Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 319K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C13: Freya
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C26: The Queen Bee
C27: The Queen Bee (part 2)
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C41: Beginning of an end
C43: Apocalypto
C44: Consequences
C45: To perish or to subsist
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C42: The monster inside

167K 3.6K 1.2K
By enahguevarra


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Hinigpitan ko ang pagkakahawak  sa strap ng bag ko bago pumasok sa main gate ng school. Ngayon na lalabas ang resulta ng pagsusulit. Kagabi ko pa hinihiling na sana'y kahit pang-top 50 sa highschool department ay makapasok ako. Gusto ko lang ipakita kay mama't papa na hindi nasasayang ang binabayaran nilang martikula sa mahal na eskwelahan na ito.

May nakabangga sa saking isang estudyante. Muntik na kong mapaupo buti na lamang ay may nakahawak sa balikat ko upang mapigilan ang lubos na pagkakaupo.

"Ash." 

"Ayos ka lang?" Ngumiti siya. Tumango lamang ako at tumayo nang mabuti. Kinuha ni Ash ang hawak kong folder at inaabot din niya ang bag ko ngunit pinigilan ko siya.

                                
"Manliligaw kita, hindi alalay." Nakita kong napangiti ko muli siya sa sinabi ko. Naramdaman ko na lamang ang init ng kamay niya na saktong-sakto ang pagkakahawak sa kamay ko. Para bang ligtas ako sa piling niya. Para bang propotektahan niya ako sa kahit anong sitwasyon.

"Gusto mong tignan ang resulta?" tanong niya. Napatingin naman ako sa bulletin board sa first floor na pinagkakaguluhan ngayon ng mga estudyante. Tama, ang mga resulta. Muntik na itong mawala sa isipan ko. Tumango lamang ako at naglakad na kami sa kabilang daan upang lumapit sa malaking bulletin board.

Hindi kami makasingit kaya hinintay namin na mabawasan ang mga estudyanteng tumitingin dito. Nakita naming dumating si Nichole kasama si Alex. Pareho silang lumapit sa amin ni Ash at bumati ng magandang umaga. Katulad namin, hinintay rin nila na makaalis ang karamihan sa mga estudyante.

Nakaraan ang ilang minuto at nagsipasukan na ang mga estudyante na kanina pa nagsisiksikan sa harapan ng bulletin board.Lumapit kaming apat at hinanap kung san nakalagay ang ranking sa buong 3rd year.

Ngumiti ako kay Ash nang nakita ko ang pangalan ko sa pang-22 sa ranking.

"Congrats." Sabi niya.

"Shit." Narinig kong bulong ni Nichole. "2nd... na naman." Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya na nakasimangot. Sumunod naman sa kanya si Alex at naiwan kaming dalawa ni Ash. Tinignan ko kung sino ang nasa 1st na naging sanhi ng pagka-irita ni Nichole.

"Class 3-A .  Reese, Blake."

Ang vice president ng SSC. Pamilyar ang pangalan niya, sigurado akong sikat siya dahil sa angkin niyang talino. Nagkatinginan kami ni Ash sa di malamang dahilan. Hinawakan niya muli ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa room.

Katulad ng dati, magulo pa rin ang klase. Kahit nabawasan kami kung titignan mo, parang walang kulang. Ang mga bakanteng upuan ay hindi binibigyan ng pansin, parang wala lang. Kahit anong gawing isip ko, wala akong konkretong kasagutan. Sa mga nanyayari na patayan at ang katotohanan na sa amin ang mga may sala. Siguro nga sadyang napakahirap basahin ng mga tao.

Hindi ko masagot ang napakalaking bugtong na ito.

Tinignan ko lang si Nichole habang papunta siya sa harap at gawin ang responsibilidad niya bilang presidente ng klase, ang attendance. Bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang inis. Isa-isa niyang tinatawag ang mga kaklase namin. Kaunti lang ang nakikinig ang karamihan, may kanya kanyang ginagawa. Napakagulo. Sa ingay, sa mga daldalan at tuksuhan. Ang mga sigaw at tawanan... nakakabingi.

"Tumahimik kayo!"

Isang napakalakas na sigaw mula kay Nichole. Gulat na gulat man ay nagawa pa ring magkomento ng mga kaklase namin.

"Hoy boba! Wala kang karapatan na sigawan kami okay?" lumapit sa kanya si Amanda at hinawakan si Nichole sa panga. Tinaas niya ito sapat para magkatinginan sila sa mga mata. Ngunit nakakagulat ang sunod na ginawa ni Nichole. Tinulak niya si Amanda na naging dahilan ng pagkauntog ni Amanda sa isa sa mga desk. Nagsitayuan ang lahat at tinignan kung ayos lang ba si Amanda.

"Back off!" sigaw muli ni Amanda. "Ayos lang ako." Tinignan ni Amanda ang lahat bago pagtuunan ng pansin muli si Nichole. "Be ready, bitch. Di mo alam kung pano ako maningil." Isang nakakalokong ngisi ang naipinta sa mga labi ni Amanda.

Dahil sa pagkairita, tinanggal ni Nichole ang kanyang relo sa kaliwang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. 

Hindi maari. Tama ba 'tong nakikita ko?

Sinundan ko ng tingin si Nichole nang lumabas siya sa room. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Isa siya sa mga murderers.


Ash's POV

Sinundo na si Denise ng papa niya. Naglakad lakad ako sa campus habang hinhintay si Summer. Hindi naman sa naging obligasyon ko na si Summer ngunit ito lang ang hinihingi niya sa aking pabor. Siguro naman hindi magtatanggal ang ganitong sitwasyon.

Hindi siya mapalagay sa sophomore na may gusto sa kanya. Ang lalaking pilit siyang hinalikan noon. Hindi ko masyadong namukhaan pero alam kong alam ng buong Laketon ang katauhan at pangalan niya.

"Ash. Salamat sa paghihintay." Ngumiti siya. Katulad pa rin ng dati, mala-anghel. "Tara na." naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko itong tinanggal at binulsa ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Nakita kong sumimangot siya ngunit isang ngiti muli ang napinta sa labi niya.

"Pakipot ka pa Ash eh." Sabi niya kasbay ng isang mahinang tawa. Tumingin siya sa akin at nagsalita. "Wala naman si Denise ngayon." Sinabit niya ang kamay niya sa braso ko.

Ayoko sa ginagawa niya.

Aalisin ko sana ang braso niya ngunit napigilan niya ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Please. Ash, pagbigyan mo na ko. Kahit ngayon lang. Umarte tayong ganito." Nag-iba ang tono ng pananalita niya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang naglalakad. "I love you Ash." Narinig kong bulong niya.

 Sa pagkakataon na ito ay tinanggal ko ang braso niya na nakakabit pa rin sa braso ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sinandal sa kotse.

"Oo, alam ko. Di mo na kailangang ulit ulitin," wika niya. 

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa balikat niya at humingi din ako ng patawad sa naging reaksyon ko. Pinapasok ko na siya sa kotse at papasok na rin sana ako upang makaalis na ngunit may humatak sa akin at isang suntok ang sumalubong sa mukha ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at pagsigaw ni Summer sa pangalan ko.

Humarap ako sa lalaki at nakita ko ang sophomore na pilit hinalikan si Summer noon. Pinahid ko ang palad ko sa dugo mula sa sugat ng bibig ko.

Gago to ah?

"Ano? Nasan ang angas mo?!" Sigaw niya sa akin. Nagsitawanan ang mga kasama niya. Isang sipa ang naramdaman ko sa sikmura na naging dahilan ng pagdura ko dugo. Napamura ako sa isipan ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon.

Ilang sipa ang natanggap ko nang pumagitna si Summer.

"Cyrus! Tama na!" Tinulak niya ang lalaki pati na rin ang mga kasama nito. "Ano ba?! Bakit napaka-immature mo?!" Hindi ko na masyadong narinig ang mga sumunod na salita ni Summer dahil pakiramdam ko ay nahihilo na ko.

Nagtalo silang dalawa habang ako'y halos nakahiga na sa lapag. Napakahina ng katawan ko ngayon tila ba wala sa kondisyon. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay.

Walang kasama si Papa sa bahay...

Dahan-dahan akong tumayo. Napatingin silang lahat sa akin. Muli ay narinig kong sinigawan ni Summer ang lalaking tinatawag niyang Cyrus. Nakita kong tinulak ni Cyrus si Summer. Tiyak kong nasaktan si Summer dahil sa malakas na tunog mula sa pagkakatulak niya sa kotse ko.

Napamura muli ako.

Bigla kong naramdaman ang inis. Ang galit na naramdaman ko nang pinatay ni Papa si Mama sa harapan ko. Ang galit sa sarili ko na wala akong nagawa na kahit ano nang mga panahon na iyon. Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Parang isang sugat na ayaw maghilom. Ang pagpatay ni papa para sa sarili niyang kaligayahan, para sa sarili niyang kaginhawaan.

Hindi ko makakalimutan ang mga iyon.

