Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

33

4.7K 78 4
By TipsyArchitect

Chapter 33

Andito ako sa hilltop ng Angelfields. I don't want to join them in there. Masyado silang masaya dun. Samantalang ako, parang walang kabuhay-buhay. I looked around to see the lights dangling from the trees. Ang ganda nila. Sobrang ganda nila. I wished Elmo was here with me. Gusto ko siyang makasama ngayong gabi.

"I missed the entourage." nagulat ako nang may pamilyar na boses na nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko siya. Standing just a few meters away from me is him.

"E-Elmo..."

"Sorry I'm late." sabi niya at naglakad palapit sa akin. "Am I too late?" tanong niya.

Naramdaman ko ang luha mula sa mga mata ko kaya marahas ko iyong pinunsan gamit ang palad ko.

"Yes. You're 4 hours late." sabi ko.

"No. I mean, huli na ba ko para sayo? Na mapatawad ako ng bestfriend ko?" tanong niya.

He stood in front of me at dun ko na hindi napigilan ang maiyak. He's never late for me. Siya lang naman ang hinihintay ko eh. Umiling ako at saka na yumakap sa kanya.

"Ang tagal-tagal mong dumating. Nakakainis ka. Ang tagal-tagal mo." paulit-ulit na sabi ko habang hinahampas siya sa dibdib.

"I'm so sorry bru. Sorry for reacting that way. Sorry for leaving you. Sorry for walking out on you. I'm sorry." aniya habang hinahagod ang likod ko.

"Ang daya-daya mo. Nakakainis ka." I choked. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. I missed him yet I'm mad at him. Ang gulo lang.

"Alam ko. Madaya ako kasi umamin ka na pero di pa ko naniwala. I'm sorry for being a jerk. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko that night. I was surprised when you told me that yes you'll say that you love me too. And I didn't know what happened to me that night. I tried going to your hotel the next day but then sabi nila nakaalis ka na daw. I wanted to call you pero natatakot ako na baka hindi mo ako kausapin. I'm so sorry, bru. Sorry talaga." yumakap na rin siya sa akin and I tightened my hug. "Namiss kita." bulong niya.

Tumingala ako and he looked down on me, his eyes filled with love.

"I missed you too." sagot ko. Ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo.

"I love you, Julie." sabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at saka tinitigan siya sa mga mata.

"I love you too, Elmo." sambit ko.

"Bati na tayo ha?" aniya. Tumawa ako saka tumango. "Kasi namiss ko talaga yung kakulitan mo eh. I felt like I was alone in this world when we weren't in good terms."

"Mas namiss ko yung kakulitan mo. Wala ng nanggugulo sa kwarto ko. Wala ng akyat-bahay tuwing gabi. Wala ng kumakanta ng 1D songs kapag bored. Wal--" Nagulat ako when he kissed me. Agad ko siyang pinalo sa labi at tinignan siya ng masama. "What was that for?!" tanong ko.

"Ang daldal mo kasi. Pwede namang sabihin na 'Namiss kita bru. I love you wag na tayo mag-away uli.' Mga ganun lang. Wag na isa-isahin yung namiss mo saken. Bru talaga oh."

"But that doesn't give you the right to kiss me!"

"Bakit? Mahal kita, mahal mo ko. Tapos bawal kita i-kiss?"

"Bakit? Tayo na ba ha?"

"Oo! You told me you love me too. So technically, tayo na."

"Nope. Di ka nanligaw no. Tigilan mo ko." sabi ko saka na kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Naglakad na ako palayo at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. "Ano?!" iritang tanong ko saka siya nilingon.

Nakita kong nagpipigil siya ng tawa kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What's funny?"

"You." sagot niya. I narrowed my eyes on him at saka pa nagpameywang.

"Ako? Why?"

"You look gorgeous when you're mad. I like it." sagot niya.

"Uh-huh." sabi ko sabay talikod ulit.

"Tsk. Bru naman eh." sabi niya sabay hawak nanaman sa kamay ko. "Kailangan ko ba talaga manligaw?"

"Oh bakit? Di ako cheap no. Ligaw muna bago sagot." sabi ko. "And kakabati lang natin. Masyado ka naman atang nawiwili." sagot ko.

"Bru, in our 21 years of friendship, di mo ba naisip na parang 21 years na rin kitang nililigawan nun? Ang tagal na nun ha? Diba? Do I still have to make an impression towards you?"

"Our 21 years of friendship doesn't count Elmo." sabi ko. He cocked his head to the side and smiled again. Ngiti nang ngiti naman to eh!

"Doesn't count? That's unfair bru." sabi niya.

"No it's not." sagot ko naman.

"Yes it is." sabi niya at saka pa ako tinitigan ng malaman. "Alam mo, bagay talaga sayo yang dress na yan. You looked like a whole new Julie."

