Back in 1763

By midoriroGreen

136K 4.9K 926

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Bangka

975 48 8
By midoriroGreen

Sakay ng kalesa ay malungkot akong nakatanaw sa magandang tanawin na nadadaanan namin.

Maraming mga puno na alam kong sa panahon ko ay napalitan na ng mga poste at mga bahay.

Naamoy ko rin ang alat na galing sa dagat.

"Maaari po bang pumunta muna tayo sa dalampasigan?"

Mukhang nagulat ang nagpapatakbo ng kalesa sa tinanong ko pero agad din naman itong tumango.

Pasado alas-singko na siguro ng hapon. Hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw kaya okay lang akong maglakad-lakad muna.

Pinihit ng kutsero ang tali ng kabayo kaya nag-iba ito ng direksyon. Imbes na pauwi kami ng mansiyon ng mga Polavieja ay kumaliwa kami papunta sa isang tahimik at magandang dalampasigan.

May iilang mga tao ang nandoon. May mga bata ring naghahabulan na parang walang problema.

Napakasaya talaga na mamuhay ng simple.

Iniwan ko muna ang mga tauhan ni Radleigh kung saan nila ipinarada ang kalesa. Abot pa rin naman nila ako ng tanaw kaya pumayag na rin silang pabayaan muna akong mag-isa.

Mabagal akong naglakad papalapit sa buhanginan na naaabot pa ng mga alon. Umaatras ako tuwing tumatama ang kaunting tilamsik ng tubig sa aking paa na may suot na bakya o sapin sa paa na gawa sa kahoy.

Medyo dumudulas ang mga paa ko sa buhangin dahilan para magpasya akong mag-paa na lamang. Iniwan ko saglit ang pares ng bakya na sapin ko sa mga paa sa tabi ng puno ng niyog.

Umihip ang pang-hapong hangin dahilan para mapapikit ako. Pagmulat ko ay saktong napatingin ako sa malawak at asul na dagat.

Napabuntong-hininga ako at muling lumapit sa dagat. Hinayaan kong mabasa ang mga paa ko habang malungkot pa rin nakatanaw sa karagatan.

Hinahanap kaya niya ako ngayon o wala na siyang pakialam? Nakalimutan ba niya ang tungkol sa akin dahil marami siyang ginagawa o talagang may ibang mas mahalaga sa kaniya?

"Mi amor..."

Napalingon ako ng marinig ko ang malamig na boses ni Radleigh. Akala ko ay nag-iilusyon lang ako pero agad akong kinabahan ng makita ko siya sa hindi kalayuan. Papalapit siya sa kinaroroonan ko at hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya.

My heart skip upon seeing him.

Napahawak ako sa aking saya at napahakbang paatras sa gulat na nandito siya sa malapit sa akin.

Napakunot ang kaniyang noo ng mapansin ang naging pag-atras ko. Kinalma ko naman ang sarili ko.

Nakita ko ang mabilis na mga hakbang niya papalapit sa akin pero ng malapit na siya ay unti-unti siyang bumagal hanggang sa tuluyan na siyang tumigil.

"Mi amor.." Nananantiya ang tono ng boses niya ng kausapin ako. Siguro ay napansin niya ang pagiging malamig ko sa kaniya.

"Hindi ka nagpakita sa akin kanina. Kumusta ang pakiramdam mo? Nakita mo ba ang buong pangyayari kanina noong pinarusahan ang mga..." He trailed before stopping.

Tuluyan na siyang lumapit sa akin at walang pag-aalinlangang hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. Mahina akong napasinghot at narinig ko naman siyang nagsalita ng wikang Spanish.

"Patawad mi amor. Hindi mo dapat nasaksihan ang ganoong kalupitan." Puno ng pagsisisi ang boses niya.

Akala niya ay umiiyak ako dahil natakot ako sa mga nasaksihan ko kanina.

"Anong ginagawa mo rito?" Mabuti na lang at hindi nag-crack ang boses ko.

