Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

27

4.2K 57 1
By TipsyArchitect

Chapter 27

Maaga akong nagising kinabukasan. Medyo na-good mood ako dahil sa nangyari kahapon. Bati na kami nina Maqui at Peachy at isa na rin si Cielo sa close friends ko. Bumaba ako sa kitchen at nagulat pa si manang nang makita ako.

"Good morning manang!" masiglang bati ko.

"Oh! Ayos ka na ba? Kahapon lang eh matamlay ka ah?"

"Haha. Nako. Okay na po ako. Bati na kami nila Maq eh." sagot ko.

"Mabuti naman. Ano? Kakain ka na ba? Ipagluluto kita. Anong gusto mong kainin ha?" sunud-sunod na tanong niya.

"Yung favorite ko, manang." nakangiting sabi ko.

"Osige. Maupo ka na diyan at magluluto ako."

Pinanuod ko si manang habang hinahanda niya ang ingredients para sa kakainin ko. Ewan ko ba. Basta ang gaan lang ng pakiramdam ko.

"Ang ganda ata ng gising mo ngayon." sabi ni manang habang naghihiwa ng ham.

"Ah. Sakto lang po." sagot ko.

"Si Elmo pala nasa Cebu no? Nakausap ko si Vicky kanina eh. Ang sabi niya kahapon daw ng umaga umalis."

"Opo. Dun daw sila magpapasko eh."

"Ah. Kay Donya Charito. Eh bakit nga pala parang hindi na nadadalaw yung batang yun dito ha?" tanong ni manang.

"Ano kasi manang eh. Medyo may tampuhan po kami kaya ayun."

"Ganun ba? Nako. Magpapasko na anak. Magbati na kayo." sabi niya sa akin.

"Opo. Ayoko din namang hindi kami magkaayos ni Elmo. First time naming mag-away ng ganito katagal eh. Medyo namimiss ko na yung magulo sa buhay ko. Hahaha."

"Hahahaha. Nako ikaw bata ka talaga. Mabait naman yang kababata mo eh. Sobra ka nga alagaan nun. Naalala mo ba dati? Nung mga bata pa kayo, nakakain ka ng pagkain na may hipon, iyak siya nang iyak kasi akala niya mamamatay ka na. Nako! Naalala ko yun. Ayaw niyang umuwi sa kabilang bahay dahil baka daw di ka na niya makita ulit. Hahahaha." kwento niya. "Minsan nga iniisip ko, bakit kaya di na lang maging kayo no? Tutal sobrang kilala niyo naman na isa't isa."

"Haha. Manang, magkaibigan po kami ni Elmo." sabi ko.

"Ay nako. Yan nga ang maganda sa isang relasyon. Yung magkaibigan muna bago naging kayo. Kasi alam niyo na ang mga ayaw at gusto ng isa't isa. Hindi na kayo mahihirapan. Isa pa, kapag magkaibigan kayo bago pa naging kayo, hindi na kayo mahihirapan sa pakikisama. Diba? Hindi niyo na din kailangan magpaimpress."

Ngumiti lang naman ako sa sinabi niya.

"Bakit anak? May iba ka bang gusto?" tanong niya.

"Nako. Wala po."

"Edi gusto mo si Elmo?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot kaya tumawa siya. "Sabi ko na nga ba eh! Pinagdasal ko talaga yan eh. Gabi-gabi akong nagnonobena para lang sa inyo ni Elmo. Lagi kong hinihiling na mauntog kayong parehas at mahulog sa isa't isa! Hay! Salamat naman sa Diyos."

"Manang talaga." sabi ko.

"Nako. Julie, dalaga ka naman na. Tsaka hindi naman siguro ako ang kauna-unahang nagdasal nun no? Panigurado namang madami na ang nakapansin sa inyo." aniya. "Oh. Kumain ka na ha? At makipagbati ka na kay Elmo. Gusto ko pa alagaan ang magiging anak niyo."

"Manang!" tumawa lang naman siya at saka na umalis ng kusina.

Nasa mall kami ngayon nina Maqui, Peachy at Cielo. Napilitan lang talaga silang sumama sa akin kasi tapos na sila mag Christmas shopping. Samantalang ako, heto. 4 days before Christmas pa naisipang mamili.

"Pinoy ka nga. Mahilig ka magrush. Sarap mo sapakin eh!" reklamo ni Maqui habang tumitingin kami ng items sa isang shop.

"Sorry na." sabi ko naman.

"More pa kasi sa kadramahan eh. Buti pa si Elmo nabigyan na kami ng gifts. Ano ka na girl?" sabi naman ni Peachy.

"Haha. Alam niyo naman si Julie. Masyado niyang dinibdib yung tampuhan nila ni Elmo." sambit naman ni Cielo.

"Uhm. Pwede tama na pagtatalo? Andito na kasi tayo eh. Tulungan niyo na lang ako. Please?" pakiusap ko sa kanila. "Ano bang magandang gift kay Elmo?"

"Pagmamahal mo." seryosong sabi nilang tatlo.

"Eh! Kasi naman!" sabi ko nang maramdaman ang pamumula ng pisngi ko. Baliw tong mga to!

"Seryoso kasi kami eh. Alam mo, masabi mo lang sa kanya yung hidden desire mo solve na solve na yun eh. Mababaw kaya kaligayahan ni Elmo. Sabi nga ng mga jejemon, 'Ikaw lang sapat na, beh.' Bwahahahahahahaha!" sabi ni Maqui.

"Tsk. Except yun. Yung material na bagay." sabi ko.

"Bigyan mo ng pabango. Yung favorite niyang pabango." suggest ni Peachy.

