Half Sisters Lover (Completed)

By shannonle

69.9K 2.3K 202

Gxg More

summary
Meet Dani
Meet the Twins
Meet Rhian
Meet Krystal
Ang pinag aagawan ng Lima
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty-one
chapter twenty-two
chapter twenty-three
chapter twenty-four
chapter twenty-five
panghuli

chapter fifteen

1.4K 59 1
By shannonle

Glaiza's POV

"Krystal, bakit ang bilis mo naman? Nakita mo-" Kusa itong tumigil sa pagsasalita ng siya ang malingunan nito. "G-Glaiza? Anong ginagawa mo dito? Nasan si Krystal?" Takang tanong nito.

Ano nga ba ang ginagawa niya dito? Di ba kaya nga siya napapadpad sa ibat-ibang bansa ay dahil sa pag iwas niya dito tapos ngayon sa isang text lang sa kanya ni Krystal na nagsasabing tatalon daw ata ang Unnie Rhian nito dahil daw sa depression sa kanya ay naniwala siya agad, lalo pa nga at ayon sa locator ay nasa rooftop nga ang mga ito.

"Tinext ako ni Krystal, nagaalala daw kasi siya sayo, dahil para ka daw yatang nagbabalak tumalon dyan." Walang emosyon na sabi niya. Kung kaharap lang niya ngayon si Krystal ay baka nasakal na niya ito. Dahil malinaw na sa kanya ngayon na isinet-up lang siya nito. Eto ata iyong tinutukoy na bonus ng babaitang iyon.

"Ako? Tatalon? Bakit?

"Eh, depressed ka daw dahil sa pangyayari kahapon, e."

Bigla itong tumawa ng nakakainsulto para sa kanya.

"Ako? Depressed? Gawa nung kahapon? Ang tagal na nating magkakilala, Glaiza. Sabihin mo nga sa akin, kailan na ako naapektuhan sa mga babae o kahit lalaking nagkakagusto sayo?"

Tama nga naman ito. Kahit kasi noong sila pa ay never itong nagselos. Pinababayaan lang siyang palagi nito. At ng kumprontahin niya ito tungkol doon ay ito lang ang isinagot nito sa kanya - "Masyado akong maganda para ma insecure sa iba at secured naman ako, na ako lang ang mamahalin mo, di ba. Kahit madami pa ang magpakita ng interest sayo." At tama nga naman ito doon.

"Alam kong naalala mo pa ang isinagot ko sa iyo noon ng kumprontahin mo ako. At iyon pa rin ang sasabihin ko sayo ngayon, dahil sigurado akong may nararamdaman ka pa rin sa akin, kahit pa itanggi mo. Hindi mapupunan ng kahit lahat ng half sisters ko ang puwang na iniwan ko sa puso mo, Glaiza."

Hindi siya agad nakaimik at tila pa siya nanigas sa kinatatayuan at kahit ng lapitan pa siya nito ay nanatili lang siyang nakatayo doon. Huminto ito sa tapat niya at inilapit pa ang mukha sa kanya. Kung mayroon ngang magbibirong magtulak sa kanya ay siguradong mahahalikan niya ito.

"Tama ako di ba, ako pa din ang laman nito." Ipinatong nito ang palad sa dibdib nya, sa tapat ng kanyang puso.

Napaatras tuloy siya sa takot na malaman nito ang pagreregudon ng kanyang heart beat.

"Tama na, Rhian! Masyado kang bilib sa sarili mo! Matagal na akong walang nararamdaman sayo!" Madiing sabi niya. Nagagalit kasi siya dahil totoo naman ang lahat ng sinabi nito, kaya tumalikod na lang siya.

Sakto namang bumukas ang elevator at palabas doon si Krystal na may dalang mga tinake-out na pagkain.

"Mga Unnie, sorry kung medyo natagalan itong food, ha."