"Nag-alala ako sa iyo. Hinanap kita pero wala ko sa buong plaza. Anong ginagawa mo sa lugar na ito mi amor?"

I hate that he sounds so sincere and serious. Dahil alam ko kung sino ang kasama niya kanina.

Hinanap niya ako? Isang malaking kasinungalingan!

Tinulak ko siya palayo sa akin kaya nagulat siya at nagtatakang napatingin sa akin.

"M-mi amor anong problema?" May dumaang takot sa mga mata ni Radleigh na agad ding nawala. Baka guni-guni ko lang dahil sa papalubog na sikat ng araw.

"Sinungaling ka." Masama ang loob na nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

Napaawang naman ang mapupulang labi niya ng marinig ang sinabi ko.

"Hindi mo naman talaga ako hinanap di ba? Nandoon ako sa plaza Ortiz at hindi mo ako kailanman hinanap." Masama pa rin ang loob ko hanggang ngayon. Parang bulkang sasabog na ang mga emosyon ko dahil sa pagpipigil.

"Nagkakamali ka Acilegna. Hinanap kita kanina pero wala ka na roon." Malungkot siyang tumingin sa akin.

"Tama na pakiusap. Alam ko namang hindi talaga ako ang hinanap mo kanina."

Mapait akong ngumiti sa kaniya. I love ampalaya kaya siguro tunog bitter ako ngayon. Asar!

Kumunot naman ang noo ni Radleigh sa narinig. Kaya dinagdagan ko ang sinabi ko.

"Oo nga pala. Nagtagumpay ang plano nating iligtas si binibining Minerva. Magaling ang ginawa ninyo."

Tumalikod ako sa kaniya at muling humarap sa dagat. Akala ko ay hindi na magsasalita pa si Radleigh.

"Umamin si Don Gustavo na walang kasalanan si binibining Minerva bago siya bitayin. Kaya mas lalong lumakas ang mga ipinakita naming katibayan na walang kasalanan si binibining Minerva."

Narinig kong sabi niya sa likod ko.

"Binibini ko.. Bakit parang unti-unti kang lumalayo? Hindi ko ibig ang ganito. Parang kay hirap mo na namang abutin.."

Nagigilan ako ng marinig ko ang mahinang bulong ni Radleigh. Napalunok ako bago marahas siyang nilingon.

"Ikaw ang napakahirap abutin! Palagi mo akong pinapangakuan ng mga matatamis mong salita pero sa huli ay palagi ko namang nakikita na may nararamdaman ka pa rin kay binibining Minerva." Pinunasan ko ang luhang muling lumandas sa mga pisngi ko.

Umiling si Radleigh at akmang lalapit sana sa akin.

"Huwag kang lumapit sa akin pakiusap.." Nasaktan ako ng makita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Radleigh pagkatapos marinig ang sinabi ko.

"Ikaw lang ang tanging binibining nagustuhan ko ng ganito.." Nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Nakita ko kayo ni binibining Minerva kanina sa plaza Ortiz." Sabi ko sa kaniya imbes na pansinin ang mga salitang sinabi niya na nagpabilis sa puso ko.

Ayaw kong basta na naman maniwala sa kaniya tapos makikita kong may nararamdaman pa siya sa ibang babae.

"Malapit na pala kayo sa isa't isa. Masaya ako para sa i-inyo." Pumiyok ako pero nagawa ko pang ngumiti sa kaniya.

"Acilegna.." Tanging nasabi lang ni Radleigh.

"Ayos lang sa akin na aminin mo na na may nararamdaman ka pa para kay binibining Minerva. Alam ko namang may nakaraan kayong dalawa at siguro ay hanggang—" Natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko ang seryosong mukha ni Radleigh.

"Hindi ayos sa akin binibini. Wala kaming naging relasyon ni binibining Minerva noon man at maging ngayon. Kaibigan at kakilala ko siya mula noong mga bata pa kami pero kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan ng katulad ng nararamdaman ko para sa iyo."

