Once A Love Story - #Wattys20...

Od MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... Viac

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Eight

1.5K 57 37
Od MicxRanjo

"THE structure of the mansion will stay the same, but the interior will be renovated and redecorated. Ikaw ang makikipag-ugnayan sa M&J Designs sa kung anong gusto kong layout at designs ang dapat gawin. Gusto kong narito ka sa tuwing aktibo ang construction para siguruhing nakasunod ang lahat ayon sa plano. The company will pay you for all the work you will do here but you will be directly working for me." mahabang paliwanag ni Caleb habang nasa harapan niya ito, nakatalikod, nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon.

He grew up even taller, shoulder broader, and back wider. Marahan siyang nagpakawala ng hininga, she missed him. Even for all the times she thought she'd sinned, she still missed him, longed to be embraced by him. Kahit alam niyang sukdulan ang galit na nararamdaman nito para sa kanya, hindi niya maitatanggi ang kaunting kasiyahan na nasa harapan niya ito ngayon, malayang nakikita.

Humarap ito sa kanya. "May maid quarters sa likuran nitong mansiyon hindi ba? Doon ka mananatili habang ginagawa ito. May kinontrata na ako para magpakain sa mga trabahador, pero gusto kong tumulong ka sa kahit anumang kakailanganin nila. Here's my number, call me with anything that pertains to this project, nothing else. Do you have any questions?"

He was not the Caleb she remembered, every gaze he shot at her felt like a dagger was bleeding her out. Every move he made was like a threat, one wrong turn and she would be cut. It was hard to breath with him around, as if she was in a ring of fire and the only escape that she knew was to kneel in front of him and beg...beg to forgive her.

Umiwas siya ng tingin. Tila nabibingi siya sa malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Narito siya upang siguruhing hindi tuluyang magigiba ang Villa De Dios, na mananatili ang mga alaalang nabuo at pumuno sa bahay na ito. This was not just a house, it was a home for her family. Kasali man siya sa pamilyang iyon o hindi, hindi rin siya makapapayag na tuluyan itong masira, at iyon ang kapalit ng pagtatrabaho niya rito.

"Erina."

Napapitlag siya. A kept memory flashed in her mind. Kumirot ang kanyang dibdib. The name was called by the same person, one was by a boy, and now a man, but the result was still the same-she liked it. It made her happy. Yumuko siya, pinigil ang pagbalong ng mga luha.

"Erina, are you listening?"

Tumango siya. Lumunok. Muli siyang tumingala at tumingin sa mukha nito ngunit hindi nagtagal at muling ibinaling sa iba ang paningin. "Y-yes...I understand."

"Good. You can rest for today. Bukas na mag-uumpisa ang construction. Heto ang number ko."

Tiningnan niya ang kamay nitong nakalahad, gayundin ang bakat na mga ugat sa braso nito. He'd grown up so much. Then she saw his wedding ring, a familiar pain tapped her heart. How secured must his wife feels every time he holds her, like she has nothing to worry about with him around.

"S-salamat." Inabot niya ang calling card at mahigpit na hinawakan.

Humakbang na itong paalis. Pinanood niya ang paglabas nito ng mansiyon, kung paanong may bilib sa bawat paghakbang nito. Nakinita niya kung paanong babalik ito sa tahanan nito at doon, sasalubungin ito ng asawa at mga anak, magsasalo sa hapagkainan, magtatawanan, buo at nagmamahalan.

Hindi na niya pinigilan ang pagluha dahil nag-iisa lang naman siya sa maluwang na sala. Siya lang, mula noon hanggang ngayon, nag-iisa pa rin siya. Her cries echoed in the empty house. She'd never felt so lonely, so alone. Nahawakan niya ang tiyan, nagkasunod-sunod ang kanyang pagluha. Napahagulgol na siya. "I'm sorry, baby...I didn't know...I didn't know. Please come back I need you. I need you so much. Where are you?" Hinapit niya ang dibdib.


NASA paanan ng burol si Erina, pinagmasdan niya ang paligid. Hindi na iyon gaanong pribado dahil ginawa ng tourist spot ang Twin-hills Waterfall. May trail na gawa sa pinagdugtong-dugtong na mga bato paakyat sa talon. May signboard sa paanan ng burol kung saan nakasulat ang pangalan ng talon at kung kailan ito nadiskubre.

Umakyat siya, ngunit sa halip na sa talon ay sa kabilang dako siya lumihis papunta sa kubo. Napamaang siya nang makitang nagalaw na ang dati ay tahimik at pribadong daanan papunta roon. Binakuran ang daanan ngunit bukas naman sa bahagi ng creek. Tumigil siya sa dalawang malalaking puno sa bukana ng kubo, tumingala, may hinanap, pagkuwa'y mapaklang napangiti nang makita iyon.

