Lumabas na kaming tatlo at sumakay sa elevator..Angsaya ni liam pag kasama niya si kuya Ram, syempre ngayon lang may nakakasakay ng trip niya.. OP naman ako sa dalawang to kasi kwinekwento ni liam yung ninja turtles eh hindi ko pa napanood yun..
" ah alam ko yan, mamamatay ung mg turtles kasi natagalan sila masyado sa lupa, kaya natuyo yung mga laman nila hahaha" sabat ko sa kanila para matapos na.
tumimgin lang sila sakin sabay " who you?"
"wow..galing niyo magduet, bat di kayo sumali ng run competition" sarkastikong banat ko sa kanila..
Magsasalita pa sana si kuya Ram pero bumukas na yung elevator, nagulat ako kasi andaming tao sa labas ng building at nagsisigawan, may photographers pa na sunod sunod ang pagflash ng camera..
" Kuya anong nangyayari?" tanong ko kay kuya, kumapit ako sa braso niya..
"Wag niyong pansinin yan, daan tayo sa kabilang exit, may nakatira kasing artista dito, laging ganyan pag umuuwi siya ." walang kabuhay buhay na sabi niya.
" sinong artista?? pag pumopunta kami dito , di ko man lang siya nakita "
" kakalipat niya lang.."
naglalakad kami ngayon sa lobby para pumonta sa kabilang exit, ng makaslubong namin yung artista..Mapapatay ko si kuya,..kainis siya... Dito pala lumipat si bryan..
Napatigil din sa paglalakad si Bryan, nagulat siya na makita ako dun , Mas gulat naman ako noh...
Nakabawi din agad si bryan at tumingin kay kuya " hey men" tipid na bati niya..
" hey" bati din ni kuya..
" kuya dont interrupt, " lumapit ako kay bryan
" hi Bryan, kapatid ko si Ram, baka magselos ka..at dahil friend mo kapatid ko, friends na din tau ha"
Yumoko si Bryan at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.." ASA"
I was left there dumbfounded.. I wanted to erase that filthy smirk from his face, Maghintay ka Bryan, pahihirapan kita pag nanligaw ka sakin...choss! matrabaho talaga tong lalaking to..
Sinundan ko na lang siya ng tingin habang papunta siya sa elevator..tinapik niya yung balikat ni kuya bilang pagbibigay galang..ngumiti si kuya sa kanya..
"basted lang?? kumain ka na lang..tara kapatid" loko loko ka talaga kuya masasakal talaga kita..
" Basted ka jan..hmmpp!! gusto ko ng nilaga ngayon, yung mataba para mahighblood kayo"..nauna na akong lumabas sa building..bahala sila jan.. Nung nakabili na kami sa department store..
"kinulit kulit ko si kuya kung saang floor si Bryan..wala lang for information..Hindi ko siya tinantanan..
Umuwi kami sa bahay pagkatapos magsimba.Hindi ko na nakita si Bryan..Natulog ako ng maaga, para may energy ako bukas..
Wala masyadong ginawa sa Opisina, naground lang ako sa production area, Pumunta na ako dun sa Bldg. kung san yung photoshoot ni Bryan dun sila sa marketing bulding, Pagpasok ko sa room, busy ang lahat at ang ingay ingay nung photographer...
"ang gwapo talaga niya" naririnig kong bulungan ng mga empleyado...issshh. kainis tong mga to..batuhin ko kaya tong mga to ng sapatos ko..
May 15 minutes akong, panoorin siya...pinagdiskitahan ko yung ID ko na kagatkagatin...kinikilig ako...aaahhhhh!!!!
Mga 5 mins. dumating yung Chloe Montes..siya yung makakasama ni bryan sa commercial..Halos lahat parepareho ang reaksyon..
Ang ganda niya kasi..Hindi ko maiwasang mainggit, nalalapitan niya si Bryan samantalang ako..hay buhay..
Nanonood pa ako ng may nagtxt sakin, secretary ni Manager Gonzales of Production team..hinahanap daw niya ako..OK..goodbye for now bryan ko..
Dalidali na akong lumabas at pumunta sa office namin..Sinabing kung nagCR ako,,nagreport ako sa kanya about dun sa latest batch na naproduce na Tetracycline.
Sa wakas tapos na din ang trabaho..pero di pa pala ako makakauwi, ngayon ang umpisa ng practice namin..nagtxt na si Tiffany at macy..papunta na daw sila sa C&C...nagtaxi na ako papunta dun..
Dumiretso ako ng cr para magretouch..Si Mrs. Santos ang magiging manager namin..ang una daw iprapraktis eh yung dancing, sumasali naman ako ng dancing nung high school.
Pinagwarm up kami , stretching. ,Nagenjoy ako sa first day ko..So far nakasusunod naman ako..haha
Grabe ang galin nina tiffany at Macy..andali din nilang matuto..
