Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

184K 5.5K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

F5. Over and Done

3.9K 141 40
By angDiyosaNgBuwan

IT HAD BEEN two days after Aya saw Yuna and Mike together, again. Yuna called a couple of times but she ignored all of it. The redhead also sent her a lot of texts, but she just erased them without even reading. She had enough of Yuna's bullshit.

"So, let's meet after work? I'll be out by four. May ipapasa lang din ako sa office," said Ivy on the other line.

It was Aya's break time, and Ivy called her. Nagtatanong ang journalist kung okay na ba siya. Her friend must be wondering about the whole story. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol sa kanila ni Yuna.

"Sure. Walang problema sa 'kin. But my work ends at six. Would that be fine?" tugon naman ni Aya. Gusto rin niyang magpasalamat muli sa paghatid ng kaibigan nang nakaraang gabi.

"Sige, okay lang. Siguradong traffic din naman mamaya," sagot naman ni Ivy.

"Saan nga pala tayo magkikita?"

"Diyan na rin sa Makati. Tutal, mahuhuli ka rin namang lalabas," Ivy suggested. "You know a place?"

"Yeah. Do you fancy Chinese? There is that restaurant that I love."

"Chinese sounds good."

"All right. I'll just text you the address."

"Okay. See you, Aya."

NATAPOS ANG ARAW ni Aya ng matiwasay at walang mangkukulam na nang-iistorbo sa kanya. Ito na ngayon ang tawag niya kay Yuna. Ang galing kasi nitong magmanipula. Blocked na rin ang number nito, pero aminado si Aya na nami-missed din niya ang babaeng may pulang buhok. Talagang mahal niya si Yuna at siguro ay mahal pa rin, sa kabila ng panlolokong ginawa nito. Aya didnt need to clarify everything; what she witnessed was enough. Subalit hindi pa rin niya maiwasang mag-isip... paano kung wala naman talagang namamagitan sa mga ito? Hindi pa rin niya mapigilang umasa. Or maybe she was just being a fool.

'Huwag ka nang magpapakatanga sa pangalawang pagkakataon, Aya,' kastigo niya sa sarili.

Nasa restaurant na siya at hinihintay si Ivy. Fifteen minutes na rin siyang naroon. Maya-maya pa ay namataan na niya ang kaibigan na nagmamadaling papasok. Ngumiti siya at kumaway dito.

Ivy on the other hand, had a scowl on the face. Nanghahaba ang nguso nito sa pagkasimangot. "Hey... Sorry I'm late. Sobrang traffic! Gods, hindi pa rin nagbabago rito. Muntik na akong maubusan ng buhok kanina!" reklamo nito nang makalapit. Pasalampak na naupo sa silya.

Tiningnan ni Aya ang kulot nitong buhok na lalong nagmukhang buhaghag. Natawa siya sa kaibigan. Naalala niyang dati ay madalas niya itong asarin tungkol doon. "Gano'n talaga... Puwede ka na ngang mag-camping sa Edsa sa sobrang traffic. Minsan parang mas okay pa ngang maglakad na lang. Kaya ang ginagawa ko, pinapalipas ko muna ang rush hour bago ako bumyahe."

"Hay, sinabi mo pa!" Ivy seconded, sounding exhausted. "Anyway... Have you ordered?" tanong nitong magkasalubong pa rin ang medyo may kakapalan at maiitim na kilay.

"Not yet. Inantay muna kita. And besides, fifteen-minutes pa lang naman ako rito," sagot ni Aya.

"Oh, good. I thought I made you wait for too long, considering mas nauna pa akong bumyahe kesa sa'yo. Ang kaso, inabot naman ng mahigit dalawang oras," anitong napaungol. Quezon City pa kasi ito nanggaling. "Well... Let's order, then," Ivy said and gestured for a waiter, lifting a tanned hand.

They made their order, while another waiter served a mango shake to Ivy. Aya ordered it for the journalist a while ago. Mayroon na ring sariling inumin si Aya kanina pa.

"So... How are you? You seem better than last time. Mind sharing?" Ivy asked while stirring the shake. She took a sip and closed her eyes, seemingly refreshed by the drink. "Ah... Heaven. Natatandaan mo pa rin ang paborito ko," nakangiti nang saad nito. The journalist looked at Aya expectantly, waiting for a reply.

Aya shrugged her shoulders. "I'm fine, I guess..." she said and sighed. "At least nalaman ko na ang totoo ngayon, hindi 'yong lagi na lang akong nanghuhula." Aya's wide-set eyes saddened.

