Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

90.7K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Labing Siyam na Kabanata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Dos na Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Otso na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata
Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata

1.5K 50 25
By MariaBaybayin



Pebrero 1899



"Ngunit Heneral, ang sabi po nila ay digmaan po ang inyong hanap, bakit hindi niyo po subukan ang makipagcompromiso.." Tugon nang binatilyong nasa harapan nang Heneral.. Napatayo sa kanyang kinauupuan si Luna at lumapit ito sa likuran nang binatilyo at tsaka huminga nang malalim.

"Sinusuka ko ang pakikidigma iho." sambit ni Luna.. "Ngunit ang kompromiso? wala ba tayong karapatang mabuhay nang malaya? Nang may sariling buhay at republika?" malungkot na tanong nang Heneral..

Nanatiling tahimik ang binatilyo habang nakatitig naman ito sa malulungkot na mata nang Heneral Luna.. "Alam mo iho, hanggat may mga taong kalahi natin ang sakim sa kapangyarihan at iniisip lamang ang pansariling kapakanan, kailanman ay hinding-hindi makakalaya sa bisig nang mananakop ang ating bansa." makabuluhang tugon nang nito..

"Marapat din nilang malaman na hindi nakakamit ang kalayaan sa pag-aaruga sa ating mahal sa buhay, kailangan nilang magbayad, dugo at pawis, kailangan nilang tumalon sa kawalan." pahabol pa nitong tugon.

Matapos ang sandaling iyon ay agad namang may kumatok sa pinto ang silid nang Heneral. "Heneral, pinapatawag po kayo para sa isang pag pupulong ni Presidente Aguinaldo. Nais po niya kayong makausap kasama narin po ang iba pang opisyales." hayag ni Rusca. Napatango nalang ang Heneral at agad namang nagpaaalam at lumisan nang silid si Rusca.

"Sige ho, Heneral, batid kong kailangan niyo nang magpahinga, Salamat po sa inyong oras, ako po'y aalis na." Sambit ng binatilyo.

"Salamat din, Joven. Makakaalis ka na" walang emosyong tugon naman saknya nang heneral. Nanatiling tahimik si Luna sa kanyang silid hanggang sa malakabas naman ang binatilyo.





Huli na nang makarating sa pagpupulong ang magiting na si Heneral Luna. Bagamat huli man sa pag dating, taas noo parin itong pumasok nang silid. Animo'y may dumaan namang anghel sa harapan nang mga gabinete sa kanyang pagdating, dahil nagsi-tahimik ang mga opisyales sa kanilang pag-uusap nang siya'y madatnan nang mga ito. Nasa likod naman nito ang isa sa kanyang tapat na opisyal na si Heneral Jose Alejandrino.

"Pasensiya na at ako'y nahuli." paumanhin nito. Naupo na ito sa gitnang bahagi nang parihabang mesa, umupo naman sa kanyang kanan si Jose Alejandrino.

Nang magpatuloy ang pagpupulong nang mga gabinete ay hindi na nagustuhan ng Heneral ang unang parte nang pananayam sa isa't isa sapagkat sabay sabay ang pagnanalita ng mga miyembro nito at nagmistula palengke ang silid sa ingay na dulot nito.. Dahil sa inis ng Heneral ay hindi na nito napigilan pa ang sarili kaya naman ipinalo na nito ang kamay sa mesa na siya namang ikinatahimik muli nang lahat.

"Señor Presidente, walang pupuntahang ang usapang ito, habang sabay sabay tayong nagtatalo rito, ay sayang pag lakas naman ng pwersa nang mga amerikano." mainit na ulong tugon ng Heneral.

Napatingin naman muli saknya ang lahat pati narin ang Presidente na nasa kanyang harapan. "Mano pa'y nilulusob na natin ang mga hukbo nang mga amerikano habang kakaunti palang ang mga ito, tiyak pang maaari tayong manalo, kahit man malagas ang iba sa atin." mariin saad nito.

"May pag-asa tayong sila'y mapalayas at muling mapa-satin ang Intramuros." pahabol pa nito.

Muling umalingawngaw ang ingay sa silid at sabay sabay muling nagbigay ng opinyon ang bawat opisyales. " Hawak natin ang mga karatig bayan, meron tayong apat na pung libong katao upang lumaban." dagdag pa ni Alejandrino.

"Naipadala ko na si Arguelles at Buencamino, nandoon sila upang makipagusap pang-kapayapaan kay Heneral Otis." Bwelta naman ni Aguinaldo.

"Ang sabi'y may pitong libong amerikano pa ang parating. Maaaring hindi natin sila kayanin." Tugon naman ni Mabini.

