Gold Digger

Від Dj_Elsiebrande

37.4K 590 44

{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and... Більше

Author's note
Prologue
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17 (ANG SIMULA)
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Epilogue
Message from the Author
Join my Fbgroup page

Chap. 8

831 16 1
Від Dj_Elsiebrande

Agad pumunta si Maryan sa presinto at naiyak nang makita niyang nakaupo ang ama at hindi pa nasa selda habang iniimbestigahan. Sinugod niya ito ng yakap habang namamasa ang mga mata.

"Dad! Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit kayo nandito?"

Biglang tumingin sa kanya ang governor. "Pinagbibintangan nila akong nag-ca-casino raw sa Texas. Hindi naman ako roon pumunta."

Nainis si Maryan kaya't sinugod niya ang pinunong hepe.

"Ano'ng katibayan n'yong nagsusugal ang dad ko! Ilabas n'yo ang mga ebidensya dahil kasa-kasama ko si Dad buong week na ito at hindi man lang siya pumunta o nagbakasyon man lang sa America!" sigaw ng dalaga.

"May matibay pong ebidensya dahil may nagpadala po sa amin ng CCTV footage kung saan naroon ang ama mo sa Casino de Royale. Ito pa nga po yung date," ani ng hepe.

Inagaw ni Maryan ang files at tiningnan nito. "Nasaan ang video? I wanna see it now!" sigaw ni Maryan na tila gusto magwala dahil hindi makapaniwala.

Pinakita ng isang pulis ang kanyang laptop at ni-play ang CCTV footage.

Pinanood ito ni Maryan at hindi siya makapaniwala dahil kahawig na kahawig nga ng ama niya ang naglalaro ng sugal sa casino.

"This can't be! Paano nangyari ito?" ani Maryan na tila napahilot muli ng ulo.

"Tatayo akong witness, hija." Tumalikod si Maryan at nakita ang cardinal. Niyakap niya ito at napaiyak.

Bigla siyang humarap sa hepe. "Sino ang general ngayon? I need to talk to him."

Ibinigay naman ng mga pulis ang address kung saan ito matatagpuan.

***

Agad nabuksan nang malakas ang pintuan dahil sumugod si Maryan sa kuwarto ng general. Siya si General Santino.

Umikot din agad ang swivel chair nito.

"Naparito ka? Ikaw yung anak ng governor, kung di ako nagkakamali?" tanong ng general.

"Gusto kong maabsuwelto ang kaso ng dad ko. Hindi siya kurakot at hindi siya yung nahuling naglalaro ng casino sa Texas America," paliwanag ni Maryan.

"Clear ang evidences, young woman. The CCTV footage says it all. So, naparito ka?"

"I will pay para lang palayain si Dad. Alam kong nabibili na ang batas ngayon, general!" sigaw na pagtatanggol ni Maryan.

"If you can?" nakangising sinabi ng general.

"How much?"

"Maybe, 100 million pesos para mapalaya ang ama mo," nakangising sagot ng General.

"That was too much! Wala na bang iba?"

Biglang tiningnan ng general si Maryan mula ulo hanggang paa.

"You're beautiful with curves but I am sorry kung ibebenta mo ang laman mo sa akin. Kaedad ka lang ng mga anak ko. My deal is final. I want 100 million para lang mapalaya si Governor Alfonso dahil may atraso siya sa bayan." Tumalikod ito at tumingin sa de-glass niyang bintana.

Agad tumulo ang mga luha ni Maryan at pinunasan niya. "Okay, deal 'yan and that's a promise!" sabi niya at lumabas na sa kuwarto ng general. Isinara pa niya ang pinto nang malakas.

Sa buong linggo ay naghanap siya ng mauutangan. Mga kaibigan ng papa niya at lahat ng ibang politician, pati mga kaibigan niyang Fancy Girls ngunit tila kulang-kulang pa rin ang perang naiipon niya para sa kanyang ama.

Sa huling alas ay lumapit na mismo siya sa opisina ng presidente. Si President Mochacha Uson Duterte.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Alam n'yo na siguro ang issue ukol sa aking ama."

"Yes, Governor Alfonso is a corrupt politician at alam mong ayaw ko sa mga kaalyado ko ang corrupt." At tumungo ang presidente.

"Naniniwala kayo sa CCTV tape na 'yon? Baka namanipula, Mister President. Tulungan mo naman ang dad ko. Ang haba ng pinagsamahan n'yo, di ba? He has always been your right hand simula nang kumandidato ka?"

"Yes, but releasing him is not the good answer, young lady. Magagalit ang mga tao sa akin. I don't accept crocodiles in my political parties. Witness pa si Cardinal Guevarra. Alam mong ayaw ko sa mga religious hypocrite na 'yan," galit na paliwanag ng presidente.

