Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

23

4.4K 67 6
By TipsyArchitect

Chapter 23

"Mama! Andito na po si Papa!" narinig kong bulalas ni Bill. Pagkaharap ko ay nakita ko kung sino ang tinatawag nilang papa.

"Julie?" halata sa mukha ni Elmo ang pagkairita at pagkagulat.

"Uhm... H-hello." bati ko.

"Papa, upo ka na sa tabi ni mama." ani Charlie saka pa tinabi sa akin ang upuan na bakante.

Hinila nilang dalawa ni Bill si Elmo para makaupo at saka pa pumalakpak si Susie nang magkatabi kami ni Elmo.

"Okay! Good morning kids, and good morning volunteers! Today is our Christmas Party slash Family Day. Sinong excited na maglaro ng games?!" tanong ni Brenda na siyang assigned maging emcee.

Nagtaas ng kamay lahat ng bata at maging ang ibang volunteers. Lahat maliban sa amin ni Elmo.

"Expect a lot of parent-child games or mommy-daddy games okay? Masaya to guys and sa lahat ng volunteers na napiling maging family ng mga bata, I hope you guys warmed up already para sa ating games na pang couples." sabi ni Brenda.

"Papa, sali tayo mamaya sa sack race ha?" narinig kong sabi ni Charlie.

"Oo ba." sagot naman ni Elmo. "Sasali tayo sa lahat ng games tapos mananalo tayo." kumindat siya dito na ikinatuwa naman ng bata.

"Mama, sali po tayo sa balloon relay!" sabi naman sa akin ni Marga.

"Osige." sagot ko.

"Okay! So ang first game natin ay ang ever traditonal Bring Me!" umpisa ni Brenda. "So lahat naman ng bata kasali dito. At ang pwede niyo lang pagkuhaan ng mga hihilingin namin ay ang inyong foster parents. Ayos ba yun kids?"

"Opo!" sigaw ng mga bata.

"Okay sige! Let's start!" sabi niya saka na niya kinuha ang listahan kay Maqui. "Bring me... An orange balloon!"

Naghihiyawan at nagtatawanan ang mga bata habang nagpapaunahan silang makatakbo palapit kay Brenda. Natatawa naman ako at nakita kong tumatawa rin si Elmo.

"Okay! Nauna si Grace. Oh, here's your prize." ani Brenda.

"Thank you po!"

"Okay next. Bring me... ang pinakamalaking size ng sapatos!"

"Elmo! You're a size 13 diba? Bigay mo na!" sabi ko kay Elmo.

"H-ha?" walang anu-ano ay hinubad niya ang isang sneaker niya at kinuha naman ito ni Charlie saka siya tumakbo.

"Ops. Sabay sina Neil at Charlie na dumating. Kaninong shoes yan Neil?" tanong ni Brenda.

"Kay Papa Miguel po." aniya.

"Anong size?"

"11 po." sagot ni Neil.

"Okay. Tanungin naman natin si Charlie na mukhang tuwang-tuwa ngayon. Kanino yan baby boy?"

"Kay Papa Elmo po!"

"Anong size niyan?"

"13 po! 13!" tumatalon si Charlie habang sinasabi iyon.

"And we have a winner! Congrats Charlie!" sabi ni Brenda at binigay ang loot bag kay Charlie.

"Yeheeeey! Thank you po!"

Nagpatuloy pa sa paglalaro ng Bring Me ang mga bata. Masasaya ang lahat dahil may ibang mga nasa listahan ang wala na sa ngayon pero may iba pa ring nakakapagbigay nun.

"Okay. Last na to. Bago tayo maglaro ng ating next game. Bring me... Ang picture ng foster parents niyo na magkasama!" masiglang sabi ni Brenda.

"Mama! Papa! Picture niyo daw po!" sabi ni Marga sa amin.

"Ah ano..." hindi makapagsalita si Elmo at nakakunot pa ang noo niya.

"Papa, may picture ka ba?"

"Meron sa akin. Andito sa phone ko." sabi ko sabay kuha ng phone mula sa bulsa at iniabot kay Marga. Agad siyang tumakbo kay Brenda at binigay ang phone ko.

"Okay!! Nauna po si Marga. Tignan nga natin. Sino ang mama at papa mo, Marga?"

"Sina Mama Julie at Papa Elmo po." sabi niya saka pa kami tinuro.

"Ah. Okay sige. Check natin kung anong picture to." ani Brenda sabay kalikot sa phone ko. "Akalain mo nga naman. Lakas maka-couple guys!" hagalpak niya saka pa ipinakita sa lahat ang camera roll ko. Nagtawanan din ang lahat at saka pa kami inasar. "Ang dami nito ha. Hahaha."

Nakita kong nagsisikuhan sina Maqui at Peachy sa likod ni Brenda. Sumilip naman ako kay Elmo at nakitang nakakunot pa rin ang noo niya.

"Okay sige. Panalong-panalo ka na Marga." ani Brenda sabay balik kay Marga ng phone ko at binigay na rin ang prize niya.

Natapos ang sumunod pang 4 na games at naghanda na ang lahat para naman sa lunch. Inasikaso na namin ni Elmo ang mga bata at inabutan sila ng isa-isang pagkain nila.

"Papa, mamaya yung sack race na." sabi ni Charlie kay Elmo.

"Oo sige. Kaya kain ka lang nang kain para may energy tayo mamaya."

"Papa, sali din tayo nila mama sa newspaper dance ha?" sabi naman ni Bill.

"Sige." sabi ni Elmo.

"Mama, sali Tip to Jeusalem?" tanong sa akin ni Susie.

"Gusto mo?" tanong ko. Tumango siya kaya ngumiti ako sa kanya. "Sige sasali tayo."

Pagkatapos ng lunch ay nagbalik na uli kami sa palaro. Unang game ay ang sack race na kanina pa gustong laruin ni Charlie.

"Okay. Itong sack race na to, kailangan natin ng daddy at isang bata." agad na hinatak ni Charlie si Elmo sa harap. "Newly improved to. Imbes na papasok kayo sa sack, isusuot niyo siya sa ulo niyo. Pero yung daddy ang magsusuot. Tapos para makarating sa finish line, igguide siya ng anak by telling him the directions. Ayos ba? Nainitindihan?"

"Opo!!" sabi ng mga bata.

"Mama, dun tayo sa harap!" sabi naman ni Bill at Marga saka pa ako hinatak papunta sa may finish line.

Nilabas ko ang phone ko at inihanda para mavideohan ang laro.

"Ready? Set. Go!" sigaw ni Brenda at saka na nagstart ang mga kalahok.

"Go Charlie! Go Papa!" sigaw ng tatlong batang kasama ko. Tumatawa lang naman ako habang nagvvideo sa kanila Elmo at Charlie.

"Papa diretso lang po! Diretso po! Kanan, papa!" utos ni Charlie habang paatras na naglalakad sa harap ni Elmo.

"Go, Bru!!!" sigaw ko. Naramdaman ko ang tingin sa akin nina Maqui at Peachy at nagkibit-balikat lang naman ako.

"Go Migoy!" sigaw naman ni Starr sa kabilang side.

"Go, Bru! Konti na lang!" sigaw ko.

"Papa! Diretso ng tatlong hakbang!" sigaw ni Charlie na ngayon ay nasa harapan ko na. Naglakad si Elmo ng tatlong hakbang at muntik pa siyang matisod sa tali kaya agad ko siyang hinawakan sa braso.

"YEHEEEEEEEY!!!" sabay-sabay na sigaw nina Bill, Marga, Charlie at Susie.

"Team Elmo and Charlie wins!" announce ni Brenda. "Ang nagpapanalo talaga dito ay si Julie. Hahahaha." dagdag pa niya.

Inalis ko ang sako na suot ni Elmo at nakita kong nakangiti siya. Sa buong oras na magkasama kami ngayong araw ay ngayon ko lang nakitang ngumiti uli siya sa akin. Namiss ko to. Pero alam kong dahil lang yun sa pageenjoy niya kaya siya ngumingiti. Dahil nang magkatitigan kami ay agad na nawala ang ngiti niya at nag-iwas siya ng tingin.

"Okay! Bago ang performance na inihanda ng mga bata meron tayong game para sa lahat. So each team, pila po tayo starting from the youngest except po sa toddlers ha?" ani Brenda.

Pumila kaming lahat. Nagsimula ang pila kay Bill, tapos si Charlie, sumunod si Marga at pagkatapos ay ako at si Elmo.

"This is a game called the Card Relay. Ang gagawin lang is may limang cards tayo for each team. Tapos starting from player number 1, which is the youngest ay kukunin niya yung card sa pamamagitan ng paghigop dito. Like a vacuum. Then ipapasa sa next player hanggang sa makaabot sa last player. Sunud-sunod lang po ha. Pagkapasa sa isa, kuha agad ng card ulit. And the first team to transfer all the cards from the first plate to the last wins." sabi ni Brenda. "Okay! Players ready?!"

"Yes!" sabay-sabay na sabi ng lahat.

"Alright! Ready? Get set. Go!"

Nagsimula na maghiyawan ang mga hindi kasali at nagpapalakpakan pa. Unang pinasa ni Billy ang card kay Charlie at ipinasa naman ito ni Charlie kay Marga at ni Marga sa akin at ako kay Elmo.

'Shet. One wrong move and we're gonna kiss.' sabi ko sa isip ko. Sa nipis ng cards na pinagpapasahan ay para mo nang mararamdaman ang labi ng kateam mo.

"Team Magalona and San Jose are down to their last card! Humahabol ang Team Que and Bautista! Team Cruz and Garcia habol pa!" announce ni Brenda.

"Go mama!" sabay na sabi nina Billy at Charlie nang maipasa na sa akin ni Marga ang card.

Humarap na ko kay Elmo at bahagya naman siyang yumuko para salubungin ang card. Parang nagslow motion ang lahat dahil habang papalapit kami ni Elmo sa isa't isa ay nalaglag ang card mula sa bibig ko at naglapat ang mga labi namin.

It was all so sudden at napahawak pa ko sa magkabilang braso niya at nanlaki ang mga mata ko. Elmo. And. I. Just. Kissed.

Narinig kong lumakas lalo ang hiyawan ng mga tao at ang palakpakan nila. Hindi ko alam kung anong gagawin dahil nahihiya ako sa nangyari.

"Do we have a mistletoe?" narinig kong sabi ni Maqui mula sa microphone. "Coz I think these two just had an invisible mistletoe over their heads." dagdag niya.

"Oh get a room!" sabi naman ni Peachy nang maagaw ang mic kay Maqui. Nagtawanan ang mga nandun kaya lalo akong namula.

"And the girl is blushing." announce nanaman ni Maqui. Tumingin sila ni Peachy sa akin na parehas na nang-aasar.

Tumingin ako kay Elmo at nakita ang pagkagulat pa rin sa mukha niya. Nang mahimasmasan ay agad siyang tumalikod at naglakad palayo.

"Papa!" tawag ng mga bata sa kanya. Hindi naman na lumingon si Elmo at dire-diretso lang umalis ng center. Lumingon ako kanila Maqui at nakita ang pagkagulat at pagtataka sa mga mata nila.

"Julie..." napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Miguel.

"M-Miggy..."

Umuwi ako sa bahay feeling more confused than ever. Kung dati confused ako sa kinikilos ni Elmo, ngayon naman cofused ako sa sarili ko. What is wrong with me?

Umakyat ako sa kwarto ko at nakita ang nakaopen na chatbox mula sa Skype.

Mama:

Hey, sweetie. I tried calling you pero hindi mo sinasagot ang calls ko. I called your kuya and he told me that you're in the orphanage. Call me when you read this okay? I miss you, princess. Mama loves you.

Agad kong chineck kung nakaonline pa si mama and when she is ay agad kong pinindot ang call button. Inayos ko muna ang buhok ko habang nagrring pa ang sa video call at sa ikatlong ring ay nag-accept call na si mama.

Lumabas sa screen si mama na nakangiti at nakasuot pa rin ng damit niya sa hospital. Siguro ay may ginagawa siya kaya hindi niya agad nasagot ang call.

"Hi, ma." bati ko.

"Hi, anak. How's my baby?" she asked.

"I'm okay. Kayo po ni papa? Musta po?"

"Well, your dad and I are okay. He's still in the hospital dahil may last check-up rounds pa siya sa patients." sabi niya.

"Ah okay. Mama, malapit na mag Christmas." sabi ko.

Tumango si mama and smiled weakly. Ever since naman na nagbase sila sa hospital namin sa London ay hindi na sila nakakauwi tuwing Pasko. We haven't spent our Christmas as a whole family for the past 4 years already at sobrang namimiss ko na sila. This would be the 5th Christmas na wala sila sa Pilipinas.

"I know you missed us anak. But you know our job naman diba?" aniya.

"Yeah I know naman po. Nakakamiss lang talaga na kasama kayo tuwing Pasko. It's just different." sabi ko.

"Babawi kami anak. We'll be home naman for your kuya's wedding and we'll extend hanggang sa graduation mo. Okay?" aniya.

"Okay." tumango ako saka ngumiti sa kanya.

"Anyway. How was your school? Ang sabi ng kuya mo you're a candidate for Magna Cum Laude?" nakangiting sabi niya. Tumango naman ako at saka pa natawa ng konti. "I'm so proud of you. Your papa and I are proud of you."

"Thanks ma. Mana ako sa inyo ni papa eh." sabi ko naman.

"Ay sus. Nambola pa ang bunso ko. Hahaha." tumawa kami ni mama at saka pa nagkwentuhan.

Maraming kinwento si mama sa akin. May naging patient daw siya na kaparehas ko ng edad. May sakit siyang cancer and naikwento ni mama kung paano daw nakipaglaban ang patient niyang yun sa sakit niya. Kinwento rin ni mama na gusto akong mameet ng patient niyang yun dahil palagi daw akong kinukwento ni mama sa kanya. She also told me about the new house in London. Natapos na itong ipatayo just a month ago at lilipat na sila ni papa once everything is settled.

"Oo nga pala, anak. How's Elmo? Himala ata wala siya sa bahay ngayon?" pagtataka ni mama.

Sa tagal naming hindi nakapag-usap via video call ni mama ay hindi na siya updated sa mga nangyayari talaga sa akin. Madalas kasi since busy sila ni papa sa hospital ay tuwing break time lang nila kami nakakapag-usap. And with the 7-hour time difference, hindi kami masyadong nagkakatugma ng schedule.

"Uhm... He's busy ma." sabi ko.

"Are you guys still friends?" tanong niya.

"Uh... Y-yeah. I guess?" patanong na sabi ko.

"Bakit? What happened?" pagtataka niya. "You were so close diba? Na kulang na lang eh tumira siya sa bahay or ikaw ang tumira sa kanila. Haha. I remembered when you were kids. Gusto niyong magkatabi palaging natutulog kapag hapon. At minsan sabay pa kayong maligo sa garden. Hay. What happened between you guys?"

"Things changed between us." kibit-balikat na sabi ko. Halatang naghihintay pa si mama ng karugtong pero wala naman na akong maisip pa. "Uhm..."

Ano nga ba ang dapat kong sabihin? Na in love sa akin ang bestfriend ko at naguguluhan ako sa sarili ko ngayon?

"Are you in love with him?" she asked.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni mama. Sa halip ay bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ewan ko kung bakit pero bigla na lang ako humagulgol sa iyak. All this time na nagpapakatatag ako dahil ayokong ipahalata sa lahat na hindi ako affected sa away namin ni Elmo. Lahat ng hindi niya pamamansin sa akin. Lahat ng araw na pagtitiis niya sa akin. At yung nangyari kanina sa party. It all came down to this.

"I-I don't know, mama. I-I'm getting confused. I don't want to ruin our friendship pero kasi kahit naman anong gawin ko mukhang sira na siya eh. I feel like we won't be like before. Na kahit anong piliin ko may masasaktan..." iyak ko.

"May masasaktan? Bakit?"

"K-kasi there's someone waiting for me and yet I can't give him the assurance na dadating ako. Then there's Elmo and ewan ko. I can't just let him go like that..."

"Do you love him?" she asked. "Do you love that other guy?" umiling ako habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko. "What about Elmo? Do you love him?"

Lalo akong napahagulgol sa iyak at ngumudngod pa sa desk ko. Do I love him? Am I in love with my bestfriend?

"I-I don't know... I'm not sure... I think so..."

Continue Reading

You'll Also Like

371K 9.6K 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signa...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
326K 10.9K 35
[Gaya ni Agnes sa teleseryeng Forevermore(ABS-CBN)] Naniniwala si Alia na sinumang dalaga at binata ang kumain ng kambal na strawberry ay magkakatulu...
134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...