"Kung gayon ay tama si Heneral Luna, kailangan na nating kumilos habang maaga pa" sagot namang muli ni Alejandrino. Maging si Alejandrino ay iginigiit narin ang pagsugod sa Intramuros.

Sumapaw naman sa usapan si Paterno at iginiit ang kanilang nais na ipahayag sa gabinete. "Kaaway din ng Espanya ang Amerika, ang kaway ng aking mga kaaway, ay dapat na ituring bilang kaibigan." Singit ni Paterno.

Hindi kumibo si Luna sa mga habog na dahilan na iyon ni Señor Paterno, bagamat abot langit na ang inis, nanatili padin itong tahimik at patuloy na pinakinggan ang mga usapin.

"Nang sakupin nang Espanya ang Cuba, tumulong ang mga amerikano. Ngunit sinakop ba nito ang bansang iyon? Hindi.. Bagkus ay tinulungan pa nila itong bumangon, yaan lamang ang nais kong iparating, dahil kapayapaan lamang din ang aking nais" saad pa ni Paterno.

Nang matapos marinig ni Luna ang huling sinabi ni Señor Paterno ay hindi na nito napigilan pang hindi kumibo sa usaping iyon. "Sus que Maricon ( isang hangal )," bulong ni Luna kay Heneral Alejandrino patungkol sa isinaad ni Paterno.

"Bulag, Sa halip na tayo'y nandito, nakaupo at nagtatalo, nandoon sana tayo sa labas at humahanap nang armas, humuhukay nang trensera, at sinasanay ang ating hukbo kung papaano lumaban. Nagpapauto tayo sa mga matatamis na salita nang mga amerikano iyan na may pagnanasa sa Inang bayan, para kayong mga birhen naniniwala sa pag-ibig nang isang puta" harabas na tugon ng Heneral.

Makikita mo ang poot at gigil sa mukha ng Heneral. Nanlaki naman ang mata nang Presidente sa pahayag na iyon ni Luna. Animo'y may nabubuong tensyon naman sa loob nang silid sa pagitan nang Heneral at mga gabinete.

"Kung kami'y makikipagdigmaan, masisira ang aming negosyo, babagsak ang economiya, pano namin bubuhayin ang aming mga pamilya?" Mataas na boses na sambit ng Ginoong katabi ni Paterno na siya ring negosyante. Sarkastiko namang natawa si Heneral Luna sa kanyang nadinig.

"Negosyo, o kalayaan? Bayan o Sarili? Pumili ka?" Sigaw nito. "Paano niyo naiisip ang negosyo, kung alipin tayo sa sarili nating bayan." Pagtataas muli nang boses nito.

Napatayo na ito sa kanyang pagkakaupo, "Mga kapatid, may mas matindi tayong kalabang kaysa mga amerikano," hayag nito, huminto lamang ito saglit at binihkas ang huling talata nang kanyang sasabihin. "Ito ay ating mga sarili." walang emosyon ngunit makabuhang huling tugon ni Heneral Luna. Nang matapos sa sinasabi, agad itong tumalikod at akma na sanang aalis nang makita nito ang pagpasok nang dalawang Gabinete na ipinadala ni Aguinaldo kina Heneral Otis.

May inabot itong isang kasulatan na ikinabahala nang lahat nang myembro nang silid nang makita ang naging reaksyon nang presidente.

Agad naman inagaw ito ng kanang kamay ni Aguinaldo at binasa ang liham. "Nakasaad sa liham na ito na napasakamay na nang mga Amerikano ang Intramuros, at iba ang karatig bayan sa Maynila. Napasakamay na nito ang Tondo, Pateros, at iba pang karatig bayan.

Tumingin si Aguinaldo kay Luna, na ngayon ay tila nagimbal ukol sa balita. Muling umingay ang silid sanhi nang padalang liham na iyon kay Aguinaldo.

"Ikaw na ang bahala mga mga bagay na ito, Luna." Sambit nang Presidente.

Walang emosyon namang napatingin si Luna sa iba pang gabinete muling tinignan si Aguinaldo. "Ano gagawin ko? Kakagatin ko sila? Kung una palang ay nakinig na kayo sa akin, sa malamang ay nagkaroon pa tayo nang pagkakataon matalo ang kanilang hukbo." Sarkastikong sagot niya. Muli na itong naglakad at umalis sa pagpupulong na iyon.

***************


May 1899

Bukangliwayway nang dumating si Gregorio del Pilar sa bayan nang San Isidro sa lalawigan nang Nueva Ecija. Agad naman itong nagtungo sa Presidente upang makipagusap dito. Hindi naman ito nahirapan hanapin ang Pangulo dahil nakasalubong naman niya ito.