Namula ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.

"And you look beautiful when you blush."

Naglakad siya palapit sa akin at ako naman ay umatras.

"W-what are you doing?"

"Wala naman. Just walking towards you." simpleng sagot niya sabay hakbang nanaman.

Umatras ako nang umatras hanggang sa lumapat na ang likod ko sa isang puno. Agad naman niyang nilagay ang magkabilang braso niya sa gilid ng ulo ko saka ako matamang tinitigan.

"Atras ka nang atras as if naman matatakasan mo ko." sabi niya. "Kailangan ko pa ba talagang manligaw?" tanong niya ulit.

"O-oo n-naman." utal na sagot ko.

"Are you sure? Coz you're stuttering, bru." sabi niya saka pa hinawakan ang pisngi ko. "Look at me." utos niya.

Tinitigan ko siya at para akong natutunaw sa mga mata niya. Damn. Ang gwapo pala talaga ng bestfriend ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat paglapat ng balat niya sa balat ko. Para akong nakukuryente. Is this what they call spark? Corny pero totoo pala yung ganun.

"Do you love me?" tanong niya.

"Yes." diretsong sagot ko.

"Good. Because I love you too." aniya.

"I-I know."

"Kinakabahan ka ba? I can see it in your eyes."

Tumango ako at naramdaman nanaman ang pamumula ng pisngi ko.

"You make me nervous." sabi ko.

"Ako? I make you nervous? How?" tanong niya.

"By touching me." sagot ko.

"Like this?" tanong niya saka pa pinadausdos ang mga kamay niya sa braso ko. Napahugot ako ng malalim na hininga saka tumango.

"Yeah."

"But you make me nervous too."

"Huh?"

"You make me nervous and excited at the same time. Kahit na may space between us, I can still feel my heart beating fast. I think I've got it bad, Julie. I've gone mad for you."

"Mad?" pagtataka ko.

"Yeah. Madly in love." ngumisi siya at natawa naman ako. I cupped his face and we both stared at each other.

"Obsessed?" tanong ko saka pa siya nginitian ng nakakaloko.

"Very." sagot niya. "Can I kiss you? Kasi nabitin ako sa smack kanina."

"No." pabirong sabi ko. Nakita ko siyang nagpout kaya natawa ako. "But I can kiss you." sabi ko saka na siya hinalikan sa labi.

Halatang nagulat siya as my lips brushed with his. Oh ayan na, Elmo ha. Akala mo kasi ikaw lang nagpipigil kanina eh. His hands traveled to my waist and he pulled me closer kaya napahawak ako sa dibdib niya. Oh, Elmo. My bestfriend. My Elmo.

We were short of breath nang maglayo kami. Wow. Ngumisi siya saka niya hinawi ang buhok ko and tucked a stray hair behind my ear.

"Akala ko ba hindi pa tayo? Eh bakit nanghahalik ka na?" tanong niya. Ngumiti ako sa kanya and fixed his disheveled hair.

"Our 21 years of friendship counts, Elmo." sabi ko.

"Yes it does." aniya saka na ako muling hinalikan.

Narinig ko na sa background ang fireworks display na para kanila kuya. But what the hell? I'm kissing the guy of my dreams and I think this fireworks display works for us too.

"Onga pala." sabi niya. Nandito kami sa may bench at nakaupo. Kanina, pinanuod namin yung last set of fireworks at sobrang ang ganda nila.

"Ano?" pagtataka ko.

May kinuha siya sa inside pocket ng coat niya saka ako inabutan ng isang maliit na bluegreen box.

"Belated Merry Christmas, Belated Happy New Year and Happy first night." sabi niya.

"First night?" pagtataka ko.

"Yeah. It's our first night as a couple." sagot niya.

Napailing na lang ako at natawa. Kinuha ko ang box saka iyon binuksan. Isa itong gold necklace na may maliit na heart pendant.

"Wow." sabi ko.

"You like it?"

"Yeah. Thank you." sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi.

"You're welcome. Amin na. Let me put it on you." sabi niya. Binigay ko sa kanya ang necklace saka niya ito sinuot sa akin. He kissed my nape after he puts the necklace.

"Thanks." sambit ko.

"You're always welcome." sagot naman niya saka hinawakan ang kamay ko. "We should tell everyone about us." sabi niya maya-maya.

"Now?"

"Oo." sagot niya. "Ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Kaya lang, it's Kuya Fort's night. Diba?"

"I'm sure they'll be happy for us. Tignan mo, January 3, 2015 nang ikasal sila. Tapos tayo naman ngayon naging tayo."

"Hindi ba sukob yun?" pagtataka ko.

Hinalikan niya ang sintido ko saka pa natawa.

