Her Secret beyond Her Beautif...

By simbadgirl

385K 7.2K 424

WARNING:R18/SPG (Taglish: Tagalog-English) One Word to describe Valdemeire Antralde-- "womanizer", a girl mag... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 23

9.3K 210 15
By simbadgirl

A/N
      I made mistake in previous chapter, about sa age ng anak nila at kung ilang taon na sila sa Negros. Almost six years na po yun sorry for my mistake. Turning 5 years old na po yung anak ni Ferlyn at Val.

Chapter 23

“Sigurado kabang hindi mo isasama ang dalawa? What if makita mo siya dun, its your chance to talk to him and explain.”Basag ni Hannon sa katihimikan sa pagitan nilang dalawa.

Bukas na kasi ang araw ng kasal na dadaluhan nila kaya sinabi niya na dito ang mga plano niya. She decided to face Valdemeire alone and talk to him about their children.

“Yes. Ayaw ko din namang biglain ang mga anak ko sa mga nangyayari. I know they will understand but still they are just four years old. Maaring iba sila mag-isip, mas mataas sa dapat na bagay sa kanilang edad pero bata parin sila para sakin. They are my Puppies.”sagot niya dito habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

Malaki ang posibilidad na umulan dahil sa kanyang nakikita. Para bang dinadamayan din siya ng kalangitan at gusto din ilabas ang sakit na itinago sa mahabang panahon.

“Ikaw ang bahala. I won’t force you to do the things that you don’t want to do.”Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok kaya kahit kunti ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

“Hannon, Maraming salamat.”Tiningala niya ang binata na nakatingin din naman sa kanya.

“Ayan ka na naman.” Natatawa nitong wika sa kanya.

“Salamat dahil kung hindi sayo ay baka wala na akong ganitong buhay ngayon. You’re the reason why I’m still here with my sons and leaving a peaceful life.”Nginitian niya ito saka niyakap ng mahigpit. “Gusto ko mang turuan ang puso ko na ikaw nalang, ikaw nalang ang itibok nito pero ayaw niya talaga. Hindi siya nakikinig.”

“Ano kaba, mas mabuti na rin iyong magkaibigan lang tayo para hindi na ako masakatan dahil alam ko namang siya parin ang laman niyang puso mo.”

“Thankyou, Han. You’re the best.”humihikbi niyang sabi.

“I know Sweety.”Pinunasan nito ang luha niya at inaayos ang buhok.
“Huwag ka ngang umiyak, ang pangit mo na nga mas lalo ka pang pumapangit.” Anito sabay layo sa kanya.

“Anong sabi mo? Ako pangit? E, ano kapa!”Naiinis niya itong hinabol pero hindi rin naabutan dahil nag lock na ito ng silid.

Napabuntong hininga nalang siya ng makapasok na sa sariling silid.

Nandoon parin ang kaba sa posibilidad na magkikita sila ni Val. Pero mas malakas ang tibay ng loob para sa mga anak niya.

“Kung hindi niya matatanggap ang mga anak namin, Ayos lang kawalan niya na yun.”

Matagal muna siyang nakahiga bago dalawin ng antok at nakatulugan niya nalang din ang pag-iisip ng mga sasabihin.

Kahit late na siyang nakatulog kagabi ay maaga parin siyang nagising para mag ayos.

Ipinagluto niya muna ng agahan ang mga anak at saka siya naligo para sa kasal na pupuntahan.

Nang makapag-ayos na nang sarili ay bumaba na siya. Nandoon na rin sa sala si Hannon at nakabihis na rin pang alis.

“Mom, You’re Gorgeous. Sayo talaga ako nag mana kaya ang pogi ko.” Mayabang na sabi ng bunso niya.

“Mami, You look like Athena. Ang ganda mo Mama kahit ang simple lang nang ayos mo.” Sagot pa ng isa niyang anak.

“Salamat, pero huwag niyo na akong bulahin dahil hindi ko parin kayo papayagan. Dito lang dapat kayo sa bahay. Maliwanag?” Nakataas ang kilay niyang tinignan ang dalawa kasama na rin si Hannon na ngayon ay mukhang papanig pa sa mga anak niya.

“But—?” hindi na nito natuloy ang sasabihin ng tinignan niya na ito ng masama.

“Sorry guys. Pero alam niyo namang takot ako sa Mama niyo.”Sabi nito na parang natatakot talaga. “Kilala niyo naman siya pag hindi sinusunod ang gusto diba? Baka sa labas tayong tatlo matulog.”

Matalim niya parin itong tinitignan kaya nagpaalam na itong mauuna na lamang sa labas at sumunod nalang siya.

“Mami…please?”

“No. Baka matagalan kami ng Tito Hannon niyo doon kaya hindi
puwede. Bukas nalang sasamahan pa kayo ni Mama. Okey.”aniya sa dalawang anak na nakabusangot parin ang mukha.

Gusto kasi ng mga itong pumuntang mall para mag laro. Kasama naman ang isang katulong pero hindi parin siya papayag dahil baka may mangyari masama sa mga ito habang wala siya.

Sa huli ay napapayag niya din ang dalawang manatili lamang sa bahay. Doon nalang sila mag laro ng gusto nilang laruin. Kaya nakaalis na rin sila ni Hannon.

“Are you ready?”Tinignan siya nito sa passenger seat.

“Yes, a bit nervous but for my children I can do this.”aniya saka tumawa para mawala ang kaba na nararamdaman.

“I’m in your back. I got you Ferlyn.”Anito sa kanya habang seryosong nag mamaneho.

