Dear Bestfriend

Od TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 Viac

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

2

5.9K 63 1
Od TipsyArchitect

Chapter 2

"ELMO MAGALONA TIGILAN MO NGA AKO!" sigaw ng bestfriend kong si Julie mula sa judges' table.

Napahagalpak ako ng tawa sa stage dahil sa reaction niya. Nanlilisik nanaman kasi yung mata niya. Siguro ay nakarating na sa kanya yung balita sa ginawa ko kanina.

"Woah! Chillax ka lang, bru! Mag-aaudition nga ako!" sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa.

"Magtigil ka! Tapos na auditions!" sigaw nanaman niya. Hay. Palagi na lang to nakasigaw.

"Bru naman eh!" sabi ko nang makitang palakad na siya palayo.

"Audition's over. You can all go home now. Thank you." sabi niya saka na nagpatuloy sa paglalakad.

"Aish!" sabi ko saka na binalik ang mic at kinuha ang gym bag ko at saka na siya hinabol. "Bru!"

"Wag mo kong kausapin! May kasalanan ka pa." sabi niya habang nagmamadaling maglakad.

"Bru naman eh. Mag-eexplain ako!" sabi ko saka na tumakbo palapit sa kanya at nang maabutan ko siya ay inakbayan ko siya.

"Bitaw!"

"Ayoko. Makinig ka kasi." sabi ko. "Kaya lang naman ako nakalambitin sa beam is because the ball got stuck on it. Malamang kukunin ko yun. Edi nayari naman ako kay coach diba? Dali na kasi. Galit ka nanaman eh!" sabi ko.

"Ewan ko sayo Elmo. Kailan ka pa naging unggoy ha?!" aniya. Natawa nanaman ako saka ko siya kinurot sa pisngi.

"Haha. Ikaw talaga bru. Cute mo pag nagagalit. Sorry na kasi. Nung nakita ako ng guard, I was about to go down. Malay ko bang magsusumbong kay chairman yun." sabi ko. "Wag ka na kasing magalit." dagdag ko.

"Tss." umirap siya sa akin and shrugged my arms off her shoulders.

"Treat kita sa Army Navy. Dali na. Bati na tayo." sabi ko. Huminto siya sa paglalakad at saka lumingon sa akin. Gotcha!

"You're bribing me again, Elmo. Tumigil ka." sabi niya at tumalikod ulit. Eh? Tinanggihan yung Army Navy? First time yun ah!

"Bru naman eh! I'm not bribing you. Namiss kaya kita. Whole day tayong di nagbonding ngayon oh. Dali na." pamimilit ko. "And besides, walang maghahatid sayo pauwi except for me so tara na please? I'm hungry na po." dagdag ko.

"Magtataxi ako." sabi niya.

"No way!" sabi ko sabay hatak sa kanya papunta sa parking lot ng school. "Kuya Fort will kill me if hindi kita hinatid sa inyo. So let's go and have a burger and burritos and buffalo wings." sabi ko.

Hindi na siya nakapalag at sumakay na kami sa kotse ko saka na nagdrive papunta sa Army Navy.

By the way, I'm Elmo Moses Magalona. Elmo for short. I'm 21 and a 5th year Architecture student like my moody bestfriend over here. I'm the captain of our school's basketball team and sabi nila heartthrob daw ako sa school. Ewan. Eh lahat naman ng babae dito pati mga bakla kinikilig sa mga lalaki eh. Ay hindi. Except pala sa bestfriend ko. Boyish kasi to eh. Hahaha. Ikaw ba namang lumaking puro lalaki kalaro mo eh. Isa pa, she graduated from an all-girls school. Ako naman sa all-boys pero di ako gay or something. Kadiri yun please! So yun. Madami daw kinikilig sa aming mga basketball members. Pero di ko naman pansin. Di naman kasi ako pinapansin nung crush ko since highschool eh. Si Cielo. I think friend siya ni Julie. Lahat naman kaibigan nitong bestfriend ko eh. Ikaw ba naman ang president ng student government eh.

"Hoy. Anong nginingiti mo diyan ha?" nagulat ako nang bigla niya kong suntukin sa balikat.

"Oow!" reklamo ko. "Jeez, bru. Nanununtok ka nanaman." sabi ko habang hinihimas ang braso ko. Brutal talaga nito!

"Para ka kasing tanga diyan. Makangiti wagas!" aniya.

