AFGITMOLFM (2019 version)

By pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... More

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

49-B [ rekindle ]

4.4K 351 143
By pilosopotasya


NAGISING ako nang naaalala pa rin ang nangyari nung gabi. Muntikan pa akong mahulog sa pool dahil sa panginginig ng tuhod dahil sa sinabi ni Art nang alalayan niya ako. Hindi kami nag-usap pagkatapos dahil nagmadali akong bumalik sa kwarto ko at doon umiyak.

Mugto tuloy ang mga mata ko pagkagising.

Bakit ba kasi umiiyak pa rin ako?

Akala ko ba, naubos ko na 'yong mga luha ko noon?

Lagi na lang ba? Dahil nasa harapan ko siya? Dahil kinakausap niya ako? Dahil hindi pa rin niya ako naaalala? Iiyakan ko na lang ba lagi ang mga ito?

Napabalikwas ako sa malakas na katok ni Humi sa pinto ng kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Humi na nakangiti sa akin at si Art na nasa tabi niya.

"Kain na," pag-aya ni Art.

Ngumiti ako at tumango. Tinatakpan ko rin ang mga mata ko dahil namamaga at siguradong namumula.

Tahimik lang ako nang magkwentuhan ang lahat tungkol sa mga bagay-bagay.

Bentang-benta sa kanila ang mga 'ang love' quotes ni Maria.

"Alam n'yo, guys, ang love, parang bagyo."

"Bakit?" nakangiting tanong ni Cloud.

Tumingin si Maria sa akin at kay Art tapos sa akin ulit. "Ang hirap kasi i-predict kahit may pag-asa na."

Natawa sila kaya nakitawa rin ako. Umaariba rin si Joy dahil kuha siya nang kuha ng pagkain.

"Hoy, Joy, mahiya ka sa mga kaibigan ni Ianne. Ikaw nagbayad?" pagbabawal ni Sunny.

"Duh, that's the point. Libre ito kaya dapat abusuhin ko na."

Natawa na lang si Erin sa sinabi ni Joy. "Nako sige lang, kain lang nang kain. Babayaran n'yo naman kami sa susunod."

Natigil si Joy at halos malaglag ang kinakain niya mula sa bibig.

"Joke lang," sabi ni Erin.

"Aha aha aha aha," awkward laugh ni Joy. "Ikaw ah, 'wag mo akong i-joke nang ganyan, aha aha aha."

Napansin kong tahimik lang si Humi at hawak ang cellphone. Papansinin ko sana siya nang tawagin ako ni Leah.

"Ikaw, Ianne, anong gagawin mo pagkatapos nito?" tanong sa akin ni Leah.

Ngumiti ako. "Hindi ko pa alam. Bahala na."

"Ay, hindi ba may art exhibit ka ngayon, Art?" sabi ni Erin. Napatingin kaming lahat kay Art na nakangiti at parang nahihiya.

"Oo. Mamaya ang opening."

"Tara, punta tayo!"

Gusto ko sanang hindi sumama pero hinila ako ni Cloud at hayaan ko na lang daw na umagos ang mga pangyayari. 'Wag ko raw pigilan kung ano man ang mangyayari.

Fine. Okay, fine.

Pagkarating namin sa gallery, natigilan ako nang sa entrance pa lang ay may tumambad na sa aking painting.

Ang painting na nakita ko sa Lemon Gallery na pinadala ng isang art enthusiast. Ang painting na nawala ang artist ilang taon na ang nakakaraan. Ang painting na alam kong siya ang nagpinta.

Ang mukha kong p-in-aint niya. Tapos na ang painting.

Napatingin ako sa paligid at parang hindi nila napansin na kahawig ko ang painting. Nagkanya-kanya sila ng tingin sa mga artworks.

"Wow, ang galing talaga ni Papa Art," naa-amaze na sabi ni Humi.

"Grabe itu friend, ang gwapo na, ang talented pa," bulong ni Merry kay Leah.

"Ang love, parang paintings . . ." panimula ni Maria.

"Ano na naman 'yan?" tanong ni Joy habang nilalantakan ang pagkain sa gallery.

"Laging may kwento at meaning ang bawat stroke. Parang sa love, lahat ng ginagawa ay may dahilan at kahulugan."

"Waw, nalunod ako sa deepness mo, Mario," natatawang sabi ni Sunny.

"Excuse me, Maria po ako."

Nagtawanan na lang tuloy kami sa kaadikan ni Maria.

Tumingin ako sa mga pader na puno ng paintings. Hindi ako makapagsalita dahil ang gaganda ng paintings niya—at ang ilang paintings niya ay mga nakita ko sa ampunan noon.

Lahat tungkol sa amin. Na hindi na niya maalala.

Umakyat ako sa taas para tingnan pa ang ilang paintings. May isang painting na kumuha ng atensyon ko; ang ganda ng kulay blue at orange na pinagsama. Kitang-kita ang strokes at iba't ibang kulay na ginamit. Kapag malapitan, hindi mapapansin na ang mga random strokes ay makakabuo ng napakalaking image.

Night sky na may ilaw ang pinaka-background. Sa gilid, makikita ang BH o boarding house. Umuulan sa painting pero may dalawang taong hindi iniinda ang ulang 'yon. May payong din sa isang banda na parang binitiwan.

Napapikit ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Alam ko ang pangyayaring 'to. Alam ko kung kailan 'to.

Ito ang araw na naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko sa kanya.

"Akala ko ba nalimutan mo ako? Bakit ganito?"

"Ang alin?"

Napalingon ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Art. For a second, nakita ko ang titig ng Art noon pero bumalik siya sa pagngiti ulit.

"A-ang ganda ng mga paintings mo . . ." Tumalikod ako at yumuko para punasan ang luha ko. "S-saan mo nakukuha ang mga ideas mo?"

Naramdaman kong lumapit siya sa akin dahil nag-init ang paligid. Napataas ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang init ng paghinga niya sa may batok ko.

"Sa mga panaginip ko . . ." bulong niya sa likuran ko. "Sa mga nakikita ko sa utak ko sa tuwing sumasakit ang ulo ko."

Nilingon ko siya at napaatras dahil sobrang lapit na niya sa akin. Nakangiti siyang nakatingin sa mga painting niya. "Akala ko nagha-hallucinate lang ako dahil nung una, malabo pa ang mga nakikita ko pero pagtagal . . ." Ngumiti siya sa akin. "Nagiging malinaw na ang lahat."

Naglakad ako palayo sa kanya dahil nahihirapan akong malapit siya sa akin. Nagpanggap akong tumitingin sa mga paintings pero sobrang naba-bothered na talaga ako sa presensya niya.

"Ang daming pumapasok sa utak ko pero isa lang ang hindi nagbabago . . ."

Paglingon ko, halos isang dangkal na lang ang layo niya sa akin.

"A-ano . . ."

Hindi na ako makapagsalita dahil napatitig na ako sa mga mata niya. Parang bumalik ang mga mata ni Art na sobrang misteryoso pero puno ng emosyon. Parang nakikita ko ang Art ko noon.

"Ikaw lang ang hindi nagbabago. Sa lahat ng nakikita ko sa isip ko, lagi kang nando'n."

"A-Art . . ."

Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil palapit siya nang palapit sa akin. Tumingin ako sa paligid pero kaming dalawa lang ang nasa taas na parte ng gallery. Napaatras ako nang napaatras hanggang sa nararamdaman ko na sa likod ko ang pader.

"Sagutin mo ako, Ianne . . ."

Bumibigat ang bawat paghinga ko. Natatakot na rin ako sa lalim ng boses niya—na parang dati.

"Bakit ka nasa memorya ko?"

Naramdaman ko nang tumutulo ang luha sa mga mata ko pero pinahiran niya iyon ng kamay niya.

"Bakit ka lumuluha kapag magkalapit tayo?"

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko nawala ang boses ko dahil sa mga titig niya.

"Bakit kahit wala akong maalala, nasasaktan akong makita kang nasasaktan?"

Pinipilit kong itulak siya palayo pero hindi siya nagpapatinag sa akin. Palapit siya nang palapit hanggang sa nagsasalitan na kami ng hanging hinihingahan.

"Kaano-ano ba kita?"

Hinawakan ko ang mukha niya na kinagulat niya. Ngumiti ako kahit nasasaktan na ako.

Kahit anong sabihin ko, hindi rin niya maaalala. Wala rin siyang magagawa. Kahit sabihin ko, hindi naman mababalik kung ano man ang meron noon. Ilang na taon na ang nakakaraan. Kung bumalik man ang alaala niya, baka wala na rin ang nararamdaman niya.

"Magkaklase tayo nung fourth year high school."

Natigilan siya sa sinabi ko. Nawala na rin ang pwersa niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para kumawala sa pagkulong niya sa akin. Pababa na sana ako nang magulat akong hawakan niya ako sa braso. Hinila niya ako palapit at niyakap.

Niyakap niya ako nang sobrang pamilyar sa akin kaya tuluyan na akong naiyak. Sobrang higpit ng yakap niya na nararamdaman ko na ang mabilis na tibok ng puso niya.

Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko at bumulong, "mula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin."

Natigilan ako sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako nang nagmadali siyang umalis sa gallery at naiwan ako sa taas na gulat sa pangyayari.

Nang makauwi kami sa resort, hindi na bumalik pa si Art.



note:

Ito ay draft illus ng pangalawang libro ng afgit for summit. Dapat ito ung gagamiting cover pero we opt to choose the other one (yung umuulan, gabi, hs sila) kaysa rito kasi . . . di ko na maalala kung bakit. Haha. So I'm just gonna share this sa inyo. Yay. 

(ngayon lang to nalabas. never to nakita ng kahit na sino beyond this point xD)

kaunting kembot na lang ~

thank you kay d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.9K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...
2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...
12.6K 603 12
This was Published on my other account. Post ko nalang dito because may naghahanap and I lost the PDF copy already haha so here's a story I wrote on...