She traced the names carved in the trees, tears rolled down on her face. What an ill-fated love they had, the four of them. Isinandig niya ang noo sa puno na may pangalan ng kanyang ina, niyakap iyon, tahimik na lumuha.

"THIS is a private area, didn't you read the sign?" tinig na umagaw sa kanya.

Napapitlag siya't kagyat na napaatras sa puno at lumingon sa may-ari niyon. Caleb! Wala itong suot na pang-itaas, naka-shorts lang din ito at may tuwalyang nakasabit sa hubad nitong balikat, tiim ang mga matang nakatitig sa kanya. Ngunit hindi ang kasalukuyang Caleb ang unang bumungad sa kanya kung hindi ang labinwalong taong gulang na Caleb na una niyang nasilayan. Nasapo niya ang bibig, napasinghap, nanlabo ito sa kanyang paningin. She must be dreaming.

"L-Leb..."

Gustong gusto niya itong takbuhin. Magpayakap. Magpakalinga. Pwede ba? Kung maari ba?

"Get off my property, Erina." Tumalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

At tila rin bulang pumutok ang kanyang pag-asa. Ikinurap niya ang mga mata, hindi siya namamalikmata lamang, ang totoong Caleb nga ang nasa kanyang harapan. Umatras siya, napailing. Tumalikod siya't mabilis na tumakbo palayo sa kubo. Tumuloy siya sa ibaba ng talon, sa malawak na tubig ng lawa at mabilis na lumusong.

Idinilat niya ang mga mata habang nasa ilalim siya ng tubig, nakipagtitigan sa maaliwalas at maliwanag na kalangitan. Hindi siya humihinga ngunit mas nananaig pa rin ang kirot ng pagtrato ni Caleb sa kanya kaysa kakulangan ng oxygen. Nang sa pakiramdam niya'y hindi na niya kaya, mabilis siyang umahon sa tubig at suminghap ng hangin. Taas-baba ang kanyang dibdib sa mabilis na ritmo hanggang sa unti-unti nang maging normal ang kanyang paghinga.

Bumaba na siya ng burol kahit hindi pa rin siya natutuyo. Natigilan siya nang makita ang pulang pick-up truck na nakaparada sa ibaba. Papaangkas na sa driver's seat si Caleb nang matigilan nang makita siya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang mga paa, bago bumalik sa kanyang mukha. Hindi naman niya nagawang iiwas ang mga mata.

Nagpasalamat siyang kahit paano ay hindi nito naririnig ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib dahil maging siya ay halos mabingi na. Though his face did not show any reaction, his eyes felt like a sharp object piercing her heart and flesh.

"Sakay, ihahatid na kita sa inyo." Sa walang kakilos-kilos nitong sabi.

Napapitlag siya, hindi niya inaasahang aalukin siya nito. Agad siyang kumilos dahil nakaramdam na rin siya ng ginaw lalo't walang tuwalya na nakabalabal sa kanya. Sasakay sana uli siya sa likuran ngunit may mga tablang nakapatong sa mahabang upuan.

"Sa tabi ko na ikaw umangkas." Nagpatiuna ito sa pagsakay.

"B-basa ako." Sabay tingin sa kanyang suot na kamisetang kulay puti at magaang palda na ngayon ay bumigat dahil nalublob sa tubig.

"It's alright, matutuyo rin ang upuan bukas." Muling pumasada ang mga mata nito sa kanyang kabuuan-matalim at mapang-usig, ngunit mainit at nakapapaso.

Nanginig siya, marahil sa ginaw na naramdaman kaya naman iniharang niya ang isang braso sa kanyang dibdib matapos makaupo.

Pinausad na nito ang sasakyan. Humapyo ang hangin sa kanyang kabuuan, lalo siyang gininaw dahil bukas ang bintana. Napapitlag siya nang kusang tumaas ang bintana hanggang tuluyang sumara.

"S-salamat." Maikli niyang lingon sa katabi, hindi ito sumagot.

Idinako niya ang mga mata sa daanang tinutugma, ngunit muling nahagip ng kanyang paningin ang kamay nitong nasa manibela at sa suot na singsing. Agad siyang lumingon sa may bintana, napatiim bago napalunok.

She could feel him, even without each other's physical touch she could still feel him. The familiar heat they used to exchange she could still taste it. Those hard calluses on his palm were used to land on her soft skin. His warmth used to be hers, his body and his whole heart...but now someone else have had them rightfully and so luckily.

