AFGITMOLFM (2019 version)

De pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... Mais

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

40-B [ consequence ]

15.4K 679 496
De pilosopotasya

(NO SPOILERS!)


Medyo hinihingal na lumapit sa amin si Ellaine. Nakasimangot siya noong una pero biglang ngiti kay Art.

"Hi Art, penepeteweg keshe si Ianne ni DC."

Natawa naman ako kay Ellaine.

Nagpaalam na ako kay Art kahit naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi niya. 

Nang ma-solo na ako ni Ellaine, sumigaw siya agad. "So ano na? Ano na! Musta na kayo ni Art!"

"T-Teka, anong kami?"

Inirapan niya ako. "Duh, Ianne. Hindi mo pa alam na kayo na, alam ko na kaagad. Art-radar, remember?"

Napangiwi na lang ako. "Akala ko ba tawag ako ni DC?"

"Pasalamat ka talaga, babae. Pasalamat ka talaga." Pinanliitan ako ng mata ni Ellaine. "Oo, kanina ka pa hinahanap!" 

Iniwan ako ni Ellaine pagkapasok ko sa office ni DC. Natigilan lang ako nang makita ko si Nate na nakaupo sa isang upuan. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"O, Janine, buti nandito ka na. Pinabalik ko lang sa 'yo yong stapler, halos 30 minutes ka nang nawala," sabi ni DC.

Tumawa ako nang onti. "Sorry po."

"Anyway, bagong suspended 'tong si Nathaniel. Samahan mo siya sa T.L.E. room at paayos ang supplies dun."

Napangiti ako kay DC sa utos niya pero natahimik nang magpunta kami ni Nate sa T.L.E. room. 

Awkward, oo pero hindi na ako kinakabahan. Naiilang lang ako kapag nagkakatinginan kami dahil hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o hindi.

Kaya hindi ko na lang siya tinitingnan.

Pagdating sa T.L.E. room, nagsimula na akong kumilos. Ilalabas ko na sana ang mga cartolinang itatapon nang magsalita si Nate.

"Sorry."

Hindi ako lumingon at nagpanggap na walang narinig

Lumabas ako ng room at tinapon ang mga hawak ko. Pagkabalik ko, nadatnan ko si Nate na nakatayo lang habang nakatingin sa akin nang seryoso.

"Tapos ka na ba sa mga gawain?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Kinabahan ako nang kaunti pero kailangan ko mag-focus sa ginagawa. Focus, Ianne! Dumiretso ako sa pag-aayos ulit nang yakapin niya ako mula sa likuran.

"Sorry, Ianne." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ang lalim ng paginga niya. Humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi ko na kaya. . ."

"N-Nate, ano ba—"

"Mahal pa rin kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Gusto kong kumawala sa yakap niya pero nanghihina na ako.

'Wag ka umiyak, Ianne. Please, 'wag kang umiyak. Hindi ka iiyak.

"Mahal na mahal kita, Ianne," bulong niya.

Ang sakit ng puso ko. Ano bang gusto niyang iparating? Ano na naman ba ang ginagawa niya sa akin?

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Umiiyak siya. Tulo nang tulo ang luha mula sa mga mata niya.

Nagkatitigan kami sa paghawak niya sa pisngi ko. Nangingitim yung ilalim ng mata niya. Mukhang hindi siya nakakatulog. Mukha rin siyang pagod. Parang nangangayayat din siya.

Ngayon ko lang siya ulit natitigan.

Anong nangyari kay Nate?

"Paniwaalan mo ako. Ikaw pa rin talaga."

Feeling ko sasabog na ang puso ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Sobrang nagpipigil na ako sa pag-iyak.

"Tayo na lang. Tayo na lang ulit. Tayo naman talaga, hindi ba?"

Sabi ko hindi ako iiyak. Pero anong ginagawa ko?

Pinunasan niya ang luha sa mukha ko. "Mahal mo pa rin ako, 'di ba? Ako pa rin talaga, 'di ba?"

Lumalapit na ang mukha niya sa akin. Dapat sampalin ko siya o suntukin. Itulak siya. Palayuin siya o lumayo ako. Pero wala akong magawa. Wala akong magawa kundi ang maguluhan. 

Masisiraan na ata ako ng ulo.

"K-Kami na ni Art," nanghihina kong sabi. 

Aalis na sana ako nang magtanong siya na nagpatigil sa akin.

"Mahal mo ba siya?"

Pagkalingon ko, titig na titig siya sa akin.

Hindi ko na kaya . . .

"Bakit ka ba ganyan?!"

"Ianne. . ." Lumapit pa siya sa akin pero tinulak ko na siya.

