CHAPTER 09

3.7K 75 0
                                    

"WHAT'S holding you back, Forest? Pareho naman kayo ng nararamdaman ni Neil kaya anong pinoproblema mo?" Tanong ni Lynie kay Forest matapos pumili ng damit na bibilhin. "Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo para tapos na 'yang pag-iinarte mo."

Kasalukuyan silang nasa department store ng Grand Morayta Mall upang mamili ng damit na isusuot para sa kasal ni Gov. Deo at Caille. Sabi ni Caille sa kanya ay pwede siyang magdala ng kaibigan sa kasal nito kaya naman naisip niyang isama si Lynie roon.

"I don't know, Lynie. Naguguluhan talaga ako," aniya at bumuntong hininga ng marahas habang tumitingin ng dress.

Though she already accepted to herself that she's already in love with Neil, hindi niya maintindihan ang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya para aminin sa lalaki ang nararamdaman. Maybe it's her pride that's kicking in. Neil has always been her nemesis at parang hindi malunok ng pride niya na sabihin dito na gusto niya na rin ito. Ma-pride na kung ma-pride pero hindi madali para sa kanya na umamin dito.

Naramdaman niyang hinawakan ni Lynie ang kanyang balikat kaya naman napalingon siya rito. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

"Luukin mo na 'yang pride chicken mo. Walang mabuting idudulot sa'yo 'yan."

"Easier said than done," aniya at ngumuso.

"Tigas ng ulo," ani Lynie at napailing. "Sige ka. Kapag 'yan si Aragon nakahanap ng iba, ikaw rin ang iiyak sa huli."

Napasimangot siya sa sinabi nito at napahalukipkip. "Thank you friend, ha? Gandang panakot niyan."

Threatened na nga ako kay ate Russ. Mananakot pa.

Kahit na nakausap na niya si Russ noong nakaraang araw at sinabi nitong wala namang namamagitan dito at kay Neil kundi purong pagkakaibigan lang ay nakakaramdam pa rin siya ng insekyuridad. Maganda si Russ at mabait pa kaya hindi na siya magtataka kung mahulog man si Neil dito kung sakali.

You and your insecurities, Forest. Sinabi na ngang wala, iyon na 'yon. Tama na ang pagkapraning!

Tumawa si Lynie sa sinabi niya. "Alam mo, Forest, okay paminsan-minsan na ma-pride ang isang tao. Kaso nilulugar 'yan. 'Yang pride na meron ka ngayon, hindi mo 'yan kailangan kaya alisin mo na 'yan sa sistema mo. Imbes na maging masaya ka na ngayon, dine-delay mo pa. It's either you tell him or you let him go. Alin lang naman sa dalawa ang pagpipilian mo. And I'm pretty sure, you'll never choose the latter."

Isang marahas na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan. Tama naman si Lynie. The only option she has is to tell him what she feels. She doesn't want to have regrets in the end. She just need to muster all her confidence and stand straight in front of Neil and tell him everything.

Kaya mo 'yan, Forest!

Bumuntong hininga siya ng malalim at tumingin kay Lynie. "Fine. I'll tell him."

Ngumiti sa kanya si Lynie at tumango. Tinapik nitong muli ang kanyang balikat. "Good girl."

"TEXT me when you're back here in Sentro Del Sol. I have something to tell you."

Matapos i-text ni Forest si Neil ay isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kasalukuyang nasa Bajo Del Sol si Neil at inaasikaso ang itatayong negosyo kasama si Dex. Balak na niyang umamin dito pagkabalik nito galing doon. Sana naman ay umayon sa kanya ang pagkakataon. Kahit na nakakaramdam siya ng hiya ay parang kinikiliti ang puso niya sa antisipasyon. It's hard to admit to herself that she's inlove with her nemesis but she believes that it's harder to keep it to herself. Bakit niya pa papahirapan ang sarili? They both feel the same. At alam niyang magiging masaya siya sa piling ng lalaki.

CAPOGIAN GRANDE SERIES 5: Bewitching Neil (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon