Insecure Lover

By fraaancesc

5.1K 113 34

Ito ay ang storya ng crush life ni Arian Lim. May crush kasi siyang may girlfriend. Lagi siyang sinasabihan n... More

Insecure Lover
1- The Start
2.1- Unknown
2.3- Unknown
3.1- Disaster? Not really.
3.2- Disaster? Not really.
4- Ikaw Yun, IKAW.
5- The Bar
6- This Is War
7- Jay Vincent
8- Holding Hands
9- Reminiscing
10- Special Chapter
11- I'm Back =)))
12- Meet Jace
13- Dinner
14- Bench Convo
15- Tomorrow will be fun =))
16- Happy Birthday, Nia!

2.2- Unknown

239 5 3
By fraaancesc

Nakablind-fold na kaming lahat. Ewan ko kung sino tong mga taong kasama ko. Pinagpatner-partner na kami. After nun, tinanggalan na kami ng blindfolds.

Maraming nashock sa mga partners nila.

Yung iba kasi napartner nila yung close friend nila. Hala. May isa pa nga na mag-ex oh. Pero marami ring di kilala ang mga partners nila at isa na ako dun.

Pero, mas nashock ako sa lahat ng nashock dahil di ko inakalang sasali si JV :O

Kaso nga lang, di ako partner niya </3 Lintik na buhay naman to eh. Partner niya ang classmate niyang babae. Buti pa sila magkakilala na so di na masyadong awkward kung magpractice.

Malungkot ako pero kailangan namin magpractice kaya nagpakilala na ako sa partner ko.

Shock yata siya dahil ako partner niya. Ang ganda ko siguro. Haha. Joke lang. Iba lang siguro ang inasahan niya.

Cute rin naman siya, pero mas cute crush ko. Neil Oliveros ang name niya.

Ang inassign na kanta sa amin ay Sparks Fly by Taylor Swift.

Inassign na rin ang mga rooms namin kung saan magpractice. 2 teams per room.

Ang swerte ko naman! Kasama ko sa room ang crush ko. Yipee! :))

Macoconcious ako lagi kaya syempre gagalingan ko talaga yan. At makikita ko siya mag-guitar. Ang cute niya siguro tignan <3

Papasok na kami sa room at medyo nagulat sa nakita ko.

Andito ba naman si Reeza? GRABE AH! Over possessive naman to siya. Upakan ko kaya? Aish. Kainis.

Dahil ito lang siguro ang lamang ko kay Reeza, ginalingan ko ang pagkanta ko kahit practice pa lang. Kapag kinakanta ko na ang line na 'Cause I see sparks fly whenever you smile", tinitignan ko siya sa mata. Paminsan nagkakasalubong pa nga ang mga tingin namin eh. :)))))

Napapangiti naman ako ng wala sa oras dahil nakakarelate ako sa ibang lines ng kanta.

Break muna kami ni Niel ngayon.

Break, hindi break as in break break. Break ba as in break. Basta gets niyo na yan.

Nauna sina JV sa amin magbreak kaya umalis si Reeza at yung partner ni JV na si April para bumili daw ng pagkain.

"Rian, pwede bumili muna ng pagkain? Gutom na gutom na ako eh." Sabi ni Niel sa akin.

"Ah.. eh, wag muna. Magdiet ka nga!" Ang awkward kaya kung kami lang ni JV sa isang kwarto.

"Naah. Rian naman eh. Gutom na talaga ako eh. Mahihimatay ako ngayon, wala kang partner mamaya, sige." Nangblack mail pa siya ah?

"Ahhh. Ehh. Kasi naman, sige na nga! Shoo! Bilhan mo rin ako ah! Bilisan mo rin!" Sabi ko sa kanya.

"Yes, boss!" Umalis na siya ng kwarto.

Kanina ko pa tinitignan si JV. Nakangiti lang ako lagi habang tinitignan siya. Nag-gigitara pa kasi siya. Nagmamaster pa siguro.

Napakati siya sa ulo niya at nahihiyang sinabi na "Ah, Rian... Baka matunaw ako niyan."

Nakakahiya! Sheeeeeeeeeeet.

"Ahh.. Ang cute mo kasi." Sabi ko.

Nanlaki mata niya sa sinabi ko. Kahit akin nga oh!

O___________________________________________________O

"Ah este, a-ang gitara mo, cute ang design. Y-yun, yun ang ibig kong sabihin." Palusot ko nalang. 

"Ah, ganun ba? Gusto mo itry?" Nag-offer siya sa akin. Mabait na nga siya, gwapo pa! Full package na, diba? :)))

"S-Sige ba!" Tatayo na sana ako papunta sa kanya nang tumayo siya papunta sa akin.

Namumula ako. #^_____________^#

 Hinawakan ko ang gitara niya.

Tinatry ko ang Sparks Fly. Kanina ko pa kasi nakikita si Niel pinaplay yun eh kaya medyo namemorize ko na ang chords.

Epic fail! Ang lakas naman ng loob ko manghiram di naman pala ako marunong.

"Ahh. J-joke lang. Di na ako manghiram. Nakalimutan ko na di pala ako marunong eh." Sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya. Ayy, ang cute ^________________^

Nagsmile rin ako at nagblush.

Dumating na ang tatlo kaya kumain muna kami. After nun, nagpractice na ulet.

Di parin ako nakaget-over sa nangyari kanina kaya smile ako ng smile habang nagpapractice kami. Pero paminsan napapatigil ako dahil sa galit. Ang sweet kasi nila. May pausap-usap pang nalalaman sa isang corner na holding hands. Lumayo nalang ang classmate ni JV. Nahiya siguro. Kahit ako nga hiyang-hiya na eh. Baka gusto nila sa kanila nalang ang room na to.

Grabe naman to si Reeza. Di pwede break muna? Kahit 5 minutes lang? Tengene.

Nagulat nalang ako nang magsalita si Reeza:

"Gusto niyo?" Inabot niya ang ibang pagkain niyang dala.

Ngumiti siya. Obvious naman na peke eh. Parang siya lang. Tss. Ang bitter ko. XD

"No, thanks." Nagsmile na rin ako ng peke.

Binigyan ako ni Niel ng tiger look. Natawa naman ako dun. Gutom nanaman siguro to.

Kahit papano, naging close ko naman si Niel kahit bago lang kami nagkakilala. Magaan loob ko sa kanya.

"Bakit naman? Dinamihan ko pa naman ang binili ko oh dahil alam kong may kasama sila dito sa room." Tinutukoy niya sila JV. If I know, show-off lang siya na mabait siya.

"Wag na. Thank you nalang. Baka kasi malason pa kami."

Pero syempre di ko sinabi yan. Gusto ko lang sabihin. Kaso lang andito crush ko kaya anghel muna ako ngayon.

"Ah, di pa kasi ako nagugutom. Baka si Niel gusto oh."

Binigyan ko si Niel ng wag-kang-papayag look. Nagets niya naman siguro dahil di rin siya pumayag.

Mapride yata ako nuh. Di ako basta-basta tatanggap ng offering galing sa taong yun.

"Ah okay, sige. Sabihin niyo lang pag gusto niya ah?" Huwoooooow! Nagsalita crush ko!

"Oh sige. Salamat ^____________^" Todo smile rin ako. Crush ko yan oh! Kinausap nanaman ako!  Ang bait niya talaga! <3_____________<3

Pagka-4, naglast rehearsal na kami ni Niel at sobrang nagustuhan ko ang performance namin kaya umuwi na kami para makaprepare.

~

Picture of Reeza Natividad in the Multimedia ---->

Continue Reading