"Magandang umaga Señor Presidente. Ipinapatawag niyo daw ho ako." tugon ni Gregorio habang sakay ito lulan nang kanyang kabayo.

Bumaba ito at itinangal ang kanyang sumbrero bilang bigay galang sa Presidente. "Oo Goyo, may nais akong ipagawa sa iyo, ngunit doon sana tayo sa loob." aya nito. Tumingin tingin ito sa paligid upang siguraduhing walang nakikinig sa kanilang paguusap, "Maxadong maselan ang mga ito para madinig nang iba."

Nagsimula nang maglakad muli si Aguinaldo papasok sa himpilan ang kanyang opsina gayon din naman ang pag sunod ni Gregorio sa kanya. Nang marating ang silid, huminto ito sa humarap na kay Goyo.

"Kumusta ang inyong hukbo Goyo? Tanong ni Aguinaldo.

"Ayos naman ho ang hukbo, Señor Presidente, makailan lang ay naipanalo namin ang laban sa bayan nang Bagbag."

Napaismid ang presidente at hinawakan sa balikat si Goyo. "Mabuti naman kung ganon, siya nga pala, nabalitaan kong sinugod daw ni Luna si Janolino sa Arayat, pinarusahan pa niya ang mga ito." panimula ni Aguinaldo.

"Maging si Tomas Mascardo ay naka-girian nito sa Pampanga, hinamon pa niya nang patayan. Masayado na yatang yumayabang si Luna." habol pa nito. Inilagay nito sa kanyang kamay sa kanyang likuran at lumakad nang kaunti.

"Ano po ang nais ninyong ipagawa sakin Señor? May kaukulan ho ba ito kay Luna ?" Tanong naman ni Goyo..

Nagtungo si Aguinaldo sa kanyang upuan upang upo nang saglit. Ipinatong nito ang kamay sa mesa at pumayoko nang saglit. Inangat niyang muli ang ulo niya at nagpatuloy sa pag sambit.

"Nais kong, hulihin mo si Luna, kailangan mapatahimik ang arogate at mayabang na Heneral na iyan. Kailangan niyo din siya madala sakin, patay man o buhay." Sambit nito.

Tila nagulat naman si Gregorio sa nais na ipagawa ng presidente. "Masusunod po, Señor."sagot niya. Bagamat puno nang pagtataka, mas pinili nalamang ni Goyo ang tumahimik.

Nais man nitong magtanong, ngunit hindi na nito ginawa dahil mas lalo lamang hahaba ang usapan. Batid din naman niya na maselan ang presidente sa pag kwestyon sa kanyang mga ipinapagawa.

"Yoon lang ho ba Señor?" yaan nalamang ang tanging naisagot ni Goyo.

"Oo, Goyong. Maaari ka nang lumiban." Nagsimula nang maglakad si Gregorio nang humabol pa nang sambit ang presidente.

"Sana'y hindi ito makalabas kahit kanino, Goyo." Habol pa ni Aguinaldo. Tumango lang ang heneral at tuluyan ang lumabas nang silid.








Nasa labas ako nang aming tinutuluyan at kasalukuyang umiinom nang kape. Kakagising ko lang, Maaaga pa naman pero mas pinili kong bumangon na para maabutan ang sikat nang araw para sa bitaminang dala nito. Iba din talaga ang simoy nang hangin sa probinsya, maaaga na pero, malamig padin ang simoy nito. Ipinatong ko ang aking kape sa tabi at umunat para makatulong sa pagising nang aking diwa.

"Magandang araw sayo, Kristina." Ikinagulat ko naman nang makita ang lalaking bumati sakin. Napangiti ako at binati narin ito pabalik.

"Julian, Magandang araw din sayo."  Napangiti naman ito nang makilala ko siya.

"Hindi ka na ulit nadalaw saming tahanan pagtapos nang iyong unang pagbisita." aniya. "Pagpasensiyahan mo na sana ang aking mga nasabi, sadyang nanibago lamang ako saking kapatid."

Nakatingin lang ako saknya habang siya naman ay bakas ang hiya sa dating nagawa. "Ngayon ko lamang kasi nakitang nagseryoso ang aking kapatid. Dati rati kasi ay may iniiwang luhaang binibini ito sa bawat bayan na kanyang nililisan. Ngunit tignan mo nga naman, iba talaga pagtinamaan ka nang tunay na pag ibig. Maging ang mga pilyo ay nagiging seryoso rin." Sambit nito..

