CAPOGIAN GRANDE SERIES 5: Bewitching Neil (PUBLISHED UNDER PHR)

CAPOGIAN GRANDE SERIES 5: Bewitching Neil (PUBLISHED UNDER PHR)

47.1K Reads 737 Votes 11 Part Story
Ice Collins By yellowpencil Completed

Kung ang mortal na kaaway ni Superman ay si Lex, ni Batman ay si Joker at ni Thor ay si Loki, si Nicario Leon Aragon naman ang masasabing pinakamortal na kaaway ni Alexandra Forest Yuhico. Simula pa 'ata na natuto silang magsalita at maglakad ay hindi na sila magkasundo. Asaran dito, trip-trip doon. Ganyan umikot ang buhay nila kahit na ang mga magulang nila ay matalik na magkakaibigan. Kaya naman nang sinabi ng mga magulang nila na ipinagkasundo sila na ipakasal sa isa't isa, 'sing tigas ng diamond ang pagtanggi ni Forest. Pero ang hindi niya inaasahan, ang unggoy na si Nicario ay walang kahirap-hirap na sumagot ng 'oo'.
Tuloy, hindi niya maiwasang magtaka. Isang parte niya ang nagsasabi na baka sumang-ayon lang ito dahil hindi makatanggi sa mga magulang nila. Pero malaking parte ng pagkatao niya ang nagsasabi na kaya lang ito pumayag ay dahil gusto lang nitong makaganti sa kanya. Kaya naman nang malaman niya ang totoo mula rito, nawindang 'ata ang brain cells niya at biglang nag-alsa balutan dahil sa hindi inaasahang confession nito.
Handa na sana siya siya. Tatanggapin na niya. Subalit may kapalit pala iyon na mas higit na nagpawindang sa nagulo niyang utak.