CAPOGIAN GRANDE SERIES 5: Bew...

By yellowpencil

52.5K 969 10

Kung ang mortal na kaaway ni Superman ay si Lex, ni Batman ay si Joker at ni Thor ay si Loki, si Nicario Leon... More

PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 10

CHAPTER 09

3.7K 75 0
By yellowpencil

"WHAT'S holding you back, Forest? Pareho naman kayo ng nararamdaman ni Neil kaya anong pinoproblema mo?" Tanong ni Lynie kay Forest matapos pumili ng damit na bibilhin. "Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo para tapos na 'yang pag-iinarte mo."

Kasalukuyan silang nasa department store ng Grand Morayta Mall upang mamili ng damit na isusuot para sa kasal ni Gov. Deo at Caille. Sabi ni Caille sa kanya ay pwede siyang magdala ng kaibigan sa kasal nito kaya naman naisip niyang isama si Lynie roon.

"I don't know, Lynie. Naguguluhan talaga ako," aniya at bumuntong hininga ng marahas habang tumitingin ng dress.

Though she already accepted to herself that she's already in love with Neil, hindi niya maintindihan ang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya para aminin sa lalaki ang nararamdaman. Maybe it's her pride that's kicking in. Neil has always been her nemesis at parang hindi malunok ng pride niya na sabihin dito na gusto niya na rin ito. Ma-pride na kung ma-pride pero hindi madali para sa kanya na umamin dito.

Naramdaman niyang hinawakan ni Lynie ang kanyang balikat kaya naman napalingon siya rito. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

"Luukin mo na 'yang pride chicken mo. Walang mabuting idudulot sa'yo 'yan."

"Easier said than done," aniya at ngumuso.

"Tigas ng ulo," ani Lynie at napailing. "Sige ka. Kapag 'yan si Aragon nakahanap ng iba, ikaw rin ang iiyak sa huli."

Napasimangot siya sa sinabi nito at napahalukipkip. "Thank you friend, ha? Gandang panakot niyan."

Threatened na nga ako kay ate Russ. Mananakot pa.

Kahit na nakausap na niya si Russ noong nakaraang araw at sinabi nitong wala namang namamagitan dito at kay Neil kundi purong pagkakaibigan lang ay nakakaramdam pa rin siya ng insekyuridad. Maganda si Russ at mabait pa kaya hindi na siya magtataka kung mahulog man si Neil dito kung sakali.

You and your insecurities, Forest. Sinabi na ngang wala, iyon na 'yon. Tama na ang pagkapraning!

Tumawa si Lynie sa sinabi niya. "Alam mo, Forest, okay paminsan-minsan na ma-pride ang isang tao. Kaso nilulugar 'yan. 'Yang pride na meron ka ngayon, hindi mo 'yan kailangan kaya alisin mo na 'yan sa sistema mo. Imbes na maging masaya ka na ngayon, dine-delay mo pa. It's either you tell him or you let him go. Alin lang naman sa dalawa ang pagpipilian mo. And I'm pretty sure, you'll never choose the latter."

Isang marahas na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan. Tama naman si Lynie. The only option she has is to tell him what she feels. She doesn't want to have regrets in the end. She just need to muster all her confidence and stand straight in front of Neil and tell him everything.

Kaya mo 'yan, Forest!

Bumuntong hininga siya ng malalim at tumingin kay Lynie. "Fine. I'll tell him."

Ngumiti sa kanya si Lynie at tumango. Tinapik nitong muli ang kanyang balikat. "Good girl."

"TEXT me when you're back here in Sentro Del Sol. I have something to tell you."

Matapos i-text ni Forest si Neil ay isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kasalukuyang nasa Bajo Del Sol si Neil at inaasikaso ang itatayong negosyo kasama si Dex. Balak na niyang umamin dito pagkabalik nito galing doon. Sana naman ay umayon sa kanya ang pagkakataon. Kahit na nakakaramdam siya ng hiya ay parang kinikiliti ang puso niya sa antisipasyon. It's hard to admit to herself that she's inlove with her nemesis but she believes that it's harder to keep it to herself. Bakit niya pa papahirapan ang sarili? They both feel the same. At alam niyang magiging masaya siya sa piling ng lalaki.

Isang ngiti ang kumawala sa kanyang labi at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Patungo siya sa bahay ng mga Alcantara upang kausapin si Caille para sa mga huling detalye sa kasal nito.

Patawid na sana siya ng kalsada nang mapansin ang isang buntis na babae sa kanyang gilid na tila hirap na hirap maglakad. Dahil doon ay mabilis niya itong nilapitan.

"Okay ka lang, Miss?" Nag-aalalang tanong niya at inalalayan itong tumayo.

"M-manga...manganganak na...'ata...ako..." Anito at impit na humiyaw dahil siguro sa sakit na nararamdaman.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Kapakuwa'y mabilis siyang nagpanic nang biglang mawalan ng malay ang babae.

"Tulong!" Malakas na sigaw niya sa mga taong nasa paligid.

