AFGITMOLFM (2019 version)

By pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... More

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

39-A [ heartbeat ]

21.8K 821 400
By pilosopotasya

[ what you are reading now is the semi-edited version of the afgitmolfm book. in-explain ko lahat sa chapter: (what to expect from this new one) -- check table of contents, 2nd post ito

thank you for reading the earlier notes para di tayo naliligaw lagi! yay. ]


WALA si Art sa classroom. Wala na rin yong bag niya. Nagtanong ako sa mga kaklase namin pero wala rin silang alam. Umalis na lang daw dala yong bag. Nilibot ko na ang buong school pero wala pa rin siya. Nagsimula na ang klase, wala pa rin.

Anong nagawa ko.

Hindi ko namalayan na tumulo pala ang luha ko habang nagle-lesson.

Nahihilo ako sa literal na sakit na nararamdaman ko sa dibdib. Naninikip. Parang sinasabing hindi dapat mangyari to.

Nung uwian, nagpunta ako sa BH pero mukhang walang tao sa loob dahil nakasara ang mga ilaw at naka-lock ang gate. Wala akong susi.

Kailangan ko sigurong maghintay.

PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK

Great. Wala akong payong. Wala pang masisilungan. Basang-basa na agad. Ito na ba karma ko? Ang bilis naman.

"Oy."

PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK

Lumingon ako. Nakatayo si Art na may hawak na payong. Lumapit siya sa akin. Imbis na school uniform, naka-Greenwich uniform siya. Bakit nga ba hindi ko naisip na baka nasa trabaho siya? Akala ko kasi . . . nag-resign na siya?

Ah, ewan!

"S-Sorry," mahina kong sabi. "Sorry talaga . . . sobra-sobrang sorry!"

Hindi siya nagsalita kaya nagsimula na ako sa speech kong hindi ko naman pinag-isipan, bahala na!

"Hindi ko—sa kamay—yong hugas . . ."

Bakit ang gulo ng sinasabi ko!

"Yong . . . 'yong bigla kong pag-alis ng kamay, wala yon, hindi ko sinasadya, nabigla ako, panic. Hindi ko alam nangyari."

Naiyak na ako. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit din sa mata ng ulan.

"Magulo lang yung utak ko talaga, tapos, tapos . . . kailangan ko lang siguro kumalma sa mga nangyayari? Ang bilis lang ng lahat! Ang bilis-bilis."

Naaalala ko yong ngiti niya sa akin.

PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK

Tapos yong emotionless niyang tingin.

Ayoko na non.

Ayaw ko na makita ulit yong tingin na ganon.

"Mali ako na tumayo ako. Mali na . . . mali na parang apektado ako sa isang pangalan. Ang hirap lang, nabigla lang talaga ako, excuse lang yung hugas, hindi dapat ganon. Dapat naupo na lang ako ulit, dapat in-own up ko na lang na affected ako sa pangalan."

Naiinitindihan pa kaya niya ako?!

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin. N-Nong na-realize kong nagalit ka, hindi ako mapakali. Maling-mali. Maling-mali talaga ako. Para akong nandiri at sobrang hindi yon totoo. Hindi talaga, Art. Sorry, hindi ko ginustong ilayo sarili ko."

Nanginginig na ako sa lamig at pag-iyak. Nakatingin lang siya sa akin, nakikinig sana.

"M-Maniwala ka, isa ka sa dahilan kung bakit masaya na ulit ako, Art. Kahit minsan ang gulo ko. Kahit minsan natatakot ako. Kahit minsan parang hindi ko gets yung nangyayari sa akin. . . ang gets ko lang ngayon ay itong puso ko, ang sakit-sakit nung naisip kong mawawala ka na dahil sa kagagawan ko. Alam ko ring unti-unti nang tumitibok ulit to. Masaya ako habang nasa tabi mo. Masaya ako sa bawat ngiti mo sa akin, sa mga sinasabi mo sa akin, hindi ko sure . . . nung umalis ka, nung di ka bumalik sa room, hindi ako mapakali. Parang hindi kita makikita ulit, tapos dapat hindi ganon kasi gusto kong nakikita ka, nakakasama ka. I'm sorry."