"Pero palagi kang wala sa mansiyon sa nakalipas na mga araw dahil... dahil..." Hindi ko alam kung ano ang idurogtong kong paratang para mawala ang malakas na kabog ng puso ko.

Nagsisimula na naman akong umasa.

"Gusto kong matapos na ang lahat ng problema para matuloy na ang pag-iisang dibdib natin. Kaya ko minadali na matapos ang tungkol sa kaso nina Don Gustavo. Ayaw ko ng makawala ka pa sa piling ko mi amor." Hindi ko namalayang nakalapit na pala ulit si Radleigh sa akin.

"Maaari ko na bang hawakan ang mga kamay mo, mi amor?" May pag-aalinlangang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako kaya pinagsalikop niya ang mga daliri namin bago ako muling tinitigan sa mga mata.

"Sabihin mo sa akin kung ano pa ang bumabagabag sa iyo." Marahan niyang pinunasan ang aking mukha.
Hindi naman ako umiwas.

"Sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo ni binibining Minerva?" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Wala kahit kailan. Gusto ko lang magkaroon ng buo at maayos na pamilya ang kapatid kong si Polaris. Ayaw ko ring mawalan ng ina si Alfonso kaya ko ginawa ang mga bagay na iyon. Patawad mi amor kung pakiramdam mo ay nakalimutan kita."

Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay muling nagsalita si Radleigh.

"M-may problema pa ba mi amor?" Tanong ni Radleigh sa akin.

Umiling naman ako at ngumiti sa kaniya. Ngiting hindi ko alam kung umabot ba sa mga mata ko. Masaya ako na wala siyang nararamdaman para sa ibang babae. Pero kaya ko bang maging makasarili at ikulong siya sa isang relasyon na alam kong agad ding magwawakas?

"Naniniwala na ako sa iyo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay mukhang nakahinga naman ng maluwag si Radleigh.

Sabay naming nilingon ang papalubog ng araw. Napakaganda pagmasdan ng mga kulay sa kalangitan at ang dagat.

"Napakaganda ng tanawin hindi ba?" Narinig kong nagsalita si Radleigh kaya tumango lang ako sa kaniya ng hindi siya nililingon.

"Pero para sa akin ay mas maganda ang mga totoong ngiti mo mi amor. Huwag mo sanang kalilimutan iyan."

Napalingon ako ng sinabi niya iyon. Napalunok ako ng makita ko ang napakagwapong mukha ni Radleigh na natatamaan ng liwanag mula sa papalubog na araw.

Gusto kong kumontra at sabihing mas maganda pagmasdan ang napakaperpekto niyang mukha. Ngumiti siya sa akin at doon pa lang ay lalo pa akong nahulog sa kaniya.

Tuluyan ng lumubog ang araw pero nakatayo pa rin kami ni Radleigh sa dalampasigan.

Pareho kaming ayaw pang umalis.

Napatingin ako kay Radleigh ng naglakad siya papunta sa puno ng niyog kung saan ko iniwan ang aking bakya.

I wish I could confess about myself this time. Pero kaya ko bang sirain ang oras na ito kung kailan payapa ang lahat?

Nagising ang aking diwa ng makita ko si Radleigh na bitbit ang aking sapin sa paa. Nakangiti siya ng matamis sa akin na parang may binabalak na masayang gagawin.

"B-bakit mo kinuha iyan?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Namula ang mukha ko ng siya na mismo ang magsuot ng mga bakya sa mga paa ko.

Napahawak ako sa matitigas niyang mga balikat bilang suporta.

Tumayo siya pagkatapos ay may itinuro mula sa hindi kalayuan.

May nakita akong bangka na nakaparada doon. Marahang hinawakan ni Radleigh ang mga kamay ko at saka nagpatiuna papunta sa kinalalagyan ng bangka.

