The Cold Princess of Ainabrid...

By paraiso_neo

520K 13.6K 338

(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave o... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17 (Special Chapter)
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 - Birthday Special 1
Kabanata 31 - Birthday Special 2
Kabanata 32 - Birthday Special 3
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1
Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Author's Note
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
ANNOUNCEMENT 101
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79 - The Ending
Hi Fellows Readers.
OTHER UPCOMING STORIES
SURPRISE

Kabanata 4

11.5K 291 7
By paraiso_neo

STACEY

"Hoy Z-Zette?" sabi ko tsaka inalog-alog siya. Ang gaga feeling sleeping beauty.

Dahil sa sigaw ko kanina ay na pababa si Ursula. Yeah I used to call him 'Ursula' para maiba naman. Gusto ko kasi naiiba ako siyempre, Stacey to eh.

"Ano bang nangyari kay Criszette?" nag-aalalang sambit ni Ursula habang hawak si Criszette na walang malay at namumutla.

"Nag-uusap lang kami kanina tapos ayan biglang nag feeling sleeping beauty." medyo kinakabahang sagot ko sakanya, kasi hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang tumunog ang doorbell kaya agad na tumayo si Ursula.

"Baka ayan na yung pinadeliver ko bayaran ko lang. Ikaw muna bahala kay Criszette, saglit lang to." biglang sabi niya at tsaka tumayo at naglakad papunta sa pinto.  Ng may maiwan ako ay napansin ko ang tila pag-iiba ng kulay ng mata ni Criszette

Violet?

Pati buhok niya unti-unti ring nagbabago ang kulang nito, so anong meron at anong nangyayari sa kaibigan ko?

Wtf? It's also Violet?

Pagbalik ni Kuya ay nagulat ako dahil may kung anong nabitawan siya at ng tingnan ko kung ano ito ay nakahinga ako ng maluwag dahil pera pala nabitawan niya mabuti na nga lang eh nailapag niya na yung pagkain kung nagkataon. Sayang food sana at walang kakainin ang aking baby tummy.

Buti nalang talaga hindi. 

Nagugulat siyang lumapit kay Criszette na patuloy na may nagbabago at may di magandang nangyayari sakanya. Actually kinakabahan din ako at nag-aalala pero ayoko lang ipahalata talaga kaya kung ano-ano iniisip ko.

"Nagsisimula na ang pagbabago sa katawan niya. Nangyayari na!" rinig kong sambit niya dahilan para maguluhan ako. What? Ano daw?

"Pagbabago?" nagtatakang tanong ko sakanya at kumunot pa ang noo ko sakanya.

"Unti-unti ng nagigising sa katawan niya ang Mafi  kaya kailangan na nating makapunta sa Ainabridge Academy sa madaling panahion." pagpapaliwanag niya sakin pero kahit isa wala akong naintindihan may sira na ba sa ulo to. Mafi? What? Hindi ko siya maintindihan, kung ano-ano na sinasabi neto kailangan na ata ipadala sa mental hospital ang isang to.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng bigla akong nakaramdam ng init sa katawan ko na di ko maintindihan dahil di ko naman naramdaman to kanina. May nagpatay ba ng aircon?

"Ursula pinatay mo ba yung Aircon?" banas na banas na sambit ko kaya napalingon siya sakin na gulat sa sinabi ko at habang si Criszette ay ayun feeling sleeping beauty pa din. 

Gaga gising na, walang prince charming na gigising sayo okay?

"Bukas ang Aircon, Stacey. Di ko pinatay at maiisip ko pa ba patayin yan sa kalagayan ni Criszette ngayon?" takang-taka na tanong niya sakin.

"Naiinitan ako. Tapos parang nahihilo din ako at nanghihina na din ako wah." naiiyak na sambit ko kasi first time ko naranasan to at ayoko ng gantong pakiramdam. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. At habang tumatagal ay mas lalong umiinit ang pakiramdam ko.

What the hell is happening on me?

