Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

29

4.1K 56 1
By TipsyArchitect

Chapter 29

"Oo!" sigaw ko. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Ako rin naman nagulat eh. Kaya ko na nga bang isugal ang pagkakaibigan namin? "Ewan ko... Siguro..." mahinang sabi ko.

"Ano?" tanong niya.

"Hindi ko alam. B-basta ang alam ko lang ayoko na sa ganitong situation natin." sabi ko.

"Know what? Kung yan ang gusto mo fine. We can be friends again. Pero kung sasabihan mo ko ng mahal mo ko dahil lang ayaw mo sa ganitong set-up, then I think naguguluhan ka lang sa sarili mo. You don't love me ng kagaya sa nararamdaman ko sayo. Siguro akala mo mahal mo ko pero hindi. You just want a friend." sabi niya. "I'm sorry, Julie. But please give me the time para makalimutan ko muna yung nararamdaman ko para sayo bago ako makipagkaibigan ulit."

Tuluyan na siyang umalis and I was left on the beach. Napakacliché naman ng eksenang to. Para naman kaming nasa pelikula. So yun lang yun? Hindi niya man lang ba icconsider yung feelings ko? Humagulgol na lang ako ng iyak saka na lang bumalik sa malaking bahay.

"Julie, are you okay?" tanong sa akin ni Tita Priscilla nang makapasok ako sa bahay nila.

"Y-yeah okay lang po ako, tita." sagot ko.

"Are you crying, iha?" nag-aalalang tanong sa akin ng isang tita ni Elmo. Si Tita Claudine.

"Uhm... Napuwing lang po ako." palusot ko. "Uhm... P-pwede pong malaman kung saan yung kwarto ni Elmo?" tanong ko.

"I'll take you there." volunteer ni PeeWee. Hinawakan niya ang kamay ko saka na kami umakyat sa second floor. "Kuya's a jerk for making you cry ate. Ako na magsosorry for what he did."

"PeeWee, wala namang ginawa ang kuya mo saken. Napuwing lang talaga ako promise." sabi ko.

"I know you ate. Since baby ako ikaw na madalas kasama ko. Kaya I know if you're lying." sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na umimik.

"Here." sabi niya saka na pinihit ang doorknob sa kwarto ni Elmo.

"Thanks, PeeWee." sabi ko. Tumango na siya at sumenyas na bababa na muna siya. Tumango rin naman ako saka na pumasok sa kwarto.

Malaki ang kwartong yun. Siguro ay doble ng kwarto ni Elmo sa Manila. Lumapit ako sa kama saka umupo. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Iba ito sa itsura ng kwarto ni Elmo sa Manila. Dun kasi ay navy blue ang kulay ng walls niya at itim naman ang kama niya. Napakadilim dun. Feeling ko nga may kulto siya kaya ganun eh. Dito naman ay puro puti ang kulay ng walls at furniture maliban sa kama na king-sized at camouflage ang pattern ng bedsheets niya. May picture rin siya sa bedside table na sa tingin ko mga 6 years old siya. Kalbo kasi siya sa picture at kulang ng isang ngipin sa taas. Napangiti ako nang maalala kung paano siya nabungi. Sa isang picture frame naman ay ang picture nilang magpipinsan. Nakaupo sila sa beach chairs at may mga hawak na bote ng softdrinks at mga nakashades. I think this was taken when we went here last summer. At kung tama ang pagkakatanda ko, I was the one who took that photo.

"Hay. Hindi naman magulo Elmo eh. Mahal naman na talaga kita." sabi ko.

Kinuha ko na sa bag ko ang regalo ko sa kanya pati na rin ang sulat na ginawa ko. I just hope he'll read this. Pinatong ko iyon sa kama niya at saka na lumabas ng kwarto.

"Julie, kain na tayo." anyaya sa akin ni Bonna, isa sa mga pinsan ni Elmo.

"Uhm... Aalis na ko." sabi ko. Kumunot ang noo niya at saka tumingin sa akin. "Ano kasi eh. Kasama ko yung friend namin ni Moe. Naghihintay sa hotel.

"Are you sure? Kasi you can tell her naman to come here and dito na kayo magstay." sagot niya.

"Yeah. I'm sure. Tsaka uuwi na din naman kami mamayang umaga eh." nakangiting sabi ko. Nag-aalangang tumango si Bonna kaya nagpaalam na ako sa lahat.

Pagdating sa hotel room ay agad na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I don't know why he said those to me. Hindi ba siya masaya dahil mahal ko din siya? Ang daya naman niya eh. Kinuha ko ang phone ko at nanginginig na tinawag si Maqui. Oo alam ko namang Pasko ngayon at malamang ay nagkakasiyahan pa sila ng family niya. But I really need someone right now.

"Hello?" rinig sa background niya ang malakas na music na tumutugtog.

Oo nga pala. Magkakasama sila nina Peachy ngayong Christmas. I should've just gone with them. Baka sakaling di ako umiiyak ngayon.

"Maq..." I choked.

"Julie? Julie, wait lang ha. I'll just look for a quiet place. Teka." sabi niya. Rinig sa kabilang linya ang pag-alis niya mula sa lugar na yun at maya-maya pa ay tahimik na sa paligid. "Julie, what happened?" tanong niya.

"Maqui I wanna go home." iyak ko.

"Home? Pero bakit?" pagtataka niya.

"I-I just want to get out of here. Please Maq. Uuwi na ko." sabi ko.

"Teka. Ano ba ang nangyari?" tanong niya nanaman.