Nakikisimpatya namang nakatingin sa kanya si Ivy. "Wait — " itinaas nito ang kamay, "before you continue... Can you clarify first kung sino do'n sa dalawa ang tinutukoy mo? Is it the guy or the girl?" lito nitong tanong.

Napatawa naman si Aya. Parang nainsulto siya sa tanong. "Sa tingin mo papatol ako sa lalaki?"

Napataas ng dalawang kamay si Ivy. "Well... I'm sorry. I'm just asking." The journalist chuckled good-naturedly. "All right, continue." Nagseryoso muli ito ng mukha at naghanda nang makinig. Ipinatong pa sa palad ang baba habang nakatukod ang siko sa mesa.

Nangiti na lang din si Aya. Nasaan na nga ba siya? "Well... 'yon nga. Mabuti na rin na nalaman kong niloloko lang niya 'ko. But the truth hurts. Hindi pa rin ako makapaniwala. I have been blinded for too long. The signs were there but I just ignored them. Because I love her."

Naalala ni Aya ang ang nakikita niya noong pakikipag-flirt ni Yuna sa mga lalaki. Ang sabi nito ay ginagawa lang nito iyon para i-divert ang usapan tungkol sa kanila. But thinking about it now... She should have known better. Gusto niyang mailing sa sarili. Ang tanga pala niya.

"... now, I couldn't talk to her, I couldn't see her. Natatakot ako na kapag nakausap at nakaharap ko na siya ay bumigay na naman ako. And damn hell, it frustrates me."

Tahimik lang na nakikinig si Ivy habang nakatitig sa kanya. Ito ang tipo ng taong pakikinggan muna lahat ng sides bago mag-komento sa isang bagay. Alam iyon ni Aya kaya nagpatuloy lang siya.

"... I missed her. I'm secretly hoping she will go after me and tell me that what I saw is not true; that Mike means nothing to her; that it was just an act; that she chooses me. But it was all nothing but dumb hope." Napailing si Aya. "What if she did tell me the things I wanted to hear, then?" she asked rhetorically and turned to look at Ivy, "pero 'yon pala... I just dig my hell hole much deeper. I really don't know what to feel and think anymore," she added frustratingly. Pati ang iniinom na shake ay napagbuntunan niya ng inis. Lasog-lasog na tuloy ang straw.

Ivy studied her, letting the information sink before saying anything. Bago pa man ito makapagsalita ay siya namang pagdating ng inorder nila. Inantay muna nitong mai-serve lahat bago magtanong, "do you want to eat first? Or talk?"

Aya eyed the food. She hadn't eaten much since Yuna, and now she felt hungry. "Let's eat first. I'm starving!" she said rather enthusiastically.

Ivy chuckled at her, but compassion can be seen in the dark eyes. "Dahan-dahan lang..." puna nito. "Mukhang gutom na gutom ka talaga, ah."

"Oo, eh. Hindi ko na maalala 'yong huli kong matinong kain."

They dug in, exchanging words every now and then but straying off at the sensitive topic. They talked about their parents instead, who used to be friends too, and Ivy's journalist life. They were done eating in no time.

And came the moment of truth...

"So... this girl — " Ivy started " — what's her name?"

"Yuna." Kahit ang pagbanggit sa pangalan nito ay parang nagdudulot ng pait kay Aya.

"Yuna, huh? Nabanggit mo kagabi na hindi naman kayo. So, ano ba talaga ang namamagitan sa inyo?" tanong muli ni Ivy.

Napaisip din si Aya kung ano nga bang talaga sila. She heaved a sigh before answering. "We go out like what most couple do, kiss and make-out, but... there's no label. She wasn't out to her family, and she's still confused about her sexuality."

Napatango-tango si Ivy. Her lips turned down. "I figured as much. And wow... isn't that really complicated?"

"Yeah. Complicated," sang-ayon Aya. "and it's confusing as hell."

"I feel you," Ivy stated. "Not the first time I've heard about that," she said slightly rolling her eyes. "Among homosexuals, it seems the common trend. Relationship status — 'it's complicated'," she qouted with her fingers in the air. "Just... What the hell, right?"

Napangiti na lang si Aya ng mapait. Tama naman ito. Bakit nga ba ganoon? 