Kaya agad na lumapit si Ursula sakin at inalalayan ako nasa sahig kasi ako malapit sa sofa kung saan nakahiga si Criszette.

"Stacey calm down, okay? Relax." sabi niya tsaka hinimas ang likod ko. At parang may mga binibigkas siyang spell pero hindi ko naman maintindihan. 

At habang tumatagal lalo akong nahihirapan huminga. Mommy? Daddy? 

Maya-maya pa narinig ko ang sigaw ni Tita. Magulang nina Criszette at Ursula.

"Ohmygash Stacey, what the hell is happening on you iha? Namumutla ka." nag-aalalang sambit ni Tita at tsaka nanakbo palapit samin at tsaka napabaling ng tingin kay Criszette na hanggang ngayon ay di pa idin nagigising. Pero tuloy-tuloy ang pagbabago ng kulay ng buhok, mata, at maging kuko niya na naging Violet.

"Anong nangyari kay Criszette?" natatarantang sambit ni Tita at bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Bigla ko nalang naramdaman ang sarili ko na naghahabol na ng hininga.

"Damn this nag-iilaw ka Stacey. Your Mafi is being activated also now." sabi ni Ursula at patuloy pa din inaalalayan ako. Unti-unti ng nanghihina katawan ko, at anumang oras ay alam kong bibigay na ko.

Ano ba kasing nangyayari sakin?

"Eto na ang tamang pagkakataon para magising ang mga Mafi nila Ma,dumating na ang takdang panahon." sabi ni Ursula kay Tita.

"Malapit na kasi sila tumungtong sa edad na 18 kaya siguro nangyayari eto. Kaya ikaw na bahala kay Stacey, ako na bahala kay Criszette" sambit at utos ni Tita at talagang naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.

Mafi? What the hell is that? Is that drugs? Hanggang sa unti-unting manlabo ang paningin at tuluyan ng lumabo ang paningin hanggang sa..

Everything went black.


CRISZETTE

"Princess Jewel, my princess welcome back." sabi ng isang babae na di ko maaninag ang mukha. Niyakap niya ko ng mahigpit. Sino to at nasaan ako?

Princess Jewel?

"Di po ako si Princess Jewel. I'm Criszette Unique baka nagkakamali lang po kayo." sabi ko tsaka ningitian siya pero bakit ganun di ko maaninag mukha niya. 

"Ikaw ang anak ko di ako pwedeng magkamali." sagot niya sakin at tsaka niyakap muli ako ng mahigpit. Nasaan ba kasi ako?

Kuya?

Mommy?

Stacey?

Nasaan kayo? Naiiyak nako sa takot. Nasaan ba ko? Bat ako napagkakamalang anak nitong di ko maaninag ang mukha. Sino siya? Itinulak ko siya tsaka nanakbo paalis hanggang nilamon ako ng dilim.

"Princess Jewel nakabalik ka na pala?" sino ba kasi si Princess Jewel at inis na nilingon ko sa  likod ko kung may iba pa bang nilalang sa likod ko na tinatawag niyang Princess Jewel? Ako lang naman tao dito tsaka siya. Ang pangit niya

"Di nga ho kasi ako si Princess Jewel ano ba sakalin kaya kita." badtrip na sabi ko. Gantong di ko alam kung nasaan ako eh? Wag niya ko inisin lalo, masisipa ko siya.

"Hahahaha you're so funny mahal na prinsesa. Mukhang madali nalang pala kita matatapos." tumatawang sagot niya kaya napairap ako sa ere. Ang pangit talaga niya! 

"Ano ako labahan? Gawaing bahay na kailangan mong tapusin, duh tigilan mo ako tanda ang pangit-pangit mo." sabi ko tsaka inirapan siya at binigyan ng matalim na tingin tsaka umalis na. Walang kwenta kausap yun, parang nakadrugs.

Kala mo naman talaga matatakot niya ko? Makita ko lang yang Princess Jewel na yan. Patay siya sakin ako tuloy yung naano dito. Nanahimik ako eh.