Naalala ko naman bigla si Goyo. Kumusta na kaya siya. Ilang araw o linggo na ata kami hindi nagkikita? Ilang hukbo narin ang sumunod sa San Isidro. Ayon pa sa mga opisyal nang brigada, halos majority sa kanila, binawian ng buhay dahil sa kakaunti ang pwersa.

Nakaramdam naman ako nang init nang pisngi sa nasabi ni Julian.

Napansin naman siguro ni Julian ang aking pisngi na sa tingin ko'y kasing pula na nang kamatis kaya naman nakita kong natawa ito at napangiti.

"Maaari ka bang sumama sakin, Binibining Kristina? May surpresa ako para sayo." buong galak na tugon naman ni Julian.

Napakunot naman ang noo ko, "Surpresa?"

"Oo, surpresa at tiyak akong matutuwa ka dito." habol pa niya. Bagamat nagtataka ko, pinili ko nalang sumama at makita kung ano ba ang supresang iyon..

Surpresa? Ikinataka ko naman iyon, Dont tell me, may gusto din sakin si Julian? Nako lagot ka kay Goyo..

Nagtungo kami sa isang bahay at dinala ako nito sa harap nang isang silid.

Silid? Anong gagawin namin dito?

Ngumiti lang ito sakin at kinatok na ang pinto. "Maaari ka nang pumasok sa silid. Binibing Kristina." Sambit nito..

"Ah, teka Julian, sino ba ang nasa silid iyan? " tanong ko saknya.. Nagpakawala ito nang magandang ngiti, "Mano'y pumasok ka na diyan para malaman mo kung sino ang taong sa likod nang pinto na iyan."

Clueless padin ako..

Kumatok muna ko sa pinto at tsaka ko binuksan ito. Namataan ko naman ang isang lalaking nakatalikod na pamilyar na pamilyar sakin. Unti unti humarap ito at ikinatuwa ko namang malaman kung sino iyon..


Si Gregorio.


~Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay.~


Agad akong napatakbo saknya at niyakap ito.. Nagsimula na naman akong maluha nang gantihan niya ang yakap ko nang mas mahigpit.

~Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli.~


"Namiss kita, Gregorio!" Sambit ko habang humihikbi. Ramdam ko namang napangiti ito dahil sa sinabi ko. Mas humigpit ang yakap niya sakin habang ako naman halos naistatwa na dahil sa kilig.

"Di ba't sinabi kong babalik ako? Babalikan kita. Kaya ito, nandito ako para surprsahin ka." sambit ni Goyo sabay alay nang isang matamis na ngiti..

Napansin ko namang nakatitig lang ito sakin. Naconcious naman ako kaya napatanong ako skanya. "A-ah, may dumi ba ako sa mukha ?"

Umiling lang ito, unti unti lumapit ang mukha nito na ikinatuod ko sa kinalalagyan ko. Maya maya pa, nawari kong nakatitig na pala ito saking labi.

"Sa totoo lang, nais kong halikan ka, Kristina." Sambit niya..

Bumilis naman ang tibok nang puso ko.. Wahhh Goyo.. ayan ka naman..

Dug dug dug dug

"Nadidinig ko rin ang kabog nang iyong dibdib." Sabay tingin naman nito saking dibdib..

Wag goyo.. Marupok akoo!!! D joke..


Unti unti lumapit ang kanyang mukha sakin at ilan nalang ang agwat nang kanyang labi sa labi ko.

"Maaari ba kitang halikan, Kristina?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman napapikit nalang ako.. Naramdaman ko namang mejo lumayo siya kaya idinilat ko ang mata ko at nakitang nakangiting nakatitig ito..

Huh? Akala ko ba hahalikan ako neto? Antagal.. :(

Magsasalita na sana ko nang bigla niya akong sinungaban, at wala na kong nagawa pa kung di ang maki-agos sa pangyayaring iyon..






NOW PLAYING :
MAKITA KANG MULI - Sugarfree






A/N

Thank you for almost 16k read guys :)
Grabe napansin ko ding marami na ang nag-add nang story na to naa reading list nila.. :)  Hope you liked this chap..

This chap is also a credit for Henerl Luna :) so as you can see.. may post and pre happenings about kay Luna :) hehe kasi nga magkadugtong sila :) haha.. anyways.. ill be updating again soon.. maybe this tuesday or wed :) hehehe..

Guys :) i have a new Hisfic Book :) Yung SAYO LANG!


I hope you have a chance to consider reading it too :) hehe.. ayun lang.. Muchas Gracia Señor y Senorita :)

Continue Reading

You'll Also Like

Way Back To You By Eros

Historical Fiction

459K 35.1K 99
Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa p...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
281K 12.8K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.6K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...