Tuloy-tuloy ang pagsasalita ko. Hindi ko na rin iniisip ang mga sinabi ko basta ang alam ko, lahat 'to galing sa puso.

PLOCK PLOCK PLOCK

Nagulat ako nang ilaglag niya ang payong sa tabi niya at lumapit sa akin. Mabilis siyang nabasa ng ulan kaya nag-panic ako.

"A-Anong ginagawa mo?" sabi ko. "Nauulanan ka na!"

"Para saan pang payungan kita? Sabay tayong magpaulan."

Nalusaw na naman ang puso ko sa sinabi niya.

"Magkakasakit ka," sabi ko.

"Ikaw, hindi? Ulan lang 'to."

Lalo akong naiyak pagkayakap niya sa akin. Kahit sobrang lamig ng ulan, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Art. Isang yakap na hindi ako kayang saktan. Isang yakap na galing kay Art.

"Lumayo lang ako para huminga," sabi niya. "Nag-alala ka?"

Marahan akong tumango sa dibdib niya.

Ayoko nang umalis sa ganito.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sa kanya rin.

Sana hindi na matapos.

PLOCK PLOCK

"Kung totoo mga sinabi mo," bulong niya sa tuktok ng ulo ko. "Maniniwala ako, Ianne."

Hindi ko malaman kung segundo o minuto ang nagtagal na tahimik kaming magkayakap nang kumalas siya at tumingin sa mga mata ko. 

Kahit basang-basa ng ulan yong pisngi ko, pinunasan pa rin niya yong luha ko ng hinlalaki niya. Palagi niya tong ginagawa at gusto kong sana magawa ko rin to para sa kanya.

Pero ayaw kong umiyak siya dahil sa akin. Ayaw kong makita yong titig niyang mas malamig pa sa ulan.

PLOCK

"Tara sa loob."

Ngumiti ako nang ngumiti siya sa akin.

Itong ngiti niya yung gusto ko laging nakikita.

Tahimik at madilim ang BH pagkapasok namin.

"Nasaan 'yong ibang boarders?" tanong ko.

"Malay," sabi niya at pumunta sa kwarto niya.

Ay.

Totoo ba yong nangyari kanina sa labas? Ba't ang sungit pa rin? Mukhang hindi na to mawawala, a.

Lumabas siya ng kwarto na may hawak na twalya. "Ligo ka muna para di ka magkasakit."

Aw. Maaalalahanin.

Nagpasalamat ako at dumiretso sa CR. Pagtapos ko maligo at maglaba ng uniform, may na-realize ako.

"Uhm, Art?!" sigaw ko. "Wala akong ano . . . wala akong pampalit."

Nakarinig ako ng ingay tapos katok sa pinto ng CR. Nagtapis muna ako bago buksan at napangiti nang makitang nakapikit si Art habang hawak ang mga damit?

"Naiwan mo nung umalis ka."

"Tinago mo?"

Nakapikit pa rin siya pero kumunot ang noo. "Itatapon ko nga dapat."

Natawa ako. "Pero hindi mo tinapon kaya thank you!"

Muntik siyang mapadilat pero nag-iwas ng tingin at pumasok bigla sa kwarto niya. 

Nakakagigil! Bakit ang cute!

Pagkalabas ko ng CR na nakadamit na, kakalabas lang din ni Art ng kwarto niya. Nakapambahay na rin siya. Shorts at simpleng shirt.

Maswerte ba akong isa ako sa mga nakakakita ng simpleng Art? Na walang maskara na Art? Na may emosyon na Art?

Hmm, ang swerte ko nga siguro.