Mabilis naman siyang nilapitan ng mga tao at tinulungan siyang alalayan ang babae. Dinukot niya ang kanyang cellphone at mabilis na tumawag ng ambulansya.

"REALLY, Forest. Thank you so much for the help."

Napangiti si Forest sa babae. Kanina pa ito gising at karga na nito ang anak nito. Ipinagpapasalamat niya talaga na mabilis dumating ang ambulansya at nadala ito agad sa ospital kundi ay hindi niya alam kung ano ang posibleng nangyari rito at sa anak nito kung hindi ito naagapan agad.

Na-realize niyang masyado talagang maliit ang mundo. Hindi niya akalain na makikita niya muli ang babae matapos ang mahabang panahon.

"No worries, Cassy. And congratulations for your baby girl," nakangiting sabi niya.

Tama. Ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon ay si Cassy. Ang babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya noon na si Luke. Kung dati ay galit na galit siya maisip niya lang ang pangalan nito, ngayon ay wala na siyang maramdaman na sama ng loob dito. Totoo nga siguro ang kasabihang time heals all wounds. Wala na siyang makapang galit o kahit bitterness man lang dito dahil sa ginawa nito sa kanya noon.

"And congratulations din sa nalalapit niyong kasal ni Luke," she added.

Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay magkasama pa rin pala ang mga ito. Ayon sa kwento ni Cassy sa kanya kanina ay balak na ng mga ito na magpakasal matapos nitong makapanganak. Wala nga lang ngayon si Luke dahil nasa ibang bansa ito dahil sa trabaho. Pero naabisuhan na ito tungkol sa panganganak ni Cassy kaya pauwi na rin ito ng Pilipinas.

"Who would have thought...I never really thought na mai-inlove ako kay Luke. But look at me now, crazy in love with your ex," nakangiting sabi nito at nilaro-laro ang daliri ng baby nito.

"This is funny. Who would have also thought...I'm already inlove now with your ex," nakangising sabi niya rito.

Napaangat ng tingin sa kanya si Cassy at nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

"Sinong ex?" Tanong nito.

"Si Neil," nakangiting sagot niya.

"Neil? As in Nicario Aragon?"

Tumango siya bilang sagot kay Cassy.

"Oh! Hindi naman naging kami. Kahit anong landi ko sa lalaking iyon noon, walang epekto," anito at tumawa. "That cunning, Nicario! So, he already succeeded entering your heart, huh? Akala ko talaga 'di siya magsa-succeed. Sa dami ba naman ng pinaggagawa n'on para lang makuha ka, wala man lang umubra ni isa sa'yo noon," anito at tumawa.

"What do you mean?"

Na-curious siya sa sinabi ni Cassy. Alam niyang matagal nang may gusto sa kanya si Neil ayon sa confession nito sa kanya. Pero hindi niya alam na noon pa man ay may ginagawa na ito para lang mapansin niya.

I better hear this. Para pangtukso kay Nicario kapag nagkataon, nakangising sabi niya sa sarili.

"Oh! Hindi ba nasabi sa'yo ni Neil? When I approached Luke before, it's because Neil asked me to do it. Ganoon 'yon kapatay sa'yo na hindi niya kayang makita ka masaktan. Luke before then was cheating on you at alam ni Neil iyon kaya sinabihan niya akong akitin ko si Luke. Well, in a way, I'm thankful to Neil kasi pinakiusapan niya ako na gawin iyon dahil kung hindi, wala kami ni Luke kung nasaan kami ngayon."

Ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi ay unti-unting naglaho. Napalunok siya. Nahihirapan siyang absorbahin ang mga sinabi ni Cassy.

Anong...anong ibig sabihin nito?

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan gawin iyon ni Neil. Ayaw siya nitong masaktan? Bakit hindi na lang nito direktang sinabi sa kanya noon ang tungkol sa panloloko sa kanya ni Luke at ginawa pa ang bagay na iyon?

"Gan'on din ang ginawa niya sa iba mo pang ex. Kinausap niya ang mga iyon para layuan ka. Gan'on ka kasi n'on kamahal kaya ayaw ka niyang makitang masaktan sa mga nakarelasyon mo."

Napasinghap siya. Pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga at sasabog ang kanyang utak. Bakit...bakit kailangan gawin iyon ni Neil sa kanya? Dahil mahal siya nito? What a pathetic lie! Kung mahal siya nito, hahayaan siya nitong masaktan at matuto sa mga maling relasyon na napasok niya. Bakit kailangan pa nitong magsinungaling sa kanya? Lahat ng sakit na idinulot sa kanya ng mga nakaraang relasyon niya ay tumimo sa kanyang isip at puso. At kahit na nakaraan na iyon ay tanda niya pa rin ang sakit na naramdaman niya noon sa tuwing maiiwan siya.

