AFGITMOLFM (2019 version)

By pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... More

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

21 [ stories of love ]

14.3K 705 178
By pilosopotasya


WALANG alam si Nate sa pag-alis ni Cloud. Sinubukan namin siyang tawagan sa cellphone pero natawa lang ako sa sumagot.

"The owner of the number you dialed is busy dahil may kalandian. Please don't try again later."

"Hindi kaya kinidnap na 'yun?" tanong niya.

Napangiti ako dahil nawala na ang tensyon sa aming dalawa. Sa wakas. Paksyet kasi si Grace, eh.

"Bakit kikidnapin?" pagtataka ko.

"E baka akala nila real-life action figure?"

Natawa ako sa pinagsasasabi niya kaya kumunot ang noo niya. "Tawa ka nang tawa, seryosong bagay 'to."

"E paanong hindi ako matatawa, may letter na iniwan sa'yo tapos kidnap?"

Nagkamot siya ng ulo na ngayon ay may mga tumutubo nang kaunting buhok.

Para mahimasmasan siya, kinuha ko sa kanya ang letter ni Cloud at binasa sa kanya.


To my dearest cousin,

Aalis ako pero hindi sa Japan ang punta ko. Don't bother looking for me, hindi ako magpapakita. Subukan mo akong sumbong kina Mama at Papa, kukutusan kita. Maghahanap lang ako ng babaeng mamahalin at aalagaan dahil hindi ako makakapayag na ikaw lang ang kinikilig sa atin.

Uuwi ako bago bumalik ng Japan. Alagaan mo si Ianne ah? Don't let her cry. Baka gusto mong agawin ko na talaga siya sa'yo. Hahaha. Joke! Sige my dearest cousin Nate, tandaan mong nasa puso mo lang ako at nasa puso ko si Ianne. JOKE. Sige, ingatan n'yo sarili niyo.

Your dearest handsome cousin,

Cloud


Ano raw? Handsome cousin? Tawa tayo. Hah hah hah, galing talaga mag-joke ni Cloud.

Bumuntong-hininga na lang si Nate at kumain ng ice cream.


"HEY Ianne!" bati sa akin ni X isang sabado nang pumunta siya ng BH.

As usual, mukha pa rin siyang artista at ako ang katulong niyang ubod ng ganda. Matagal na ring nakaraan mula nang mangyari ang teledrama nila ni Emotionless Guy at nakakagulat na bumalik siya ulit dito.

"X, hi."

"I'm here to bid good bye."

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Back home, sa States."

Nakaramdam ako ng lungkot.

"Where's Art?"

"Nasa school 'yun, nagre-review."

Nalungkot siya. Hay X, bakit ba ang ganda mo kahit ang lungkot mo?

"Oh I see." Ayan na naman ang faint smile. "Tell him I'm gonna leave. Thank you."

"Teka." Hinila ko siya palabas ng bahay.

"Wait, where are we going?"

Nginitian ko si X. "Kay Art."

Nagpara ako ng tricycle at pinasakay siya sa loob. Hindi ko alam kung bakit ko gagawin 'to. Para sumaya si Emotionless Guy? Para sumaya si X? Para matulungan ko silang dalawa? Hindi ko rin alam.

Pagkababa namin ng tricycle, kinapa ko ang bulsa ko at ang isa pa at ang isa pa at ang. . . oh my, oh myyy~ Wala akong dalang pera.

"I'll pay for it."

Parang gusto ko na magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Medyo naka-discount pa kami kasi maganda raw si X.

Papasok na kami at akala ko haharangan kami ni Manong Guard pero mukhang natulala si Manong Guard kay X. Napansin kong ang daming nakatingin sa amin habang naglalakad sa ground. 'Yung iba parang humahanga sa ganda ni X, 'yung iba parang humahanga sa poise ni X at 'yung iba naman . . .

Humahanga sa akin

Dumiretso kami sa library kasi siguradong nandun ang mga nagre-review. Nakita ko si Emotionless Guy na bored na bored sa loob ng library. Pumasok na si X kaya tapos na ang trabaho ko.

Paalis na sana ako nang tumingin sa akin si Emotionless Guy, ang sama ng tingin.


OKAY na sana ang lahat dahil feeling ko nakatulong ako. Pero nang gumabi na, dumating si Emotionless Guy at sinugod ako sa kusina. Napasandal na ako sa pader dahil sa sama ng tingin niya at ang lapit pa niya.

"'Wag kang nakikialam sa akin."

Nanlamig ang buong pagkatao ko sa boses niya. "Ah—S-Sorry."

Sobra akong kinakabahan hanggang sa tinalikuran niya ako at dumiretso sa kwarto niya.

Nagpaka-good samaritan na nga ako, galit pa siya sa akin.

Hayst. How ungrateful.


PAGDATING ng Sunday, nakita ko si Cloud sa labas ng BH na nakangiti sa akin.

"Yo!" nakangiti niyang bati sa akin.

Pinapasok ko siya at pinainom pa ng tubig. Hinayaan ko lang siya basta ako, nanonood ng Spongebob Squarepants.

"Patrick, I don't think 'wambo' is a real word."

"C'mon, you know. I wambo, you wambo, he, she, me wambo. Wambo, wamboing, wambology, the study of wambo, it's first grade, Spongebob."

"Patrick, I'm sorry I doubted you."

Napatingin ako kay Cloud na seryosong-seryoso ang mukha. Nakatingin siya sa TV pero tulala.