"H-he doesn't think that I love him. A-ang sabi n-niya, h-hindi ko naman daw siya m-mahal. Sabi niya I just w-wanted a f-friend. Maqui I want to go home..." hagulgol ko.

"P-pero Julie baka wala na tayong makuhang flight mo back to Manila. Where are you? Mag-isa ka lang ba? Where are you staying?" I can hear the concern in her voice.

Alam ko namang it's Christmas and dapat nagsasaya ang mga tao. But how can I be happy if my heart's broken on a Christmas day? And by the only guy that I've ever felt this kind of feeling.

"I'm in Shang, Maq. Yes, I'm alone." hikbi ko.

"Uhm... Pano ba?" tanong niya sa sarili. "I'll check if I can get you a flight back here. Pero I'm not sure kung meron na ng ganitong time. Maybe the flight I could get you is the flight tomorrow morning pa."

"O-okay. I'm sorry Maq." sabi ko.

"You don't have to be sorry, Jules. You didn't do anything wrong naman eh. Basta please calm down okay? Wag mo na isipin yun. Maybe he's mind's just clouded. Baka hindi pa nagssink-in sa kanya yung mga sinabi mo. I'm sure naman na marerealize niyang mali yung tinalikuran ka niya eh." sabi niya. "Did you give him your gift?" tanong niya maya-maya.

"Y-yeah. I left it on his bed." sabi ko saka bumuntong-hininga. "Masakit pala yung mareject no?"

"Jules..."

"It's my first time to love someone other than myself. Akala ko dahil sinabi niya sa aking mahal niya ko, akala ko kapag umamin din ako magiging okay lahat. Pero hindi pala. Totoo pala yung sinabi nilang not all love stories end with a happy ending. Mas madalas pala talaga na the end lang."

"Hey wag mo ngang isipin yung ganun. Nagulat lang siguro si Elmo kaya ganun ang nasabi niya. Malay mo mamaya lang kakatok na siya sa hotel room mo and magsosorry." sabi niya.

Alam ko namang she's just doing what a friend's supposed to do. Alam ko namang sinusubukan niya lang akong pasayahin pero wala eh. Masakit talaga eh.

"Tahan na ha? If only I was there..." aniya.

"It's okay, Maq." sabi ko. "Itutulog ko na lang siguro to."

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga at alam kong nasstress siya sa mga nangyayari sa akin.

"I'll text you the details tomorrow. Okay? Basta wag ka na iiyak. Please, Jules?" aniya.

"Y-yeah. I'll try. Thank you Maqui." sabi ko sa kanya.

"You take care. Wag kang maglalalapit sa mga matatalim na bagay diyan at baka kung anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo. Wag ka na din magtry lumabas sa balcony at baka maitulak ka pa ng demonyo. Just stay in bed. Order a room service or something. Kumain ka na ba?" tanong niya. Umiling lang ako at alam ko namang alam na niya ang sagot kahit hindi niya ako nakikita. "Alam ko naman hindi pa eh. Magpadeliver ka or something. Bukas pag-uwi mo babawi tayo okay?"

"Okay."

"Sige na Jules. Magpahinga ka na. I know you're tired already."

"Thank you, Maq."

"No biggie." aniya. "Merry Christmas, Jules. I love you. We love you."

"Merry Christmas. I love you guys too."

Hindi pa ako nakatulog pagkatapos naming mag-usap ni Maqui. Hirap na hirap akong matulog kahit pa ang sakit na ng mata ko sa kakaiyak. Hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa kakasinghot at ang sakit na rin ng ulo ko. Tumayo ako mula sa kama saka pumwesto sa may sliding door sa balcony. Hindi ako lumabas pero umupo ako sa floor kung saan tanaw pa rin ang view. Pinagmasdan ko ang mga ilaw mula sa kotse sa baba at sa mga katabing buildings. Baka sakaling sa pagmamasid ko ay makalimot ako kahit konti.

Nagulat ako nang biglang magvibrate ang phone ko. Agad kong tinignan iyon at nakitang may text ako galing kay Maqui, Peachy, Cielo at kay PeeWee.

Maqui:

Don't cry, bee. Please sleep na. Love you. x

Peachy:

Babe, please don't cry na. Tabachingching's always here for you. I love you, babe! Merry Christmas. x

Cielo:

Juju, don't cry na. I love you! xo

Sunod kong binasa ang kay PeeWee at dun na ako lalong naiyak.

PeeWee:

Ate Julie, kuya's a jerk I know. And whatever he said to you, please forgive him. Kuya loves you, ate. He's been in love with you since I can remember. The way he looks at you says it all. He loves you and he's just been in a lot of stress lately because he thought that you don't feel the same way. I'm always here for you ate. I love you and I want you and kuya to be happy. Kaya I always ask you kung may boyfriend ka na. Kasi I want you to be with kuya because you guys make each other the happiest people when you're together. I love you ate. Merry Christmas.

Continue Reading

You'll Also Like

52.4K 1.6K 20
"You can hurt me, you can make a fool of me, and you can unlove me if doing so will lessen your pain. I don't care if I have to break myself just to...
52.2K 1.7K 15
A RomCom/Fantasy collaboration series with 7 LIB Writers. Pitong anghel na nagmula sa magkaibang mundo ang napadpad sa Caelum Akademia-isang unibersi...
67.3K 547 32
READ THIS! PROMISE, HINDI MO PAGSISISIHAN d^_^bv
3.4M 26.2K 61
Beatrice Maurice Antonio ~ Simple, matalino, mahirap (di naman masyado!) Alexis Falcon ~ Mayaman, mayabang, habulin ng babae at nagpapahabol naman, m...