"I just couldn't understand you, guys. If you're really in love… then show it to the world! Don't let other people stop you. That's just dumb. Love is love. Minsan lang natin maranasan 'yon. We're wasting too much time thinking about other people," madamdamin pang pahayag ni Ivy. "And you know what... If this Yuna-girl really loves you, she should have stand for it; and seeing she couldn't, it just meant that she doesn't love you enough. Don't get used to that. She couldn't even admit to herself whether she is a straight or a bended pole. You can't hang around with confused girls like her — " she indicated strongly, " — 'cause she'll just most likely drag you to 'confusion-world' too. Just where you are right now," she gestured her hand at Aya.

Aya couldnt agree more. "You're right," sang-ayon niya. "Ang hirap lang kasing kalaban ng pag-ibig."

"Yeah. Minsan kasi, sa katangahan natin sa pag-ibig ay nagpapakababa na tayo. Nakakalimutan na natin yong self-worth natin. Minsan kahit alam na nating agrabyado tayo, go lang! Kasi mahal mo. Tapos sa huli tayo rin ang magsisisi kung sirang-sira na tayo. Sisisihin natin 'yong partner natin, pero 'yong totoo... kasalanan natin dahil hindi natin pinahalagahan ang sarili natin ng maayos. Sabi nga nila, ‘love yourself first before you love others.’ Dapat alam mo 'yong worth mo para hindi ka inaabuso at niloloko. Pa'no ka irerespeto ng ibang tao kung sarili mo nga hindi mo nirerespeto." Napabuntung-hininga ng malalim si Ivy pagkatapos.

Napangiti si Aya sa kabila ng lahat. "Ang lalim ng hugot, ah. Pinagdaanan mo rin ba?" may himig pagbibirong tanong niya.

"Hay naku... Huwag mo nang itanong. You had enough on your cup. Mine is another story for later. And I truly hope na malagpasan mo na agad 'yan," Ivy said sincerely.

"I hope so, too."

"Sana rin talaga panindigan mo nang tapusin ang namamagitan sa inyong dalawa," wika pa ni Ivy. "Oo, hindi naman kayo official, pero ano? Wala man lang ba siyang respeto sa'yo? Pinapaasa ka niya tapos nakikipaglandian naman siya sa iba? No offense, Aya, pero hindi karapat-dapat na mahalin ang mga gano'ng tao."

Nandoon na naman ang kirot sa dibdib ni Aya. Alam niyang tama ang sinasabi ni Ivy, pero parang gustong tumutol ng puso niya. Gayon pa man ay nakapagdesisyon na rin siya sa sarili. "Yeah. Tatapusin ko na talaga 'to. Hindi naman ako martir para tiisin lang lahat ng panloloko niya."

"Tama 'yan. Manindigan ka sa sarili mo. Kailangan mong ipakita sa Yuna na 'yan na hindi ka easy at mahinang tao. That way hindi ka rin aabusuhin," susog ni Ivy. "Tandaan mo, Aya... Walang manloloko kung walang magpapaloko."

Aya slightly chuckled in agreement. "Aye, captain."

Itinaas ni Ivy ang iniinom na shake. "Cheers para sa mga taong paulit-ulit na niloko..."

Napatawa si Aya roon.

"... pero hindi na magpapaloko," dugtong ni Ivy sa sinasabi.

"Cheers." Natatawang itinaas din ni Aya ang sariling baso.

Marami pa silang napagkuwentuhan ni Ivy. Kinailangan pa nilang mag-order ng dessert para hindi naman nakakahiya sa mga staff ng restaurant. Alas-diyes na din sila natapos. Pangbawi na lang din ni Aya sa kaibigan dahil nasira ang una nilang pagkikita. At salamat dito, kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya at mas nalinawan ang utak niya.

SUBALIT... ang hindi inaasahan ni Aya ay ang madadatnan niya sa bahay.

Sitting on the living room chair, clad in all her glory, her highness — Yuna Smith.

Seeing the redhead made Aya nauseous. Tinubuan yata ng ugat ang mga paa niya dahil hindi siya makagalaw. Aya literally wished she was a tree. Hindi pa siya handang harapin si Yuna. She had just been in a good mood and not for this flirt woman to ruin it again.

Agad namang napatayo si Yuna pagkakita sa kanya. "Aya!" masaya pa nitong bati.

Aya wondered why her mother let the redhead in. Umobra na naman yata ang pagiging mangkukulam ng malanding babae.

Yuna walked towards her, and was about to hug her, but she took a step backwards to avoid it. Nagulat pa ito sa reaksyon niya. "What's wrong?"

