Lock & Luck (A futuristic rea...

Par wantobehappy

195K 3.6K 2.2K

Be patient to stay TOGETHER or Risk everything just TO-GET-HER Plus

Lock & Luck (A futuristic reality...)
Chapter 1: The Ring
Chapter 2: Pain reliever
Chapter 4: Broken strings
Chapter 5: A new light
Chapter 6: That sweet embrace
Chapter 7: That warm embrace
Chapter 8: That surprise kiss
Chapter 9: Official Receipt
Chapter 10: Made in China? - Part 1
Chapter 11: The Great Wall of China (Made in China - Part 2)
Chapter 12: The magical coupon
Chapter 13: Hotel room or rooms?
Chapter 14: Jingle bell
Chapter 15: It's time
Chapter 16: Acceptance
Chapter 17: The Wedding Plan
Chapter 18: Butterfly Kisses
Chapter 19: Strings attached - Part 1
Chapter 20: Strings attached - Part 2
Chapter 21: Trust - Part 1
Chapter 22: Trust - Part 2
Chapter 23: Tender love and care - Part 1
Chapter 24 - Tender love and care - Part 2
Yun!

Chapter 3: The food choice

6.7K 124 76
Par wantobehappy

Matt’s POV

Day 6

Now I know myself a lot better. I know what I really want and I know what will make me really happy.

And now I’m sure that I can’t get through without her...

I’ll do whatever it takes just to have her back. Even if I have to abstain for some more years, I just want her back in my life, man...

After I had my breakfast, I started to call her.

23 attemptsbut it just keep on ringing and on the 24th I heard, The number you have dialled is either unattended or out of coverage area.” Jeez... Its either her phone got empty or she turned it off...

I hope it’s the first one.

Kaya naglakas-loob na ako, I dialled her Mom’s number. Bahala ng matalakan at masigawan.

Mommy D: Matt?

Matt: Opo Tita... (I don’t know how to start it... I’m literally shaking)

Mommy D: Ano ba nangyari sa inyo, Hijo?

Matt: Aah... uhm... (Ano ba yan? Sumagot ka! Parang umurong yata ang dila ko.)

Mommy D: May ibang babae ka ba?!

Matt: Wa...wa-la po! (Nauutal ko pang sabi) We just had a big argument... It’s my fault po, Tita. That’s why she broke up with me.

Mommy D: Nagbreak kayo?!! (Gulat na gulat na sabi ni Tita)

Matt: She didn’t tell you po?

Mommy D: Hindi yun makikipaghiwalay ng ganun na lang, hijo. Not unless... Binastos mo ba ang anak ko?! Magsabi ka!

Matt: Tita, hindi naman po ganun yun... It’s just that we have these differences and we got emotional... Something like that...

Mommy D: ‘Yan na nga bang sinasabi ko eh...Hindi niyo pa rin talaga alam kung paano dalhin yang emosyon na yan.

Matt: Tita, pwede po ba akong pumunta diyan? I’ve been trying to reach her pero hindi po niya sinasagot.

Mommy D: ‘Wag muna ngayon dahil kailangan muna naming mag-usap.

Matt: Bukas po?

Mommy D: May shooting siya sa Bulacan para dun sa movie niya.

Matt: Pwede po ba akong pumunta dun?

Mommy D: Ikaw ang bahala... Pero sana lang ‘wag kayong gumawa ng eksena... Or mapipilitan akong paalisin ka.

Matt: Thank you po Tita. Pasensiya na po kayo... Hindi na po mauulit.

Mommy D: Sige na... At may gagawin pa ako. (Putol nito sa usapan namin)

Mukhang napasama pa yatang tumawag ako kay Tita. Hindi pala niya ipinaalam sa kanila na wala na kami.

Sarah’s POV

 

Day 6

Nakita ko sa screen ng phone ko ang pangalan niya. Parang natulala ako at ‘di malaman kung sasagutin ko ba ito. Pero mas pinili kong hayaan mag-ring na lamang iyon. Para saan nga ba bakit siya tumatawag pa? Ring lang ng ring ito...

Sasabihin ba niyang nagsisisi na siya? Malabo... may kasama na ngang babae nung isang araw ‘di ba?! Hayop siya...

Hinawakan ko yung phone ko at tinitigan ko lang yung pangalan niya dun.

‘Love’ pa rin pala, hindi ko pa nababago... Wala pa rin kasing nagbabago dito (Sabay duro ko sa dibdib ko) At tumutulo na naman yung luha ko.

I was about to touch the >>slide to answer>>> but then I saw my phone flew hard on the wall and it break. I threw it.

-----------------------------------------------------------

Bago ako matulog ay pumasok sa room ko si Mommy.

Mommy D: ’Nak, matutulog ka na ba? Pwede ba kitang makausap?

Sarah: Po?

Mommy D: Alam ko nang nakipaghiwalay ka kay Matteo. Tumawag siya kanina at marahil hindi niya alam na hindi ka nagsabi sa amin... Bakit mo naman sinarili ‘Nak?

Sarah: Kasi... hindi ko po alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko  po alam kung paano ko ipapaalam sa inyong nabigo na naman ako...

 

At umiyak na nga ako ng tuluyan. Tahimik lang si Mommy habang yakap-yakap ako.

 

Sarah: Paano ko po sasabihin sa inyong mukhang nagkamali na naman po yung anak ninyo...

Hinagod lang nito ang likod ko dahil umiyak na talaga ako ng lubusan.

 

Mommy D: Kakayanin mo yan ‘Nak. Nandito lang lagi ang Mommy at Daddy... (Sabi niya sa pilit na pinatatatag niyang boses)

Sarah: Nakakapagod na My... Parang ayoko na po. Ginagawa ko naman po lahat para magpakabuti pero bakit nangyayari pa rin sa’kin ‘to?

Mommy D: Darating din yun ‘Nak. Kung hindi man siya, ibibigay yun sa’yo ni Lord.

Sarah: Parang hindi ko na po kayang magmahal ng iba, My. Hindi ko na makita ang sarili kong iba yung kasama...

Mommy D: Kung gano’n ay ayusin niyo ‘yan.

Sarah: Hindi ko po alam kung maayos pa. Hindi ko talaga alam...

 

----------------------------------------------------------------

2nd week nang shooting para sa reunion movie namin ni Gerald.

You heard it right, pumayag ako sa reunion movie sa ‘ex’ ko. Akalain mo?! Well, I matured and I’m secured.

By the way, 4 months ago nang mapabalitaang nagbreak sila ni Ate Maj.

Hindi malinaw ang dahilan nang break-up pero ang bulung-bulungan, si Ge daw ang nakipaghiwalay.

Ganun pa rin si Ge, malandi pa rin siya. Haha! Pero natuto na akong umiwas, siyempre may boyfriend akong tao. Wala na nga lang ngayon...

Isu-shoot ngayon ang isa sa mga ‘kilig’scene namin. Anak mayaman kasi ang ganap niya dito, samantalang ako ay simpleng teacher lamang sa isang International School for Children. Isa akong pre-school teacher at isa sa mga estudyante ko ay pamangkin niya.

We are about to shoot our next scene nang medyo magkagulo ang production staff & crew.

Maya-maya pa ay nakita kong may nagsi-set-up nang parang catering doon sa tabi.

Sino kayang may birthday? Naks... ‘Tamayo’s Catering’ Sosyal!

At lumantad nga ang isang taong ayong ko pang makita sa pagkakataong ito.

Gwapo pa rin ito kahit na mukhang hindi ito napagkakatulog.

Naka-red polo shirt ito at ragged jeans. Kung hindi lang ako ganito kagalit sa kanya ay baka nahalikan ko na ito. Pero mas nananaig yung galit... yung sakit.

May dala pa itong bulaklak, eh kung ihampas ko kaya sa pagmumukha niya iyon?

Kilig na kilig ang mga tao sa paligid namin. Kung alam lang nila kung anong sitawasyon namin ngayon, haisst!

Staff 1: Tsalap, tsalap naman ni Papa Matt!

Staff 2: Ang swerte talaga ni Bebe Sarah diyan! Sobrang sweet... grabeh!!!

Staff 3: Kaya nga kay Papa Ge na lang tayo, taken na yan!

Staff 2: Baka naman pwede pang ahasin?! Wahaha!

Staff 1: Kaloka ka! Baka marinig ka...

Gosh... Ganito na ba talaga mag-isip ang lahat ng tao ngayon?

Sige... Kung gusto ninyo, inyong-inyo na! (Labas sa ilong na saloobin ko)

Matt: Love... (Mahinang bati sa akin nito).

 

Hindi ako sumagot pero hindi rin naman ako umalis sa kinauupuan ko kahit na gusto kong umiwas.

Ayokong gumawa kami ng eksena doon.

Nang mahalata niyang hindi ako tumitingin sa kanya, inilagay lang niya ang bulaklak sa may tabi ko sabay upo doon sa may unahan ko.

Matt: Love... Kausapin mo naman ako oh.