"Mag-uusap tayo mamaya!" Ani ko kay Krystal, bago ko ito nilampasan.

"Sige, Glaiza! Layasan mo na ulet ako! Dyan ka naman magaling e, sa pag-iwas!

Sigaw sa kanya ni Rhian, pero hindi na siya lumingon at tuluyan ng sumakay ng elevator.

----------

Krystal's POV

"Unnie, what was that?" Takang tanong niya.

"Cause ng kasinungalingan mo!"

Napakagat na lang siya ng labi dahil alam naman niyang guilty siya.

"Sorry, Unnie." Sinamahan pa niya iyon ng isang malupitang bow.

"Marunong ka na namang mag commute di ba?" Tanong nito.

Tumunghay na siya saka bahagyang tumango dito. And that's it. Iniwan na lang siya nito doon.

Napanguso na lang siya dahil sa palpak na kinalabasan ng kanyang plano. Napagbalingan na lang niya tuloy ang mga pagkaing tinake-out niya.

----------

Rhian's POV

Halos konti lang ang agwat ng pag-alis niya at ni Glaiza. Kaya hindi na kataka-takang inabot pa niya ito sa parking lot. Pasakay pa lang ito sa sariling sasakyan at ewan kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla niya itong sinugod at isinandal niya ito sa kotse saka siniil ng halik. Halata ang pagkagulat at takot nito.

"Shh! Glai, ako to." Sabi ko ng saglit kong lubayan ang labi nito.

"Rhian? Anong ginagawa mo? Akala koy rapist ka na."

"Im sorry, i just can't help it." Sabi ko saka muli ko ng ipinagpatuloy ang paghalik dito. Pinagtutulakan pa siya nito pero mas pinangibabaw niya ang kanyang lakas dito. Nagawa niyang maipasok ito sa backseat ng kotse atsaka niya ito pinatungan.

"Uhm! Rhian, ano ba!" Kinagat nito ang labi niya kaya napalayo siya dito. "Ano bang nangyayari sayo? Ganan ka na ba ka desperada para tangkain mong gahasain ako?" Galit na sabi nito sa kanya matapos ayusin ang sarili.

Pero desperada na nga yata siya dahil muli niya itong sinungaban at pinaghahalikan sa leeg dahil iniiwas nito sa kanya ang labi.

"Ummp! Rhian, bitawan mo nga ako!"

"Hayaan mo na lang kasi muna ako. Ginagawa naman natin ito dati, ah."

"Dati pa yun! Matagal na tayong tapos!"

"Sige naman na, o. I badly needed you lang talaga, please." Pagsusumamo na niya.

Saglit itong huminto sa pagpalag sa yakap niya saka siya tinitigan sa mata at maya-maya ay ito na ang kusang humalik sa kanya. Para siyang inilipad patungong langit ng muli niyang maramdaman ang masuyo na nitong halik na napakatagal niyang pinanabikan.

----------

Krystal's POV

Pagkatapos niyang kumain ay nagpasya na nga siyang umalis doon. At pagdating niya sa parking lot ay agad niyang nakita ang mga kotse ng kanyang mga Unnie. Iniisip niya kung hinihintay ba siya ng mga ito. Una niyang nilapitan ang kotse ng kanyang Unnie Rhian. Naka lock iyon kaya sinilip na lang niya ang loob kahit pa ng heavily tinted iyon.

"Huh? Asan kaya si Unnie?" Nakalabing tanong niya sa sarili.

Sunod niyang nilapitan ang kotse ng Unnie Glaiza niya. At napangiti siya ng malamang hindi iyon naka lock kaya naman binuksan niya ang pinto ng passenger seat at malapad ang ngiting dumungaw siya doon. Pero nawala ang ngiti niya at napatili pa siya sa kanyang nakita. Naitakip din niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mga mata at mukha. Napaatras siya palayo sa kotse habang paulit-ulit na nag wiwika ng -

"I didn't see anything."

