Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

32

4.1K 67 3
By TipsyArchitect

Chapter 32

"So?" tanong ni Bonna nang makauwi kami ni Will.

"Tomorrow ang flight namin. Are you sure you'll stay here?" tanong ni Will sa kanya.

"Yup. Still enjoying Cebu. Besides, next week pa pasok namin so susulitin ko na to." sagot niya sabay higa uli sa couch.

"Mag-aayos na ko ng gamit." sabi ko saka na umakyat sa kwarto.

Umupo ako sa kama at binuksan na ang gym bag ko. Inayos ko na lahat ng damit ko at huli kong nilagay ang dalawang libro na galing kay Julie. Nilagay ko rin ang regalo ko sa kanya na dala ko pa mula Manila. Inayos ko na rin ang bag ng gitara at muling tinignan ang gitarang may nakaukit na pangalan niya.

"Sorry for everything, bru." sabi ko habang tinititigan ang gitara niya.

"Hey, lola's looking for you." sabi ni Will nang sumilip siya sa kwarto ko.

"Okay."

Pumunta na ko sa garden at naabutan ko siyang nakaupo sa may gazebo at umiinom ng tsaa.

"You called me?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin saka tumango.

"Yes. Come sit." alok niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinintay siyang magsalita.

"What happened?" tanong niya.

"What happened to what?" pagtataka ko.

"Sayo. Kay Julie. Anong nangyari? You weren't yourself these past days. Simula nung Pasko."

"Ah. Wala lola." sagot ko.

"Ang sabi ni Raymond, nagpunta raw kayo sa Shangrila nung 25. And you and your cousins were always out of the house. Now tell me, anong ginawa niyo dun nung 25?" tanong niya.

"Uhm... Ano kasi lola. Si Julie..."

"Oh. Anong nangyari kay Julie?"

"Dun kasi ata siya nag check-in and when I asked kung andun pa siya, ang sabi nakapag check-out na siya. I was suppose to apologize to her. Pero hindi ko naman siya naabutan." sabi ko.

Hinawakan ni lola ang kamay ko saka pa pinisil iyon bago nagsalita.

"When I was your age, I also fell in love with my bestfriend. He was my childhood sweetheart. My puppy love. I really thought that he was the one for me. Our friends would tease us and we will always deny it. One day, umalis sila ng parents niya and migrated to New York and when he returned, ipinakilala niya sa akin ang girlfriend niya. Nung nagkausap kami, he confessed that while we were still in highschool, he was already in love with me pero dahil daw palagi ko namang tinatanggi na may something sa amin, kaya he decided to move on and nung time na nga na yun ay ikakasal na siya. I regretted the day when I could freely tell him that I love him. Kasi mahal din pala niya ako pero pilit kong tinatanggi dahil lang ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Until the day came that he finally moved on and he is engaged. Masakit but I had to endure the pain. Kasi ginusto ko namang wag umamin eh. Pinili ko yung friendship. Pero look at us now. It's as if we don't know each other anymore." kwento niya.

"Pero lola..." humarap siya sa akin saka ako nginitian.

"Kaya ikaw, maswerte ka because the girl you love feels the same way too. Kaya hindi mo na dapat hayaang mawala siya sayo. Maswerte ka kasi your bestfriend loves you too and that you both admitted it. Maswerte ka kasi she's also willing to take the risk kahit pa alam ng lahat na masisira ang friendship niyo if ever na maghiwalay kayo."

Tanghali nang ihatid kami ng driver ni lola sa airport. Bago pa man makaalis sa bahay ni lola ay ipinaalala nanaman niya sa akin ang pag-uusap namin kahapon.

"If she walks away, chase after her." payo niya saka na ako hinalikan sa pisngi.

Nakaupo na ako sa lounge habang hinihintay si Will sa pag check-in.

"Dude." nag-angat ako ng tingin sabay alis ng earphones mula sa tenga ko at tumingin kay Will.

"Oh?"

"Bad news dude." sabi niya.

"Huh?"

"Delayed flight tayo."

"Ha?! Hindi pwede dude. Mamaya na yung kasal ni Kuya Fort at sa Tagaytay pa yun. Ilang oras daw?"

"Mga 2 to 3 hours daw. Kasi masyado daw malakas ang ulan." sagot niya.

"Fuck. 2 to 3 hours?!" tinignan ko ang relo ko at nakita na 1:30 na ng tanghali. The wedding is at 4:00. "Hindi tayo pwedeng madelay. I have a wedding to attend to." sabi ko.

"Eh wala eh. All flights are delayed sabi sa akin. Paano ka niyan? Bestman ka diba?"

"Paano talaga ako nito? Alangan lumipad ako diba? Tsk. Baka magalit sa akin si Kuya Fort. Dapat pala sumabay na lang ako kanila mom kahapon eh."

"Tsk. Wala eh. Di naman natin alam eh. Di naman kasi umuulan kahapon."

"Badtrip." sabi ko. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko at saka na tinawagan si PeeWee.

"Yo. Asan ka na kuya? We're on our way to Tagaytay already."

"Uhm... PeeWee did you bring my tux?"

"Yeah. Kahapon daw dumating sabi ni Yaya Vicky. It's here." sagot niya.

"Okay. Uhm. Could you please tell Kuya Fort na delayed flight kami?"

"Whaaaaat?! Delayed flight?!" gulat na sabi niya.

"Who's flight is delayed?" narinig kong tanong ni mom.

"Kuya's" sagot ni PeeWee. Narinig ko ang pagpasa niya ng phone niya kay mom.

"What happened?" tanong agad ni mom.