Nahapit niya ang dibdib, kumirot ang kanyang puso, nagseselos siya. Kinagat niya ang ibabang labi upang huwag mapaiyak. Wala siyang karapatan. Matagal na niya iyong isinuko, itinapon. How could she still think that he would want her just because of this little kindness he showed her? She must be so pathetic.

"Narito na tayo." Inihinto ni Caleb ang sasakyan sa harapan ng gate. "Miradel will be coming tomorrow to help out, she lives outside the villa with her family, but she used to work for your family and now for me. Siya ang magluluto at tutulungan mo siya sa pagpapakain, habang gagawin mo ang trabahong ipinagagawa ko."

Humanda siya sa pagbaba ng sasakyan.

"Erina."

Lumingon siya rito.

"No distractions. Mga lalaki ang makasasalamuha ninyo bukas kaya sana umayos ka sa pagpili ng isusuot mo. Do you get what I mean?"

Yumuko siya, sinuri ang sariling kasuotan-manipis ang hanggang sakong niyang palda ngunit malayang lumitaw ang kanyang mga hita dahil sa mahabang slit sa harapan, gayundin ang pagbakat ng kanyang itim na bra sa nabasang kamiseta. Huminga siya nang malalim bago muling nag-angat ng paningin. Tumango siya. "Yes, M-Mr. Guerrier."

"Good." Saka na nito muling pinausad ang sasakyan at umalis.



DUMIRETSO sa kanyang silid si Caleb, huminto sa paanan ng kama at minasdan ang kalakihan ng higaan. Marahas niyang ipinilig ang ulo saka mariing pumikit upang pigilan ang pagsirit ng isang alaala. "'Tang-ina!" Halos madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagdiin ng mga iyon.

Pumasok siya sa banyong nasa silid, mabilis na binuksan ang shower at malakas na bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang ulo't katawan, ni hindi siya nag-abalang hubarin ang mga saplot. Naisandig niya ang mga kamay sa dingding na gawa sa puting tiles, humapyo ang kanyang dibdib sa damdaming pinipigilan. "Bakit...bakit?!" Napailing-iling siya. Hindi pa rin makapaniwala sa idinidikta ng kanyang damdamin..

Muli niyang ipinilig ang ulo, iwinasiwas ang imaheng nagsusumiksik sa kanyang isipan. Naisuklay niya ang mga daliri sa basang mga buhok, napasinghal. Ikinuyom niya ang isang palad, sinuntok ang dingding. "Aaa!" napasigaw siya sa sakit.

Pinatay niya ang tubig, pinahid ng kamay ang basang mukha. Sumandig ang kanyang likuran sa dingding, habang ang mga mata ay pumako sa kawalan. Muling lumitaw ang imaheng kanyang iniiwasan, malayang nagsayaw sa kanyang isipan. Ang mga pagtawa nito, pagngiti, paglambing...namasa ang kanyang mga mata bago malayang tumulo ang kanyang mga luha.

Nagkatunog ang kanyang pagluha, yumugyog ang kanyang mga balikat. "Bakit...bakit ganito pa rin?" Nanakit ang kanyang dibdib sa hindi matanggap na sitwasyon. Kinastigo niya ang sarili, pinaalalahanan. Nang makabawi, inayos niya ang sarili hanggang sa kumalma siya't muling pinatigas ang kanyang damdamin.



"CALEB?"

Napailing si Rommel, pangatlong pagtawag na niya iyon sa kaibigan ngunit tila nasa kawalan ang isipan nito. Lapat ang likuran nito sa swivel chair habang matiim na nakatitig sa labas ng salaming bintana. Gusto niyang isipin na nalunod lang ito sa panonood sa pagbuhos ng malakas na ulan.

"Caleb," Lumapit siya't tinapik ang balikat ng kaibigan, "Okay ka lang?"

"Uy." Napapitlag ito at mabilis siyang hinarap. "Kanina ka pa riyan?" Saka nagpakawala ng malalim na hininga.

Sa halip na sumagot, ngumiti lamang siya. Caleb's eyes reminded him so much of his sister- Allona, there were so much resemblance especially when he looked like he was lost. Ilang taon na rin magmula nang huli niya itong makita. Hindi niya naiwasang itanong sa sarili kung kumusta na ba ito, ngunit hindi niya magawang magtanong sa kaibigan gaano man sila kalapit sa isa't isa, o marahil ay dahil matalik silang magkaibigan kaya hindi niya maungkat ang tungkol sa kapatid nito.

Siya naman ang napatitig sa bintanang pinapatakan ng malakas na ulan, naging dahilan iyon upang malayang dumaloy ang isang alaalang hindi niya kailanman nakalimutan.