Papasok sana ako sa dati kong kwarto sa BH nang mapansin kong naka-lock. "Yung kwart—"

"May iba nang natutulog."

"Oh," na lang ang nasabi ko.

Pagtingin ko sa may bintana, madilim at malakas pa rin ang ulan. Kumulog pa. Watdahek. Magsa-Summer pero bakit umuulan? Sirang-sira na talaga ang Mother Earth. Pinatawag ako ni Art kina Mama at magpaalam na hindi muna ako uuwi dahil naabutan ako ng ulan at overnight para sa project.

Anong project? Ni hindi nga ako gumagawa ng project e!

Nagsinungaling ako huhuhuhu!

Sinampay namin ang lahat ng laman ng bag ko at yong mismong bag ko sa tapat ng electric fan. Nadala kasi ako ng senaryo namin kanina. Hindi ko na napansing may bag pala ako, nakisali din tuloy ito sa kaemohan namin kaya nagpaulan din. 

Kumain kami ni Art at nanood ng TV. Halos isang oras na pero wala pa rin yong ibang boarders. Hindi pa rin tumitigil ang ulan nang napahikab na ako.

"Inaantok ka?"

"Hindi. Gising na gising nga ako, e."

Nagprotesta ako nang hilahin niya ako patayo at palakad papuntang kwarto niya. Ang init-init pa ng palad, nakakaloka. Akala ko joke lang pero pinapasok niya ako sa kwarto niya. For the first time!

Napakunot-noo naman ako nang i-lock niya ang pinto.

"A-Art ano 'yan?"

"Lock ng pinto."

"A-Anong . . ."

"Pumunta ka sa akin." Lumapit siya sa akin. "Dalawa lang tayo." Umatras ako. "Ano sa tingin mong mangyayari?"

Ano raw?!

"'Wag kang magbiro ng ganyan, ha!"

Napaupo na ako sa gilid ng kama niya sa pag-atras dahil panay ang lapit niya.

"Hindi ako nagbibiro."

Sobrang lapit na niya sa akin kaya tinulak ko siya nang onti at mahinang napasigaw ng 'waaah' pero imbis na sa akin siya dumagan ay umikot siya at dumiretso sa paghiga sa kama niya, medyo tumalbog pa siya sa impact.

"Agh."

"Ba't ka kasi nagpapatalbog! At lumalapit!"

Nakaharap ang mukha niya sa kama nang medyo tumawa siya pero halatang pagod. Nantitrip talaga itong lalaking 'to! Hay nako. Muntik ko na siyang ma-karate chop, e.

Lumibot ang mata ko sa kwarto niya. Napangiti ako nang makitang nasa side table niya yong litrato namin sa Forest Manila. May mga tube din pintura sa paligid at paint brushes na gamit. May ilang unfinished paintings sa ilang tela tapos may isang malaking painting na nakatakip ng tela na nasa gilid lang. Gusto kong tingnan. Tumayo ako at lalapit sana nang magulat ako sa biglang paghawak sa akin ni Art sa kamay.

Ang init talaga ng palad niya, ba't ganyan!

Nakadapa siya sa kama niya. Hinilig niya ang ulo niya at humarap sa side ko tapos ngumiti nang nakapikit. "Ang cute mo."

"Ang random mo?"

"Ang . . . cute mo . . ." Hinihingal siya. "Talaga."

"Art, okay ka lang?"

Bumitaw siya sa kamay ko. Bakit pagod na pagod itsura niya? Paghawak ko sa noo niya, ang init! May lagnat pala siya! Nagpa-panic ako dahil hindi ko alam gagawin ko. 

"Kailan ka pa may sakit? Bakit ka ba kasi nagpaulan? Nagpagod ka sa trabaho mo?"

Hindi siya sumagot. 

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kitchen. Kailangan niya kumain para uminom ng gamot. Napangiti ako nang makita ang sagot sa tanong ko.

Nido Oriental.