"Bru, di pa naman tayo kasal eh. Unless gusto mo na din? Edi sukob nga. Hahahaha." hinampas ko siya sa balikat at lalo lang siyang tumawa.

"Kasal ka diyan? Hoy Elmo masyado ka ng bumebenefit ha?!"

"Haha. I was just kidding! Grabe naman talaga tong girlfriend ko. Napakabrutal talaga." sabi niya saka pa ko niyakap. "Lika nga rito. Namiss ko talaga yung yakap mo eh."

Yumakap na rin ako sa kanya saka pa sinubsob ang ulo ko sa dibdib niya. I inhaled his scent at para akong nahypnotized sa bango niya.

"Halika na sa baba. I'm sure hinahanap na nila ang maid-of-honor at ang late bestman." anyaya niya saka na kami naglakad pabalik sa marquee.

"There's my baby sister!" ani kuya nang makita kami. Medyo lasing na siya at pasuray-suray na ang lakad. "Ano? Bati na kayo?" tanong niya nang makitang kasama ko si Elmo.

"Yes." sagot ko. "And you are drunk. Diba ngayon ang alis niyo para sa honeymoon?" pagtataka ko.

"Nope. Our flight to Paris will be the day after tomorrow. And I'm not yet drunk, baby. Ano ka ba? Hahahaha."

"Hindi daw. Alam ba ni Ate Steffie na andito ka pa?"

"Yeah. Ano ka ba. She's in the hotel to change her dress lang tapos babalik na sila ng friends niya dito. The party's just starting!" masiglang sabi ni kuya.

"Kuya Fort, sorry kanina ha?" sabi ni Elmo.

"May tampo ako sayo dude. Dinaig mo ang runaway bride kanina." pabirong sabi ni kuya.

"Sorry talaga. Delayed flight and traffic." paliwanag naman ni Elmo.

"You owe me bigtime." banta ni kuya pero halata sa mata niyang masaya siya.

"Kahit ano kuya." sabi naman ni Elmo. Ngumiti si kuya at napatingin sa magkahawak na kamay namin ni Elmo.

"Take care of my sister. Or I'll kill you."

Namutla si Elmo saka napahagalpak sa tawa si kuya.

"Bwahahahahahahaha! Kidding bro! Basta alagaan mo lang ang kapatid ko and bayad ka na sa utang mo." sabi niya sabay tapik sa balikat ni Elmo. "Understand?"

"Yes, kuya. Aalagaan ko talaga si Julie."

"Good. At dahil kayo na, let's partyyyyyyyy!!!" sigaw niya. Naghiyawan din ang mga kaibigan niya at nagsayawan na uli sila. Tumawa na lang ako at hinatak na si Elmo palapit kanila Maqui.

"Heeeey!" bati nila nang makalapit kami.

"Hi girls." bati ni Elmo.

"Wait. Something's wrong." sabi ni Maqui saka kami tinitigang dalawa. "May necklace na ang girl at holding hands na sila."

"Ohmygod!!!! Kayo na?!" gulat na sambit nina Peachy at Cielo.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!" tili nilang tatlo.

"How?! Why?! When?!" sunud-sunod na tanong ni Peachy.

"Uhm..." sabi ko.

"Wait. Elmo, pumarty ka muna banda dun. This is a girl talk." pagtataboy ni Maqui sa kanya.

"Oo nga. No clingy boyfriends allowed." sabi naman ni Cielo. Tinulak na ni Peachy si Elmo palayo at nang makabalik siya ay nagtilian nanaman sila.

"Okay go! How did it happen?" tanong nilang tatlo.

Kinwento ko ang pangyayari sa hilltop kanina at nakinig naman silang mabuti sa bawat sinasabi ko. Pagkatapos ay nagtilian nanaman sila nang makatapos ako sa pagkkwento.

"We're so happy for you!" bulalas ni Cielo.

"Babe, dalaga ka na talaga. May boyfriend ka na! Hindi ka na Justin Timberlake. Ohmygosh!" kinikilig na sabi naman ni Peachy.

"Haha. Babe naman eh." sabi ko.

"Pero masaya ka naman ba? Ha?" tanong ni Maqui. Napalingon ako kay Elmo na abala sa pakikipagkwentuhan kay kuya at sa mga kaibigan niya saka napangiti.

"Sobra."

Continue Reading

You'll Also Like

326K 10.9K 35
[Gaya ni Agnes sa teleseryeng Forevermore(ABS-CBN)] Naniniwala si Alia na sinumang dalaga at binata ang kumain ng kambal na strawberry ay magkakatulu...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
251K 6.7K 21
My name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I...
67.3K 547 32
READ THIS! PROMISE, HINDI MO PAGSISISIHAN d^_^bv