Matagal na panahon na rin ang nakalipas. Sa mga taong nag daan ay madami na rin siyang napagdaanan at nalampasan niya iyon. Gaano man kahirap dahil lagi niyang iniisip na para iyon sa mga taong mahal niya.

Para sa mga anak niya! At sa taong hindi nawawala sa puso’t isip niya.
Valdemeire Antralde!

“Ano bang pinakain mo sakin at minahal kita ng ganito. Kahit maraming sakit nandiyan parin ang pagmamahal ko sayo. Kinulam mo ba ako?”

Napahagikhik siya sa naisip na katanungan kaya napalingon sa kanya si Hannon na seryoso sa daan.

Syosyotain niya na nga siguro yung highway dahil sa pagkaseryoso.

“Anong iniisip mo? Bat ka napapatawa diyan?”Tanong nito na bahagya siyang nilingon.

“Wala, mga bagay-bagay lang na hindi mo puweding malaman.”Aniya saka tumawa ng malakas.

Napatigil lang iyon ng huminto na ang sasakyan nila sa harap mismo ng malaking simbahan. Doon makikita mong mga mayayaman talaga ang mga dumalo dahil nakaparada sa labas ng simbahan ang mga mamahaling sasakyan.

Kaya pala ito ang ginamit nila ni Hannon dahil alam niyang pag usapang sasakyan ay hindi ito nag papahuli.

“Were here.”

Nilingon siya nito at nginitian saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pinto.

Agad naramdaman ni Ferlyn ang pagbilis ng pintig ng puso niya. Hindi dahil sa posibilidad na makita niya ang dating kasintahan kundi kaba sa mga taong haharapin niya.

Alam niya kasing mayayaman ang mga ito kaya kinalabahan na siya ngayon palang.

Tinignan niya ang paligid, hindi ka pa man nakakapasok ng simbahan ay makikita mo na agad ang garbo ng kasal. Napapalibutan ng magagandang bulaklak ang labas ng simbahan.

Nanatili siyang nakatayo sa pinag-iwanan sa kanya ni Hannon dahil sa hahanap ito ng parking. Hindi siya kumilos para mauna, matiyaga niya itong inintay sa kung saan siya nito iniwan.

“Sweety”rinig niyang tawag nito sa kanya. “Sorry I keep you waiting. Ang hirap kasing makahanap ng parking.”

“Ayos lang” Kahit nangangatog ang mga binti ay pinilit niyang huwag kainin ng kaba at sumunod nalang sa kaibigan na pumasok.

Nakahawak siya sa mga kamay nito gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing siya ang sinasama nito sa mga party.

Papasok palang sila ay wala ng tigil ang pakilala dito, pakilala doon. Tanging simpling ngiti lang din ang kanyang isinasagot sa tuwing sinasabi ng mga itong kasintahan siya ni Hannon.

Sanay na siyang mapagkamalan sila dahil halos sa lahat ng kasiyahang dadaluhan nito ay siya lagi ang kasama.

Pagkatapos ng mahabang kamustahan sa daan papuntang loob ng simbahan ay makakapasok na sila.

Nandoon kaagad ang mga tingin ng tao ng makapasok silang dalawa ni Hannon. Kilala din kasi ang mga Moldes.

Nakarinig siya ng mga bulungan pero hindi niya na iyon binigyan ng pansin. Mas kumapit nalang siya sa kamay ni Hannon dahil sa kakaibigang naramdaman.

At bago pa nga nila marating ang nag-aantay na upuan ay may pares na ng mga mata ang matilim na nakamasid sa kanila. Ramdam niya ang tingin ng mga matang iyon kaya kanya itong hinanap.
Antralde!

Nag salubong ang kanilang mga mata at nakita niya ang galit doon kaya siya na ang unang bumawi. Napahawak pa siya ng mahigpit kay Hannon dahil pakiramdam niya ay mabubuwal siya sa nga nangyayari.

Nakita ko siya! Galit siya! Patay na! Ang guwapo niya parin! Tae na!

Hindi na ulit siya tumingin sa kinaruruonan nito kahit alam niyang nakatingin parin ito sa kanya at sa kanyang katabi na kanina pa siya inaasar.

Sinisigaw ng puso niya na tumingin siya sa mga mata nito. Pero kasalungan naman niyon ang isinisigaw ng isip niya.

“Sweety, kung nakakamatay ang tingin, panigurado umiiyak kana ngayon kasi patay na ako.”Bulong nigo sa kanya na nag bigay ng kiliti sa kanyang leeg.

“Ano ba yang pinagsasabi mo? Makinig kana lang sa sinasabi nila.” Sagot niya lang at nagkunwaring di alam ang tinutukoy nito.

“Ayon oh, Lumingon ka para sa kanya kana.”sabi pa nito saka lang bumaling sa harapan para makinjg.

Lumingon nga siya sa direksyon tinuturo nito kaya nagsalubong na naman ang tiningan nila ng lalaking kanina pa matalim ang tingin sa kanila.

Ano selos ka Antralde?

Continue Reading

You'll Also Like

38.9K 1.1K 62
COMPLETED STORY Star Amirez, a 23 years old girl who's life was very simple. She came from a wealthy family but her family despise her. Zeke Velasque...
8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
137K 4.2K 20
He's a millionaire...and getting married soon. But accident suddenly happened to change everything in his perfect life.. That's how destiny hits him!
767K 15.9K 49
"Where am I?!" Pinipilit niyang makatakas sa pagkatali niya pero hindi niya iyon magawa. May nakatakip din sa mga mata niya kaya wala siyang makita...