"Criszette wake up."

Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw.

"Ang haba ng tulog mo ah. Parehas kayo ni Stacey." natatawang sambit ni Kuya na bumungad sakin pagmulat ko. Anong parehas kami ni Stacey?

"Bakit anyare sakanya?" nakakunot na noong tanong ko tsaka bumangon na at bumanat agad ng irap sakanya. Isa pang pangit to eh!

"Secret. Kamusta na pakiramdam mo?" nag-aalalang sambit niya.

"I'll guess I'm fine now dahil dun sa bwisit na tanda na sobrang pangit na nakijoin sa panaginip ko." nakabusangot na sagot ko sakanya, tanging siya lang malinaw na mukha na nakita ko kaya nasabi ko ang pangit niya.

"HAHAHA gaano ba kapangit yan sis?" natatawang tawa at tanong ni Kuya sakin.

"Yung tipong pag nakita mo siya masusuka ka sa sobrang pangit." naiinis na sambit ko.

'Hindi ako pangit uy humanda ka sakin pag nagkita tayo'

Nagulat ako sa narinig ko. Grr ginising nako lahat lahat nanggugulo pa din siya.

"Btw bumangon ka na diyan? At maya-maya lang aalis na tayo malayo-layo pa ang biyahe." sabi ni Kuya kaya tumayo na ko nakita ko si Stacey na hanggang ngayon tulog pa. Napansin ko ang kulay ng kanyang buhok.

It's Red?

Ganun din ang kuko niya.

Wala akong naalalang nagpakulay ng buhok to kahapon.

Ipinasawalang-bahala konalang yun tsaka ako umakyat sa kwarto ko pagdating ko dun nakita ko sa kama ko naka-prepare na yung mga dadalhin ko.

Wala na talagang pipigil?

Nababaliw na ba sila ganda na nga ng buhay ko sa school ngayon eh tapos aalis lang ako, let we set a side yung mga may sapak na estudyante dun. Bwisit na buhay to ayoko pa naman sa lahat pagnag-tatransfer ang introduce yourself. Napakahaba kaya ng pangalan ko, kakapikon.

Lumapit ako sa salamin at magsusuklay sana ako ng mapansin ko ang kulay ng buhok ko. Ha? Kailan ako nagpakulay?

Bakit violet to? Ganun din ang kuko ko? Pero dahil favorite ko violet hinayaan ko nalang. Tatanong ko nalang kay Kuya kung siya may gawa nito.

At kung siya nga aba pa- fiesta ako matagal ko na gusto magpakulay ng buhok di lang ako makahanap ng free time. Nasa ganun akong sitwasyon ng bigla kong marinig ang sigaw ni Stacey.

"What the hell happened to my hair?" rinig kong sigaw niya kaya napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagsusuklay.

For sure gigiyerahin na naman ni Stacey si Kuya. Di na talaga nagkasundo eh, lagi nalang sila may sariling gulo. Kaya minsan naiinis talaga ako pag nag-aaway sila eh. Nakakarindi sila.

"CHRISTIAN URSULA." rinig kong palahaw ni Stacey.

The war freak was awake.

Continue Reading

You'll Also Like

211K 6.9K 44
[ Unalome Series #1 ] The book of Prophecy itself saids the Goddess of Everything will rise as a mortal every path she choose is stained with tears...
377K 15.2K 88
INNOCENT, YET DANGEROUS CRAZY AS BITCH SIMPLE BUT HOT AND BEAUTIFUL SOFTHEARTED BUT WARFREAK NATURAL BUT YET MAGICAL ____________________________ LI...
Codename Red By pynkiee

Mystery / Thriller

38.4K 1.3K 34
[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO
THE UNKNOWN CITY By heroo

Mystery / Thriller

12K 540 66
Heide Renier, a normal lady who woke up in the different place where she can't even call it home. It's like...she woke up in different world. A plac...