Nagpaalam siya sa mangingisdang may-ari ng bangka na hihiramin lang saglit iyon. Mukhang natuwa naman ang matanda ng makita si Radleigh at pumayag agad ito.

Kaya ngayon ay sakay na kami ni Radleigh ng bangka habang masaya siyang nagsasagwan.

Medyo nakalayo na kami sa laot ng tumigil siya sa pagsagwan. Nakangiti siyang lumingon sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya.

"Radleigh..May sasabihin sana ako sa iyo." Nakapagdesisyon na ako na sasabihin ko sa kaniya ang totoo.

"Ano iyon mi amor?" Nawala ang ngiti ni Radleigh ng makitang naging seryoso na ang mukha ko.

"Naniniwala ka ba na maaaring maglakbay ang isang tao pabalik sa nakaraan?" Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin.

Handa na akong marinig ang tawa ni Radleigh. Sinong matinong tao ang magtatanong ng ganitong paksa sa panahong ito di ba? Ako lang naman.

"Ikaw mi amor? Naniniwala ka ba?" Nagulat ako ng seryoso pa rin ang mukha ni Radleigh ng magsalita. Wala akong mabakas na tawa o panunuya. Parang napakahalaga pa  nga sa kaniya ng magiging sagot ko.

"Huh? Bakit ako?" Napanguso ako dahil sinagot rin niya ako ng tanong.

Siyempre naranasan ko ng mag-time travel kaya naniniwala ako.

"Huwag mo na lang sagutin." Bawi ko na lang agad. Parang nahihirapan kasi si Radleigh sa tanong ko.

"Pero sana ay huwag kang magugulat sa aaminin ko sa iyo." Kinabahan na naman ako pero biglang nagsalita ulit si Radleigh.

"N-naniniwala ako na nangyayari ang bagay na iyon." Nag-iwas siya sa akin ng tingin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

"Sa mga kuwento. Nangyayari iyan sa  mga kuwento sa iba't ibang aklat at maaaring sa panaginip din ng tao." Dinagdagan naman agad ni Radleigh ang sinabi niya bago ako makapagkomento.

"Ah t-tama nga naman hehe." Akala ko ay magiging madali ito. Mukhang mahihirapan akong magsabi sa kaniya. Pero bahala na.

"Naaalala mo ba noong sinabi mo sa akin na mamamanhikan ka sa pamilya ko?"

Tumango si Radleigh sa akin.

"Ang totoo niyan ay wala sila sa lugar na ito."

Nakakaintinding tumango naman ang binata.

"Kahit malayo pa sila ay pupuntahan natin sila mi amor."

Malungkot akong umiling sa kaniya.

"Hindi natin sila mahahanap dito dahil hindi pa sila ipinapanganak." Nagkatitigan kami ni Radleigh ng ilang minuto bago siya napatikhim.

Napapikit naman ako ng mariin.

"Bumalik na tayo mi amor. Alam kong napagod ka ngayon. Kailangan na nating magpahinga." Walang bahid ng panunuya ang mukha ni Radleigh. Nakikita kong purong concern at pag-aalala lang ang nandoon.

" Radleigh. Nanggaling ako sa hinaharap. Dalawang daang taong mahigit mula sa taong ito. Naglakbay ako pabalik sa taong 1763." Nakapikit kong pag-amin sa kaniya.

Nakakahiya. Baka akala niya adik ako.

Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako pero kailangan kong masabi ang totoo sa kaniya. Ayaw kong basta na lang umalis dito na hindi nakakapagsabi ng totoo.

"Hindi ka ba nagtataka na kakaiba ang kasuotan ko noong una mo akong makita? Na marunong akong magsalita ng wikang Ingles? Iyon ay dahil sa hinaharap na pinanggalingan ko ay marami na ang nagbago. S-sana paniwalaan mo ang sinasabi ko." Nakapikit pa ako ng mariin. Hindi ko kayang makita ang reaksyon ni Radleigh.

