AFGITMOLFM (2019 version)

By pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... More

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

12 [ new demon ]

16.1K 836 190
By pilosopotasya


GOD, please help me po. I promise to be kind po. Marami pa akong pangarap sa buhay po.

Walang kunot-noong naganap o pagtataka sa mukha niya. Tingin lang na napaka-blank. Napangiwi ako at umatras para mabuksan niya ang locker niya. Nakatingin pa rin siya sa akin nang kunin niya ang letter na sinuksok ko.

"A-Ano, life and death situation k-kasi. . ." Bakit ako nauutal? "Ah sige, aalis na ako."

Palayo na ako nang marinig ko ang boses ni Emotionless Guy.

"Sana mapansin mo ako, Art."

Nanlaki ang mga mata ko. Bumalik ako sa tabi ni Emotionless at kinuha ang letter sa kanya. Binasa ko ang nakasulat sa puting special paper at napa-facepalm ako dahil may hearts pang naka-drawing. Kulay red pa.


Hi! 

Hindi mo lang alam pero isa ako sa mga nagmamahal sa'yo ng sobra! >///< Sana mapansin mo ako, n o n Art! Pramis, labs na labs kita ang gwapo mo kasi tapos ang pogi pa tapos ang handsome mo pa! Nagtataka ako kasi ang haba ng buhok mo di ba bawal sa school 'yan? Pero hindi ko na kinukwestyon 'yun dahil sobrang bagay sayo! Ampogi pogi mo. Hindi mo lang alam pero tambay ako sa Greenwich dahil sa'yo. Alam ko na nga kung kailan ang shift mo eh! Ahihihi! Bakit ka nagtatrabaho? Para ba 'yan sa future mo? Grabe ka, ikaw na! Neseye ne eng lehet! Kyaaaahhh~ ♥ ♥ ♥

~ Aine – President, Art Fansclub


Oh. . . my. . . gahd.

"Aine," banggit niya.

Pabalik-balik ang tingin ko sa papel at kay Emotionless.

"Hindi ako 'to," sabi ko.

Life and death situation, Ellaine? Life and death situation?!

Nakita ko ang pagngisi ni Emotionless na not-so-emotionless na ngayon. So marunong pala siyang ngumisi?

"Hindi ako 'yan, promise." Nagsimula akong maglakad palayo. "Ianne ako. Hindi Aine!"

Is this real life or just a fantasy? Jusko pong mahabagin. Anong kalokohan ang nangyayari?

Shet na malagkit. Lagot sa akin si Ellaine 'pag nakita ko siya.

Isang malakas na batok ang ibinigay ko kay Ellaine kinabukasan. Alam kong hindi kami close pero she deserved that. Akala ko magagalit siya pero kinilig siya.

"Omaygahd, nabasa ni Art ang letter ko? Thank you Ianne!"

Napanganga ako. Lahat ng respeto ko kay Ellaine dati, naglaho na lang bigla. Alam kong may crush siya kay Emotionless pero sobrang fangirl pala niya?


LUMIPAS na ang mga araw at dalawang araw na lang, February 9 na. Dalawang araw na lang, magsisimula na ang Foundation Week. Dalawang araw na lang, birthday na ni Nate.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong sa akin ni Toto.

"Bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?"

Hinawakan ako ni Jek sa balikat. "Hindi sa wala kaming tiwala sa 'yo, kaya lang kasi. . ."

"Kasi? Tuloy mo," natatawang sabi ni Troy.

Tiningnan ko nang masama ang tatlong itlog. Tinipon-tipon ko kasi sila para tulungan ako sa surprise para kay Nate. Nasa isang classroom kami para masaya.

"'Yung boses."

Sinamaan ko ng tingin si Jek. "Anong boses, ha?"

"Hindi, baka kasi ano—baka mapagod 'yung boses mo tapos. . ."

Bumuntonghininga ako. Fine. I give up.

"Alam mo Ianne, presensya mo lang, matutuwa na 'yun. 'Wag ka na kumanta." Sabay ngiti ni Toto.

Tinitigan ko silang tatlo. Kailangan ko ba matuwa o maasar?

Kaya imbis na kumanta for his birthday kapalit ng mga ginawa niya for me. Iba na lang ginawa ko.

Love jar. 

I know, korni na nga pero wala na kasi akong maisip. It's the thought that counts naman, eh. And the effort. And the cuteness of the person who exerted the effort.

Sinulatan ko ng quotes, banat at mga gusto kong sabihin sa kanya ang 365 na makukulay na papel na nasa loob ng jar.

Pinayagan kami ni Belle na magpakasaya muna dahil birthday ni Nate at opening lang naman ng Foundation Week. Nagpunta kami sa karinderya nang ibigay ko sa kanya ang love jar. Ngiting-ngiti siya habang binabasa ang isang papel.

"Hindi ka perpekto. Maraming MAS sa'yo. Mas gwapo. Mas macho. Mas cute. Mas matangkad. Mas sweet." Pinanliitan niya ako ng mata habang nagbabasa. Ngiti lang ako. "Pero alam mo kung anong meron ka na wala sila? Ako. MASwerte ka dahil girlfriend mo ako. . ." Kumunot ang noo niya. "Anong kalokohan 'to?"

Tawa ako nang tawa. Kukuha sana siya ng isa pa pero pinagbawalan ko. One paper a day lang kasi dapat. Binigyan ko siya ng panibagong jar para ilagay dun ang mga nabasa na niya.

