Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

90.7K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Labing Siyam na Kabanata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Dos na Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Otso na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata
Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Ika-Tatlompu na Kabanata

1.4K 69 16
By MariaBaybayin




Nagising ako sa alingawngaw na aking nadinig. Hindi ako pwedeng magkamali, nakakasiguro akong mga tunog iyon ng isang baril. Agad akong napabangon at napalabas saking silid upang kumpirmahin ito.

Pagkalabas ko ay agad kong nasilayan si Aling Rosa na nakatayo sa tabi ng bintana at tila nagaalala sa narinig.. "Narinig mo ba ang mga iyon? Hindi ba't ganoon ang tunog ng mga baril?" nagaalala niyang tanong sakin.

Maging si Mang Rigor at Miguel ay nagising narin sanhi ng ingay at parehong may pagtataka at alinlangan sa kanilang mukha.

Sa di kalayuan, nadinig ko naman ang mga yapak ng kabayo na tila ba nagmamadali. Napalabas naman ako ng bahay upang silipin kung sino ang lulan ng kabayong iyon. Dahil madilim, kailangan ko pang titigan nang husto at maigi kung sino ba ang taong paparating. Agad ko namang naaninag ko ang taong iyon dahil narin sa tindi nang liwanag na dulot dilaw na buwan. Nakadamit siya ng kulay kayumangging kasuotan at ipares narin natin ang sumbrero na pang Heneral.

Huminto ang humaharurot na kabayo ni Goyo sa harap ko at mabilisan namang bumaba ito. "Kristina makinig ka sakin, kailangan niyong kumilos, at kung maaari ay lisanin niyo nang mabilis ang lugar na ito." bungad niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng matinding pangamba dahil sa mga binitiwang salita na yoon ni Goyo, "Teka Goyo, ano ba ang nangyayari? Bakit may mga putok ng baril" tanong ko naman saknya..

"Yoon ay dahil hindi na ligtas dito, Kristina. Paparating na ang tropa ng mga Amerikano upang lusubin ang mga bayan ng Bulakan, napagalaman nilang sa lalawigan na ito naroon si Miong kaya naman agad silang nag plano kung paano tutugisin ang Presidente, nagdeklara din si Miong ng digmaan sapagkat tinutulan ng Amerika ang pag kilala sa itinatag niyang Republika. Kaya naman nang mapagalaman nang mga Amrikano ang ukol sa unang Konstitusyon na naitatag sa Barasoain ay agad silang nagplano para sa digmaan kontra Pilipinas. Maigi na bago pa ito tuluyang magsimula ay nakaalis at nakalayo na kayo rito. Ayon pa kay Miong ay magtungo raw kami sa Nueva Ecija upang doon maipagpatuloy ang Konstitusyon, doon raw muna din siya magtatago pansamantala, habang kami naman ay maiiwan dito sa Bulakan upang depensahan ang lalawigan mula sa mga mananakop, susunod kami roon sa oras na matapos at matagumpay ang digmaang ito." sambit ni Goyo..

Para namang akong nabuhusan ng malamig na tubig saking mga narinig.. Napagtanto ko na ito na nga ang simula. Ang simula ng alitan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Noon ay napagaaralan ko lamang ito sa History at Araling panlipunan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko lubos maisip na magiging kabilang ako sa kasaysayang ito.

Hindi rin ko napigilan ang aking sarili sa pangangamba. Dahil ayon sa aking napag-aralan noong elementarya , ika-4 ng Pebrero taong 1899 ng magdeklara ng gyera si Aguinaldo sa mga Amerikano at tulad ng nasa libro ay babagsak at masasakop ng mga Amerikano ang kabisera ng unang republika ng Pilipinas. Hindi maglalaon ay mababawi naman nila Gregorio ang Bulakan sa pagkakapanalo nito sa Digmaan sa Quingua at Calumpit.

"Nakuha mo ba ang mga sinabi ko, Kristina?" Muling sambit ni Goyo.. Natauhan naman ako sa sinabi nito at napatango nalamang. "Magkita tayo sa Nueva Ecija, hahanapin kita sa oras na makarating kami roon.." pahabol pa niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at ngumiti ng kaunti, "Alam kong maipapanalo mo ang digmaan Goyo, naniniwala ako sa kakayahan mo, at dahil rito ay mapapahanga mo si Miong. Aasahan ko ang muli nating pagkikita". tugon ko saknya.

Bagamat apektado siya sa mga pangyayari, hindi naman pinagkait sakin ni Goyo ang isang makabuluhang ngiting kanyang punakawalan dahil saking mga sinabi.