Napahawak ako sa aking mukha ng hindi pa rin siya nagsasalita. Tanging ang mga alon lang ang naririnig ko.

Napahugot ako ng hininga ng bigla niyang hinawakan ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko.

Napadilat ako ng mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. Nakita kong hinaplos niya ang singsing na ibinigay niya sa akin sa isla noon.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Radleigh at bago ko pa masalubong ang mga tingin niya ay naramdaman ko na nag marahang pagdampi ng mga labi niya sa akin.

Napapikit ako sa sensasyong dulot ng mga halik niya. Sa una ay mababaw lang ang paghalik niya sa akin hanggang sa unti-unti na itong nagbabago.

Tumigil kami sa paghahalikan at pinagdikit ni Radleigh ang aming mga noo.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko siyang nakapikit.

"Kahit saan o anong siglo ka pa ipinanganak. Ikaw pa rin ang nag-iisang binibining iniibig ko. Sa nakaraan man, sa kasalukuyan o kahit sa sinasabi mong hinaharap ay mahahanap pa rin kita. Hindi ako mawawalan ng pag-asa." Puno ng sakit, takot at lungkot ang boses niya ng sabihin iyon sa akin.

Pero ng magmulat ang mga mata niya ay may kakaibang determinasyon at kislap akong nakita roon.

"Magpakasal na tayo mi amor.." Seryosong pakiusap ni Radleigh sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako masaya kahit na nasasaktan ako.

Siguro ay dahil naniniwala ako sa mga salita niya. At nakikita ko ang pagmamahal sa mga mata niya.
Tumango ako kay Radleigh at ako na mismo ang humila sa kaniya para mayakap ko siya ng mahigpit.

"Pero hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Galing ako sa ibang panahon." Ibinaon ko ang mukha ko sa mga balikat ni Radleigh.

Naramdaman ko naman na mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa buhok.

"Naniniwala ka ba sa mga sinabi ko? N-nais mo pa rin bang magpakasal sa akin kahit pa.. kahit pa ano mang oras ay maaari akong bumalik na lang bigla sa panahong pinaggalingan ko?"

Nahihiyang tanong ko sa kaniya ng hindi ako makarinig ng sagot. Tanging ang mabibigat lang na paghinga niya at ang hampas ng mga alon ang naririnig ko.

"Mi amor..." Iyon lang ang sinabi ni Radleigh kaya sinubukan kong kumalas sa mga yakap niya pero pinigilan niya ako. Kaya nanatili akong
nakakulong sa mga bisig niya.

"A-ayos lang sa akin kung hindi ka naniniwala." Alam ko naman kasing mahirap paniwalaan ang mga sinabi ko. Siguro ay mas mabuti na rin na ganito. Baka mas lalo lamang maguluhan si Radleigh.

"Kung gusto mo pa rin akong pakasalan kahit nalaman mo ang totoo kong pagkatao ay pumapayag na ako sa alok mong mapakasal tayo." Naramdaman kong natigilan si Radleigh sa sinabi ko.

Makasarili ba ako sa naging desisyon ko? Alam kong aalis na ako sa panahong ito pero pumayag pa akong magpakasal sa kaniya.

Just this once. I want to be happy. Alam kong kapag bumalik na ako sa hinaharap ay hindi na ako kailan man magiging masaya katulad ngayon. Kaya susulitin ko na ang oras na kasama ko pa ang lalaking una at alam kong huling magpapatibok ng puso ko.

"S-salamat. Maraming salamat at pumayag ka.Pangako binibining Acilegna. Magiging mabuti akong esposo sa iyo. Bubuo tayo ng masayang pamilya." Nabasag ang boses ni Radleigh ng magsalita siya kaya natigilan ako.

Bubuo tayo ng masayang pamilya...

Kay sarap isipan ang isang buo at masayang pamilya kasama si Radleigh. Wala na akong mahihiling pa kung ang aking hinaharap ay isang simpleng buhay kasama siya at ang mga magiging anak namin.