"Init ng ulo mo ngayon. Meron ka ba?" tanong ko sabay masahe pa sa batok niya.

"Tss. Stressed lang ako okay? Umorder ka na nga. Nagugutom na ko." utos niya.

Ngumiti naman ako and patted her head before I went over the counter to order. Pagkakuha sa order namin ay tumabi na uli ako sa kanya.

"Stressed ka? Bakit? Because of the upcoming event sa school?" tanong ko.

"Yeah." sagot niya. She peeled off the wrapper from my burrito and squeezed lime in it saka niya ito inabot sa akin. "Ang dami kasing aasikasuhin and kami lang yung gagawa lahat. Tapos may plates pa na gagawin. Tapos dumagdag ka pa na nageevolve na parang si Pikachu kanina! Argh! Di ko alam gagawin ko!" she whined.

"Alam mo, wag ka masyadong magpakastress sa event ng school. It's just the CEA month. You don't have to give your full attention to it." sabi ko habang inaalis ko ang foil sa burger niya. "Yung saken naman, hayaan mo na. I submitted my narrative report to the chairman already. Sa plates naman, kayang-kaya mo yan! Ikaw pa ba? Dean's Lister and a Magna Cum Laude candidate?"

"Psh. Ikaw naman kasi. Moe, 5th year na po tayo. A little maturity please?" sabi niya saka pa pinunasan yung gilid ng labi ko.

"Bru, I explained it already diba? Nastuck nga kasi yung bola sa beam. Kaya yun. I had to get it."

"Whatever." sabi niya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain when her phone rang.

"Hello? Oo... Yeah I'm with Elmo... Yes... Saturday? Uhm... May gagawin ako sa school nun eh. Pero pwede naman siguro ako humabol nun... Yeah... Okay... Onga eh... Hahaha... Sige... Alright! Bye!"

"Sino yun?" tanong ko pagkatapos niyang makipag-usap.

"Si Maq. We have a party scheduled on Saturday sa Antipolo. Sama ka?" tanong niya sa akin.

"Antipolo? Anong party?"

"It'a a debut actually. Eh susunod na lang ako dun because we have to do the stage on Saturday."

"Ah okay. Sige I'll come with you. As if naman kasing matitiis kita." kindat ko.

"Yuck bru! Sipsip much!" angal niya sabay pingot pa sa tenga ko.

Humagalpak lang naman ako sa tawa saka na kami nagpatuloy sa pagkain. Pagtapos nun ay naisipan na rin naming umuwi. Alam ko naman kasing pagod na siya dahil sa school. Isa pa, pagod na rin ako dahil sa training kaninang umaga.

"Ano? Pasok ka ba?" tanong niya saken pagdating namin sa bahay nila.

"Di na. I'll pick you up at 9 tomorrow." sabi ko.

"Okay." sabi niya. Papasok na sana siya nang tumikhim ako. "Ay!" sabi niya saka bumalik sa akin at ginawa namin ang handshake namin saka na niya ko hinalikan sa pisngi.

"Kala ko nakalimutan mo eh. Ge bru. Good night! Matulog ka na ha? Hahahaha." sabi ko.

"Haha. Muntik na! Good night bru!" paalam niya saka na pumasok.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang kapatid kong si PeeWee na nakaupo sa may bar counter at abalang nagbabasa ng libro.

"Hey. Bakit gising ka pa?" tanong ko as I kissed her head.

"Wala lang. I can't stop reading this book eh. Nakakaadik. Haha." sagot niya sabay pakita sa akin ng cover page ng libro.

"Eleanor & Park"

"It was given by Ate Julie. Haha." sabi niya.

"Of course. Sino lang ba kasundo mo sa ganun diba? The one and only moody Julie." sabi ko.

"Mean mo sa kanya. Sumbong kita eh." banta niya sa akin.

"Haha. I was just kidding PeeWee. Anyway. Where's mom?" tanong ko.

"She has a dinner meeting kasama ng ibang board members so she'll be home late daw." sagot niya. "Onga pala kuya, can you ask Ate Julie to come over bukas? I need her for my project eh."

"Bakit di na lang ako?" pagtataka ko.

"Oh please. I want to be on top of my class kuya." irap niya sa akin.

"Are you telling me that I'm stupid?"

"No. You're the one who said that." she replied.

"Aba't!"

"Sige na kuya. Ha? Tell her to come over bukas. I really need her help."

"Fine whatever. Matulog ka na nga!" sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman siya saka na tumayo and hugged me.

