AFGITMOLFM (2019 version)

By pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... More

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

11 [ life and death ]

16.6K 812 162
By pilosopotasya


ISA akong hangin na hindi nakikita. Teka, hindi nga lang hangin eh. Ang hangin, nararamdaman, pero hindi niya ako nararamdaman. Paksyet. Ganun ba talaga kagrabe ang ginawa ko para magalit siya sa akin? Kailangan ko ba mag-sorry? Kailangan ko ba magpakababa? Ako ba ang may kasalanan? Pero ako ang naagrabyado ah. Ako ang nasaktan. Bakit ang unfair?

"Punasan mo," sabi ni Belle.

"Ha?"

"Punasan mo na," ulit niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ang alin?"

"Luha mo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Tutulo na."

Tinanguan ako ni Belle nang mag-excuse ako. Nanghihina ako habang naglalakad papuntang CR. Pagpasok ko sa pinakamalaking cubicle ng CR, dun na ako umiyak.

Wala na rin akong pakialam kung marinig ako ng mga tao. Kung isipin man nilang adik ang babaeng umiiyak sa pinakadulong cubicle. Ang sakit kasi, eh. Parang pinipiraso ang puso ko.

Bakit ko ba kasi hinayaan siyang mahalin ko? Nasasaktan tuloy ako. But he's worth the pain. He's worth my love. Sa sobrang heartbroken ko, napapa-English na ako.

Ilang minuto akong nagmukmok sa cubicle. Nakalabas na ako ng cubicle nang mapansin kong wala nang ingay sa CR. Paglabas ko, napatigil ako dahil nakatingin sa akin si Ellaine na secretary ng klase namin.

"Tanga ako kapag tinanong ko kung 'okay ka lang', hindi ba?"

Suminghot ako at pinilit patigilin ang mga tumutulong luha mula sa mata ko.

"Tahan na. Nasasayang ang cuteness mo, eh." Hinawakan niya ang balikat ko. Ngayon lang niya ako hinawakan sa balikat ko. Ngayon lang niya sinabing cute ako.

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Next time na lang." Ngumiti ulit siya. "Naghihintay siya. Ngiti ka na."

Nakaalis na siya ng CR pero nagtataka pa rin ako. Tumingin muna ako sa salamin at napa-watdahek pagkakita ko sa mukha ko. Sobrang namamaga ang mata ko tapos pulang-pula. Hindi rin sinabi sa akin ni Ellaine na may tumulo palang sipon.

Naghilamos ako at nagpahinga. 

Pagkalabas ko ng CR, tumalon ang puso ko nang makita ko si Nate na nakasandal sa pader na katapat ng CR. Yumuko ako at naglakad papunta sa hindi ko malaman kung saan. Sa bawat paghakbang ko, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi mapakali ang puso ko. Pakiramdam ko nababaliw ako. Sa sobrang pagkabaliw ko, feeling ko nagiging makata na ako. Rhyming kasi lahat ng sinasabi ko. Hanggang dito.

"Ianne."

Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang yakapin niya ako mula sa likuran. Okay na ako kanina pero ngayon, nanghina ako lalo.

"Ianne, sorry."

Suminghot ako at tuluyan nang umiyak. Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko habang yakap lang niya ako.

"Sorry."

Pagkaharap ko kay Nate, napansin kong nangingintab ang mga mata niya. Ngayon ko lang din napansin ang pangingitim ng eyebags niya. May tigyawat din siya sa kanang pisngi at—hala.

Habang nahihirapang tumahan, nagsalita ako. "Ang dami mong blackheads sa ilong, Nate."

Nawala ang higpit ng yakap niya at humagalpak sa tawa.

Natawa rin ako dahil tawa siya nang tawa. Doon ko lang napansin na nasa grounds pala kami sa ilalim ng puno. Ang haba pala ng nilakad ko habang umiiwas sa kanya.

"Sira ka talaga." Tinakpan niya ang ilong niya. "Na-conscious tuloy 'yung ilong ko sa 'yo."

Ngiting-ngiti ako. "Sorry."

Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa bunbunan sabay bulong ng, "Napanaginipan kita."

"Namiss mo ako?" tanong ko. "Anong nangyari?"

"Nawala ka raw sa akin."

Tumingala ako para tingnan siya.

Nakatitig siya sa mga mata ko. Sobrang ganda ng mata niya kapag nangingintab.

"Hindi ko kinaya. Ginising ko agad sarili ko."

Ngumiti ako. Hinawakan ko ang pisngi niya, tinaas ang bangs niya at tumingkayad. Hinila ko siya nang kaunti kaya napayuko siya at parang nagulat pa tsaka ko siya hinalikan sa noo.

"Mahal po kita," bulong ko. "Promise, hindi ako mawawala sa 'yo, tulog ka man o gising."

Nginitian niya ako at hinalikan din ako sa noo. Ganun lang. Okay na kami.

(illustration by Jonathan Teodoro)


NAGKULITAN pa kami ni Nate. Alam naming bida kami pero ngayon na lang ulit kasi kami nagkasamang dalawa na walang Lemaris na linta and slash or Cloud na adik.

