AFGITMOLFM (2019 version)

pilosopotasya által

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... Több

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
46 [ rewind ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

05 [ poker face ]

44.3K 1.2K 328
pilosopotasya által


MAY problema ako. 

Pagkatapos niyang magpaka-sweet sa akin, napansin kong lagi atang uma-absent si Nate sa klase. Parang every week ata, may absent siya. Noong una, lagnat daw, apat na araw. Tapos Friday, pumasok siya para makipag usap kay Ma'am Carillo sa tagal ng absent niya. Noong pangalawa, tatlong araw, nabinat daw siya sa lagnat sa isang araw at naglaro lang siya ng ps1 sa dalawang araw. Pangatlong linggo, dalawang araw, may inasikaso raw sa family. Pang apat na linggo, isang araw, tinamad daw pumasok.

Sa buong sembreak, kapag tine-text ko siya, hindi nagre-reply.

Nung pasukan after sembreak, biglang nagpaka-busy sa banda kasama 'yong tatlong itlog (jek, toto, troy) dahil sa battle of the bands. Nung natapos naman 'yong battle of the bands, hindi ko pa rin siya masyadong makasama tuwing uwian dahil sinusundo siya ng lolo niya! Marami raw kasing inaasikaso sa family nila at mine-make sure ng lolo niyang andoon siya.

Iniisip ko tuloy, may surprise ba siya sa akin?

Pero kahit no'ng lumipas ang monthsary namin, nag-greet lang siya sa text tapos wala na. Lumipas ang ilang araw, parang walang nangyari.

Nagpapamiss ba siya sa akin?

May dalawang linggong consistent siyang pumasok pero biglang ito na naman ngayon, absent na naman siya. Ang boring tuloy ng school.

Nagsasalita si Ma'am Carillo sa harap kahit hindi ko naiintindihan. Hindi ko sinasadya nang napasarap ata ang pag-iinat ko at tinawag ako ni Ma'am.

"Santos?"

Natigil ako sa hikab at inat. Nakatingin sa akin lahat ng mga kaklase ko. Bakit? Anong meron?

"Tutal nag-volunteer ka, ikaw na lang ang isasali para makabawi ka sa lahat ng lates at absences mo."

"P-Po?"

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Ma'am Carillo pero dalawa lang ang narinig ko nang maayos: "Excused sa klase" at "pumuntang library." 

Dahil mabilis akong mabudol, tatanga-tanga, inutil, uto-uto, tamad, hindi nakikinig nang maayos, at mukhang tinubuan ng balat sa pwet sa sobrang malas, pagkarating ko sa library, bumungad sa akin ang isang balitang nagpagimbal sa buhay ko.

"C-Competition?"

"Yes, Ms. Santos, competition," sabi ni Sir Lasam.

Dun lang nag-sink in sa akin ang lahat. Nasa library na ako at parang gusto ko lumabas kahit ang sarap sa feeling ng aircon.

"Competition po saan?!"

In-explain sa akin ni Sir ang lahat pero parang wala akong naintindihan. Ang napansin ko lang ay 'yong lalaki sa bandang likuran ni Sir, nakaupo sa isa sa mga mesa at natutulog.

"Go," tawag ni Sir Lasam sa lalaki. "Tara rito."

Sa totoo lang, kinabahan na ako nang mapansin kong may lalaking natutulog sa may mesa pero nang bumangon na siya at tumayo. Lumapit sa akin.

Nag-panic ang kaloob-looban ko.

Nagkatitigan kami sandali at mukhang bored na bored siya sa mundo.

"Ianne, si Art nga pala," pagpapakilala ni Sir Lasam. "Study partner mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Study partner?"

Ngumiti si Sir at tumango habang si Emotionless Guy, naka-poker face.


"STUDY partner?!"

Ngayon na nga lang kami nakapag-date, tinatawanan pa ako nang bongga nitong magaling na si Nathaniel! Ikinwento ko kasi sa kanya 'yong mga pag-neglect niya sa aking girlfriend niya pero imbis na makunsensya, ayon, tawa nang tawa.

Buti na lang nilibre niya ako ng pagkain dito sa Greenwich, pampalubag-loob.

"Ikaw, Ianne, idinikit sa study? Seryoso?"

"Wow, ha." Tinulak ko pagmumukha niya.

Napansin kong 'yong babae sa may tapat na mesa na kinikilig habang hawak ang cellphone na parang may pinipicture-an. Akala ko si Nate pero imposible kasi mukhang nabubwisit pa siyang humaharang 'yong ulo ni Nate sa pinipicturan niya.

Mabilis na tumayo 'yong babae na parang kinikilig. Na-curious na tuloy ako at napakain naman ang curiosity ko nang tumango si Nate sa may likuran ko at bumulong sa akin.