She's been single for how many years after Luke left her because she was so scared of being dumped again. Takot siyang maiwan at masaktan muli. She's scared to feel that unfathomable pain again of being left behind and heartbroken. Though for years, she's still hoped and looked for that right person who'll erase all that scars she had from her past relationships, she built a wall in her heart to guard it from future and the same pain again. At ngayon kung kailan naisip niyang ibaba ang kanyang depensa at sumubok muli na magmahal at pumasok muli sa isang relasyon, pakiramdam niya ay nagkamali na naman siya.

Her heart chose the wrong person to love and it pained her that she can't undo or just forget whatever she feels for him. The scars she had was all because of him. And the fear of being left behind she had was all because of him.

How can she love the person who was the reason why her heart got scraped for how many times in the past? How can she love the person who was the reason why she got insecurities because she's always left behind? And how can she love the person who gave her so much pain?

"I'm...I'm sorry I have to go."

Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng kwarto ni Cassy at lumabas doon. Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luhang kanina niya pa pinipigilang lumabas.

"KANINA pa kita tinatawagan, 'di mo sinasagot. I've been looking for you all day, nandito ka lang pala sa club house. Anong nangyari sa'yo? At ano pala ang sasabihin mo?"

Nag-angat ng tingin si Forest kay Neil at mapaklang ngumiti rito. Inalis niya ang mga paang nakababad sa pool at tumayo. Puno ng pait ang mga matang hinarap niya ang lalaki.

"Why did you do it?" She gritted her teeth.

She's trying to suppress her anger pero nahihirapan siya. Pakiramdam niya ay kailangan niyang ilabas iyon kundi mababaliw siya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito sa kanya.

"Bakit mo kailangang kausapin ang mga ex ko noon para layuan ako? Bakit kailangan mong utusan pa noon si Cassy na akitin si Luke para lang maghiwalay kami? Bakit, Neil? Bakit?!" She screamed. Tuluyang tumulo ang mga luhang mabilis na namuo sa kanyang mga mata.

Seeing guilt in Neil's face is making her angry. How dare him do such a stupid move just to get her?

"L-let me explain, Forest—"

Mabilis niyang pinalis ang kamay ni Neil na hahawak sana sa kanya at sinampal ito ng malakas. "Don't you dare touch me, Aragon! Wala kang karapatan na hawakan ako! Ang kapal ng mukha mo na gawin iyon sa akin! You didn't know the pain I went through because of it! Hindi mo alam kung gaano kalaking peklat ang meron ako dahil doon! You're damn asshole, Neil! At kung sasabihin mong ginawa mo iyon dahil mahal mo ako at ayaw mo akong masaktan, forget it! You did it because you're selfish! You are freaking selfish!"

"Hindi totoo 'yan, Forest! They were cheating on you! Sa tingin mo hahayaan ko na lang na makita kang masaktan dahil sa kanila? Mahal kita at handa akong gawin ang lahat para lang hindi ka masaktan! I know my methods before were wrong! Pero wala akong maisip na ibang paraan para hindi ka na masaktan pa ng sobra-sobra!"

"Damn it, Neil! You can tell it on my face! Bakit kailangan mo pang gawin iyon?!"

"Makikinig ka ba kapag sinabi ko sa'yo na niloloko ka nila? Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi ka naman nila mahal at pinaglalaruan ka lang nila? Hindi! Because all you think of me back then was I'm your enemy! How can I tell you that if I know you won't believe me? Paano ko sasabihin sa'yo 'yun kung masyado kang nabubulagan n'on sa pagmamahal at sigurado akong hindi ka maniniwala sa kahit anong sasabihin ko? Alam kong mali ang ginawa ko but I meant no harm. And I'm sorry if I did those things. But believe me, malinis ang intensyon ko kaya ko ginawa ang mga bagay na iyon noon!"

Seeing Neil crying it makes her heart in pain even more. Pero kahit ganoon ay hindi n'on maalis ang galit sa puso niya. There are so many ways to tell her that's she's been cheated. And Neil chose the wrong way. And that way gave her so many scars that's hard to remove.

"You could have been honest to me, Neil. The end certainly didn't justify the means. Hindi mo alam kung ano ang iniwan sa akin ng bawat sakit na naranasan ko noon sa tuwing maiiwan ako. Hindi mo alam kung gaano kalaking insecurity ang nabuo sa sarili ko dahil akala ko noon ay hindi ako deserving na magkaroon ng minamahal. At hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon dahil 'yong taong natutunan ko ng mahalin ay 'yong taong dahilan kung bakit ako nasaktan noon at nasasaktan ngayon ng sobra-sobra."

Puno ng luha ang mga mata ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang luhaan ding si Neil sa club house.

Continue Reading

You'll Also Like

69.3K 637 36
Alice Avery Cortez, isang babaeng pangarap ay ang ikasal sa lalaking pinakamamahal niya--Rafael Joshua Delafuente. Ngunit paano kung sa isang pagkak...
521K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
30.9K 628 16
Highest Rank: #52 in Short story Date Started: June 22, 2017 Date Completed: June 25, 2017 15 Parts Lets find out what would be the decision of Moniq...
28.2K 409 57
WAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)