"Bulgari? Palagi ko namang siyang binibigyan nun eh. Kulang na lang maging supplier niya ko ng pabango."

"Edi bigyan mo ng camera. Diba mahilig sa photography si Elmo?" ani Cielo.

"May cam na siya eh." sagot ko.

"Sabi na kasing pagmamahal na lang eh. That guy has everything already. Alam mo yun? Para siyang si Christian Grey except for the you-know-what part. Hahahaha. I mean. He has everything except for the girl he loves. So what else would you give the guy who has everything? Edi yung love mo na lang. Okay? Problem solved let's go watch a movie." ani Maqui.

"Eh. Maqui kasi eh." sabi ko. Tumatawa lang naman sina Peachy at Cielo sa tabi.

"Okay fine. You want to give him something? Edi bigyan mo siya ng something na maalala ka niya. Give effort to it. I'm pretty sure naman na kung ano man ang ibigay mo, ikatutuwa naman niya yun." aniya.

"Hm. Give him a scrapbook? Or an adventure journal. You both love to travel diba? Every summer and term break naman nagaouting tayo eh. So why not make a book?" sabi naman ni Peachy.

"Oo nga, Jules. Alam mo, mas matutuwa si Elmo kapag yun ang ibibigay mo. That's priceless." dagdag naman ni Cielo.

"You really think he'll like that?" tanong ko.

"Hindi. Joke lang yun." sabi ni Maqui. "Wag ka manghingi ng suggestions kung di mo kami papaniwalaan. Nakakaloka ka!"

Niyakap ko si Maqui saka pa siya kiniliti.

"Ikaw naman, Maq. Matampuhin ka. Akala ko ba ayaw mo na mag-away tayo ulit?"

"Ayoko na talaga pero kung ganyan ka baka giyerahin nanaman kita. Oh ano?"

"Hahaha. Di na. Yun na nga gagawin ko eh. Sabi ko nga eh."

Pagkatapos namin bumili ay nagpunta kami sa cinema para manuod ng movie. Hindi naman kami mapiling apat. Actually, yung first movie na nakita lang namin sa list ang pinanuod namin. Pagkatapos manuod ay kumain kami sa isang Japanese restaurant at pagtapos nun ay umuwi na kami.

Nasa bahay na ako at nakalatag sa kama lahat ng gamit ko para sa gagawin kong regalo kay Elmo. Nagpprint na rin ang pictures na ilalagay ko at sinisimulan ko na rin drawingan ang scrapbook papers. Nagulat ako nang biglang nagring ang video call sa laptop ko. Agad akong tumayo at kinuha ang laptop saka bumalik sa kama bago iyon inaccept call.

"Hi, anak!" bati ni papa sa akin.

"Hi, papa!" kumaway naman ako sa kanya.

"Oh. You look busy. Ang dami naman atang kalat diyan sa kama mo." aniya.

"Haha. Yeah. Medyo nga po. I'm just doing a scrapbook for Elmo." sabi ko.

"Ah talaga? Yan ba ang ireregalo mo sa kanya?"

"Yes papa." nakangiting sabi ko.

"I'm sure he'll be happy with that. Hindi naman kami very particular sa mga regalo eh. It's the thought that counts." sabi niya.

"Yeah." nakangiting sambit ko. "Si mama po?" tanong ko.

"She's in the kitchen. Hon! Julie's looking for you!" tawag niya kay mama. Nakita sa video ang paglapit ni papa kay mama sa kitchen. Kumaway naman siya sa akin at kumaway rin ako pabalik.

"Wow. Ma, is that salad?" tanong ko habang tinitignan ang ginagawa ni mama.

"Yes. Gusto mo? Haha." pabirong alok niya.

"Palusot na lang po sa screen. Thanks! Hahaha." tumawa sila mama at papa at hinalikan pa ni papa si mama. "Ayiiie! Kayo ha. Baka naman po magkaron pa ko ng bunsong kapatid niyan." biro ko sa kanila.

"Hay nako bata ka talaga. Ikaw lang ang bunso namin no. Ang hihintayin na lang namin ng papa mo eh ang magiging apo namin sa inyo." ani mama. Ngumiti ako at tumango. "Oo nga pala anak. What are your plans this Christmas? Your kuya's still in Palawan?"

"Well, yeah. I think ang nakuhang flight back to Manila nila kuya is after Christmas pa." sagot ko. "Actually I don't think I'll spend Christmas here."

"Bakit? Did Maqui invite you over?" tanong ni papa.

Imbes na sumagot ay ipinakita ko sa kanila ang binigay sa akin nila Maqui.

"I'll be going here." sabi ko at nilapit pa ang papel sa may camera para makita nila ng maayos iyon.

"So yung napag-usapan natin last time... Sure ka na?" tanong ni mama.

"I think so. I'll clear things up." sagot ko.

"Sigurado ka na?" tanong ni papa.

"Yes." tipid na sagot ko saka pa sila nginitian. "Kaya nga tatapusin ko na to eh." dagdag ko sabay pakita ng pictures sa kanila. Ngumiti si papa at mama saka pa tumango.

"As long as my princess is happy then I'm happy." ani papa.

"Thanks pa." sabi ko sa kanya.

"Kailan ang alis mo?" tanong ni mama.

"I'm going there on the 24th. Morning flight." sagot ko.

"Okay. Mag-iingat ka sa Cebu ha? And we hope that all will be well between you two."

Continue Reading

You'll Also Like

67.3K 547 32
READ THIS! PROMISE, HINDI MO PAGSISISIHAN d^_^bv
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
2M 7.7K 9
How far can a man handle a woman's rejection? Walang nakakaalam at walang makakaalam maliban nalang kung mapupunta sila sa ganoong sitwasyon just lik...
20.4K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