"Study partner mo ba 'yon?"

Lumingon ako. Ayon, si Emotionless Guy nga! Napag-connect the dots ko 'yong babaeng kinikilig at si Emotionless nang mukhang hindi na napigilan ni ate at nagpa-picture na siya kay Emotionless Guy! Habang naglilinis siya ng lamesa!

Nagtaka na tuloy ako. "Model ba si Emotionless Guy ng Greenwich?"

"Model?" natatawang sabi ni Nate. "Hindi ba pwedeng waiter muna, Ianne?"

"Ah, okay. Sabi ko nga, sorry naman."

Paano kasi, para siyang artistang pinagkakaguluhan! Lalo na't hindi lang isang babae ang nagpa-picture sa kanya. Puro mga highschool, mukhang mga lower year na galing sa school namin at sa iba pang school.

Hindi lang pala siya sa school heartthrob? 

Ang pinagtataka ko siguro, bakit siya nagtatrabaho? Anong meron?

Ang labo na rin kasi ng nangyari no'ng pinakilala siya sa akin ni Sir Lasam. Wala na nga akong maalala o baka wala lang talagang kaalaala kasi ni hindi siya nag-react nang nagkakilanlan kami. Tumitig lang siya sa akin tapos bumalik sa upuan niya't dinukdok ang mukha sa mesa.

Hmp. Bahala siya. Bahala na talaga 'yang competition na 'yan. Bahala talaga si Ma'am Carillo.

Pagtapos kumain at bago umalis, naghugas muna ako ng kamay pero natigil nang may marinig na boses ng babae.

"—ustong-gusto kita."

Oh . . . kay, mukhang may dramahang nangyayari sa loob ng CR? Mukhang may katawagan sa phone. Hindi na dapat ako makikialam kaso lumaki ata ang tainga ko dahil sa narinig na pangalan.

"Maniwala ka sa akin, Art."

Art?

Lumingon ako sa paligid ng Greenwich. Art? Si Emotionless Guy? Nasaan na nga ba 'yon? Siya ba kausap ng babae sa phone? Nagtatrabaho yon ah, pwede ba y—

"Anong gagawin ko?"

WOAH.

Bakit lalaki boses?! Si Emotionless Guy ba 'yon? Boses n'ya ba yon? Ang lalim at ang lamig! At woah ulit! Hindi sila sa phone nag-uusap! Magkasama sila sa loob ng mismong CR?

Nakabukas lang ang gripo at nababasa ang kamay ko. Gusto ko nang lumayo dahil hindi ko dapat pinapakinggan ang mga ganito pero hindi ako makagalaw.

Gusto kong maki-chismis.

"Date me," sabi nung babae.

"Ibigay mo sa akin."

Whoa, four words 'yon, ah!

"Sex? Ito, dito, ibibigay ko—hey, Art! Anong"

OMG! Naeeskadalo ako! Para akong nabilaukan. Nag-panic ako nang biglang lumabas yong lala—

"Ay paksyet!"

Sa sobrang gulat, nabasa ko siya ng tubig na nakasalo sa kamay ko!

"S-Sorry!"

Pupunasan ko sana yung uniform niyang nabasa ko pero basa nga pala yung kamay ko. At yung lalaki . . . si Emotionless Guy nga! Nanghina bigla ang tuhod ko. Medyo kinabahan din sa distansya na mayroon kaming dalawa.

"W-Wala ak—"

Tumitig lang siya sa akin saglit. Gusto kong ipaliwanag na hindi ko narinig 'yong panghihingi niya ng ano pero syempre hindi ko dapat sinasabi 'yon di ba. Dapat nga hindi ko narinig e! Pero dahil sobrang nagpa-panic ako, nagmumukhang narinig ko yong buong usapan!

Ang chismosa ko kasi, e. Huhu.

Sinubukan kong i-regain ang poise ko. Gusto ko rin sanang bumalik na sa table namin ni Nate kaso hindi ko magawa sa panginginig ng tuhod. Buti na lang, si Emotionless na ang umalis, naglakad palayo para bang walang pakialam kung may narinig ba ako o wala.

Hindi na ako tumingin sa loob ng CR pero may nahagip akong babae sa paningin ko. Naka-uniform ng school namin at nakabukas ang butones.

Hala.

Wala sa sarili akong bumalik sa upuan namin ni Nate.

"Bakit ang tagal mo sa CR? Nag-prayer meeting ka dun?" tanong niya pagkaupong-pagkaupo ko.

"Hindi. Nagpamasahe ako dun."

"Korni mo."

"Mana lang po sa'yo, Koya."

"Si Irene ba yon? Andito rin siya?"