----------

Glaiza's POV

Ikinagulat niya talaga ang ginawang pagdaluhong sa kanya ni Rhian. Noong una nga ay inisip pa niyang holdaper/rapist ito. Pero bahagya siyang nakalma ng magsalita at makilala niya ito, pero kailangan pa din niyang pumalag sa pangmomolestya nito sa kanya dahil iyon naman talaga ang tamang gawin, di ba? Kahit siya kasi ay duda na sa kung anong tama at mali. Pumapalag nga siya pero iba naman talaga ang reaksyon ng loob niya, kaya nga madali lang siyang naipasok nito sa backseat ng kanyang kotse, e. Pero talagang gusto niyang pigilan ang sarili, kaya naman kinagat niya ito ng hindi naman ganoon kadiin, sapat lang para humiwalay ang labi nito sa kanya. Pero ng nagsumamo na ito ay wala na, nilipad na patungo sa kung saan ang pagpapa bebe niya. Hinalikan na niya ito ng buong pagmamahal. Nalulunod na sana siya sa lalim ng halikan nila ni Rhian ng biglang bumukas ang pinto sa harap. Agad silang naghiwalay nito. Tinitigan niya muna ito at ng tumango ito ay saka lang niya sinundan ang shock na shock na si Krystal.

"Hey! Krystal, its okey." Pagpapayapa niya dito.

"Wag mo kong hawakan, Unnie! God knows kung saan galing yang kamay mo." Maarteng sabi at iwas nito. "Oh! My! God! Front ninyo lang pala iyong pag aaway ninyo kuno para maiwan nyo ko. Grabe kayo saken! You should have told me na lang sana, i can understand naman, e."

"Hoy! Anong front lang ang pinagsasabi mo dyan! Totoo kayang nagaaway kami no."

"Weh? May nag aaway bang nag re-wrestling gamit ang mga nguso?"

"Krystal, that's enough. Halika na dito at ihahatid ka na namin." Pag singit ni Rhian na bumaba na din pala sa sasakyan.

Nakanguso pa din itong cute na koryanang pula ang buhok na sumunod sa ate niya. Tinangka pa niya itong alalayan sa siko pero umiwas lang ulit ito. Napatingin siya kay Rhian at napapatawang tinanguan na lang siya nito.

Sa front seat ito sumakay kaya bumalik nalang sa backseat si Rhian.

"Pakuha nalang natin sa driver nyo ang kotse mo?" Tanong niya kay Rhian matapos niya itong lingunin.

"Yes, please." Anito.

Kaya naman bago niya inistart ang kotse ay tinawagan niya muna ang driver na kukuha ng kotse ni Rhian.

============================

A/n:

Kagabi ko pa sana ito ipopost kaso lang nabura nung mag online ako ng may i check ako sa isang app ko. Kaya ito iniretype ko gamit ang mga ini screen shot ko, imaginin nyo nalang kung paano ko ginawa ang pag miminimize. Hay! kapagod ko.


See.. please enjoy reading and Good morning, guys. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

214K 1.5K 53
Sa muling pagkakataon subaybayan natin si Jude sa Malibog nyang kwento.At ang nga masasaya,malulungkot at nakakaiyak nyang karanasan. This story c...
179K 4K 64
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
24.5K 891 61
𝖲𝗁𝖾 𝗂𝗌 𝖼𝗅𝗎𝖾𝗅𝖾𝗌𝗌 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗌𝗁𝖾𝗌 𝖻𝖾𝗂𝗇𝗀 𝗅𝗈𝗏𝖾𝖽 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗁𝖾𝗋 𝖻𝗎𝗅𝗅𝗒 𝗐𝗁𝗈 𝗂𝗌 𝗍𝗁𝖾 𝗌𝖺𝗆𝖾 𝗉𝖾𝗋𝗌𝗈𝗇 𝗌𝗁𝖾𝗌 𝖿�...