Pagkatapos kong lutuin ang soup, dala ang baso ng tubig at gamot, dumiretso ako kay Art. Nakapikit lang siya pagkarating ko sa kwarto niya habang nakatalukbong ng kumot. Akala ko tulog na siya pero dumilat siya at tumingin sa akin. Sobrang namumula ang mga mata niya!

"Kain ka muna, para sa mga may sakit."

Tiningnan niya ang soup na dala ko at napangisi. "Walang originality."

Napangiti ako. Sabi na, e. Siya nga.

Naupo siya at kinuha ang soup sa kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanya, naghihintay pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ka ba aalis?"

"H-Ha?" Natauhan ako sa sinabi niya. Tiningnan niya ako na parang sinasabi sa akin na bakit nasa tabi pa rin niya ako. "Ah! Okay, alis muna ako. Ubusin mo yan, inom ka ng gamot pagkatapos."

Iniisip ko kasi na baka kailangan niyang subuan ko siya or alagaan ko siya pero oo nga pala, lagnat lang 'yon, hindi naman siya baldado. Bago ako lumabas, tinawag niya ako.

"Teka," sabi niya. Lumingon ako. Pagod siyang ngumiti. "Salamat."

Ngumiti ako pagkalabas ko ng kwarto.

Kumatok ako ulit pero di ko binuksan ang pinto. Kinuha ko lang ang atensyon niya para sabihing, "Art . . . thank you."

Hindi siya nagsalita.

" . . . sa pagtanggap ng sorry ko." 

Kanina, ang ingay ng ulan pero ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya. Gustong-gusto ko pakinggan 'yon. Paulit-ulit.

Ang akin kaya, nararamdaman na rin niya?

not my drawing. this is owned by popfiction. ito po ang full illustration ng ng part 2 book cover. illustrated by my tropas.



note: [ changed ianne's old lines dun sa ulan dahil yung dating version, ang toxic ng mentality ni ianne naloka ako huhuhuhu. also, para healthier lines coz healthy lablayp noong highschool is layf.

example ng toxic mentality na nasa old / book version: "1) Kailangan kita, Art. 2) Kailangan kita para maging maayos ako. 3) Ayaw kong mawala ka sa tabi ko, 4) Art. Gusto ko akin ka lang."

maygahd ang ikli lang nitong linyahan pero apat na red flags agad (!!!)

why toxic: 1) kailangan kita ay iba sa 'gusto kita'. hindi pwedeng user na kailangan mo yong tao for your own sake. parasite lang? haha. 2) hindi pwedeng iasa sa ibang tao para maging maayos ang sarili. hindi inaasa sa ibang tao ang kasiyahan at kaayusan. create your own. 3) kung gusto na umalis ng tao, exhaust all effort pero kung ayaw pa rin, let go. huwag mahigpit ang kapit kasi nakakasakit yon. yong saktong kapit lang, enough to grow sa bawat isa. and lastly, 4) hindi inaangkin ang isang tao. we are our own.

haayy, buti na lang nire-revamp ko ito kundi mananatiling problematic ang mga linyahan ng ating mga bida nang hindi sinasadya. huhu. ]

at oo, ako talaga ang nagsabing toxic, red flag, at problematic yong old lines pero the next scene sa chapter ay nasa kwarto ni teen guy si teen girl?!

WHAT RAYNE ANO BA TO HAHAHA AT TALAGANG HINDI KO TINANGGAL YUNG KWARTO SCENE??? sorry na ankyut kasi...? also, foreshadow101? haha. :C (shouts: biaasss!!) hahaha <//3


this chap dedicated to LJSCIsMyName for this awesome comment. yehey :D salamat sa pagbabasa ulit ng kwento at masaya me na walang kahit anong spoiler here. just pure comment. yiee <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.9K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
29.4K 1.9K 9
COMPLETED/ under revision She wasn't satisfied. She's always hoping that someday she will be more than happy, sticking to what she thinks is destined...
101K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...