Napalingon ako sa tinuro ni Nate. Si Irene . . . galing siya ng CR? Bumaling ako sa tiningnan niya na si Art, naglilinis ng table sa gilid. Wait, so siya ba 'yong nahagip ko ng tingin? Silang dalawa ba 'yong . . . magkausap?

Ayoko mang aminin pero medyo na-curious talaga ako sa dalawa, ah? Pero ayoko ring maging super chismosa kaya sinubukan kong i-erase sa utak ko ang mga narinig.

Pero hindi ko kaya!

"Si Irene ba," tanong ko kay Nate, "may boyfriend?"

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. E si Emotionless Guy?"

"Ano, may boyfriend?"

"Talaga?!"

Ginulo ni Nate 'yong buhok ko habang tumatawa. "Lutang ka ba?"

"Kasi, seryosong tanong. Sagutin mo nang maayos."

"Si Emotionless, wala. Si Irene naman, hindi ko sigurado pero usap-usapan sa amin na . . ."

"Na?"

"Na ano . . ."

"Na ano?!"

"Wag na. Bata ka pa."

Pinisil ko yong dalawa niyang pisngi. "ANO NGA YON NATHANIEL?"

"Aray, aray!" Inalis niya pagpisil ko sa kanya. "Masarap daw siya. Okay na?"

"Masarap na?" Natigil ako nang panlakihan ako ng mata ni Nate. Napalingon ako sa tabi namin, sa paligid, at may matandang babae na masama ang tingin sa amin. Nilapit ko ang pisngi ko kay Nate at bumulong. "Masarap as in . . . ?"

"Masarap."

"Oh."

"Pero sabi lang 'yon ng mga lalaki. Usap-usapan. Galing daw sa higher year - teka, bakit mo ba tinatanong? Wala akong masyadong alam, ha! Usapan lang yon ng mga lalaki—uy, Ianne? Hello?"

Napaisip tuloy ako.

So, posible ba yong mga narinig ko sa may CR? Yong usapan nila? Na gagawin nila? Yong nakabukas na butones ng damit ni Irene?

Pero teka, nagtatapat si Irene kay Emotionless Guy? Bakit? At bakit siya ang nagco-confess? Sayang ganda niya sa Emotionless Guy na 'yon! At bakit ko ba masyadong iniisip yong dalawang yon?

Ano namang paki ko sa kung anong ginagawa nila sa buhay nila?

Pero . . . bata pa sila?

Agh, Ianne. Hayaan mo na. Pagtuunan mo na lang ang Friendster mo kaysa lovelife ng may lovelife. 

But wait!

"Nate, paano mo nalamang single si Emotionless Guy?"

Kumibit-balikat siya. "Chismis."


DAPAT hindi ko na ipapaalam kina Mama na may competition akong sasalihan. Kasi sigurado akong hindi naman ako sasali. Kaso, itong si Sir Lasam at Ma'am Carillo, ang kukulit! May pagtawag pa sila sa phone ni Mama kaya biglaan kaming nag-celebrate sa bahay!

"Yang kutong 'yan, sasali sa competition?" pang-aasar ni Kuya Eos.

"Eos, ano ka ba, minsan na lang mag-aral kapatid mo . . ."

"Pa!"

Tumawa ang dalawang lalaking bwisit pero pinaka mahal ko.

"Basta, Ianne," sabi ni Mama at kiniss ako sa bunbunan. "Sasabihan mo kami kapag kailangan mo ng taga-cheer. Isasama ko lahat ng katrabaho ko! Sabi rin ng mga tita at tito mo pati mga pinsan mo, pupunta sila sa mismong event! Naku, papagawa ako ng tarpaulin na may mukha mo—"

Paano pa kaya ako makakaalis sa competition na 'yan kung in-announce na ni Mama sa earth na sasali ako sa competition?!

No choice tuloy ako.

Nung nagsimula kaming 'mag-review' at halos buong araw akong nasa library para mag-aral. Regional competition pala itong sinasabak ko. Unfortunately, si Emotionless Guy ang ka-partner ko at hindi niya ako pinapansin.

Akswali, lahat kami hindi niya pinapansin dahil lagi siyang tulog o tulala. Mukhang wala rin namang pakialam si Sir Lasam dahil nakikipag telebabad lang din siya sa tabi.

Pero may napansin ako kay Emotionless Guy.

May nunal siya sa right side ng noo na nakita ko nung nagpunas siya ng pawis at hindi naman sa tumitingin ako pero may malaking nunal din siya sa left side ng dibdib niya.

Hindi ko siya tinititigan, okay? Nagkataon lang na nakita ko 'yong nunal nung yumuko siya.

