Mag-enjoy tayo sa gabing to......

Green na kung green ang utak ko pero wuaaaaaaaaaaaaaah! Anong ibig sabihin niya dun? Bata pa ako! Noooooooooo!

Kahit crush ko pa yan, may didnidad pa rin ako nuh! Ano nalang kaya sasabihin ng mommy ko, ng daddy ko, ng tita at tito ko, ng mga classmates ko, ng mga teachers ko, kung malaman nilang gagawin to namin? WUAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH T_________________________T

Dumating na si JV at may nilagay sa trunk ng kotse. Pumasok na siya ulit. Kinalibutan ako, shizz.

"J-JV, A-anong gagawin natin? San tayo pupunta? What time tayo makakauwi? Malayo pa ba tayo?"  Ang dami kong tanong ah. Pero dapat lang, importante kaya ang pinag-uusapan dito!

"Ah, malapit na tayo. Sandali nalang. Wala naman parents mo diba? Malalaman mo rin pagmakarating na tayo. Pag pagod ka na, uuwi na tayo para makapaghinga ka. Ewan ko kung ginawa mo na ba to dati pero ito yung one way pangpawala ko ng stress." Explain niya pa sa akin.

Ang shunga ko. Nakalimutan ko na wala pala dito parents ko. Pumunta nanaman ng Korea dahil may business daw. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. Haha. Pero paano nalaman ni JV? Stallker ko rin ba siya? ^________________________^

Biglang nagreplay sa utak ko ang ibang mga sinabi ni JV.

Pag pagod ka na..... Pag pagod na? Ou na green na talaga ako. Kasalanan talaga to ni Rafi eh. Classmate ko for 8 years na puro green ang nasa utak. Ayan tuloy, medyo nahawa ako. (A.N: Meet Rafi! Epal na walang kwentang character lang siya dito. HAHA. Totoong classmate ko yan. Natawa lang ako sa mukha niya kanina kaya sinama ko siya sa chapter na to. And totoo, sobrang green yun, promise. Haha)

Ewan ko kung ginawa mo na ba to dati........ Eh di ibig sabihin hindi to ginagawa ng karamihan sa edad ko? Oh no.

O______________________________________________________________O

Ewan ko. Ewan ko na talaga anong gagawin ko, anong iisipin ko, at anong gagawin ko.

Pag dumadaan kami sa isang lumang bahay o kaya bodega, kiniinkilabutan ako. Malay ko baka dun niya ako dadalhin pero di naman siguro. Mabait naman tong crush ko diba? Pero diba kahit mabait, pare-parehas lang ang mga lalaki pagdating sa mga ganun?

Pero baka iba ang ibig sabihin ng crush ko at sobrang green lang ng mind ko? Ay basta, dahil crush ko nga to, di nalang ako mag-iisip ng kahit anong masama at itrust ko nalang siya.

Pinikit ko nalang mga mata ko at nagrelax at maghintay nalang na dumating sa destination namin.

"Arian, andito na tayo." Sinabihan ako ni JV. "Natutulog ka ba? Sayang ang binili ko oh." Patuloy niya.

Naalala ko nanaman. Sheeeet. Wag kasing green minded, Arian.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ang lapit kasi ng mukha ng crush ko sa akin eh! Di na ako sumigaw dahil baka makikiss ko na talaga siya sa lips.

Lumayo siya agad pagkatapos ko siyang lakihan ng mata.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JV's Pov

Pinahinto ko muna si Manong Bobbie sa isang convenience store. Di ko nalang sinama si Arian para makapaghinga siya sa pagbasketball niya kanina. Bibili lang sana ako ng beer. Ang dami kasi nangyari ngayon eh at gusto ko makalimot at makarelax kahit ngayon lang.

Pagkatapos kong magbayad, pumasok na ulit ako sa kotse. Pagbalik ko, ang daming tanong sa akin ni Arian. Ou nga pala, di ko pa pala nasabi sa kanya kung saan kami pupunta at anong gagawin namin.

