Dare or Consequence

By Dieeeena

236K 5.8K 543

This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story. Let's find out if Deanna... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
11
12
13
14.5
14.5
15
16
17
18
19
20
21
A/N
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
Not an update
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Book Two

Ten

5.2K 113 2
By Dieeeena

Deanna's POV

Nagising ako ng maramdaman kong nauuhaw ako. Nakapulupot pa rin sakin si Jema. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Jema at dumaretso na ako sa kitchen.




Pagtapos kong uminom ay bumalik agad ako sa kama ko. Umupo muna ako at chineck ang phone ko. 5:03pm na pala. Tuesday ngayon. 8am pasok ko sa linear algebra ko until 10am then 10am to 12nn ay rizal ko naman.


Rizal! May quiz pala kami. Chapter 8-10. Kesa matulog magrereview nalang ako.




Kinuha ko ang gamit ko, sa sala nalang ako magrereview.





Matapos kong ihighlight lahat ng importanteng impormasyon at sinimulan ko na ang pagrereview.


'Padre Rodriquez ang nagbatikos kay rizal sa gawa niyang noli. Sila Marcelo H Del pilar, Gracia---'



"Deanna." Napatigil ako sa pag-aaral ko ng marinig ko ang tawag niya. Inangat ko ang mukha ko na kanina ay nakayuko habang inaaral ko ang mga hinighlight ko.




Nasa tapat ko na pala siya. Tiningnan ko lang siya. Sa tingin ko naman ay mga 20 minutes palang ako nandito. mga 5:20 something am palang.




Umupo siya sa single sofa. Bali nasa kanan ko siya. Sumandal siya at pumikit.





"About nga pa--"



"Kalimutan na natin yun." Putol ko sa sasabihin niya. Binalik ko sa libro ko ang mga tingin ko. Kailangan ko magfocus. Ngayon pa talaga niya balak pag usapan yun halata namang nag aaral ako.





"Pinapauwi na ko ni Mama. Si Anne na bahala sayo." Sabi niya habang pabalik ng kwarto ko. Mga ilang minuto lang ay nakita ko siyang dala na ang mga gamit niya.


"Masyado pang maaga. Mayang 6am ka nalang umalis." Sabi ni Anne paglabas niya ng kwarto ko.




"Hindi na. Andyan na si Mark naghihintay sa labas." sagot ni Jema habang inaayos ang dala niyang bag.



"Pano guys, alis na ko. Iingat kayo." Tinigil ko muna ang pagrereview ko at pinagmasdan siyang makaalis.


"Mag aral ka na ulit." tapik sakin ni Anne at daredaretso na sa pagbalik sa kwarto ko.


Nagtataka ba kayo bakit hanggang ngayon nag aaral pa ko? Pero sila Jema at Anne ay may mga work na? Well, sila po kasi ay tuloy tuloy sa pag aaral nila sa iisang course lang. Ako kasi ay palipat lipat ng course. Business related ang course ko before na naging kaklase ko dun sila Jema at Anne pero di ko makita yung future ko sa course na yun habang tumatagal ako sa pag aaral dun. Walang fulfillment akong nararamdaman. Kaya nagpalit ako noong nasa 3rd year na ko, nagshift ako sa education konti lang ang nacredit kong mga subject kaya almost back to zero ako. Dito ko nakikita ang future ko. Sa pagtuturo.




After kong magreview ay nagligo na ko habang si Anne ay nagsimula ng magluto ng almusal namin.



- - -

"Deanna!" Tawag sakin ni Ate Ella. Hrm student siya. Nilapitan ko siya. Nandito kami sa tapat ng registrar office may tambayan kasi dito ng mga students.


"Anong klase mo?" Tanong ko sakanya sabay upo sa tabi niya.

"Business stat. kay Sir Manny. Ikaw?" Nakasimangot na sabi niya. Ayaw niya kasi ng subject na yan. Mahirap daw.

"Linear Algebra kay Sir Cruz. Anong oras klase mo?"

"8am. Ikaw ba?" Tiningnan ko ang phone ko. 7:50am palang naman.

"Same lang tayo. Tara na. Punta na tayo sa room natin." Yaya ko sakanya. Nauna na kong tumayo at sabay na kaming naglakad. Pagdaan namin ng hallway ay magkaiba na ang way namin kaya naghiwalay na kami.




"Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong sakin ni Mary. Andito na sila John at Ivy. Pagtingin ko sa oras ay hindi pa naman ako late 7:58am.



"Bakit? Di pa naman ako late ha." Sabay tabi ko sakanila.


"Kanina ka pa hinahanap ni Samuel. Lumabas lang kaya di mo naabutan dito." Napailing lang ako at di na sumagot.

Si Samuel. Isang taon na ata yun nangungulit sakin. Hindi ko na matandaan kung gano na ba talaga katagal. Wala naman kasi akong paki. Sobrang kulit hindi marunong makaramdam.

*Flashback

"Okay lang tumabi?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Hindi siya pamilyar sakin. Siguro transferee.