Minsan lang, pumapasok sa isip ko 'yong mga narinig at nakita ko. Nakaka-curious! Hindi kasi nabanggit 'yong sa Greenwhich. Si Irene. 'Yong mga narinig ko. O kahit ano pa. Ni hindi nga siya nagsasalita rin, e!

Sa sobrang curious ko, nagtanong na tuloy ako kay Ellain, secretary ng klase namin, kasama sa fansclub ni Emotionless guy.

Tinanong ko kung bakit weird 'yong fina-fangirl-an niya.

Ayon, nakakuha ako ng "HOW DARE YOU?!" at sinabing hindi raw 'weird' si Emotionless Guy. Gifted daw siya.

Okay, gifted. Push.

Akala ko wala na ako makukuhang interesting pero may sinabi siyang nagpataas ng kilay ko: may photographic memory raw si Emotionless.

Ako naman, sinearch ko kung ano ang photograhic memory. Take note lang na hindi ako interested kay Emotionless. Curious lang ako sa kung anong meron.


What is believed by some researchers is that photographic memory is a result of the brain processing and storing information in an abnormal manner. Many people believe that those who have photographic memories are fortunate. However, this may not be the case.

People who have photographic memories may also have a hard time forgetting things that they don't desire to remember. Humans are not designed to be mere databases which store tremendous amounts of information. Memory is only important when it can be used to recall information that is relevant.


Hala. Ano kayang feeling niya na naaalala niya lahat?

Nung ise-search ko na sana ang pangalan ni Emotionless Guy, napasimangot ako dahil nakalimutan kong tanungin ang whole name ni Emotionless kay Ellaine.

Sinubukan kong i-search ang 'emotionless guy of (insert school namin)'. 

Ang galing kasi may mga post nga tungkol sa kanya! News at articles na boy wonder siya dahil laging panalo sa mga competition. Pero ang pinakamalupit, merong isang blog ng schoolmate ko na over kilig sa kanya.

Alam kong hindi ako nagkamali dahil may stolen shot pa ni Emotionless Guy sa blog post.


Kyaaa! Nagkabanggaan kami ng Prince charming kong si Art!1!! Sobrang kilig nung tinitigan niya ako tapos ang cool niya nung hindi siya nagsorry kasi sobrang angas!!! 

Gangster kaya siya? Kasali sa mafia? OmG. Ang badboy!

Kyaaaahhh, ang gwapo!! So handsome. So Cute! Kyeopta!

Naniniwala na talaga ako sa mga cliche stories na kung sino ang makakabanggaan ng babae, 'yun ang makakatuluyan.

Eeeeeeehhhh kinikilig ako. Pinaframe ko na nga 'yung uniform kong nadaplisan ng kagwapuhan niya oh.

Shet! Naniniwala na ako—siya ang prince charming ko. :""">


In fairness kay Ate, kilig na kilig siya.

Pero in fairness din, may nalaman din ako tungkol kay Emotionless Guy na laging naka-poker face.

NAME: Art Felix Go

Mysterious much?

Emotionless Guy, ang study partner kong naka-poker face, Art Felix Go . . . sino ka nga ba?


~

rayne's note: ang daming bago sa chapter na ito. ang daming pinalitan. pero itong-ito pa rin naman siya. altho, sa totoo lang, ang dami kong gustong i-delete dahil andami talagang unnecessary kahit pala sa mismong book. andaming pwedeng tapyasin or i-relocate para mas maganda ang agos ng scenes. Huhu.

akswali, may mga dinelete na talaga ako. at idi-delete pa soon. mehe.

thank you pala sa mga nagko-comment na nanghihingi ng update. akalain mo 'yon, may nanghihingi pa ng update ng kwentong to? haha.

gusto ko na sana ituloy-tuloy sa pagpo-post para wala na akong aatupagin. dapat tatapusin ko to this year. dapat everyday ako nag-a-update nito kaso andami ko talagang inaayos at binabago so please bear with meh. andami ring nangyayari sa real life. nakakaloka.


dapat din ide-dedicate ko to sa isang tao pero sobrang tagal na no'n kaya kung sino na lang magko-comment dito sa chapter na ito na nakakaaliw, sa kanya ko ide-dedicate itech. salamat. <3

//edit

dedication: dedicated to kwentuhankitadarla for being the first one to comment sa chapter na ito at sa heartfelt message. maraming salamat din sa pag appreciate ng mga pailan-ilang drawings! hihi.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

15.6K 1.1K 14
Writer? Fears? Baka para sa 'yo na ito? :D
Blog Post #143 ckaichen által

Ifjúsági irodalom

2.5M 53.1K 34
The Wattys 2016 Collector's Edition Winner Dear Commenter, Nami-miss ko na ang comment mo. Sana mag-comment ka na ulit. Kapag nagko-comment ka kasi n...
11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
106K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...