Agad kong sinuntok ang Cyrus na yon at isang sipa ang binigay ko sa kasama niya. Naramdaman ko naman na nasuntok ako sa sikmura ng isa niyang kasama ngunit hindi ko ininda iyon. Binalikan ko siya ng mas malakas na suntok sa mukha.

"Babalikan kita!" Malinaw kong narinig mula sa bibig ni Cyrus at nagtakbuhan na sila palayo. Lumapit naman ako kay Summer na nakaupo sa lapag habang iniinda ang sakit ng likod niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

"Summer!" Pagtawag ko sa pangalan niya. Dumilat siya at pinilit niyang tumayo ngunit parang nahihirapan siya kaya inalalayan ko na siya sa pagtayo. Pinasok ko siya sa loob ng kotse at pinaandar na ito. Naghari ang katahimikan sa aming dalawa.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Summer ay walang kibuan na nanyari. Nagpaalam at nagpasalamat siya sa akin bago pumasok sa bahay nila.Inikot ko naman ang manibela upang umuwi na. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 5:45 pm.

Sigurado akong hinihintay na ko ni Papa.

Nakalipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa bahay. Ngunit nagulat ako nang hindi ko nadatnan si Papa na nagdidilig ng mga halaman. Sinarado ko ang gate bago ako pumasok sa loob.

"Denise?" 

Nadatnan ko si Denise na nakaupo sa sofa habang nasa harap ni Papa. Ngumiti siya sa akin at binati ako ni papa.

Nakakapanibago.H indi ganito ang araw-araw na ginagawa ni Papa. Pumunta ako sa kwarto ngunit di ako sinundan ni papa. Nakakapagtaka. Nagbihis ako at muling lumabas upang sumama sa usapan nila Denise. Tungkol sa halaman ang pinag-uusapan nila.

Napansin kaya ni Denise?

Napansin kaya niya ang karamdaman ni papa?

Halos isang oras na ang nakakaraan at halaman pa rin ang pinag-uusapan nila. Pero ngayon, tumatawa at mukhang napakasaya ni papa. Para ring may kung anong kasiyahan ang bigla kong nadarama. Ito ang unang beses na may ibang kinausap si papa maliban sa akin.

"Anak... gusto mo bang lutuin ko ang paborito mong Adobong baboy?" ngumiti lang ako at tumango. Tumayo si papa at nagsimulang magluto sa kusina.

"Ang bait ng tatay mo, Ash." Sabi ni Denise habang ngiting-ngiti.

"May napansin ka bang kakaiba sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

"Meron kaso di na importante yon." Tugon niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

"Kailangan ko na palang umalis. Dumaan lang ako dito para sabihin sayo na iniiimbitahan ka ni papa't mama para sa anniversary nila. Sana makapunta ka." May inabot siya sa akin na isang envelope na naglalaman ng imbitasyon. Tumango ako at nagpaalam sa kanya. Ngunit bago siya umalis ay lumapit muna siya kay papa at nagpaalam.

Pumunta ako sa kwarto at nilapag ang envelope sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko. Lumabas ako kaagad upang puntahan si Papa. Kahit ganito siya, kahit may mali sa kanya at kahit pinatay niya si mama, tatay ko pa rin siya.

Naghain na siya sa lamesa at nagsimula na kaming kumain. Nasanay na ako na katahimikan lamang ang nangingibabaw sa aming dalawa habang kumakain ngunit nagulat ako nang nagsalita siya.

"Sayang at umalis na si Denise. Sinarapan ko pa naman para magustuhan niya."

Napangiti muli ako.

"Naalala ko ang mama mo sa kanya."

"Ako din, Pa. Naalala ko si Mama sa kanya." Tugon ko at nakita ko ang malaking ngiti sa labi niya.


Nichole's POV

Pumasok ako sa bahay at inilagay ang sapatos ko sa tamang lalagyan. Sinuot ko naman kaagad ang tsinelas at dere-deretso sa loob. Nakita ko si mama na nagluluto at si papa na nanonood ng pelikula. Nasanay na ako na hindi nila pinapansin kahit ang presensiya ko ngunit alam nila na ngayon ang bigayan ng resulta para sa exam.

"Pang-ilan ka?" matapang, matigas at malakas na pagkakasabi ni mama. Halata na napipilitan at mayron lamang siyang piling sagot na magugustuhan.

"2nd." Tanging tugon ko.

"Bobo ka kasi. Hanggang 2nd ka lang." Narinig kong sabi ni mama.

Niyukom ko ang kamao ko at tanging pagtayo lamang doon ang nagawa ko. Bobo. Napakabobo ko. Wala silang ibang alam sabihin kundi bobo.