"Akala mo naman kung sino kayong malinis! Ano pala yung kinakausap n'yo ang NASA para lang bagyuhin ang lugar namin at gamitin si Dad!" galit na paghahamon ni Maryan.

"Bakit? Magsusumbong ka? Sige, magsumbong ka. Dahil alam mo namang isang bala ka lang!" At binugahan niya ng usok si Maryan galing sa tobacco niya. "That's why I'm warning you. Anyway, maybe you can talk to General Santino. Marami na siyang napapalayang mas brutal pa sa case ng ama mo. Kundi, baka maagaw ni Vice Governor Lighi Totnak ang position ng ama mo bilang governor." Saka niya tinalikuran ang dalaga.

"The general needs 100 million. Kaso, di ko 'yon maibibigay, Mister President." Humagulgol si Maryan at pinunasan ang mga luha dahil hindi na niya natiis.

Tila naawa naman ang presidente sa kanya.

"I can help you for the budget pero hindi lahat. Alam mo namang hindi ko kinakain ang pera ng bayan. Wala rin akong ganoon kalaking halaga ng pera."

"How about the NASA? Hingi ka sa America na control-in muli nila ang weather for me to take more donations? Di ba, 'yon naman ang gawain n'yo ni Dad?" nakangiting suhestiyon ng dalaga habang bumubuhos pa rin ang mga luha.

"By schedule 'yon, hija. In fact, binabagyo nila ngayon ang Kuala Lumpur para makihati sila ng donation. So, I can't do that."

Sawing lumabas si Maryan.

Pagkatapos niyang dumating sa mansyon ay pinagmasdan niya ang buong paligid.

"I know na dadating sa puntong maghihirap din kami. I think, the only way to save 100 million peso para mapalaya si Dad is to sell this mansyon, the ten chopper, the real estate from different countries, pati na rin ang 69 cars cost millions. Just for dad to be release in prison," pag-iyak ni Maryan nang biglang may tumawag sa cell phone niya.

Wala itong number o anonymous. Nagtaka siya kung sino ito kaya't sinagot niya.

"Hello? May I know who's in the line?"

"Hello, Miss Maryan. This is Vice Governor Don Lighi Totnak, hehehe."

Nag-eyeroll si Maryan at hinilot ang ulo dahil tila mas lalong sumakit. "Bakit ka pa dumadagdag sa problema ko, lintik kang unano ka?" bulong niya.

"What did you say, Maryan mah lady?" Tila narinig ito ni Don Totnak.

Binugahan nang malakas na hininga ni Maryan ang cell phone at nagsalita muli. "Ah . . . wala, napatawag po pala kayo Vice?"

"Nalaman kong namroroblema ka ngayon dahil sa tatay mo and you need a huge amount of money."

"Opo, kaya tanggap ko nang kayo na pumalit sa puwesto niya, Vice Totnak, dahil wala akong ganoon kalaking halaga ng pera," malungkot na sinabi ni Maryan.

"Wait, mah beautiful lady. Don't give up that fast! Pwede kitang tulungan. I don't need the position. I need you. I am a billionaire with 100 hectares and shares. Pwede kitang bigyan n'on. 100 million is just a piece of crap in my bank."

"Huh? Paano n'yo nalamang 100 million ang kailangan ko para mapalaya ang dad ko?" pagtataka ni Maryan.

"It doesn't matter. Ang isipin mo na lang ay pwede kitang pautangin. But there's a condition."

Bumuga muli ng hangin si Maryan na tila napipilitang makipag-usap sa politician na unano sa linya bago ito sinagot. "Ano na naman ba ang condition, Don Lighi Totnak?"

"Babayaran ko ang buong 100 million if you marry me, hehehe."

Lumaki bigla ang butas ng ilong ni Maryan. "Huwaaat?! Are you kidding me?"

"Of course, I am serious. But don't worry. It's optional. The second option is having sex with me for one night and the price is borrowing you 100 million peso in cash, hehehe," ngiting tagumpay ng vice governor sa cell phone.

Napalunok bigla ng maraming naipong laway with slight mixture ng plema si Maryan at natulala. "Okay, pag-iisipan ko, Vice Governor."

"I know you can't decline dahil mahal mo ang tatay mo. Good bye, mah beautiful sexy lady!" At naibaba ang linya.

Biglang sumigaw nang malakas si Maryan dahil sa inis at nag-echo pa ang boses niya na sumabog sa buong mansyon.

Продовжити читання

Вам також сподобається

3.7K 238 27
Si Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa pinakamaliit na souvenir para s...
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
73K 1.3K 33
WARNING: Matured content. 17 below is not suitable for this story. "I'm p-pregnant..." nauutal na wika ko sa harap ni Terizla, my boyfriend. Agad si...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...