"Pasensiya ka na, kung hindi ko manlang magawang protektahan ka sa mga oras na ito, Kristina. Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa ating dalawa. Wala naman akong magawa dahil ito ay tawag nang tungkulin. Ngunit ito ang lagi mong tatandaan, Mahal kita, Kristina. At sisiguraduhin kong magkikita tayong muli." Sambit niya sabay halik saking noohan.

Maluha luha naman akong sumagot saknya, "Mahal din kita, Goyo. At naiintindihan ko ang iyong mga tungkulin, ang aking kahilingan lang sana ay palagi kang mag iingat." sagot ko naman saknya. Mahigpit na yakap ang ipinabaon ko saknya bago pa man ito tuluyang lumisan.

Sumakay na siyang muli sa kanyang kabayo at sa huling pagkakataon ay tumingin muna siya sakin bago pa man siya umalis.

"Hihintayin kita, kahit pa anong mangyari.." Huli kong sambit.

Ngumiti lamang ito at pinatakbo na nang mabilis ang kanyang kabayo. Ramdam ko ang bigat nang kanyang dibdib sa paglisan, dahil kahit di man niya ito sabihin batid kong hindi na nais pa ni Goyo na mahiwalay pa saking tabi. Gayon pa man, kahit alam ko na ang mga mangyayari ay hindi ko parin maiwasan mag-alala, dahil tulad nang sabi ni Tatang, may mga bagay na possibleng paring magiba at mangyari na hindi ayon sa nakatakda. Katulad nalamang ng pagkahulog sakin ni Gregorio.

"Si Goyo yoon hindi ba?" Pagtatakang tanong ni Miguel. Kaagad ko naman siyang minanduhan upang pumasok ng bahay at tinawag ko narin sina Aling Rosa upang ipabatid ang sinabi ni Goyo sa akin.

"Aling Rosa, kailangan po nating makaalis sa lugar na ito at magtungo sa probinsya ng Nueva Ecija sa lalong madaling panahon. Kailangan po nating makalayo sa lugar na ito bago pa maganap ang panganib." ani ko sa sakanila. Tahimik at napaisip naman si Mang Rigor sa aking sinabi.

Naguguluhan naman si Aling Rosa sa mga nangyayari kaya naman napatanong na ito. "Anong panganib ba iyong sinasabi? Kanina nalamang ay di malamang putok ng mga baril, ngayon naman ay kailangan na nating lumikas. Hindi ko na maintindihan, ano ba talaga ang nagbabadyang mangyari?" balisa ng tugon ni Aling Rosa..

"May nalalapit pong pagsiklab nang gyera, at ang unang prunterya nila ay ang mga lalawigan ng pook na ito. Pag hindi po tayo umalis ay maaari po tayong mapahamak, kaya po nag tungo si Goyo rito ay para magbigay babala." paliwanag ko sa kanila..

"Kung gayon ay kailangan nating sundin ang payo ng Heneral, Rosa. Ano pang hinihintay natin? Kailangan na nating magmadali." Hirit ni Mang Rigor.

"Ngunit paano ang ating pala-isdaan at iba pang hanap buhay ama? Wala pa tayong sapat na ipon kung sakaling mapunta tayo sa malayong lugar." Saad ni Miguel.

Lumapit naman si Mang Rigor sa kanyang anak upang paliwanagan ito. "Alam kong nag aalala ka sa ating mga naipundar at hanap buhay anak, ngunit sa puntong ito, mas kailangan nating isipin ang ating kapakanan. Ang salapi ay balewala at ang hanap buhay ay maaaring mapalitan, ngunit ang ating buhay? Yoon ang malabong mapalitan, kaya naman mas makakabuti kung makikinig tayo kay Heneral Goyo at Kristina." makabuluhang tugon ni Mang Rigor.

Nalungkot man si Miguel, ngunit naisip nito na may punto rin naman ang pahayag ng kanyang ama, kaya naman labag man sa kalooban niya ay pumayag na rin ang binata na lisanin ang kanilang mga pinaghirapan sa kinasanayang lugar.

Habang nag hahanda ang mag anak sa mga maaari nilang dadalhin at mailagay sa tampipi, nabagabag naman ako para sa aking dalawang kaibigan na si Rosario at Crisanta pati narin kay Madam Dolores. Batid kong lingid sa kanilang kaalaman ang mga bagay na ito, at kung himdi ko sila mababalaan ay maaari silang mapahamak dahil dito. Kailangan ko silang mailigtas sa possibleng kapahamakan.

Kinuha ko ang aking balabal na ibinurda pa ni Aling Rosa at agad kong nilapitan si Miguel para ibulong sakanya ang binabalak kong paguwi sa Maynila. Alam kong sa oras na malaman ni Aling Rosa ang aking binabalak ay hindi nila ako papayagang umalis, kaya sa halip ay pinili ko nalamang na kay Miguel ipaalam. Sa mahigit na isang buwan naming magkasama sa barrio ng Obando, halos itinuring nadin akong sariling anak nina Aling Rosa at Mang Rigor kaya naman batid kong pipigilan nila ako sa oras na malaman nila ang aking balak.