"Sorry mama. Gagalingan ko sa susunod."

"Wag na. Di mo rin naman kaya eh." Narinig ko naman na sinabi ni papa habang nakatutok ang mga mata niya sa t.v. Wala na akong reaksyon. Napayuko na lamang ako habang tuloy tuloy ako sa kwarto.

Kinuha ko ang box sa drawer kung san nakalagay ang cellphone ni Lilith. Alam kong binura ko na ang video kung san ko walang awang pinatay ang librarian na si Sir Brian. Napangiti ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa galit. Hindi ko kasalanan. Dapat lang siyang patayin. Sinabi ko sa kanya na lasunin niya si Denise... patayin na niya si Denise pero hindi niya nagawa. Tatanga-tanga siya.

Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko. Sumali ako sa grupo ni Akira para makaramdam ng tuwa, maramdaman kung papano maging nasa itaas. Palagi akong kawawa. Palagi akong niloloko at ginagamit. Pagmamahal, atensyon, katapatan lamang ang hinihingi ko.

Mahirap bang ibigay yon?

Inalis ko ang relo sa kaliwa kong kamay at tinignan ang tatlong itim na paru-paro na nakaguhit sa ibabaw ng pulso ko.

Tama, mamatay tao ako. Nagkasala ako sa Diyos, impyerno na ang kakalagyan ko. Ngunit ito ang tanging paraan. Wala akong makakamit na hustisya sa mga nararanasan ko, walang manyayari kung hindi ako kikilos. Naniningil lang ako ng mga utang.

Tumingin ako sa kisame habang pinapakinggan ang tunog ng orasan sa tuwing iikot ito. Importante ang bawat segundo, bawat minuto at bawat oras. Kahit anong mangyari dapat unahan ko siya. Dapat mapatay ko si Akira.

Ngunit papano? 

Inilapag ko ang cellphone ni Lilith sa kama. Isang ideya ang pumasok sa isipan ko.

Kung ano ang pinanggalingan ng lakas ni Akira, iyon ang gagamitin ko bilang kahinaan niya. Tama.Iyon nga. Dapat ko siyang gamitin. Dapat ko nang patahimikin si Akira. Para matapos na ang lahat. Matapos na ang larong ito.

Dapat isa sa amin ang mamatay...

At ako na ang bahala sa iba.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Agad kong siyang hinanap sa contacts ko at di na ko nagsayang ng oras at tinawagan ko siya agad.

"Magkita tayo. Importante to. Hintayin mo ako sa harapan ng bahay nyo."

Hindi ko na hinintay na tumugon siya, agad kong binaba ang cellphone at nagpalit ng damit. Lumabas ako ng bahay na naka-pantalon at simpleng blouse. Hinawi ko ang buhok ko habang papalapit sa taxi na pinara ko.

Nanginginig ako hindi dahil sa lamig sa loob ng taxi kundi dahil sa takot at kaba na nadarama ko. Hindi ko alam kung bakit umabot sa punto na ito. Hindi ko naman akalain na kaya niyang pumatay ng isang kakampi. Pinatay niya si Vince. Alam kong siya lang ang gagawa nun.

Simula noon, nabagabag na ako sa susunod na manyayari. Halos hindi ako makatulog. Baka isunod na niya ako. Baka patayin niya ako habang ako'y natutulog. Baka... dalhin na niya ako sa impyerno.

Ayoko.

Hindi ko pa oras.

Pinatay ko si Camille dahil sa kagustuhan niya. Ginawa ko yon para sa ikakatahimik niya, ayaw niyang mailabas ang sikreto ni teacher Yuko. Ayaw niya, may pinoprotektahan siya. Isang napakahalagang tao sa buhay niya. Bumisita ako kay Camille bago ang gabi na papatayin ko siya dahil sa pag-uutos niya pa rin. Kailangan kong maging pamilyar sa lugar upang mas maging madali ang gagawin kong pagpatay.

Binayaran ko ang driver at umalis na ako sa taxi. Nakita ko siyang nasa labas ng bahay, nakasandal sa pader at nakatingin sa akin.

"Anong sasabihin mo?" seryoso niyang tanong.

"Tulungan mo ko." Tanging sinabi ko.

"Tulungan sa?" Napaalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin na may pagtataka sa mga mata niya. Kitang kita na interesado siya sa mga sasabihin ko.

"Tulungan mo kong patayin si Akira."

Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya.

-----------------------------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 343K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
1K 146 44
Jhazrell is a normal girl, that's what she thinks. When she was a child her mother gave her a necklace that can protect her from seeing strange thing...
1.4M 38.6K 63
WARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...