The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕14

51.2K 535 39
By kellylee0101

SAM's POV:

Malapit na. Malapit na malapit na yung periodic exam namin. Sana lang maging maayos ang lahat. Pumasok ako ng maaga ngayon dahil kailangan ko pang ihanap ng mga bagong babasahin si Chase sa library. Nung pagdating ko ng school, may pinagkakaguluhan sa Entrance gate kaya hindi na ako nakisali at dumirecho na lang ako sa library.

Nung nakakuha na ako ng books, inilagay ko muna lahat yun sa locker ko. Nakita ko dun yung mga nabili kong kikomachine comics kaya kinuha ko yung isa at naglakad papunta sa favorite spot ko ng pagbabasa. Saan pa edi sa School Garden. Sa school garden kung saan ko nakilala ang mahangin na lalaki na yun. Dito kung saan niya ako nabukulan dahil sa pagkakalaglag ng mangga na konyat na konyat sa ulo ko ng bonggang bongga.

Napapangiti lang ako nung naalala ko bigla yun.

Para pa akong sira nun na sinayawan ng 'Sorry sorry' yung puno sa pag-aakala na may Diyos/Diyosa ng mga Puno.

Naisip ko lang..

Buti hindi ginagamit against sakin ni Chase yung moment na yun, kasi malamang katakut-takut na kahihiyan ang aabutin ko kapag nalaman ng ibang tao yun.

Mabait naman pala si Yabang eh. Sadyang maharot at mapang-asar lang.

Binuklat ko yung comics at nagsimula akong magbasa.

Nakakatawa naman pala talaga 'to. Buti na lang pala talaga at nakinig ako kay Krystal na bumili ako ng comics.

Mga ilang pages na yung nababasa ko ng bigla akong antukin. Maaga pa naman kaya naisipan kong umidlip saglit.

Bukod sakin, wala namang mga estudyante ang tumatambay dito dahil lahat sila nasa canteen madalas. Kaya safe lang na matulog ako dito. Kahit pa ngumanga ako, walang makakakita. >///<

*TIIIIIIIINGGGG!!!!*

Nag-bell na. Hudyat para malaman ng mga students na malapit nang mag-start ang klase kaya dapat lahat nasa kanya-kanya ng rooms.

Napatayo ako bigla at dinampot lahat ng dala ko.

Ano ba yan! Ilang minuto pa lang ako nakakatulog ih!!

Kaso may napansin ako.

May..

May..

May nakadikit sa noo ko.

Isang sticky note na kulay yellow.

Tinanggal ko yun at binasa.

[Ang pangit mo pala kapag natutulog. Nakakadiri ka! Babae ka ba talaga? Ang lakas mo na nga humilik tapos nakanganga ka pa. Ayan oh. Tumulo pa yung laway mo. Pagbutihin mo yan ha? Bye TUTOR. - Poging Chase]

"Arrrrggghhh! Waaaaaa!!!"

Nagsisigaw ako sa inis. Ang kapal ng mukha niya!

Pinunit ko yung papel at nagtatakbo papunta sa room namin.

Napatakip ako ng mukha habang tumatakbo.

'Waaaaaa!!! Nakakakahiyaaaaaaa!!!!!!!'

****************

CHASE's POV:

Masisiraan na yata ako ng ulo sa dami neto.

Basa dito, basa doon.

Aral dito, aral doon.

Tanong dito, tanong doon.

School-library-bahay

Naisip niyo ba sa tana ng buhay ko na magiging ganyan ang routine ko?

AKO HINDI.

Ni sa hinagilap na naisip ko 'to.

Pero dahil sa perseverance.

Nakaya ko kahit papano.

Dahil na rin sa motivation ni Sam, nakaya KO.

1 day away from the peroidic exam na lang kaya nangangatug na ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang kahihinatnan ng mahigit isang buwan namin na away-bati, aral-laro at harutan-seryosohan ni 'Samantha the Amazona'.

Sa lahat naman ng pinagdaanan kong gulo sa buhay bakit parang eto pang pag-aaral ng seryoso ang parang hindi ko yata kayang karirin habang buhay.

EWAN KO BA.

Bahala na.

Gumising ako ng maaga para sana makapag-basketball sa school. Dati kasi akong varsity player at team captain pero dahil nga sa hindi ako masyadong seryoso, nag-quit ako. Sagabal kasi sa pagiging Gangster leader, hindi ako makaalis kaagad sa practice kapag may laban ako. Matagal na rin naman akong hinihikayat na bumalik sa team pero, ayoko pa sa ngayon. Saka na siguro, kapag sinipag ako. >___<

Naglakad ako papunta ng court kaso, naisip ko na baka makita ako ni coach at kulitin na naman ako kaya hindi na lang ako dumirecho sa gym instead kinuha ko na lang yung skateboard ko at nag-laro sa may magandang spot.