Napaismid si Aya sa tanong nito. Bilib na talaga siya sa galing umarte ng mangkukulam. Napahalukipkip siya. "What are you doing here?" malamig niyang tanong.

Napakunot naman si Yuna sa kanya. "To see you, obviously. Is something the matter?"

Nanatili lang na nakaiwas ng tingin si Aya. Pigil ang nararamdamang galit. Hindi na niya sinagot ang tanong nito.

Yuna tilted her head in confusion. "Anyway... why aren't you answering my messages and calls? I cannot even reach you. Nasira ba ang phone mo? Na-snatch? Why didn't you inform me?" sunod-sunod na tanong nito. "I was worried as hell."

'Right. You're worried, huh? Baka naman nag-alala ka na mawala ang laruan mo,' Aya bitterly thought to herself. Hindi alam ni Yuna ang pinagdaanan niya habang ito ay nagpapakasarap sa piling ng lalaki. Gustong-gusto na niya itong murahin sa mukha, pero pinigilan niya ang sarili.

"Hey...have you turned deaf? You're not answering any of my questions," ani Yuna na may bahid na ng inis ang tinig.

At ito pa talaga ang may ganang mainis. Nag-init bigla ang ulo ni Aya at galit na tumingin dito. "Shut up!" she suddenly snapped.

Ikinabigla naman iyon ni Yuna. Itinaas ang palad sa kanya. "Hey, whoa... Ano bang problema? I was just asking."

"I said shut up," Aya repeated in a firm voice. "Shut that lying mouth of yours, because it speaks of nothing, but lies! And you — " duro pa niya rito, " — you are my problem!" gigil niyang pahayag.

Yuna looked taken aback by her outburst. "Wha— I really don't know where you're coming from. I came here straight from work, because I wanted to see you. Katatapos ko lang ma-settle ang latest project ko. The client I have been talking about had been giving me a hard time."

'Oh yeah. I bet he's giving you a hard time.' Aya almost rolled her eyes.

Yuna continued, "I did try to contact you but you weren't answering until I can't reach you completely. I got really worried! So, I had to rush my job to see you and find out if you're okay!" frustrated na ring pahayag ni Yuna. "And now that I'm here, you're acting like I did you something evil. I just don't understand. Will you please enlighten — "

" — where were you on the night of January 7?" Aya cuts Yuna's rambling. Her voice was still in a calm tone but it was coated with an impending storm.

Natigilan si Yuna. "I-Im sorry. What?"

"Where the fuck are you on the night of January 7!" It came out as a shout rather than a question. Wala nang pakialam si Aya kung marinig siya ng mga magulang. Hindi na niya kaya ang pagmamaang-maangan ng mangkukulam na ito. Her chest heaved fast at the outburst.

Yuna seemed too shock to respond.

"Why can't you answer? Huh?" hamon pa ni Aya rito.

Yuna's eyes turned wild. "I-I t-told you I was meeting a client in Cebu, right?" Pinilit nitong huwag mautal. "Nagpaalam naman ako sa'yo bago ako umalis, 'di ba?"

Aya laughed mockingly. Unbelievable. "So, are you really going to stick to that story?"

"Because it's the truth!" Yuna said, defensively.

Aya walked towards the redhead until they're face to face. She squinted her eyes. "Really?" May banta sa tono niya.

Yuna gulped. Kita ni Aya na kabado na rin ito. "R-Really. I'm telling the truth, Aya. I don't understand what you're on about," parang inosente pa ring turan nito.

Aya huffed. She nodded her head up and down in annoyance. "Great!" she exclaimed. "Mukhang kumbinsidong-kumbinsido ka sa sarili mong nagsasabi ka ng totoo, ano?" she said mockingly. "You will make a really good actress, and you're surely have an award," she commented snidely. "Do you want me to clap for you, now?" Aya did gave Yuna three slow and loud claps. "Congratulations! You're the best actress of the year," panunuya pa niya.

Yuna looked frozen on the spot, just like a deer caught in a headlight again.

"Aren't you going to say anything?" panghahamon pa ni Aya. "What? Surprised, are you? You think you can play behind my back without me knowing? Oh, no... " Aya shook her head. "Tadhana na ang gumagawa ng paraan para mabuko ka."

Yuna was still speechless.

"Are you wondering how I know?" Aya added.

"K-Know what, Aya?" Yuna asked, still in a shock daze.