Ako na tuloy ang bumasag sa katahimikan. "Anong nangyari?"

"Hmmm?"

"Si Erin?"

Ngumiti siya. "Masaya na siya."

Nagtaka ako nang tumayo siya at binigay ang isang picture. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa picture: si Erin, may kasamang lalaki.

"C—"

Umalis siya ng BH habang ako, nakatitig sa picture ni Erin at ng lalaking mukhang masaya pa.

TULO nang tulo ang luha ko dahil nasa airport na naman kami. 'Yung feeling na wala akong mapagsabihan ng problema kasi hindi ko 'yun problema.

Niyakap ako ni Cloud habang nakangiti. "Bakit ka ba umiiyak?" natatawa niyang sabi.

"Ikaw kasi. Kayo kasi," sabi ko. "Hobby n'yo bang magpinsan ang umalis ng bansa? Pangmayaman naman 'tong hobby ninyo."

Ginulo ni Cloud ang buhok ko. Alam kong si Erin ang dahilan sa pag-uwi ni Cloud sa Japan.

"Tahan na," sabi niya.

"Ewan ko sa inyo," sabi ko.

Pinilit kong tumahan at niyakap si Nate. Hinawakan ako ni Nate sa likod habang nagpapaalam siya kay Cloud.

"FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES. I REPEAT FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES PLEASE PROCEED TO CHORVA. Thank you."

Ayan na, nagpaparinig na ang airport.

Ngumiti si Cloud nang nangingintab ang mata. "Aalis na ako."

Out of nowhere, naisip kong parang may kulang sa airport scene. Napalinga ako kung saan-saan dahil feeling ko talaga may kulang.

Nasaan si Humi?

"Ba-bye na," sabi ko.

"Ayaw ko ng ba-bye." Ngumiti siya ulit. "See you soon."

"S-See you."

Niyakap niya ako at kinabahan ako nang bumulong siya sa akin. "Promise me, bukas ang huli mong pag-iyak."

"Ha?"

Nagkatinginan sina Nate at Cloud. Ngumiti si Cloud pero napansin kong tahimik lang si Nate.

"FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES. I REPEAT FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES PLEASE PROCEED TO CHORVA. Thank you."

Hay naku, bakit ba ang epal ng speaker na 'yan?

"See you soon, Ianne."

Nagsimula nang maglakad si Cloud papunta sa loob nang makarinig ako ng tawag sa akin. Lumawak ang ngiti ko nang makita si Erin na tumatakbo palapit sa amin.

"Erin!" Ang saya. "Paalis na siya."

Ngiting-ngiti niyang pinakita sa akin ang isang bagay.

"Passport?"

Tumango siya habang naiiyak. "Nasundan niya ako sa Baguio, hindi malayong sundan ko siya sa Japan."

Naiiyak ako. Ang mahal ng pag-iibigan nila, wala bang student discount?

"Pero. . ."

"Pinakita niya 'yung picture?" Ngumisi si Erin. "Pinsan ko 'yun. Props lang. Pampaselos."

Nagyakapan pa kaming dalawa hanggang sa may nagsalita. "Ang tagal."

Napalingon kami ni Erin sa nagsalita. Lalo akong nakaramdam ng kilig nang makita si Cloud na hinihintay si Erin.

"Hala hinihinta—"

Tinulak ko na si Erin dahil ang daldal pa niya.

"Aray ko!"

"'Wag ka na mag-drama. Late ka na oh."

Natawa siya at nagpaalam na sa amin ni Nate tsaka tumakbo palapit kay Cloud. Nagpaalam na sila sa amin at ako? Sobrang tuwa. Magka-holding hands silang pumasok sa loob. Haay, sila na nga forever.

"Huhuhuhu!"

Napatigil ako sa narinig kong pag-iyak. Hindi nga siya iyak dahil sinasabi ng boses mismo ang "huhuhuhu."

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay nang may mapansin akong babaeng nakaupo sa sahig na naka-fetus position.

"Huhuhuhuhu!"

Nag-isip pa ako kung papansinin ko siya pero napagdesisyunan kong 'wag na lang. Palakad na ako papunta kay Nate nang biglang may humawak sa bini ko.

"Ah!"

"Ate! Huhuhuhu!"

Napagtanto kong si Humi pala 'to.

"Huhuhuhuhu!"

Napangiti ako dahil kumpleto na ang airport scene namin. Ngumangawa siya at grabe lang dahil wasak na ang mukha niya sa pag-iyak niya.

"Pinagtaksilan niya ako! Huhuhuhu!"

"Nino?"

"Ni Papa Cloud!"

Toinks. Makaalis na nga rito, hindi na ata titino 'tong batang 'to eh.

Alam kong ang sama ko para iwan si Humi sa airport pero kailangan niya ng space. Time. Kailangan niya pagmuni-munihan ang mga pangyayari sa buhay niya. Pinagtaksilan-kuno siya ni Papa Cloud niya kaya kailangan niyang pagnilayan ang mga bagay-bagay.

Eksayted lang din ako dahil bukas, August 31, 2010, anniversary na namin ni Nate.

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 1.1K 14
Writer? Fears? Baka para sa 'yo na ito? :D
294K 26.9K 42
Life was hard enough for Helga Santana in the small, cold town of La Bianco. However, everything changes once she meets the boy in the mirror.
620K 39K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)