Namiss ko 'to dati-rati araw-araw kong dala-dala 'to lalo na kapag napapa-trouble ako. Pwede kasi siyang pang self-defense, pwedeng panangga sa ulan, pwedeng unan, pwedeng katabi sa kama, pwedeng lamesa, at higit sa lahat pwedeng nail pile. Hahahaha.

Nag-tricks lang ako. Syempre dahil since 7 years old pa lang ako nagse-skate na ako, marami na akong tricks na alam. Medyo pro na rin kasi ang laruan ko.

Nag-rides muna ako sa paligid ng playground ko tapos naghanap ng rampa.

*FIVE-O*

Tapos nag-360 flip.

*KICK FLIP*

*NOSE GRIND*

*INVERT*

*OLLIE*

*Rides ulit*

Napangiti lang ako.

"Ayos ah? Akala ko kinalawang na yung mga tricks ko"

Sabi ko sa sarili ko.

Maya-maya hindi ko napansin na marami-rami na pala ang nanunuod sakin kaya napatigil ako.

'Ano ba yan! Kung kelan naman nag-eenjoy yung tao oh!' I thought to myself.

Dinampot ko lang yung backpack ko pati yung deck ko sabay umalis. Napakamot na lang ako ng ulo ng nung dumaan ako sa harap nila bigla silang nagpalakpakan at nagsigawan.

"Oh my God Chase! Ang galing mo!!"

"GO Chase!!"

"Isa pa Chase! Ang galing mooooo!!"

Ibinalik ko sa kotse ko yung deck ko at nagpalit ng uniform. Bakit ba kasi sa may entrance gate pa ko nakakita ng magandang spot? Tss. Adi sana hanggang ngayon naglalaro pa ako. Pambihira.

May oras pa naman ko. Maaga pa. Kaya nag-isip ako ng magandang pampalipas oras.

Hmmmm....Magbasa na lang kaya ako ng lessons ko?

Pero..Saan kaya magandang magpunta para magbasa?

8am pa kasi ang start ng klase, kaya dahil sa kasipagan ko 6am pa lang nasa school na ko. 6:45am na nung naisipan kong magbasa-basa kaya humanap ako ng magandang lugar.

'Ah alam ko na!'

Sabi ko sa sarili ko tapos pumunta na ako sa naisip kong lugar.

Pagdating ko dun sa lugar na naisip ko may nauna na pala sakin doon kaya doon na lang ako pumwesto sa likod ng puno, malilim naman kaya dun na lang ako naupo sa damuhan. Hindi ko gaanong nakita kung sino yun dahil may binabasa siya na halos nakatakip na sa mukha niya. Dinaanan ko lang siya at nagsimula akong magbasa.

Mga ilang pages  pa lang siguro yung nababasa ko ng biglang tumawa ng mahina yung babae.

"Hahahahaha"

Sus. Ang hinhin naman tumawa. Sabi ko sa sarili ko.

"Hahahahahahahahahahaha"

Nagulat ako kaya napabalikwas ako bigla. Akala ko lang pala mahinhin tumawa. Para din naman palang si Amazona tumawa, walang pakundangan. Hindi ko na lang siya pinansin kaya nagheadset na lang ako at tahimik na itinuloy ang pagbabasa ko. 

Nag-inat lang ako sa hangin at nag-hikab.

Maya-maya napansin kong natahimik na yung babae kaya tumayo ako sa kinauupuan ko sa likod ng puno at sinilip siya. Akala mo kung sino makatawa parang gusto ng mag-asawa kanina tapos ngayon ang tahimik naman niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

Mula sa pwesto ko nakikita ko na nakasalamin siya.

'Sino kaya yun?' Tanong ko sa sarili ko.

Lumapit pa ako papunta sa kanya at tinabihan siya sa bench.

Whaaaaat?!!

Si..

Si...

Amazona?!!?

Tiningnan ko lang siya habang nakapikit. Nakangiti naman siya na parang sira. Pero may na-notice ako. Ang ganda pala niya?

Tinitigan ko lang siya doon.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko masaya ako. Ang peaceful ng dating niya. Akala mo walang problema. Ang saya siguro kung mas makikita at makakasama ko pa siya ng matagal.

Ngumiti siya kaya napangiti ako bigla.

Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko para sakin yung ngiti na yun. Parang gusto ko ako lang ang ngingitian niya at makakakita ng ngiti na yun.

Nilabas ko yung phone ko sa bulsa.

Pi-picturean ko kasi siya.

*CHKKK*

2 yung kinuha kong picture niya. Yung isa siya lang. Yung isa kasama ko pero naka-wacky face ako sa kanya para gagamitin ko pang-asar ko sa kanya kapag nagtataray siya.

Tumingin ako sa relo ko. Malapit na pala mag-bell, gigisingin ko ba siya?

Paano kung magulat siya na nasa tabi niya ako?

Wag na. Hihintayin ko na lang na yung bell ang gumising sa kanya.