"You and Mike are not just friends," Aya said in between teeth. "On the night of January 7 at Greenhills Lemuria Gourmet, 8pm, you were there, right?" she asked, anger visible in her face.

Realization struck Yuna. She gulped, knowing she was screwed.

"Answer me!" Aya demanded.

Napapitlag pa si Yuna. She opened her mouth, but close it again, then open it again — she couldn't form words. "I-I'm s-sorry..." she finally said. 'Pero paano ito nalaman ni Aya?'

"I was there!" Aya answered the question in Yuna's mind. Namutla ang mangkukulam sa narinig. "And I saw you. AGAIN. And don't you deny that there's nothing going on between you two, because it's clear as the day — you two are dating!" madiing turan niya sa huling pangungusap.

"Aya... L-Let me explain..." pakiusap ni Yuna.

"Sure," sagot ni Aya "Explain yourself and let's get this over with, once and for all. Just make sure it's the whole truth or I'm going to wipe your face off the earth," mariing pagbabanta ni Aya rito.

Napalunok itong muli. "Okay. Just please listen out first..." Yuna pleaded.

"Go ahead. I'm waiting," hamon pa ni Aya. Ano na naman kayang palusot ang sasabihin ng mangkukulam?

"Mike and I, matagal na naming gusto ang isa't isa," Yuna started, "but we remained friends dahil bata pa kami noon. Both of us still had dreams, and we're both aware that getting in a relationship would only hinder us on getting those dreams. Until I have to come here in the Philippines. We haven't been in contact since. And I met you." Yuna's voice softened. "You know the rest. Hindi ko alam na maiisipan pang umuwi ng pamilya niya rito sa Pilipinas. But then — they did. And Mike and I met again.

"We met a couple times at the family gatherings and we were able to reminisce. I hadn't expected that the old feelings would resurface. The first time you saw us was also the first time we've gone out. But I was still confused because I had you. My feelings for you had been real. That is why I quickly goes after you. But then... there's Mike. We keep seeing each other. And yes, we had been together at Lemuria's. He's the one who introduced me to the client. He also accompanied me to Cebu."

"At magkasama pa talaga kayo sa Cebu? Kailan mo pa ba 'ko niloloko, ha?" puno ng hinanakit na tanong ni Aya.

"Aya, please..."

"Kailan pa?!" Napasigaw na si Aya sa labis na frustration.

Hindi makasagot si Yuna.

"Manloloko ka talaga," mapait na sumbat ni Aya. "Nandito ako, umaasa sa'yo, kumakapit sa isang bagay na walang kasiguraduhan, tapos ikaw... nagpapakasasa sa ibang lalaki? I was always wrapped in uncertainty and confusion, but I'm taking risk! Because I love you. Pero binalewala mo lang lahat ng 'yon!"

Hirap namang nakatitig sa kanya si Yuna. "You have to understand... I was also confused as hell, Aya. I was torn between the two of you. I don't know who to choose, or if I will make a choice at all, because I don't want to lose both of you."

Pagak na napatawa si Aya. "Gano'n ba? Make up your mind, then. Because you're dragging two people in the wilderness with you, with you... unsure where to go. Nakakapagod na 'to. Napapagod na ako sa kakasunod sa'yo, gayong ikaw mismo ay naliligaw din. Let's stop here. Make your choice now. We can't keep going like this. So, which is it? Will you go My way? Or Mike's way? 'Cause then... I won't stop following you. I cannot keep getting lost with you," Aya stated in withdrawal. Hirap na hirap na siya sa ganitong sitwasyon. Hindi na niya kayang magpatuloy pa. Tama na.

Yuna's shoulders' sagged. "Aya, please... Now's not the time. I can't. Give me some more — "

" — I've given you enough time!" Aya firmly stated cutting Yuna off. Parang nakatadhana na yatang putulin niya lagi ang sinasabi nito, wala na kasing sense ang mga lumalabas sa bibig nito. "It has been what? Almost a year? Almost a year ka nang nag-iisip. And who knows how much longer would it take for you to think about this through? Huh? Another year?" she asked condescendingly. "No! It should be now. I'm sick of this!" Tears began to pool around her eyes. She wiped them angrily.

"Aya..." Yuna tried to reason out but Aya shook her head firmly. Aya had already made up her mind. Yuna on the other hand, seemed to be having a hard time. "I'm sorry. I-I can't," malungkot na saad nito.