Gusto kong makita ang mukha niya pero ayaw niya akong pakawalan sa mahigpit niyang yakap na para bang natatakot siyang anumang sandali ay bigla na lang akong maglalaho.

"At kagaya ng naunang sinabi ko sa iyo. Hindi hadlang ang oras para mahalin kita. Ayaw kong maniwala sa sinasabi mong naglakbay ka lamang papunta sa panahong ito dahil kung totoo man iyon ay alam kong ikadudurog ko ng husto kapag
b-bumalik ka na sa iyong panahon.
Gusto kong maging makasarili at huwag ka ng hayaang bumalik pa sa hinaharap na sinasabi mo."

Radleigh..

"Naniniwala ako sa mga sinabi mo mi amor. Pero natatakot ako. Pakiramdam ko ay isa sa mga araw na ito ay bigla mo na lang akong iiwang mag-isa."

Napaiyak ako sa mga sinabi ni Radleigh. Paano ko sasabihin sa kaniya na apat na araw na lang ang natitira sa akin sa panahong ito? Napakasakit mapakinggan ang boses niyang puno ng paghihirap at lungkot.

"K-kung magpapakasal ba tayo ay mananatili ka na sa panahong ito kasama ako? Hindi ka na ba babalik sa hinaharap na sinasabi mo?" Seryosong tanong ni Radleigh sa akin kaya napahugot ako ng malalim na paghinga.

Naalala ko ang pamilya ko dahil sa sinabi ni Radleigh. Dalawang taon akong nacomatose sa hinaharap dahil sa pagkahulog sa hagdan. Walang oras na hindi nag-alala ang mga magulang at iba pang kapamilya ko para sa aking kalagayan. Mahal na mahal nila ako at ganoon din ako sa kanila.

Pero narealize ko noong nagising ako mula sa matagal na pagkakatulog na parang may kulang sa buhay ko sa hinaharap. Kapag natutulala ako sa payapang dagat malapit sa bahay ni lola Maya ay palagi kong nararamdaman na parang may gusto akong makita at makasama. Alam ko na hindi "ano" kundi "sino" ang hinahanap ko.

Ngayon ay alam ko na kung bakit ko nararamdaman ang kakulangan na iyon. Nandito na sa tabi ko ang taong dahilan ng kalungkutan ko sa hinaharap. Ang taong dahilan kung bakit ko gustong muling bumalik sa panahong ito na hindi naman para sa akin.

Subalit gustuhin ko mang sagutin ang tanong niya ay alam kong wala rin naman akong magagawa. Kahit sabihin kong dito na lang ako mananatili sa panahong ito basta kasama ko siya ay alam kong wala ring saysay iyon. Babalik at babalik pa rin ako kung saan talaga ako nagmula.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Radleigh at ipinagpasalamat ko na hinayaan na lang niya iyon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa hindi ko pagsagot sa kaniya.

"Ayos lang mi amor kung hindi mo gustong sagutin ang aking katanungan." Nakaiintinding sabi ni Radleigh.

"Radleigh.. Maaari ba akong humiling sa iyo?" Mahina kong bulong sa kaniya. Nasasaktan ako para sa amin pero alam kong hindi ako maaaring mangako sa kaniya na hindi ko siya iiwanan. Dahil anumang oras ay alam kong iiwan ko na talaga siya ng tuluyan. Ilang araw na lang.

Tumango si Radleigh habang magkayakap pa rin kami. Hinaplos ko naman ang buhok niya at muling napapikit.

"Kung m-magpapakasal tayo ay gusto kong sa ika-apat na araw mula ngayon." Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit.

"Kung anong gusto mo mi amor ay iyon ang masusunod." Pinasigla ni Radleigh ang kaniyang boses pero ramdam ko ang sakit, lungkot at takot sa boses niya.

"H-hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko minamadali ang kasal natin?" Masuyo kong tanong sa kaniya.