Nagsulat ako sa sticky note. 

[Amazona! Late ka na!]

Ayoko ang pangit.

*PUNIT*

*TAPON*

[Sam! Ang pangit mo kapag gising ka, pero ang ganda mo pala kapag tulog ka. Sana kapag tuturuan mo ako nakapikit ka na lang!]

Ayoko. Ayoko. Baka patayin ako nun sa sobrang galit.

*PUNIT*

*TAPON*

[Maganda ka pala? - Chase]

Ayoko. Ayoko. Baka isipin niya crush ko siya. Malaki pa naman ang toyo ng babae na yun.

*PUNIT*

*TAPON*

Nakailang ulit pa ako bago magsettle sa dapat nang-aasar yung dating ng sulat ko.

[Ang pangit mo pala kapag natutulog. Nakakadiri ka! Babae ka ba talaga? Ang lakas mo na nga humilik tapos nakanganga ka pa. Ayan oh. Tumulo pa yung laway mo. Pagbutihin mo yan ha? Bye TUTOR. - Poging Chase]

Pero ang totoo, kabaliktaran lahat yan.

Ang tahimik niya kasi.

Ang sarap titigan.

Wala siyang kahit na anong kolorete sa mukha pero litaw na litaw ang ganda ng kutis niya.

Lalo na nung ngumiti siya. Ang ganda pala ng bibig niya, parang ang sarap halikan.

Pati yung mga mata niya. Bilugan pero mapupungay naman, parang ayaw mong makitang umiiyak ni minsan.

At yung bangs niya.

Kahit na may bangs din si Dora at nakakainis siya. Mas gusto ko yung bangs ni Sam dahil ang GANDA NIYA.

Teka.

Sakin ba talaga lahat nanggagaling 'to?

GUSTO KO NA BA SI Sam??

***************

SAM's POV:

Bwisit talaga yung lalaki na yun. Hinding-hindi ko makakalimutan yung kanina.

Ako? TULO-LAWAY?!

HINDI AH! NEVER!

Nagkakagulo sa labas ng room, which is hindi naman na bago sakin. Malamang na dadaan lang si yabang kaya nagtitilian silang lahat. Nanahimik lang ako sa room at inayos ang laman ng bag ko.

Nagulat na lang ako bigla ng may lalaking naupo sa tapat ko. At iniharap niya yung upuan niya papunta sakin.

Ngumiti siya.

Ang--ang--cute niya.

May inilapag siya sa desk ko.

"Para sayo.."

Sabi niya.

"Te-teka? Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya.

"Hinahanap kita eh.."

"Ako?"

Sabi ko habang napaturo pa ako sa mukha ko.

Tumango lang siya habang ngiting-ngiti na nakatingin sakin.

"Ice cream cake yan tyaka Vitamin water. Kainin mo ha?"

Sabi niya habang patayo na siya.

"T-te-teka? Para san lahat 'to?!"

Nauutal kong tanong sa kanya. Nagtataka pa rin ako kung paano siya napunta dito at kung paano niya nalaman na dito ako nag-aaral.

"Hihintayin kita mamayang uwian niyo. Nasa back gate lang ako."

Sabi niya tapos kumindat sakin. Umalis na siya ng ganun ganun lang.

Nagtataka pa rin ako. Naiwan akong tulala. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako. Tyaka para san lahat 'to? Tyaka hihintayin daw niya ako?

Para san?

Bakit?!

Nagtilian yung mga classmate ko at sinundan siya papalabas.

Pumasok si Krystal at si Kiel sa classroom ko.

"Sis sino yun?"

Tanong niya sakin.

"H-ha?"

I couldn't find my words. Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit siya nandito.

"Sam sino yun? Tyaka bakit siya nandito?"

Tanong naman ni Kiel na nakakunot ang noo.

"Si-si..Seyd."

Si Seyd nga. Yung nagligtas sakin dati.

"Seyd?! San mo naman nakilala yung lalaki na yun?" - Kiel 

"Sa-sa B-bookstore"

"Oyyy Sissy. Na-love at first sight ba sayo yun? Ang sweet ha? From the other school pa siya pero he dared to gate crashed para lang dalan ka ng pagkain. Uhhh..Ang sweet. I want a man like that too."

Sabi ni Krystal na magkadikit ang dalawa niyang palad habang kinikilig para sakin.

"Anong sweet dun eh kahit ako man kaya ko yun!"

Galit na sabi ni Kiel.

"Sus. Selos ka lang eh!"

Dinilaan ni Krystal si Kiel.

"Tumigil na nga kayo. Wala ba kayong klase at nagkumpulan kayo dito?"

Umiling lang sila pareho kaya inusisa lang nila ako ng inusisa hanggang mag-uwian.

___________________________________________________________

TO BE CONTINUED..

Continue Reading

You'll Also Like

194K 8.1K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
24.1K 1.6K 33
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
2.3K 168 6
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
37.8K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"