"Then you made your choice. Don't ever appear on my face again. This is over and done. Now, leave," Aya stated coldy. She pointed the door when Yuna didnt comply. "Leave!" pasigaw na niyang taboy.

Napayuko na lang si Yuna, batid na wala na ring magagawa. "I'm really sorry, Aya." Bagsak ang balikat na humakbang na itong palabas.

Padabog na umakyat ng kuwarto si Aya nang tuluyan na itong makaalis. Doon ay inilabas ang lahat ng sama ng loob.

A while later, she heard a soft knock.

"Aya... It's Papa. Can I come in?" anang baritonong tinig ng ama mula sa labas.

Nagpahid ng mata si Aya. "No, 'Pa. Please... I want to be alone," Aya answered in a hoarse voice. Napagod siya sa kakasigaw kanina.

"Okay, princess...." medyo nag-aalangang saad ng ama. "If you need us, we're just next door. Just knock, okay?" dagdag pa.

Tumango si Aya pero naalalang hindi nga pala siya nakikita nito. "Okay..." she said just loud enough for him to hear. Tahimik na ito sa labas. Maya-maya pa'y narinig na niya ang papalayo nitong mga yabag.

----

SOMEWHERE OUT THERE....

"Sino na naman bang iniisip mo? Nakatulala ka na naman, brad," anang isang babaeng may pagka-astigin. Nakatali patalikod ang buhok nito sa kaliwang bahagi, habang nakalugay naman ang nasa kanan. Nakasuot ito ng leather jacket na may puting v-neck t-shirt at butas-butas na pantalon.

"Oo nga... Dumadalas 'yan, ah. Huwag mong sabihing napana na ni Kupido ang puso mo, ha?" ang wika ng isa pa na tinapik ang braso ng pinatutungkulan. Ang isang ito naman ay mukhang masayahing tao. Naka-pink na ordinaryong t-shirt at maong shorts, may flannel jacket na nakatali sa baywang.

"‘Bah... Mukhang in love na ang kaibigan natin, ah..." pakikigatong pa ng kaisa-isang lalaki sa kanila. Mukha naman itong body-builder sa laki ng katawan.

Napaismid ang pinag-uusapang babae. Maiksi ang buhok nito na animo'y kagagaling lang sa higaan, nakasuot ng button down shirt at may ilang butones na hindi nakasara, naka-fitted na pantalon. "Tigil-tigilan niyo nga akong mga unggoy kayo. Walang pakialaman ng trip. Trip ko lang tumulala, masama ba?" pambabara nito sa mga kasama.

The woman's friends hollered. There were five of them in a table. Kasalukuyan silang nasa bar at umiinom.

"Maganda ba, brad?" tanong naman ng isang cute ang mukha. Maamo at tila anghel ang hitsura.

Nakapangalumbaba ang babaeng pinatutungkulan. "Oo, ang ganda. Kaso mukhang suplada," wala sa sarili nitong sagot.

Hagalpakan ang mga kasama. Nahuli rin nila ito.

"Ayon! In love nga mga brad!" sigaw pa ng nag-iisang lalaki.

Napakamot na lang ang pinatutungkulang babae.

"Sino ba 'yan? Pakilala mo naman sa'min," ang wika ng isa pang babae na bagamat feminine ang hitsura ay panay sulyap sa magagandang babaeng nasa paligid.

"Ni hindi ko pa nga nakikilala, pa'no ko ipapakilala sa inyo?"

"Mahina ka pala, eh... 'Wag mong sabihing tinutorpe ka na ngayon?" tudyo ng astiging babae.

"Gusto mo ba ng tip mula sa'kin?" Iginalaw-galaw naman ng isang mukhang anghel ang mga kilay.

"Mga ulol! Kayang-kaya ko 'to. Hindi ko kailangan ng tip mula sa inyo, at lalong hindi ako natutorpe. Ako pa ba? Hintayin niyo lang. Isa sa mga araw na 'to, magiging girlfriend ko na 'yon. Itaga niyo 'yan sa bato."

Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 971 31
A love story about two women, a newly graduate chef and an engineer. Chef and café owner, Syfery Zwayle. According to those who know her, she is a ch...
165K 7.1K 53
To say that fate has a strange way of bringing two different lone souls together is an understatement. Ang paraan niya ay nakakapagtaka, napapatanong...
198K 9.3K 55
LALISA MANOBAN is a billionaire woman, but she has different characteristics and passions. but this woman was not just a normal maiden she had a diso...