"Sige lang." Nandito ako ngayon sa tapat ng registrar office. Hinihintay ko sila Ate Issa napaaga kasi ako para sa Psychology namin.


"Hi. Pwedeng magtanong?" Napatingin ulit ako sakanya.

"Alam mo kung san yung room C201?" Tanong niya habang nakatingin sa form niya.


"Ano bang subject mo?" Tanong ko pabalik. 20 minutes nalang kasi time ko. Impossibleng may klase siya dun kasi late na siya ng 1 hour and 40 minutes kung nagkataon.


"Psychology." Nahihiyang sabi niya. Hmmm bago namin siyang kaklase.


"Sumabay ka na samin dun. Dun din yung klase ko. Wait lang muna natin mga kaklase natin." Sabi ko sakanya sabay balik ng tingin ko sa phone ko. Chinachat ko na sila ate Issa na kung nasan na sila.




"Samuel nga pala." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya sakin. Napakaformal naman nito.



"Deanna." Sabay hawak ko sa kamay niya. Baka mafeel bad siya kapag tiningnan ko lang yung kamay niya. Siguro ganon lang talaga siya kasi bago.


Pagdating nila Ate Issa ay pinakilala ko sila kay Samuel. Pumunta na kami sa room namin dahil 5 minutes nalang time na.




Naging kaklase ko si Samuel sa 6 na subject ko dahil same course lang kami yun nga lang may mga nacredit na kasi siya. Irreg din siya tulad ko. Dahil sa 6 na subjects na yun ay lagi kaming nagkakasama na hanggang sa naging close na kami.


Hanggang sa umamin siya sakin. Magkasama kami habang nakaupo sa foodcourt dahil kakatapos lang namin mag arcade.


Sa puntong yun ay nilinaw ko na agad sakanya na wag ako. Ayokong masira yung friendship namin. Dahil sa panahon na yan alam ko kung sino pa rin ang mahal ko. Si Jema pa rin. Hindi ko kailangan ng ibang tao para maging okay ako. Bubuuin ko ang sarili ko ng ako lang.




Hanggang sa nangulit na si Samuel na naging dahilan ng paglayo ko sakanya. Ayoko siya paasahin. At umpisa palang wala na talaga siyang pag asa dahil kaibigan lang ang tingin ko sakanya. Nilinaw ko sakanya na kapag tinuloy niya ang pangungulit ay mapipilitan akong lumayo sakanya.



Buwan ng December, christmas party namin ng nilapitan niya ko lalayo na ako ng pigilan niya ko sa braso.


"Deanna. Please, hayaan mo naman akong kausapin ka." Hindi niya pa rin ako binibitawan.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Halos lahat sila nakatingin samin. Dahil saksi sila sa lantaran na pangungulit sakin ni Samuel. Tinunguan naman ako ni ate Issa at nginitian naman ako nila Mary. Kaya napabuntong hininga nalang ako.



"Sige na. Bitawan mo na ko." Tumalikod na ko sakanya at naupo sa gilid kung san kami lang ang tao. Sumunod naman siya at hinila ang upuan sa harap ko at dun umupo.




"Deanna, regalo ko sayo oh." Abot niya sakin ng gift niya kaya tinanggap ko na. Christmas naman.



Napangiti naman siya at halatang sumaya ng tinanggap ko ang gift niya.



"Deanna okay lang ba na labas tayo maya? treat ko!" Masayang sabi niya. Napailing naman ako.


"May lakad na kami nila Ate Rhian mamaya." Sabi ko habang nakatingin sa desk.


"Sama ako! Pwedeng sumama?" Napatingin naman ako sakanya.


"Puro kami babae. Bawal lalaki." Walang emosyon na sabi ko. Sabay tingin ulit sa desk ko na parang mas interesting pa yun kesa sa pinag uusapan namin.



"Ay ganon ba. Pwede bukas labas tayo?" Desmiyadong sabi niya. Mahahalata mong disappointed siya dahil sa paghina ng boses niya.



"Samuel." Napatingin siya sakin. Umiling lang ako sakanya habang nakatingin sakanya. Pano ko pa ba ipapaliwanag sakanya na tigilan na niya ako. Lahat nalang ata ng paraan nagawa ko na. Hayagan na din ang paglayo at pag iwas ko sakanya.




"Hindi ako susuko. Kahit gano pa yan katagal Deanna. Hindi kita susukuan." sabi niya sabay labas ng room namin. Nasasaktan siya. Habang nakatingin ako sakanya nakita kong namamasa na ang mga mata niya. Pero anong gagawin ko? Ayoko talaga.

*End of flashback

"huy Deanna!" Napatingin ako sa harapan ko. Nakatayo na sila Mary. At hawak na nila ang mga bag nila.


"Ano tulala? Tara na sa next class natin." Tapik nila at palabas na ng room. Lumingon ako sa loob ng room namin, wala ng tao. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila sa next room namin.

Continue Reading

You'll Also Like

67K 1.8K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
117K 5.6K 62
They say things happen for a reason, so if that's the case there's a reason why I fall inlove with you? but falling inlove with you means taking a ri...
76.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY