Branded Series Book 2: Melodi...

By BinibiningAbbott

544K 12.8K 622

When a baby plays cupid, can you resist it? SPG WARNING/ R-18 More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
EPILOGUE

CHAPTER 1

26.5K 539 27
By BinibiningAbbott

A/N: Annyeong~~ 😂 Ang timeline po nito ay halos kasabay lang po sa kwento ni Keith at Mary Grace.😊

CHAPTER 1

“MELODIA, araw- araw ka na yata dito. Baka nakaka- istorbo na kami.” Mahinang sambit ni Nika habang pinapatulog ni Melodia si Reese.

They were friends since college and became closer when Nika applied as music teacher in her academy. Pero sandali lang ito doon dahil lumala ang sakit nito.

“Niks, kailan ba kayo naging istorbo? Saka nami- miss ko si Reese kapag hindi ko siya nakikita.” Sagot niya.

Tipid itong ngumiti. Nanghihina na ang matalik niyang kaibigan dahil sa lupus nito. Lalo itong lumala ng mamatay ang asawa nitong si Fred. Naaawa siya sa anak nitong si Reese.

Reese was a miracle baby. Akala nina Fred at Nika ay hindi na sila magkakaanak dahil sa sakit ng kaibigan niya.

“Mel, can I ask you a favor?” Kapagkuwan ay tanong nito.

Nagkibit- balikat lang siya. “Sure. Ano ‘yon?”

Tumikhim ito. “I’m getting worse every passing day, hindi ko na alam kung bukas magigising pa ako,”

“Niks.” Putol niya sa sasabihin nito. “No. Huwag kang magsalita ng ganyan.”

“Let’s be realistic Mel, we both know na hindi na ako gagaling. Kaya nga hindi na ako nag- stay sa ospital di ba?” Mataman siya nitong tinitigan. “Gusto ko lang sanang hingin sa’yo na kahit ano’ng mangyari, huwag mong pababayaan si Reese ko. Kahit na gusto ko siyang alagaan, wala akong magagawa.” Namalisbis ang mga luha sa mga mata nito. “K-kung s-sakaling ma-mawala man ako, please, ikaw na ang b-bahala sa b-baby ko. Mapapanatag ako kung…kung ikaw ang mag- aaruga sa kanya.”

“Niks naman eh.” Sansala niya. Ayaw niyang naghahabilin ang kaibigan. Masakit pakinggan at mabigat sa dibdib.

“Please, make her feel that she is loved. Ayokong maramdaman niya na mag- isa siya dahil ulila siya. Naramdaman ko ‘yan noon, and that was hell. Oo, inaalagaan kami sa orphanage, pero iba pa din talaga kapag may nakagisnan kang tahanan, hindi orphanage. Ayokong maramdaman din ‘yan ni Reese. Please, Mel. Promise me that you will be there for my Reese. Please?”

“Stop begging, Niks. Alam mong hindi ko rin kayang pabayaan si Reese. And yes, I promise. Hindi ko siya hahayaan sa orphanage. So, please, just be okay. Reese still needs you.”

She timidly smiled. “I’m trying, Mel. But I’m getting tired. My illness is slowly eating me. But I will fight until I can. I promise.”

Inayos niya ang kumot nito habang karga si Reese. “That’s the spirit. Now, sleep and rest.” Inilapag niya si Reese sa tabi nito na mahimbing ng natutulog. “Dito lang ako sa sofa.”

Nahiga na siya sa sofa at pinatay na ang ilaw. Tanging dim light lang malapit sa pinto ang natirang nakabukas. Tinanggal na rin niya ang salamin niya.

Nahiga siya sa sofa at humarap sa mag- ina na nasa kama. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito pinagdadaanan ng kaibigan niya.

“Nga pala, Melodia.” Tawag sa kanya ni Nika na hindi pa pala nakatulog.

“Yes?”

“Nagtanong sa’kin si Andre kanina kung pwede daw ba kayong mag- usap. Ibibigay ko sana ang number mo sa kanya, okay lang ba?”

Kumunot ang noo niya sa narinig. “Tungkol saan ba ang pag- uusapan namin?”

“Ayaw niyang sabihin sa’kin eh. So, okay lang ba? Ibibigay ko bukas sa kanya ang number mo kung papayag ka.”

Ano naman ang pag- uusapan namin? Baka may kinalaman ‘to kay Nika at Reese kaya ayaw niyang sabihin kay Nika kung bakit.

“S-sure.”

“Panay din ang tanong n’on tungkol sa’yo. Ewan ko ba d’on bakit bigla yatang naging interesado sa’yo.”

Napangiti siya sa sinabi nito. Interesado sa kanya si Mr. De Marco? Talaga?
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Oh shít. Nakita n’on ang dibdib ko!

Napakurap- kurap siya dahil sa iniisip niya. Babaero ‘yon, Melodia. Sobrang babaero. Gwapo at machong babaero.

OMG, What??

“Melodia,” Tawag ulit sa kanya ni Nika kaya natigil ang iniisip niya. “..bagay kayo ni Andre.” Panunudyo nito kahit walang lakas ang boses.

“Hay naku, Niks. Matulog na nga tayo. Tao kami, hindi kami bagay.” Mabilis niyang sagot at mahinang natawa ang kaibigan niya.

“Alam mo ba, siya lang ang lalaki na nakagaanan agad ng loob ni Reese. Saka, mabait naman si Andre. May pagka- chickboy lang siya pero grabe siya mag- alaga kapag ginusto niya.”

Tumaas ang kilay niya sa sinasabi nito. “Why are you telling me that, Niks?”

“Wala naman. Trip ko lang sabihin. Be nice to him, Mel. ‘Cause he’s a good man.”

Saglit siyang natahimik. “Matulog na nga tayo.”

Narinig niyang mahina itong natawa pero hindi na niya pinansin. Kailangan na niyang matulog para maaga siyang makaalis bukas at hindi sila mag- abot ni Andre na nakita na ang dibdib niya.

PAGDATING NI Andre sa bahay ni Nika, wala na doon ang kaibigan nito na napag- alaman niyang Melodia ang pangalan. At pinapakain na ng katulong si Nika.

“Hi, Niks, good morning.” Bati niya rito nang makapasok sa silid ng mag- ina.

Nginitian siya nito. “Good morning, Dre.”

Dumeretso siya sa crib kung saan naroon si Reese na nakatayo doon sa loob at nakangiti nang makita siya.

“Reese, baby!” Masiglang bati niya at binuhat agad ang bata at pinupog ng halik ang mga pisngi nitong cute na cute. “Ninong Dre missed you!”
Napabaling siya kay Nika na mahinang natawa.

“Ginawa din ‘yan ni Melodia bago umalis. You just had an indirect kiss with my best friend.” Panunudyo nito.

Nag- init agad ang mukha niya. No, ang katawan niya. Naalala niya ang nakita niya eh. Shít!

Tumikhim siya. “Whatever, Niks.” Whatever, pero natuwa talaga siya.

Lumabas na ang katulong dahil tapos ng kumain si Nika.

“Dre, okay na pala kay Melodia na ibigay ko ang number niya sa’yo.” Anito habang nakasandal sa headboard ng kama.

Nagliwanag ang mukha niya. “Talaga? Sige, akin na.” Mabilis siyang lumapit kay Nika at iniabot nito sa kanya ang cellphone.

“Hanapin mo na lang sa contacts ko. Melodia.” Nakangiting sagot nito. “Akin na si Reese.”

Kinuha niya ang cellphone at maingat na inilapag si Reese sa hita nito. Kahit nanghihina, lagi pa rin nitong kinakandong ang anak.

Naupo siya sa upuan na katabi ng kama nito at mabilis niyang nahanap sa contacts ang number ni Melodia at agad na ini- save ‘yon sa phone niya.

“Ano ba kasi ang pag- uusapan niyo, Dre?” Tanong ni Nika.

“Ahm.. Things..and stuff..Basta. You don’t have to know.” Nakangising sagot niya.

Nailing ito. “Galawan mo Andre. Oi, huwag mong paglaruan ‘yang si Melodia ha. She’s my best friend, and she’s a good woman. Mumultuhin talaga kita Dre.” Anito sa seryosong boses.

Nagsalubong ang kilay niya sa huling sinabi nito. “Ano’ng mumultuhin, eh hindi ka naman mamamatay.”

Ngumiti ulit ito. “Pwede ba, d’on din ang bagsak ko. Alam niyo ‘yan.”

Natahimik siya sa sinabi nito. Ayaw niyang isipin na mamamatay ang asawa ng best friend niya. At naaawa siya kay Reese.

Napatingin siya sa mag- ina. Reese keeps on mumbling and laughing while looking at her mom. And Nika, she looked so pale and weak, but when she’s holding Reese, she looks lively. Pero nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung alam mong iiwanan mo ang anak mo sa mura niyang edad?

“Dre,” Natigil ang iniisip niya sa boses nito. “..Don’t leave Reese in an orphanage ‘pag wala na ako ha?”

Napabuntong- hininga siya. “I won’t. I promised Fred that I will take good care of you and Reese. So, please, Niks, be strong for Reese.”

Nanubig ang mga mata nito habang nakatitig sa anak. “Mahirap maging strong kapag karamdaman ang kalaban, Dre. And I know, I won’t last that long. I can feel it.”

“Nika.”

Bumaling ito sa kanya. “Please, I know this is too much to ask, but please, make her feel loved and she’s not alone. Mapapanatag ako kapag alam kong nasa mabuting kamay siya, sa mga taong kilala ko. I don’t want to hand her over to a stranger.”

Hinawakan niya ang kamay nito. “Don’t worry too much, Niks. Lalo kang nasi- stress niyan. And I promise, I won’t leave Reese behind. I will take good care of her until my last breath, so stop worrying.”

“Thank you, Dre. Thank you. My husband was really lucky to have a best friend like you.”

“Don’t mention it.”

Napansin niyang nanghihina ito kaya agad niyang kinuha si Reese at naupo sa tabi nito para hindi ito matumba.

“Niks!” Wala siyang choice kundi kunin muna si Reese at inilagay sa gilid ni Nika para maayos niya itong maihiga.

“Wait, baby. Stay there, okay?” Pagkausap niya kay Reese habang nakasuporta kay Nika ang isang kamay niya.

Nang mailipat na niya ang bata, inalalayan niyang makahiga ng maayos si Nika at inayos ang kumot nito.

Reese leaned in to Nika and tried reaching her moms face. Inihiga din niya si Reese sa tabi ni Nika na agad nitong niyakap.

“Reese, mommy loves you, never forget that.” Bilin nito sa anak.

Naninikip ang dibdib niya sa nakita. Kung nabibili lang sana ang buhay, bibili siya. Para hindi na maghiwalay ang mag- ina ng best friend niya.

That’s when realization hits him. He must spend his time wisely with his love ones and on important things. Not on the usual stuff that he always do. Girls and non- sense past times.  Kasi hindi na natin maibabalik ang buhay kapag nawala ito.

“I love you, Reese. To the moon and back.” Nanghihinang sambit nito at ngumiti na may mga luha ang mga mata. Reese is smiling at her and hugging her tight.

Tinuyo niya ang mga luha nito. “Rest, Niks. Paliliguan ko lang si Reese. If you need anything or you’re in pain, you know what to do. Here’s the button.”

Inilapag niya ang maliit na button sa gilid ng unan nito. If she press that button, they will hear a bell, letting them know that she needs something.

“Thanks, Dre.” Tipid na sagot nito at ipinikit ang mga mata. Siya naman ay binuhat si Reese at dinala na sa banyo.

He’s a bachelor, but he got used on taking care of Reese. He’s an expert now.

Habang pinaliliguan si Reese, nag-iisip siya ng dahilan para makapag-usap naman sila ni Melodia.

Ang totoo, wala talaga silang pag-uusapan, gusto lang talaga niyang makuha ang number nito.

Pagkatapos niyang bihisan si Reese, pinakain na niya ito ng baby food saka pinatulog. Saka lang siya bumalik sa kwarto ni Nika para ilagay si Reese sa crib. Si Nika naman ay mahimbing na natutulog.

A naughty smile escaped his lips when he remembered something.

Nica's birthday is just around the corner. I have a reason now.

Umupo agad siya sa sofa na naroon saka kinuha ang cellphone niya. Gumawa siya ng message.

'Hi, this is Andre. Can we talk later? Hintayin kita dito sa bahay ni Nika kung okay lang sa'yo. Thanks'  😊

He grinned and searched for Melodia's contact name. He saved it as Melon. Then he pressed send. Pigil niya ang tawa kung bakit Melon ang nilagay niya.

That was one hell of a melon. No, it was two. Two melons.

Napatuwid siya ng upo nang tumunog ang message alert tone niya at agad na napangiti.

Melon: Sure. See you.

Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakangiti sa simpleng reply nito na wala man lang ka-emoji-emoji.

Ang seryoso naman ng babaeng 'to.

Pero masaya talaga siya at hindi siya na-snob.

"Mukha kang tanga." Anang boses na nagpabalik sa diwa niya.

It was Nika. Hindi man lang niya namalayan na nagising ito.

Nginitian niya ito. "Tanga agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Hay naku Andre. Si Melodia 'yan nuh?"

Tumayo siya nang makitang babangon ito. "Not for you to know, Niks." Tinulangan niya itong makaupo. "Need something?"

"Water please." Nangingiting sagot nito.

Pasipol-sipol siyang naglagay ng tubig sa baso at ibinigay iyon kay Nika.

ABALA SI Melodia sa pagpili ng libro sa Raz Bookstore nang makatanggap siya ng text mula kay Andre.

"Sino ba 'yan, Beshy? At mukha kang tanga diyan na nakangiti?" Nagtatakang tanong ni Jarine na kasama niyang namimili ng libro.

They were co-workers before she put up her own Music Academy. She was a music teacher and Jarine is the librarian. At lagi siya sa library kaya naging ka-close niya ito. Not to mention, magkalapit ang unit nila sa El Fili Condominium.

"Ang best friend ng asawa ng best friend ko." Sagot niya.

"Wala siyang pangalan?" Sarkastikong tanong nito.

Mahina siyang natawa. "Si Andre De Marco."

Napakurap-kurap ito. "The football player?"

Tumango lang siya at nag-reply.

"Talaga? Si Andre De Marco?" Parang hindi makapaniwalang tanong ulit nito.

"Oo nga. Isa pang tanong beshy kukutusan na kita." Pagbibiro niya.

Ngumiti ito. "Close na kayo? Kung oo, gaano ka-close?"

Inirapan niya ang kaibigan. "Alam ko na ang takbo ng utak mo kaya tigilan mo ako." Aniya at nagtungo na sa counter dala ang mga librong bibilhin niya.

Tumawa lang ito at hinila siya  patungo sa gilid ng counter at doon inilapag ang mga librong bibilhin nila. Inasikaso agad sila ng empleyado doon kaya nagtaka siya.

"My friend own this book store so VIP ako kahit pa nasa Iloilo 'yon." Nakangisi ito na parang alam ang iniisip niya.

Her lips formed an 'O'. Sana all VIP.

Pagkatapos nilang magbayad, sabay silang nagtungo sa parking lot at naghiwalay na dahil pareho silang may kotse.

"Bye, Beshy. See you sa condo kapag di ka na busy kay Andre." Panunudyo nito at nakangising pumasok na sa kotse.

Nailing na lang siya at pumasok na din sa kotse niya saka bumalik sa Music Academy.

Kinahapunan, dumeretso muna siya sa Milk Tea Shop ng kaibigan niyang si Shynne at naabutan niya din doon si Rodessa. Mga kaibigan din niya ang mga ito dahil magkakalapit ang unit nila sa El Fili. Siya ay nasa unit 142, si Shynne sa 144, si Rodessa sa 145. Malapit din si Jarine sa dalawang 'to. Nasa unit 147 naman ito.

Bibili siya ng dadalhin niya sa bahay ni Nika.

"O, Lopez. What brings you here?" Tanong ni Shynne pagkapasok niya. "Wala akong bahaw dito." Pagbibiro nito. Mahilig kasi siya sa bahaw.

"Heh!" Pabirong singhal niya. "Bibili ako ng dadalhin ko kay Nika at Reese."
Binalingan niya si Rodessa na nakaupo sa tabi ni Shynne sa counter. "Ikaw, bakit ka nandito?"

Nginitian siya nito. "Tumambay lang ako dito, Teh. Maaga akong nagsara ng salon ko para makapagpahinga naman ako."

Ate ang tawag ni Rodessa sa kanila ni Jarine. Konti lang naman ang agwat ng edad nila pero gusto talaga nitong Ate or Teh ang itawag sa kanila.

Agad siyang nag-order ng isang box ng egg pie at coffee jelly for take-out saka nagpaalam na sa mga kaibigan niya.

Pagpasok niya sa kotse, agad siyang nagmaneho patungo sa bahay ni Nika. Buti na lang hindi gaanong ma- traffic ang daan papunta sa bahay nito kaya agad siyang nakarating doon.

Bababa na sana siya nang mahagip ng paningin niya ang magazine. Hinugot niya ang magazine na kasama sa pinamili niya kanina.

Zeus Magazine. The famous men's magazine and it features the country's hot and rich bachelors. At si Andre ang featured bachelor sa issue na binili niya.
Tinago pa niya ito kanina para hindi makita ni Jarine. Ang lakas pa naman manudyo ng babaeng 'yon.

Imbes na bumaba, nagbasa muna siya doon. Gan’on na lang ang panunuyo ng lalamunan niya nang pihitin niya ang pahina ng magazine. Naka- boxers lang si Andre doon sa picture. He’s endorsing a male underwear brand.

Bakit ba ako bumili ng men's magazine?? Jusko Melodia maghunos-dili ka.

Biglang may kumatok sa bintana ng kotse kaya napaigtad siya. Gan’on na lang ang pag- init ng mukha niya nang makitang si Andre ‘yon. At nakatingin ito sa hawak niya. Hindi kasi tinted ang kotse niya kaya kitang- kita nito ang binabasa niya.

Huta ano’ng gagawin ko??? Nakakahiya!

She thinned her lips and closed the magazine. Agad niyang kinuha sa passenger’s seat ang pinamili niyang pagkain at patay- malisyang lumabas ng kotse at naroon si Andre na pangiti- ngiti.

“I didn’t know you were lusting over me.” Preskong bungad nito pagkalabas niya.

“Mali ang iniisip mo. Nadaanan ko lang ang page na ‘yon.” Taas- noong sagot niya.

Eh bakit ba ako nagpapaliwanag?

“Eh ikaw? Bakit ka ba nandito sa labas?” Tanong niya sa binata.

Kinuha nito ang mga dala niya. “Narinig ko ang kotse mo kaya tiningnan ko kung ikaw nga. Nagtaka ako bakit di ka pa bumaba. Thinking that something’s wrong, lumabas ako. Then I saw you lusting over my sexy body in the magazine.”

“Ang lakas ng bagyo. Pumasok na tayo.” Kunyari hindi siya nahihiya.

“After you, Mely.” Pangiti- ngiti ito at iminuwestra ang kamay na mauna siya.

Nalukot ang mukha niya habang naglalakad sa unahan nito. “Mely?”

“You.”

“Melodia ang pangalan ko.”

“That’s my pet name for you.” Sagot nito habang nakasunod sa kanya papasok ng bahay. “Mely.”

“Do I look like a pet to you?”

“No. But you’re cute and I want to pet you so I’m gonna call you Mely whether you like it or not.” Isinara na nito ang pinto.

“Fine. Then I’ll call you Andy.” Mabilis niyang sagot at hinarap ito.

Nahinto ito sa paglalakad at bumaba ang tingin sa dibdib niya.

Ang manyak na ‘to!

Inayos niya ang polo shirt niya kahit maayos naman iyon dahil lahat yata ng dugo niya sa katawan ay napunta sa mukha niya. Inirapan lang niya ito at tinalikuran. Sabay silang pumasok sa kwarto ni Nika.

Naabutan nila si Nika na nakangiti at nasa kama nito si Reese. Inilapag naman ni Andre ang dala niyang mga pagkain sa center table doon.

“Nakapag- usap na ba kayo?” Tanong ni Nika.

“Hindi pa. Kainin muna natin itong dala ni Mely.” Si Andre ang sumagot.

Napangiti si Nika. “Mely?”

Ininguso siya ni Andre. “Pet name for her.”

“What ever, Andy.” Sagot naman niya at lumapit sa mag- ina.

“Andy?” Ngumingiti ng nakakaloko si Nika.

Ininguso din niya si Andre. “Pet name sa kanya kasi mukha siyang hayop.”

“Hey! I heard that, Mely!” Ingos nito. “Ang gwapo ko namang hayop! Pinagnanasaan mo pa nga!”

“Shut up.” She answered coldly.

Kinarga niya si Reese habang patuloy sa pagri- reklamo si Andre. Si Nika naman, nanunudyong nakangiti sa kanya.

Gwapo ka ngang hayop. Gwapo at katakam-takam na hayop. Ipinilig niya ang ulo sa naiisip niya. This is so not me.

#StartOfSomethingNewToCum_ComePala 😂

❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

9K 118 29
RAJ SHAH Wild Men Series #10 of 34 18+ rated "I am the one in charge, baby; I can do whatever I want," he said softly to Xianna, lightly biting her...
1M 23.4K 29
Daemon Jax Smith is a serious, wicked lawyer that has a 100% win rate in his cases starting from the easiest ones until those impossible to win ones...
74.5K 2.4K 27
Ever since Czaren was still in high school, she always had this hidden feelings towards Nate. The older brother of her friend, Julie. Just looking at...
179K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...