"Bakit ba kung kailan okay na yung lahat, manggugulo ka? Bakit kailangan mo pa akong sugatan ngayong hinahayaan ko nang maging masaya ulit ako? Hindi pa ba sapat, Nate? Bakit ba napaka-selfish mo?!"

Nagpumiglas ako nang yakapin niya ako pero nanghihina ako.

"Ako naman, Nate! Pagbigyan mo naman akong maging okay!"

Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Hindi ko kayang kalimutan mo ako," bulong niya. "Hindi ko kayang maging okay ka nang wala ako. Hindi ko kaya ang sakit, Ianne. Hindi ko na kayang magkunwaring masaya na wala ka."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Umiyak na lang ulit ako tulad ng dati. 

Ito na naman ako, bumalik na naman sa pagiging mahina.

"Pakiusap." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Nagulat ako nang makarinig nang malakas na kalampag. Pagtingin ko sa may labas ng room, lalo akong nanghina. Napasandal ako sa pader.

"A-Art. . ."

Kumalas si Nate sa akin at tiningnan si Art.

Natatakot na ako. Kitang-kita ko ang galit ni Art sa mga mata. Gusto ko siyang lapitan pero hawak ako sa braso ni Nate.

"Tangina."

Lalo akong naiyak sa buga ng hangin niyang sabi bago siya umalis.

Gusto ko siyang habulin pero ang higpit ng hawak ni Nate sa akin.

"Bumalik ka na sa akin, Ianne."

Hindi ko na alam.

Pagod na pagod na ako physically, mentally at emotionally na parang gusto ko na lang mag-shutdown.

Hindi ako pumasok sa school kinabukasan. Nagpatawag na lang ako kina Mama na hindi muna ako papasok. Pumayag naman ang DC na stay at home na lang ang suspension ko kaysa community service.

Sinubukan kong puntahan si Art sa BH nung araw din na 'yon. Tinext ko siya at tinawagan pero in-off na nga ata niya ang phone niya.

Kahit sa Kapelibro, wala siya.

Wala rin siya sa school nung pinagtanong-tanong ko.

Parang pinutol na niya ang lahat sa amin.

Pagkatapos ng 3-day suspension, pagpasok ko sa school, parang may milyon-milyong aspile ang tumutusok sa katawan ko. Gusto ko na agad umiyak pagkakita ko kay Art na nakaupo sa dati niyang upuan. Malayo sa akin. 

Ni hindi siya tumingin sa akin.

Nung pinapapunta na kami sa GYM para sa graduation practice, sa akin pinapagising ng mga kaklase ko si Art na natutulog sa pwesto niya noon.

Palapit pa lang ako, kinakabahan na ako.

"Uhm, Art."

Nanghina ako nang umupo nang maayos si Art at nakita ko ang mata mukha niyang blangko sa emosyon.

Imbis na tumigin sa akin, tumayo na lang siya at lumabas ng room. Nagtaka ang mga kaklase ko sa nangyari.

Bumalik na naman siya sa dati.

Napangiti ako nang tumulo ang luha ko.

Pagkauwi, tulala ako.

Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin pero ilang beses din niya akong iniwasan. Gusto ko sanang ibalita sa kanya na natapos ko na yung binake kong cookies para sa kanya. Gusto ko sanang ibigay sa kanya nang personal yon.

Gusto ko makita yong expression niya sa unang kagat niya sa cookies.

Pero hindi na ata mangyayari yon.

Pinabigay ko na lang sa dati kong boardmate yung cookies. Pinalagay ko sa harap ng pinto ng kwarto ni Art.

Sana kahit yun man lang, pansinin niya. Matikman sana niya.

Umuwi ako ng bahay at nagpaka-busy sa panonood ng Spongebob Squarepants. Kahit na nakakatawa ang scene, sobrang lutang ang isip ko. Naramdaman ko na lang na lumuluha ulit ako.

Kahit sa pagtulala, naiiyak ako.

Feeling ko nasa MTV ako sa sobrang emo ko.

"Ianne," tawag sa akin ni mama.

Napapunas ako ng luha. 

"May bisita ka sa labas, pinapasok ko na ng gate."

Naghilamos muna ako bago lumabas. 

Pagkabukas ko ng pinto, nagwala na agad ang puso kong pagod na pagod na.

"Hi."



---x

Game ulit! Inline comment kayo sa pangalan ng character na gusto nyong bisita ni Ianne. Convey your thoughts without spoilers. STRICTLY NO SPOILERS PLS!

Si Nate?

Si Art?

Si Cloud?

Continue lendo

Você também vai gostar

29.4K 1.9K 9
COMPLETED/ under revision She wasn't satisfied. She's always hoping that someday she will be more than happy, sticking to what she thinks is destined...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
Just One Answer De pilosopotasya

Ficção Adolescente

2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
1.7M 107K 68
Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.