Tumigil na ang pag-agos ng mga luha ko pero nananatili pa rin ang sakit sa puso ko.

"K-kahit sabihin mong ngayon na o bukas ay pakakasalan kita mi amor. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin." Matigas na sagot naman ni Radleigh.

Gusto kong aminin sa kaniya na sa ikaapat na araw na sinasabi ko ay ang magiging huling araw na makikita nila ako. Pero naduwag ako. Gusto kong sa araw ng kasal namin ay maging masaya si Radleigh. Alam kong kapag nalaman niya na malapit na akong bumalik sa hinaharap at sa araw pa ng kasal namin ay hindi siya mapapanatag.

Kung pwede ko nga lang bawiin ang mga sinabi ko kay Radleigh tungkol sa pag-time travel ko papunta sa taong ito ay ginawa ko na. Sana pala ay hindi ko na lang sinabi.

Dahil naramdaman ko na maging ang balikat ko kung saan nakapatong ang mukha ni Radleigh ay unti-unti na ring nababasa. Hindi naman umaambon kaya alam kong kanina pa lumuluha si Radleigh kagaya ko.

Kaya pala ayaw niyang makita ko ang mukha niya. Kagaya ko ay sobra din siyang nahihirapan sa sitwasyon naming dalawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkauwi namin sa hacienda Polavieja ay magkahawak kami ng kamay ni Radleigh. Walang nagsasalita sa amin mula ng sumakay kami sa kalesa kanina.

Pero ang mahigpit na hawak ni Radleigh sa aking kamay ang nagbigay sa akin ng lakas at kapanatagan.

Nagulat ako ng pagkarating namin sa mansiyon ay sumalubong sa amin ang masayang mukha ni Alfonso. Napabitaw kami ni Radleigh sa isa't isa ng tumakbo ang bata at masayang nagpakarga kay Radleigh.

"Tiyo! Masaya po ako at dumating na kayo ni ate Acilegna. Nandito rin po si ina at ama. Kumpleto po tayo ngayon." Nagniningning ang mga mata ng bata habang masayang nagkukwento sa amin.

Napangiti ako ng makita kong lumambot ang mga mata ni Radleigh.

"Masaya ako at masaya ang paborito kong pamangkin." Malumanay namang ginulo ni Radleigh ang buhok ng bata habang karga ito.

Masaya ko naman silang pinagmamasdan at saglit nakalimutan ang aming mga pinag-usapan kanina.
Nagulat ako ng lingunin ako ni Radleigh at ngumiti siya sa akin.

Masuyo ang mga ngiti niya at puno ng pagmamahal. Napatingin ako sa isang kamay niya na bumaba sa isang kamay ko. Bumalik ang mahigpit niyang hawak sa akin at muli akong hinila papasok sa mansiyon.

Sa kabilang kamay niya ay buhat niya si Alfonso samantalang hawak naman niya ang kamay ko sa kabila. May humaplos na mainit na bagay sa puso ko sa ginawa niyang iyon.

Pagkapasok namin sa mansiyon ay nakita ko ang mga katiwala na naging malapit na rin sa akin. Medyo nakaramdam ako ng hiya ng manlaki ang mga mata nila ng makita ang magkahawak naming kamay ni Radleigh.

Pero agad din naman silang ngumiti sa amin. Nahihiyang ngumiti naman ako pabalik. Nalungkot ako ng makitang wala sina Aling Sintang.

Maraming pagkain ang nakahanda sa hapag-kainan. Parang kanina pa talaga nila kami hinihintay.

Nauna ng pinaupo ni Radleigh si Alfonso sa tabi nito. Nagpasalamat naman ako sa kaniya ng ipinaghila niya ako ng upuan.

Nagtataka akong napatingin sa mga bakanteng upuan ng hindi ko makita ang mga magulang ni Alfonso. Nagkatinginan kami ni Radleigh at nakita kong napakunot-noo din siya.

"Nasaan po sina Polaris?" Tanong ni Radleigh sa matandang katiwala ng mansiyon.