"Ma, flight's delayed due to heavy rains. We're 2 to 3 hours delayed." sabi ko.

"You won't be able to make it for the entourage. Manggagaling ka pa sa airport." sabi niya.

"I know. Can you tell Mang Boggs to bring my car to the airport by 2:30? I'll be driving from there."

"Okay. Ako na ang magsasabi kay Fort. Mag-iingat kayo ni William okay?"

"Yes, ma. Tell Kuya Fort that I'm sorry."

"I will. Sige na."

"Anong sabi ni tita?" tanong ni Will nang makaupo uli ako sa tabi niya.

"Sila na bahala magsabi kay Kuya Fort. Fuck talaga dude." sagot ko. Tinapik niya ko sa balikat at nginitian.

"Excited to see her huh?"

"Yes."

4:00 nang matawag ang flight namin ni Will. Di na ko mapakali sa upuan ko dahil late na late na ko panigurado sa kasal. Dagdag kasalanan nanaman kay Julie to.

"Will you stop fidgeting? Isa pa itutulak kita palabas ng eroplano." banta ni Will sa akin.

"I can't dude. Yari ako kay Julie nito eh."

"Matagal ka naman nang yari kay Julie eh. Kaya pwede? Kumalma ka nga. Daig mo pa may sangkaterbang bulate sa pwet eh." iritang sambit niya.

"Sir, coffee po?" alok ng stewardess sa amin.

"Wag mo na alukin ng coffee to miss. Yung puso niya daig pa hinabol ng sampung kabayo sa sobrang bilis ng tibok. Water na lang please." si Will ang sumagot. Natawa ang stewardess saka tumango at binigyan kami ng bottled water. "Oh. Kumalma ka utang na loob or I'll kill you with my bare hands. I swear."

"Ang init ng ulo mo dude." sabi ko.

"Bwiset ka kasi eh." aniya saka na sinalpak ang headphones sa tenga niya at hindi na ako pinansin.

Pagkadating namin sa domestic airport ay nagmadali na akong lumabas ng eroplano. Narinig ko ang pagmumura ni Will pero hindi ko na siya pinansin. Their driver's here anyway so hindi ko na siya kailangan pang alukin na sumabay sa akin.

Pagkakita ko sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar at umalis na sa airport.

"Fuck! Traffic pa!" inis na sabi ko sabay hampas pa sa manibela.

Muli kong dinial ang number ni PeeWee at agad naman niya itong sinagot.

"Kuya where are you?"

"How's the wedding?" tanong ko.

"Kuya Fort understood it naman. Ate Julie looks beautiful. Pero di naman siya happy eh."

"Uhm... Keep her company. I'm stuck in traffic eh. I think may banggaan." sabi ko at sinubukang tignan ang dahilan ng traffic.

Nang makaandar na ang mga sasakyan ay agad kong inapakan ang gas. Tama nga ang hinala ko. May banggaan nga.

Me:

PeeWee, I'm in SLEX already. Meet me at the parking lot in an hour. I need my tux.

PeeWee:

Okidokie. Make it fast kuya. Take care.

It's a relief that there's no traffic in SLEX. Madali akong nakapag-exit sa toll at agad na nagdrive papunta sa Angelfields kung san ang reception ng kasal. Nakita ko agad si PeeWee na nakatayo sa may kotse at hawak na niya ang tux ko. Kumaway siya sa akin at nagpark ako sa tabi ng kotse saka na bumaba.

"Grabe ang tagal mo." sabi niya.

"Sorry. Delayed flight and traffic. Nakakainis nga eh." sagot ko.

"Tss. Sige na. Change your clothes na and go inside. Ate Julie's with Ate Maqui, Ate Peachy and Ate Cielo."

"Okay. Thanks, PeeWee."

"Yeah whatever." aniya saka na naglakad pabalik sa marquee.

Nagmadali akong naglakad papasok ng restroom at agad na nagbihis. Pagkatapos magbihis ay bumalik ako sa kotse para naman ibalik ang mga damit ko kanina at saka na kinuha ang regalo ko kay Julie mula sa bag.

Naglakad ako patungo sa marquee. Nagkakasiyahan na ang mga tao. Mukhang tapos na ang formal program dahil naitabi na ang tables and chairs at nagpapatugtog na ng upbeat music.

"Elmo!" bati sa akin nina Maqui, Peachy at Cielo.

"Uhm... Si Julie?" sigaw ko para marinig nila ako.

"Sino?!" tanong ni Peachy.

"Si Julie! Where's Julie?"

"Ah! She's somewhere. Ewan ko lang kung saan yung somewhere na yun." sagot ni Maqui.

"Okay. Ako na maghahanap sa kanya."

"Sure thing!" sabi naman ni Cielo saka na ako naglakad palayo.

Naglakad na ako palayo sa marquee hanggang sa unti-unti nang nagfade ang malakas na music mula sa party. Sinundan ko ang trail ng paper lanterns hanggang sa makarating sa mataas na part ng Angelfields. Nakita ko ang isang babae sa gitna ng mga punong may nakasabit na Christmas lights. Mag-isa lang siya at mukhang malungkot. Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa kanya. There's still a big distance between us but I can already feel my heart racing. Because wearing that long peach dress and flowers in her hair is Julie. My bestfriend. My Julie.

Continue Reading

You'll Also Like

840K 20.4K 33
Issabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her li...
12.1K 457 26
This is the first book in THE CLAUS BROTHERS SERIES. Dasher is the Eldest among the 9 brothers composed of different nationalities. The brothers are...
204K 8.6K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
10.9K 457 27
Spring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestf...