Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

21

4.3K 60 1
By TipsyArchitect

Chapter 21

Tuesday. Wala ako sa mood pumasok ng school dahil tuwing araw ng Tuesday at Thursday ay magkaklase kami ni Elmo sa isang subject namin at isa pa, seatmates kami dun. Pero buti na lang last subject pa yun. And minsan ay wala naman kaming prof dun at nagtetext na lang sa akin kung may klase or wala.

"Distancia amiga nanaman ang jutak natin friend?" tanong ni Douglas.

"Huh? Hindi ah." sabi ko.

Nasa school na ako at nakaupo kami ni Douglas sa may field. Wala kasi kaming magawa at hinihintay lang namin si Mia mula sa klase niya.

"Oo nga pala, musta na kayo nung friends mo? Nung party parang nagwarla kayo. Nyare?" tanong niya.

"Ah. Wala yun."

"Bati na kayo?"

"Nila Maqui? Siguro. Di ko pa sila nakakausap eh. Parehas busy sa trabaho nila."

"Ah okay. Bakit ba kasi nagwarla kayo ha?" tanong niya.

Kibit-balikat lang naman ang naisagot ko. Ayoko muna kasing pag-usapan ang nangyari nung Sabado dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagssink-in sa akin ang lahat ng nangyari nun.

Dumating na si Mia makalipas ang ilang minuto at umupo siya sa tabi ko.

"Asan yung iba?" tanong niya.

"May dance rehearsal ang Hoof eh. Sina Jarid at Clark naman may class pa. Then si Camille naman may sakit so absent siya. Si Jam kasama niya yung jowa niya." sagot ni Douglas.

"Ah okay. Tara nuod tayo sa rehearsal ng Hoof. Maya pa class mo diba, Japs?" tanong sa akin ni Mia.

"Yeah mamaya pang 4:30." sagot ko.

"Oh tara! Sa dance studio tayo!" sabi niya saka na nila ko hinatak ni Douglas.

Pagdating namin dun ay kasalukuyang nagsasayaw sina Ice, Clang, Starr at Miggy. Yung ibang members naman ay nanunuod lang sa kanila.

"Uy! Hi guys!" bati sa amin ni Box.

Napalingon sina Miggy saka sila kumaway sa amin.

"Ayiiie! Talagang binisita ka pa ni Julie dito dude? Swerte mo naman!" asar ng ibang members kay Miggy.

"Mga baliw! Sayawin niyo na nga yung new choreo!" utos niya sabay lapit sa amin. "Hi." bati niya.

"Hello." bati ko naman pabalik.

"Napadalaw?"

"Hinatak actually. Bored yung magbestfriend kaya gusto nilang magstay muna dito." sabi ko.

"Aysus. Kunyari pa siya. Alam ko namang you missed me." sabi niya saka pa nagpacute sa akin.

"Kapal! Haha. Hindi no." sabi ko naman. Nagpout siya sa akin kaya kinurot ko naman ang pisngi niya. "Mr. Que pouting is only for ducks."

"Then I'll be a duck." sabi niya. "If you'll be my duck too."

"Hahahaha. In your dreams." kindat ko saka na umupo sa tabi nina Mia at Douglas na abala sa pagkain ng chips at panunuod ng sayaw nila.

"Kayo na ba ni Miggy?" tanong ni Mia. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatuon ang pansin niya sa dancers.

"Hindi pa."

"Pero malapit na?"

"Ewan." kibit-balikat ko. Bigla siyang tumingin sa akin at kumunot ang noo.

"Ewan? Bakit ewan?"

"Ewan ko lang. Basta. Hirap iexplain kasi ako din naguguluhan."

"Naguguluhan? Saan? Eh diba maayos naman siyang nanliligaw sayo?"

"Oo. I mean, Miggy is a great guy. Wala naman akong problema sa kanya. Sa sarili ko ako may problema. It's still unsure if I'm really ready for this." sabi ko.

"Malalaman mong ready ka na kapag handa ka na rin magpakatanga at masaktan." sabi niya. "Ready ka na ba dun?"

"Siguro. Pero siguro yung mga yun hindi ko sure kung si Miggy ba magiging dahilan nun."

"May iba pa ba?" tanong niya. Hindi naman ako kumibo at saka na lang nanuod. "Ah. Kilala ko na. If I were you hindi ko na patatagalin ang situation. Kasi kapag pinatagal pa yan mas madaming masasaktan. Mas lalaki ang problema. Mas mahihirapan ka."

"Wala namang iba eh. Nahihirapan lang ako kung paano ko titimbangin. Tignan mo ngayon, nagkakagulo na wala pa man. Paano na kung may kami na diba?" sambit ko.

"Hindi naman kasi magkakagulo kung walang nararamdaman para sa isa't isa eh."

Pagkatapos namin sa dance studio ay nagmadali na akong maglakad papunta sa building ng Architecture para sa last subject ko. Buti na lang at nung dumating ako ay wala pang prof at hindi pa masyadong marami ang mga nandun.

Umupo na ko sa pwesto ko saka na nagsimulang magreview. Madalas kasing magpaquiz ang prof namin dito kahit pa hindi naman siya pumapasok. Kaya kailangan talaga nagsself-study ka para makapasa sa kanya.

"Alis." narinig ko ang isang pamilyar na boses. Paglingon ko ay nakita ko si Elmo na kinakausap ang isang kaklase namin na nakaupo sa likod.

"Ha? Diba dun ka?" pagtataka naman niya.

"Ayoko dun. Mainit. Palit na tayo dali." sabi niya.

"Eh. Mainit pala dun eh. Ayoko dude."

"Dali na, Jeero." pamimilit ni Elmo. "Ililibre kita bukas basta palit tayo."

"Ts. Siguraduhin mo lang Elmo ha? Kutusan kita pag di mo ko nilibre." sabi ni Jeero saka na siya tumayo at lumipat sa tabi ko. "Hi, Julie." bati niya.

"Hello, Jeero."

"Ang baliw ng bestfriend mo. Bigla ba naman akong pinalipat dito. Magkaaway ba kayo?" tanong niya.

"Ha? Hindi. Siguro galing siya sa training kaya naiinitan yan ngayon. Yung pwesto mo kasi diba sakto sa aircon. You know Elmo. Magpapakamatay yan kapag naiinitan yan." sabi ko.

"Haha. Baka nga. Pero baka naman mapagalitan tayo ni Ms. De Leon niyan?"

"Hindi yan. Wala naman tayong seat plan sa kanya eh." sabi ko. Tumango na lang si Jeero kaya nagpatuloy na ko sa pagbabasa.

Sumilip ako kay Elmo at nakitang nakasandal siya sa upuan at nakataas ang isang paa sa table niya at nakikinig ng music sa phone niya. Nakatulala lang siya sa kawalan at pasimpleng nagttap yung daliri niya sa tuhod niya.

"Mr. Magalona, take your earphones off." bungad ng professor namin. Napatingin agad ako sa harapan at saka pa namula na parang ako ang napagalitan. "Bakit nandyan ka sa likod? You're supposed to be sitting beside Ms. San Jose right?"

"Miss, mainit po sa pwesto ko." sagot naman niya.

"We're gonna have a quiz. Sige na. Bumalik ka na muna sa pwesto mo." pakiusap sa kanya ni Ms. De Leon.

Wala naman siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ko. Nilabas na niya ang bond paper niya at ang ballpen at ganun din naman ang ginawa ko.

"After you take the quiz, you may go." sabi ni Ms. De Leon pagkatapos niyang ipamigay ang questionnaires.

Tahimik na sa klase namin nang nagsimula na ang quiz. Hindi naman mahirap iyon dahil nagreview naman ako kanina. Sumilip ako kay Elmo at nakitang mabilis niyang nasasagutan ang questions. Matalino naman si Elmo kaya alam kong tama lahat ng ginagawa niya. Wala pa mang 15 minutes ay tumayo na siya at ipinasa ang papel saka na umalis.

'Dati kapag quiz hinihintay niya kong matapos bago siya magpasa. Bakit ngayon ni hindi man lang siya bumati.' sabi ko sa sarili ko.

"Last 5 minutes." nagulat ako nang biglang sabihin iyon ni Ms. De Leon. Pag-angat ko ng tingin ay konti na lang kaming nasa room. Ang bilis naman ata ng oras?

Tumayo na ako at ipinasa ang papel ko.

"Mukhang nahirapan ka sa quiz, Ms. San Jose."

"Ha? Hindi po. Nireview ko pa po kasi yung answers ko bago ko pinasa."

"Okay. May problema ba si Mr. Magalona?" tanong niya.

"Hindi ko po alam eh."

"Eh diba magkaibigan kayo? Paanong di mo alam?" pagtataka niya.

"Uhm... Ano kasi miss eh. Busy kami parehas kaya di na kami nakakapag-usap."

"Ah ganun ba? Osige. You may go." aniya.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto. Sumilip ako sa bintana at nakitang naka-off ang ilaw sa kwarto ni Elmo. Dumungaw naman ako sa may basketball court nila at nakitang naglalaro siya mag-isa ng basketball.

"Julie!" napapitlag ako nang bigla akong tawagin ni manang mula sa baba.

"Bakit po?" tanong ko sabay dungaw sa may hagdan.

"Andito sina Maqui at Peachy. Paakyatin ko ba?"

"Ah. Sige po manang! Tsaka padala na din po ng juice."

"Osige."

Pumasok sila sa kwarto at sabay pang umupo sa kama ko.

"Uhm..." hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.

"We just came here to give this to you." ani Peachy saka na iniabot sa akin ang isang makapal na envelope.

"A-ano to?" tanong ko.

"It's the signs that we've been telling you. Alam naman naming di mo na kailangan yan since you chose someone else. Pero gusto pa rin naming ibigay yan sayo dahil wala naman kaming gagawin diyan. Isa pa, baka sakaling matauhan ka kapag nabasa mo yan." si Maqui ang sumagot. "Sige na aalis na kami." tumayo na sila at akmang lalabas na nang pigilan ko sila.

"Wait." sabi ko. "I'm sorry for what happened last Saturday. Hindi niyo naman kasi ako pinagexplain eh. And I didn't choose Miggy over him. He was the one who walked away. Inamin na niya sa akin yung feelings niya. And hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat maramdaman. Naguguluhan din ako. Hindi niya ko pinapansin. Hindi niya ko kinakausap. Nagpabago siya ng schedule sa orphanage. Iniiwasan niya ako. Paano ko lilinawin sa kanya kung ganun ang nangyayari diba? Ang hirap kasi eh."

"Hindi mahirap yun Julie. You just have to be honest with yourself. And anong you didn't choose Miggy over him? If he's really important to you, you would follow him when he walked away. Pero anong ginawa mo? You stayed, you took care of Miguel as if nothing happened. Ewan ko sayo Julie. Pati kami naguguluhan sayo. Alam naman naming hindi ka in love sa bestfriend mo eh. Pero sana kinausap mo man lang siya diba? You should've approached him. Hindi yung puro siya na lang palagi." sabi ni Maqui.

"Sana kinausap mo siya Julie. Hindi yung pinalipas mo pa ng ilang araw. Para mo na ring sinabi sa kanya na your 21 years of friendship is nothing compared to the friendship or whatever relationship you have with Miguel."

Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
122K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
2M 7.7K 9
How far can a man handle a woman's rejection? Walang nakakaalam at walang makakaalam maliban nalang kung mapupunta sila sa ganoong sitwasyon just lik...
5.5M 54.1K 104
Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang s...