"ALLY, ano ba?" Mabilis na bumalikwas ng bangon si Rommel mula sa kama ni Caleb, tumayo siya't lumayo ng ilang dipa sa nakababatang kapatid ng kaibigan.

"What?" Nagtaka pa ito, na para bang may mali sa ikinilos nito.

"Bakit mo ginawa iyon, ha?" Habang siya naman ay halos sumabog ang dibdib sa sobrang kaba at pagkabigla.

"Shh, baka magising si kuya." Saka nguso sa kuya nitong nakahilata sa kama dahil sa kalasingan.

Inihatid niya ang kaibigan mula sa isang inuman, at dahil paminsan-minsan na rin siyang nakikitulog sa silid nito, minabuti na rin niyang doon magpa-umaga. Malakas ang ulan sa labas at lampas hatinggabi na, kakukuha pa lamang niya ng tulog nang maramdamang may lumapit sa kanya, kasunod niyon ay ang mainit at basang mga labi na dumampi sa kanyang labi, napadilat siya ng mga mata.

Sapat ang liwanag mula sa bedside lampshade ni Caleb upang makilala niyang si Allona ang pangahas na iyon. She was not wearing her usual decent nightgown. Ang mahaba at manipis na silky nightdress nito ay sobrang nipis at hindi niyon naitago ang hubog nang katawan at dibdib nito. Umiwas siya ng paningin, bumangon at bumaba ng kama.

Muli itong humakbang palapit sa kanya. Umatras naman siya hanggang sa maramdaman ng likuran ang bintanang natatapingan ng kurtina. Nataranta siya sa papalapit na dalaga.

"I've been waiting for you." bulong nito sa mapang-akit na tinig.

Iniangat niya ang kamay, ipinatong sa balikat nito upang hindi ito tuluyang makalapit. "Tumigil ka na pwede ba?"

Huminto naman ito, tumitig sa kanya, kunot ang noo. "But we just started-"

"Hindi. Alam mong may kasintahan ako. Hindi ito tama, Ally."

"Anong mali sa ginagawa natin? So what kung may girlfriend ka, hindi pa kayo kasal kaya pwede pa tayo."

"Allona!"

"I love you. If Juliet's love for you was right, what makes you think mine was not?"

"Respeto, Ally. At hindi ako ganoon kagago para ipahamak ang kapatid ng kaibigan ko. Isa pa mahal ko si Juliet at ayokong gumawa ng dahilan nang ikasisira namin. Kaya pwede ba, itigil mo na itong kalokohan mo? Hindi na nakakatawa ang pagbibiro mo."

"Kalokohan?" Lumarawan sa mukha nito ang reaksiyong hindi niya madalas makita.

Maganda si Allona, madaling pakibagayan, mabait at walang kiyeme sa pakikitungo sa kapwa kahit mayaman ang pamilya nito. Ngunit kung gaano ito kabait, ganoon din ito katapang, malakas ang loob na gawin ang sa tingin nito ay tama at magustuhan.

"Hindi kalokohan ang mahalin kita, Quin. Nauna man kayong magkarelasyon ni Juliet, hindi ibig sabihin na nauna siyang mahalin ka. I already turned eighteen, now I can love you as much as I want. I want you." Bahagyang tumaas ang tinig nito na siyang dahilan upang mailapat niya ang kamay sa bibig nito.

"Shh!" Sabay lingon niya sa kaibigan na magaang naghihilik sa kama.

Ngunit hindi niya akalaing gagawin nito ang sumunod na nangyari. She took his hand off her mouth, pulled him closer and her lips landed on his.


"PARE, ayos ka lang?" tinig ni Caleb na nagpanumbalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tiningnan niya ito, mukhang nakabawi na ito mula sa malalim na pag-iisip. "Y-yeah, oo naman." Saka nagkibit ng mga balikat. "Kumusta na nga pala si Al-"

"Saglit lang." Pagpigil nito sa kanyang katanungan nang tumunog ang cellphone nito.

Tumango lamang siya, ngunit lihim ding nagpasalamat na hindi niya naituloy ang tanong. Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya sa sarili. Fuck yourself, dude...hindi na siya babalik sa iyo, kastigo niya sa sarili.


A/N:

Hi! Thank you so much for the generous reactions, it pushes me to write more. I am really happy for your support but I hope you understand that I can't update as fast as you want me to coz I don't just write my story, I breathe life into my characters and give the story a better flow. I like to feel them so that you can feel them as well.

But still, I appreciate all the love and keep doing so. Maraming salamat. :)



Next in line: Once A Love Story 2: DELIRIOUS - Allona Mae Guerrier


Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
598K 21.6K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...