"Miguel, Nasabi mong may alaga kang kabayo noon hindi ba?" pabulong kong tanong saknya.

"Oo, andun siya sa likod bahay malapit sa pala-isdaan, bakit? Saan mo naman ito gagamitin?" tugon naman ni Miguel.


"Maaari ko ba siyang mahiram? Mauna na kayo sa pagtungo sa Nueva Ecija, ako naman ay magtutungo muna sa Maynila. May kailangan lamang akong mga balikan at makausap doon." sambit kong muli. Papunta na sana ako sa likod bahay upang kunin ang kabayo ngunit agad naman siyang sumunod sa akin.

"Magtutungo ka sa Maynila nang ikaw lang? Delekado ito para sayo, Kristina. Hindi mo ba narinig ang mga sinabi sayo ni Goyo? Papunta na ang mga grupo ng amerikano sa lugar na ito at anumang oras ay maaari mo silang makasalubong kung iyong igigiit ang iyong balak." nagaalalang tugon ni Miguel.

"Ngunit kailangan kong makausap ang aking mga kaibigan tungkol dito, lalong lalo na si Madam Dolores. Hindi ko sila pwedeng pabayaan, kailangan ko silang mabalaan at mailigtas." mariin kong sagot.

Hindi ko na naisip ang mga bagay pang makakasama sa akin, ang tanging naiisip ko lamang ngayon ay ang mga taong naiwan ko sa dormitoryo na naging malaking parte ng buhay ko sa panahong ito.. Hindi yata kakayanin ng aking konsensiya kung sakaling may masama man na mangyayari sa kanila.

"Kung hindi na kita mapipigilan pa ay wala na akong magagawa pa, subalit hayaan mo nalamang na samahan kita. Hindi rin kakayanin nang aking konsensiya kung sakaling mapahamak ka." Saad naman ni Miguel.

"Sigurado ka ba dyan?" Muli kong tanong saknya.

Tumango naman ito, "Kung gayon ay kailangan na nating umalis, wala na tayong sapat na oras." Pahabol ko pa.

Nagtungo na kami sa likod bahay upang kunin ang kabayo ni Miguel. Bago pa man kami sumakay ng kanyang kabayo ay kinausap niya muna ito na animo'y isang tao habang tinatanggal niya ito sa pagkakatali.

" Magandang gabi sayo, Dilag. Kumusta ang iyong kundisyon ngayong gabi? Siya nga pala, kailangan ko ang iyong tulong sa oras na ito, nais kong dalin mo kami nang aking kaibigan sa Maynila. Alam kong ito ang iyong kauna-unahang byahe sa malayo ngunit maaasahan ko ba ang tulong mo, Dilag?" malambing na pakikipagusap niya sa kabayo.

Tila sumagot naman ang kabayo nang itaas nito ang kanyang dalawang paa sa ere kasabay ng paghalinghimng nito. Napangiti naman si Miguel sa sinagot ng alaga..

Isinakay na ko ni Miguel sa kabayong si Dilag, at sunod naman ang pagsakay rin nito. Sa gitna nang aming byahe, ay may naaninag akong nakakasilaw n liwanag na papalapit sa amin. Habang papalapit ang liwanag ay mas lalo naman itong lumalaki at mas nagiging mahapdi sa mata.

Bigla naman akong nakaramdam ng pananakit ng aking ulo, at sunod noon ay ang pagikot nang aking paningin. Sa ika-tatlong pagkakataon ay may isang pangyayari nanaman akong nagbabadyang marating.




Hello Mi Delpilares :) Como Esta? Estas bien? Hehe ayon.. at nagsimula na nga ang wakas mga mahal kong readers.. ang galing db ? Dalawang beses akong nakapagupdate sa linggong ito.. hahaha.. at yoon ay dahil nanaman sa isang awitin.. hehe . Salamat sa kanta ng Steady weekdays at nainspire nanaman akong magsulat para sa ika-30 na kabanata..

Ayon, nasabi ko na naman yung mga nais kong sabihin.. So sa ngayon magpapasalamat lang akoo..

THANK YOU, THANK YOU THANK YOU SA mga readers ko at nagiging dahilan kaya buhay pa ang storyang ito ni Goyo :)  hehe.. Race to 12k na tayooo mga tsong.. hehe.. Congrats to us :)

Siya nga pala. Kung may suggestions, and comments kayo para sa story na ito, guys, feel free to message me.. :) hehe ayon lamang..

MAHAL KO KAYOOO GUYS :)

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
558K 27.6K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
445K 19.7K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...