"Thank you." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Ang sweet mong babae ka."

"I know, right?"

Natawa siya at umiling-iling. "Ang kapal din ng mukha."

Inirapan ko siya. Obvious na tuwang-tuwa siya sa regalo ko dahil hindi rin siya mapakali basahin ang mga papel.


DUMATING na ang hinihintay naming mga third year—ang play. Umaga pa lang, nagsisiayusan na kami. Nagtataka rin ako dahil hindi pa pinipinturahan si Nate para sa mga tattooes ng demon eh ilang oras na lang, simula na ng play.

Sobrang kinabahan ako nang hawakan ni Nate kamay ko. "Kaya mo 'to."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Kaya ko?"

"Nate!" Napalingon kaming dalawa kay Troy. "Nasaan si Nate?"

"Ow, bakit?" Tumayo kaming dalawa ni Nate at hawak-kamay na lumapit kay Troy na mukhang stressed.

"Emergency raw." Iniabot ni Troy ang cellphone kay Nate.

"Hello?" kunot-noong sagot ni Nate. "Nasaan po siya?"

S-sinong siya?

"Opo, sige, papunta na po ako. Salamat." Tinapos na niya ang call.

Kinabahan ako nang tumingin siya sa akin na parang nakikiusap.

"Ano 'yun?"

"Si Lemaris." Then boom. The magic name—Lemaris. Pangalan pa lang ng babaeng 'yun, gusto ko na sumabog. "Naospital."

Naghintay pa ako ng susunod na sasabihin niya. Nakatingin lang ako. . . blangko ang ekspresyon.

"Kailangan niya ako."

"Nate. . ."

"K-Kailangan niya ako. . ."

Nagbabara na ang lalamunan ko. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko. Basta nakararamdam ako ng sakit. Tusok sa puso. Maliliit. Kumikirot. Pinapatay ako.

"Pero kailangan din kita."

"S-Sorry." Umiwas siya ng tingin. "Mas kailangan niya ako." Binitiwan niya ang kamay ko.

Nagulat ako.

Hindi pa ako ready.

Bakit bumitaw siya kaagad?

Nag-unahan ang mga luha sa mata ko para makalabas. Kahit obvious na umiiyak, nagpaalam ako at tumakbo papuntang CR. Naupo ako sa pinakadulong cubicle at dun naglabas ng sama ng loob—hindi ako tumae—sama ng loob dahil pakiramdam ko, binitawan na ako ni Nate.

"Magkasama na naman tayo, Dear Cubicle."

Sa totoo lang, pakiramdam ko, best of friends na kami ng cubicle na ito. Lagi kasing siya ang takbuhan ko. . . lagi na lang bang iyakan ang magaganap sa cubicle na ito? Bakit ba kasi lagi na lang akong umiiyak? Nasasaktan? Bakit ba ako ginaganito ni Nate?

Nag-sorry siya pero ginawa niya ulit? Sino ba ang girlfriend niya? Dahil lang may sakit si Lemaris, dun na siya? Paano ako? Paano akong girlfriend? Paano akong kailangan din siya? Dahil wala akong sakit, isasantabi lang ako?

Hindi ko na alam. . . hindi ko na talaga alam. Paksyet talaga . . . ang sakit.

"Ianne?"

Napaupo ako nang maayos nang marinig ko ang boses ni Ellaine.

"Ianne, alam kong nandyan ka. Tama na, please? May bago na tayong demon."

Demon? Bagong demon? Hindi ito tungkol sa demon. Hindi na 'to tungkol sa play o sa role. Tungkol na 'to sa amin. Sa amin ni Nate.

Napatakip ako ng mukha at naiyak lalo. Sa pangalan pa lang ni Nate, naiiyak na ako. Hindi ko na ata kaya. Siguradong sira na ang make-up at ayos ko. Siguradong wasak na wasak na ang pagkatao ko.

"A—ano—"

Nagtaka ako nang magsalita si Ellaine. Nagulat ako nang kumalabog ang pinto ng cubicle ko.

"Ahhh!" Napasigaw at napatayo ako nang may lalaking tumalon mula sa taas ng cubicle papunta sa harap ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Napanganga rin ako at pakiramdam ko, bumalik lahat ng luha sa mata ko sa sobrang gulat. Pati sipon ko, bumalik.

Binuksan niya ang naka-lock kong cubicle at bumungad sa amin si Ellaine na nakanganga. Nagkatinginan kami ni Ellaine habang naglalakad palabas ng CR ang lalaking 'yun.

"Uhm, ayun. Si Art nga pala 'yung bagong demon."

Nakatitig pa rin ako kay Ellaine.

"Bagay na bagay sa kanya, 'di ba?"

What?


NO SPOILERS | NO TOXIC COMMENTS PLS! Thank you! :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 53.1K 34
The Wattys 2016 Collector's Edition Winner Dear Commenter, Nami-miss ko na ang comment mo. Sana mag-comment ka na ulit. Kapag nagko-comment ka kasi n...
1.4M 53.3K 95
She and her diary. He and his handwritten letters. Two brokenhearted strangers. One faithful meeting. How do you unlove someone? How do you move...
7.7M 28.6K 7
Synopsis: Shaylie is a typical fifteen-year-old girl from a religious family. Terrence, on the other hand, is not your average boy. To Shaylie, Terre...
13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]