"Ah, malapit na tayo. Sandali nalang. Wala naman parents mo diba? Malalaman mo rin pagmakarating na tayo. Pag pagod ka na, uuwi na tayo para makapaghinga ka. Ewan ko kung ginawa mo na ba to dati pero ito yung one way pangpawala ko ng stress." Explain ko sakanya. Dahil pareho naman kaming stressed ngayon, sinama ko nalang rin siya.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko nalaman na wala ang parents niya, narinig ko sa usapan nila ni Neil. Di naman sa chismoso ako, malakas lang talaga pangdinig ko. B)

Kung nagtataka rin kayo kung bakit stress NANAMAN ako, una, dahil nag-away NANAMAN si mommy at daddy, ikalawa, mukhang nagseselos NANAMAN si Reeza at di ko nga alam kung sino ang sineselosan niya, ikatlo, nakakita NANAMAN ako ng babaeng umiiyak.

Ang dami lang ng "nanaman" diba? Haha.

Nang makarating kami, sinabihan ko si Arian. Walang sumagot kaya tinignan ko siya. Nakatulog ba to?

Lumapit ako sakanya para tignan kung nakatulog na talaga siya. Mukha talaga siyang anghel. Ewan ko bakit pero may naaalala ako sa kanya. Yung parang kilala ko na siya, parang gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang pasayahin.

Kaya pala pagnagkakasalubong kami, lagi ko siya tinitignan. May naalala kasi akong tao pag nakikita ko siya eh, taong di ko maalala.

Tinignan ko ang mga mata niya, ang haba ng lashes niya. Pero mas mahaba pa yung akin ^___^. Di masyadong matangos ang ilong niya. Buti pa sa akin ^___^ Pero ang ganda ng lips niya, mana sa akin ^___^

May naalala nanaman ako sa mga sinabi ko. Ewan ko bakit pero di ko talaga mahanap sa utak ko. Parang nakatago siya sa pinakamaliit na nerve na meron sa akin.

Nagulat nalang ako ng bumukas ang mata niya at nanlaki ito. Nagulat rin siguro siya dahil ang lapit ng mukha ko.

"S-sorry, sorry talaga. Tinignan ko lang kung nakatulog ka na ba talaga." Sabi ko sa kanya. Di siya nakasagot sa tanong ko. Nagulat lang talaga siguro.

Ako nalang ulit ang nagsalita dahil may awkward silence. "Andito pala tayo sa Amusement Park. Tayo ka na jan at magsimula na tayong mag-enjoy."

Hala. Nagblush siya. Ang cuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuute ^________________________^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Arian's Pov 

"Andito pala tayo sa Amusement Park. Tayo ka na jan at magsimula na tayong mag-enjoy ^____^ " Masaya niyang sabi niya sa akin.

Stupid. Ang stupid mo talaga Arian. Sabi ko naman sayo na mabait ang crush mo at wala siyang masamang gagawin eh. Ang green mo naman kasi eh!

Nagblush tuloy ako dahil sa kahihiyan. Mukhang kamatis na siguro ako dito. Lumabas nalang ako agad dahil baka mapansin pa ni JV.

"Saan tayo pupunta? At ano pala ang binili mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Pag stress/malungkot kasi ako, lagi kasi ako dito. Umiinom ako ng mag-isa at tinatapon ang botelya sa pader kung ubos na. Dahil parehos naman tayo ng nararamdaman, sinama nalang kita.  Teka, kukunin ko lang ang beer ah." Sabi niya sa akin.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah, Yun naman pala eh. Pero teka, di naman ako umiinom eh.

"Okay lang kahit di ka iinom. Kahit tatapon ka nalang ng botelya sa pader. Hehe. Pero kung gusto mo ring uminom, bumili ako ng vodka. Di yun masyadong nakakalasing. Pero di kita pinipilit ah." Patuloy niya.

Di niya na ako hinintay makasagot at kinuha niya na ang mga beer. Ng makabalik siya kung saan niya ako pinahintay, dinala niya ako sa may gitna ng park. May parang building kasi dun, may pader. Dun daw kami magtapunan ng botelya.

"Gusto mo?" Inoffer niya sa akin ang beer.

Kinuha ko ang bag ko, sinulat ang address at contact number ng bahay. Binigay ko sa kanya.

Natawa siya sa ginawa ko at sinabing

"Don't worry, I'll make sure to bring you home safely. Game?"

"GAME!"

~

Sorry for the shizzy update. Kung bitin ulit, sorry naman. Tinatamad ako eh. XD. And last part na to ng chapter 3. Iba nanaman ang title ng next chapter. :3

Continue Reading