"Good night kuya. Love you!" aniya saka na umakyat sa kwarto niya.

Sumunod na rin akong umakyat sa kwarto ko saka na nilagay ang mga gamit ko sa sahig at sumalampak sa kama. Finally! I missed my bed!

Tumayo ako saglit at sumilip sa bintana. Sakto namang nakita kong naka-on ang ilaw sa kwarto ni Julie. Magkatapat kasi ang mga bintana namin and we would usually talk habang nakadungaw dito. Kinuha ko ang phone ko saka na dinial ang number niya. Humiga na uli ako sa kama at hinintay ang pagsagot niya sa tawag ko.

"Yo wassup?!" bungad niya.

"I told you to sleep. Bakit gising ka pa?" tanong ko.

"Kasi di naman kusang gagalaw yung pencil ko para magdrawing? Hahaha. Bru, I'm doing my plates. Can we talk tomorrow na lang?"

"Ganun? So ayaw mo ko makausap ha?"

"Don't you have plates to do?"

"Wala. Nagsubmit na ko kanina and wala si sir so walang binigay." sagot ko. "So ayaw mo nga akong kausap?"

"Hindi sa ganun. Eh kasi kailangan ko lang talaga magconcentrate dito eh. Sige na bru. Bukas na lang please?" makaawa niya.

"Ts. Ganyan ka bru. Nakakatampo ka na."

"Ang adik mo! Ngayon lang naman eh!" sabi niya.

"De. Ganyan ka eh."

"Tss. Sige na nga! Oh ano ba kkwento mo?" she asked.

"Wala naman. Eh kasi kanina, nakita ko si Cielo. Dumaan siya sa may basketball court. Wala lang." nakangising kwento ko.

"So feeling mo naman may crush sayo yun? Yuck ka bru! Kailan ka pa naging potassium?!" aniya.

"Anong potassium?" pagtataka ko. Mga term naman nito.

"Potassium! Pota na assuming pa! Hahahahahahahaha." humalakhak siya ng tawa at napakunot naman ako ng noo.

"Weh." sabi ko.

"Hahaha. Assuming much ha? Alam mo, si Cielo tingin ko may balak magmadre yun eh. Medyo namali lang ata ng course kaya ganun. Kahit mga gwapo sa room di niya pinapansin eh. And she only talks to people na kagaya niyang matalino." sabi niya.

"So friends kayo?" tanong ko. Sabi na eh. Friends sila ni Cielo eh.

"Hindi."

"Weeeeeh! Ikaw bru? Hindi kaibigan ang buong student body? Oh come on!" asar ko.

"Duh. Di naman talaga. I rarely get to talk to her." sabi niya.

"Impossible."

"Possible kasi." sabi niya. "Bru, give up na. Dami kayang nagkakandarapa sayo sa school. Si Jam, maganda bakit di na lang siya?"

"Ayoko. Kaibigan mo yun eh." sagot ko.

"Oh tapos you're asking me if I'm friends with Cielo. Alam mo, minsan yang utak mo di ko alam kung nasa ulo mo o nasa talampakan eh." aniya.

"No! I mean, close kaya kayo ni Jam and it's awkward if maging kami. Though yeah she's pretty and stuff pero gets? Hindi naman siya si Cielo eh."

"Uh-huh. So mahilig ka sa mga snob?" tanong niya.

"More like, gusto ko yung may challenge."

"Ah yung may challenge. Eh bakit hindi na lang si Douglas? Hahahahahahahahahaha."

"Bru I'm not gay!" sabi ko.

"Eh sino bang nagsabing bakla ka? Hahaha. Defensive naman oh."

"Tss. Alam mo, I know you're pissing me off para tigilan kita kakakwento eh. Sige na nga. Bukas na lang."

"Haha. Tampo ka na niyan? Alam mo, may strawberry flavored Pocky ako dito eh. Pasalubong saken ni Ate Steffi." sabi niya.

Pocky? Strawberry?

"Teka lang."

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

387K 10.9K 37
"I love being wed to you. Having the one person with whom you want to spend your entire life is wonderful... Nothing outside of us can change what is...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
1.6M 36.4K 34
[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And s...
1.4K 268 15
Sa pag-aakala ni Kayla na hindi mahuhulog ang loob ni Aidan sa kanya, ay walang pasubali niya itong tinatakasan dahil sa mga pang-aasar nito sa kanya...