Sarah: ‘Wag kang gumawa ng eksena dito. Umalis ka na. (Halos pabulong na sagot ko sa kanya)

Matt: Sorry... Dito lang ako sa tabi, hindi naman ako manggugulo.

Sarah: Bahala ka... (Sabay inalisan ko ito at nagpunta ako kung nasaan yung ibang cast).

Nakaupo nga lang siya doon at matiim na nakatingin sa akin.

Maya-maya pa ay nag-resume na yung shooting.

Ito yung eksena kung saan kinukulit ako ni Ge na dalhin yung gamit ko pero todo-iwas ako.

Naka-limang take kami nung eksena pero hindi pa rin satisfied si Direk Cathy.

She ask the production team na i-adjust yung ilang production design, ma-detalye kasi talaga ito.

Hindi kami umalis dun sa pwesto namin ni Ge habang inaayos pa nila yung ibang props.

Kwentuhan muna nang kung anu-ano. At itong si Ge, nanlalandi na naman.

Napakahilig niya talagang kalbitin yung kili-kili ko.

Pero hindi ako umiwas this time. O sige na... nananadya ako.

Sarah: Ano ba Ge? Para kang tanga... (Medyo may kaunting landi kong sabi)

Gerald: Basa pa din yung kili-kili mo.

Sarah: Mind your own kili-kili, okay?! (Galit-galitan kong sabi)

 Gerald: Arti-arti...halika nga dito. (Sabay hila sa akin nito na halos mapayakap ako sa kanya)

Sarah: Kainis ‘to! (Sabay hampas ko sa braso nito)

Gerald: I missed this... (Sabay hawak dun sa kamay kong pinanghampas ko sa kanya. Pero kinawala ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya).

 

Medyo lumungkot yung mukha nito kaya’t hinawi ko ng mga daliri ko yung buhok niya at napangiti ito.

Sarah: Ang landi-landi mo pa rin... (Sabay mahinang sampal ko sa pisngi nito).

At natawa ito sa sinabi ko. Tiningnan ko sa gilid ng mga mata ko si Matt. Madilim na madilim ang mukha nito habang nakakuyom nang mahigpit ang palad nito at halatang pinipigilan lang sumugod kung nasaan kami. Buti nga sa’yo! Kulang pa yan...

Nakunsensiya naman ako para kay Ge dahil medyo nagamit ko ito para lang galitin yung isa.

Noong nagbreak-time naman ay tuwang-tuwa ang lahat sa pa-cater ni Matt. Puro italian kasi yung food, yung 3 klaseng ulam at 2 klaseng pasta.

Pati sa akin ay nagpapa-‘thank you’ sila.

Wala akong tinikman ni isa. Nagpabili ako sa P.A. ko ng sandwich doon sa malapit na establishment near the site at yung ang kinain ko.

Direk Cathy: Oh, ba’t iyan lang ang kinakain mo?

Sarah: Hindi po ako mahilig sa ganiyan pagkain (Sabay tingin ko sa kanya)

Gerald: Aah... You prefer American than Italian? (Makahulugang sabi nito)

Narinig kong tumikhim ang ilang nandoon. Nakita ko ring naniningkit na ang mga mata ni Matt.

Sarah: Hindi naman sa ganoon... Ayoko lang ng Italian food sa ngayon.

Gerald: Nagsawa ka na sa Italian food, ganun? Or na-miss mo yung American food?

Direk Cathy: Oooh...

 

I didn’t answer... Why would I bother? Bahala siyang mag-isip, bagay lang sa kanya yun...

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng sandwich.

Maya-maya habang nagpapababa  lang kami ng kinain, bigla siyang lumapit sa akin at nagpaalam na.

Matt: I’ll be going... (Sabi nito habang malungkot yung mata).

 

He waited for my response pero hindi ako sumagot.

He inhaled deeply and slowly walks away....

Author’s Note:

1. Nanghinayang ako sa IPhone! Okay lang sana kung 3310 yun Sars. Pwede namang yung charger na lang ang hinagis mo! IPhone yun, IPhone!

2. Tigilan ang nabubuhay na mga Ashralds heart diyan... Ashmatt FF po ito!

3. Medyo naawa naman ako para kay Papa Matt ko dito. Kung ayaw mo sa kanya Sars, akin na lang siya! Wala nang bawian!

 

Kayo po, sandwich o spaghetti?

Tama ba yung treatment sa kanya ni Sars? O dapat lang yun kay Matt?

Comments please... Nakaka-update ako agad kapag maraming kuro-kuro from my readers :)

 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

8.5K 271 17
AshMatt fanfic
3.5K 212 44
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
97.8K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
11.9K 432 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...