"we have ten minute break!!" sabi nung choreographer, may mga nakikipraktis din samin..mga back up dancer daw cla..Lahat sila mababait..
"Tiffany, samahan mo nga ako sa CR, naiihi ako.." yinaya ko si tiffany..si macy kasi nakikipagusap sa Choreographer, close sila sabagay matagal na kasi siya dito..
"Grabe nakakapagod"..Pagrereklamo ni tiffany habang kami'y naglalakad papuntang CR..
"OO nga eh..buti nga ikaw hindi ka nagwowork, panu naman kaya ako?? pero ok lang masaya naman" masigla kong sabi, ganito kasi ako pag gusto mko ginagawa ko.
"bat di ka na lang kasi magresign?? anhirap kaya niyan..trabaho sa umaga, tapos praktis sa gabi"
"ayaw ko noh..mahal ko din trabaho ko tsaka alam mo bang shinyo Inc. ay pagmamayari nina Bryan.." sabi ko na kinkilig kilig pa..
"ai ph? kaya naman pala, gusto ko din sanang magtrabaho sa business nina luhan".kinikilg din niyang sabi..
"Subukan mo kaya..hahaha alam mo bang kaibigan siya ng kuya Ram ko?.."
"ai oh, ayie pakilala mo ko kay luhan pls.." napacute pa talaga siya.
." cge cge..dont worry..andito na tayo..hintayin mo ko ha.."
"cge cge..bilisan mo" nakangiting sabi niya..
"ok ok.."
Pagkatapos ko, nakita ko naman itsura ko sa salamin..grabe gurang lang..Inayos ko buhok at nagpunas...
"Tiffany tapos na ako..tara"
Nadatnan ko siyang may sinisilip sa isang praktis room at nagtatago sa pader.
."Ssshhhh" sumenyas siyang tumahimik ako..lumapit ako sa kanya at sinilip kung ano man ang sinisilip niya..
Yun naman pala si luhan pala ang nandun..nakaupo siya sa sahig habang hawak ang gitara niya...
Hala anlandi!! sabagay ganyan talga pag love..ipakilala ko na nga siya tutal close na ata kami ni luhan...di ako sure eh..pero parang Oo,,kaya Go!!
"tiffany , ipakikilala kita ngayon sa kanya ..gisto mo?"
Nagulat siya "ngayon na...seryoso?"?..bulong niya sa kin
"Oo..ganito ang plano..kunyari nakalimutan natin yung daan pabalik sa practice room natin.."
"Cge cge"...nakangiti na ang bruha...excited??
"Lilitaw tayo pagkatapos kong magbilang ng tatlo.." nagnod naman siya...isa...dalawa...
Hindi ko natuloy yung bilang kasi naman naramdaman namin na nakatayo na pla si Luhan sa tabi namin..
Nashock kaming dalawa ni tiffany, hindi kami makagalaw, nakayuko, magkahawak kamay at nakatingin kay luhan ng may naglalakihang mata, parang kriminal na nabisto..
"Akala ko na kung sino yung nagbubulungan dito sa labas kayo lang pala" sabi ni luhan..
"haha haha" awkward na tawa namin..Umayos na kami ng pwesto..
"break kasi namin tas hinahanap namin yung CR"...page explain ko...si tiffany naman pangi ngiti na lang, kung magsalita kaya siya..
"aaahhh...yung CR jan oh.." sabi niya sabay turo sa likod namin..Kinurot ako ni tiffany...nung tumingin ako sa kanya, tinuro niya sakin yung pagkalakilaking sign ng Comfort room, na malayo ka pa lang kitang kita mo na.
Ooppss... kaya pala di kami naligaw kasi kita ko din yan kanina,,,
"ahahahaha" tumawa na lang ako, kinurot ko din si tiffany para sabayan niya ako..kaya hayun
" ahaha nakakatawa ka Amber..."
Natigil kami sa kakatawa nung mapansin kong nawi wirduhan na samin si luhan..
"ehem...ah siyanga pala..siya si tiffany friend ko at makakasama ko sa grupo namin.."
"oww..nice to meet you tiffany.." nakangiting sabi ni Luhan at inilahad ang kamay..
"ah y-yeah..nice to meet you too Luhan" hala nauutal na..Poor tiffany kailangan na naming umalis...
"huy, kailangan na nating bumalik, bumawi ka na next time"..bulong ko sa kanya
"mauna na pala kami, luhan tapos na ung break namin.." malungkot na sabi ni tiffany, hala.. di man lang matago ang sadness..tsk tsk..
"ok cge, pagbutihin niyo.." paalam niya samin " salamat, ah big fan mo ako." singit ps ni tiffsny... hayaan ko siya, moment niya yan..that's what you call Sympathy.
Masayang bumalik na si Tiffany sa practice room...Tignan mo nga namn ang nagagawa ng pagibig.. Si bryan di ko man lang nakita, ta may source of energy naman ako.. sana makita ko siya bukas..