Kumain muna kami ng lunch bago bumalik sa auditorium. Nakita namin sina Belle at Ellaine na nag-uusap na parang may problema. Napatingin sa amin sina Belle at Ellaine. Ngumiti si Belle pero si Ellaine, diretso lang ang mukha.

Anong nangyari kay Ellaine? Hindi na siya friendly? O kakambal niya ang nakausap ko sa CR? Teka, may kakambal ba siya? Baka doppleganger? Takte Ianne, kung ano-ano iniisip mo.

"Welcome back, Lovers," bati sa amin ni Belle.

Pero nagsisisi ako. Bakit kami bumalik sa auditorium? Pakisabi sa akin, bakit?! Nawala nga ang problema ko kay Nate, nanumbalik naman ang problema ko sa play namin.

Pinagtitripan ba ako ng mga tao? Una, nakasama ko si Emotionless Guy dahil sa accidental na pag-volunteer ko sa competition at ngayon, main character sa isang play?

Kailan pa ako naging active sa school?

Nag-practice na kami. Ilang oras din kami nag-stay sa school. Pagabi na nang pauwiin kami kaya hinatid ako ni Nate.

"Magnanakaw ka ba?" out of nowhere niyang tanong. Bumabanat na naman 'tong lalaking 'to.

Napangiti ako."Bakit?"

Sumimangot siya. "Nawawala kasi wallet ko eh." Sabay kapa sa bulsa. "Ikaw lang naman katabi ko rito."

"Bastos ka!"

Natatawa lang siya hanggang makarating kami sa tapat ng gate. Ngiting-ngiti siya dahil bati na kami. Nanghihingi ng kiss ang mokong.

"Sige na, ang dami mo na kayang utang sa akin." Ayaw mapakali. Hello? Magkaka-germs na po ang lips ko. Tama na po.

Pinalo ko ang pisngi niya. "Magdusa ka."

Tinatawag pa rin niya ako nang i-lock ko ng gate. Nanghihingi pa rin ng kiss. Sabog talaga.


SINUSUKATAN ng damit si Nate para sa demon nang umupo si Ellaine sa tabi ko. Ito na naman ang weird aura niya. "Hi Ianne."

"Uhm, hi?"

Napatingin ako sa desk nang may isinuksok siyang envelop sa akin. "Ano 'to?"

Bumulong siya. "Pwedeng pakilagay sa locker ni Art?" Hindi siya nakatingin sa akin at para bang nagmamasid siya.

"Locker ni Art?"

"Shhh. . ."

"Ha? Bakit?"

Huminga nang malalim si Ellaine bago siya nagsalita. "President ako ng fans club ni Art."

Napanganga ako sa narinig ko. President? Fans club? Ni Emotioless Guy?

"Kailangan mong ibigay sa kanya ito."

"May fans club si Emotionless?" pagtataka ko. "At bakit ako?"

"Dahil ikaw lang ang may lakas ng loob para kausapin siya."

Napakamot ako ng noo. Tiningnan ko ang envelop na nasa desk. Paglingon ko kay Ellaine, patayo na siya.

"Teka!"

"Life and death situation ito," seryoso niyang sabi tsaka umalis.

Naupo si Nate sa tabi ko. "Close na kayo ni Ellaine?" Patingin pa lang siya sa envelop, kinuha ko na agad at tinago. "Ano 'yan?"

Ngumiti ako at tumayo para mabulsa ko 'yung envelop.

Hawak ko ang envelop sa bulsa ng uniform ko hanggang break time. Life and death situation? Bakit kinakabahan ako sa mga mangyayari? May mafia bang nagbabantay kay Emotionless Guy? Part kaya ng frat si Emotionless? Eh ano si Ellaine? Assassin? Spy? Kasama sa isang organization? Hindi kaya gangster siya?

Wait. 'Yung totoo Ianne, anong pinagsasasabi mo?

Naghiwalay na kami ng landas ni Nate dahil may band practice pa siya kaya nagpunta ako sa locker area para gawin na ang misyon ko. Ang daming tao. Paano ko ilalagay sa locker ni Emotionless 'to? Err, kinakabahan talaga ako. Life and death situation? What if mapasabak ako sa sitwasyong 'yan? Tapos magiging wanted ako or ako ang magiging target imbis na si Emotionless? Hala.

Minsan, gusto kong sampalin ang sarili ko. Ano bang pinag-iisip ko?

Naghintay ako hanggang sa mawala na ang halos lahat ng tao sa locker area. Pagtingin ko sa paligid, no sign of Emotionless anywhere so ayun, naglakad na ako sa locker. Habang palapit nang palapit, sumasabog ang puso ko.

Successful ang pagkakalusot ko ng letter sa locker pero paglingon ko, nagulat ako sa taong nakatingin sa akin na halos 5.3862 cm na lang ang layo.

Si Emotionless Guy.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 475 60
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masa...
1.9K 166 9
PAHINUMDOM: Bisaya ray makasabot ani nga tula. Kung dili ka bisaya, palihog pahawa. Basig masunggo lang ka sa mga storya nga hastang laloma. Lawom pa...
2.5M 53.1K 34
The Wattys 2016 Collector's Edition Winner Dear Commenter, Nami-miss ko na ang comment mo. Sana mag-comment ka na ulit. Kapag nagko-comment ka kasi n...
106K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...