"Binabantayan niya po si binibining Minerva sa kanilang silid Senyor. Masama daw po kasi ang pakiramdam ng binibini." Magalang na sagot naman nito.

Nakakaintinding tumango naman si Radleigh bago tumingin sa akin.

"Nagpahatid na lang po si Senyor Polaris ng pagkain para sa kanila sa itaas." Pagkatapos sabihin ng isang katiwala iyon ay tumango si Radleigh.

Nagsimula na kaming kumaing tatlo at hindi ko maiwasang mag-alala.

Paano namin sasabihin ang balitang magpapakasal na kami? Katatapos lang ng nangyari sa plaza Ortiz at sariwa pa sa lahat ang nangyari lalo na kay binibining Minerva.

Napatingin ako kay Radleigh na napatingin din sa akin. Napatigil din siya sa pagkain at napabuntong-hininga. Nagulat na lang ako ng dagdagan niya ang pagkain sa plato ko.

"S-sandali hindi ko kayang ubusin yan." Pagsaway ko sa kaniya ng may namumulang pisngi. Ramdam ko kasi ang kuryusong tingin ng mga kasama namin.

Mabuti pa si Alfonso at walang pakialam sa paligid. Magana lng iyong kumakain at mukhang masaya talaga ito.

"Kumain ka ng marami binibini. Ayaw kong magkasakit ka." Nginitian ako ni Radleigh bago niya ipinagpatuloy ang pagkain. Walang nagawang kumain na rin ako.

Pagkatapos kumain ay hinila ko si Radleigh sa may hardin.

"Kailangan mo ng magpahinga mi amor." Masuyo niyang sabi sa akin.

Ako naman ay napatingala sa mga bituin na nagkikislapan.

"Saglit lang ito. May nakalimutan lang akong sabihin." Payapang dinama ko ang mabining haplos ng hangin sa aking pisngi. Ngayong pareho na kaming kalmado ni Radleigh ay mas madali ng magsalita.

"Gusto kong simple lang ang maging kasal natin." Pagsisimula ko.

"Marami kasi ang nangyari nitong nakaraan at katatapos lang ng nangyari sa plaza Ortiz. Naisipan kong marami pa ang paniguradong nasasaktan sa mga nangyari." Naalala ko sina Minerva at Meldina na siguradong hindi pa maganda ang pakiramdam ngayon. Kamamatay lang ng ama ni Minerva at si Meldina naman ay hindi pa nakaka-recover sa nangyari sa kaniya.

"Siguro ay mas mabuti kung tayo na lang munang dalawa ang tanging nakakaalam na magpapakasal tayo." Nilingon ko si Radleigh na nakatingin sa akin.

Pumitas siya ng bulaklak sa hardin at saka lumapit sa akin. Masuyo siyang ngumiti at saka iniabot sa akin ang pinitas niyang mga bulaklak.

Napangiting tinanggap ko naman iyon at saka inamoy.

"Kung anong gusto ng binibini ko ay iyon ang masusunod."

Nagkatinginan kami at sabay na ngumiti. Pagkatapos ay inaya na niya akong bumalik sa loob ng mansiyon at magpahinga.

Hinalikan niya ako sa aking noo ng magpaalam na siyang pupunta na sa kaniyang silid. Nakangiti naman akong kumaway sa kaniya at nagpasiyang maligo na muna bago magpahinga.

Siguro nga ay maikli lang ang oras ko sa panahong ito pero masaya ako na minsan sa buhay ko ay naranasan kong magmahal ng ganito. Masaya ako na napunta ako pabalik sa nakaraan dahil nakilala ko si Rafael Radleigh Amadeo Polavieja. Ang aking pinakamamahal na ginoo.

A/N
Next update will be on August 23 ( monday ).
Salamat po at patuloy ninyong binabasa ang backin1763. Wishing everyone to have a good health and peace of mind despite this pandemic . LuvLots

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...