"EFFECTIVE naman pala kapag sa akin ka lang nakatingin eh," pagyayabang ni Raeken. Naging effective kasi ang suggestion niya na sa kanya lang ako tumingin kapag nakakaramdam ako ng sakit habang nakatingin ako sa ibang participants ng outreach program namin. "Maybe you should always focus your eyes on me."
"Sawa na ako sa mukha mo, no," tugon ko bago uminom mula sa bote ng softdrinks na hawak ko.
Pagkatapos kasi ng activity ay sabay na kaming umalis ni Raeken. Pero bago niya ako ihatid ay naisipan naming tumambay muna sa isang park na hindi lang kalayuan sa venue ng outreach program.
"Magsawa ka man, kakailanganin mo pa rin ang mukhang 'to para hindi ka mahirapan sa kondisyon mo. Tandaan mo yan," tugon niya habang nakangisi.
"Ewan ko sayo," tapos ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Teka lang, iihi muna ako. Huwag mo kong iwan ha?"
"Bakit naman kita iiwan? Sira ulo ka rin eh. Sige na, magbanyo ka na," natatawa niyang tugon sa akin.
Medyo malayo ang pinakamalapit na public comfort room mula sa park kaya natagalan ako bago makabalik. Dumaan pa ako sa isang tindahan para bumili ng pagkain kaya hindi ako nakabalik agad sa tinatambayan namin.
Nang binalikan ko si Raeken ay naabutan ko siyang pinagmamasdan ang dalawang batang lalaki na naglalaro sa isang seesaw. Tatanungin ko sana siya kung mahilig siya sa bata, pero nang mapansin kong napakaseryoso ng ekspresyon sa mukha niya ay pinili kong manatiling tahimik.
Nang ibinaling ko ang tingin sa dalawang batang naglalaro, napansin ko ang pagkakapareho hindi lang ng mga suot nila, pero pati na ng mukha nila.
Kaya siguro ganito na lang ang pagtitig sa kanila ni Raeken. Muntik ko nang makalimutan na may identical twin pala siya. Si Randall.
"Close din ba kayo ng kakambal mo?"
I saw Raeken flinch when I said that. Mukhang sobrang concentrated siya sa panonood sa kambal na iyon kaya hindi niya na halos napansin na nakatayo na pala ako sa tabi niya.
"H-ha?"
"Tinatanong kita kung close din ba kayo ng kakambal mo."
Umiling siya habang nakamasid pa rin sa kambal na patuloy pa rin ang paglalaro. "H-hindi masyado eh."
"Eh 'di ba dapat kapag kambal, sobrang close? Iisa ang pinagmulan ninyo, ang birthday ninyo, pati na mukha ninyo. Bakit naman kayo hindi magiging close?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman lahat ng kambal ganoon. At tsaka wala rin kaming chance para maging close."
"Bakit naman?"
Napakamot siya habang naiilang na tumingin sa akin. "Pag-uusapan ba talaga natin 'to, Wendy? Hindi kasi ako komportable eh."
"Aw, sorry. Sige, hindi ko na itatanong. Sorry."
"Wala yun. So ano, hatid na kita sa inyo?"
Tumango ako at sumunod sa kanya paalis sa park. Habang naglalakad, hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang ekspresyon ng mukha ni Raeken kanina habang tinitingnan niya ang magkapatid na naglalaro sa seesaw.
Kahit hindi niya sabihin, alam kong may nililihim si Raeken tungkol sa pamilya niya. Lihim na siguradong makakapagpaliwanag ng pagiging malihim niya, ng mga pasa at sugat niya, ng lahat ng tungkol sa pagkatao niya. Pero hindi ko siya pipilitin na ikwento iyon sa akin. Patience is always key, at hihintayin ko na lang hanggang sa handa na siyang magkwento.
Ang umintindi at maghintay. That is the least that I can do for him.
"UMINOM na po ba kayo ng gamot ninyo, Lola?" Naupo ako sa tabi ng lolo at lola ko na abala manood ng tv habang hawak ko naman si RJ.
"Uminom na ako, Wendy. Huwag kang mag-alala, apo. Hindi naman ako nakakalimot," nakangiti niyan tugon sa akin.
Noong isang araw kasi ay dumating dito sina lolo at lola galing Bicol. Schedule kasi ng check-up ng lola ko ngayon linggo para sa sakit niya sa puso. Mas gusto kasi ni mama na dito na lang siya sa Maynila magpagamot.
Habang nanonood kaming tatlo ay nakarinig ako ng malakas na busina mula sa labas ng bahay. Kinutuban ako ng masama. Parang hindi magandang senyales na narinig ko iyon.
"May bisita ka ba, apo?" tanong sa akin ni lolo.
"Wala naman po, 'Lo. Siguro yung delivery lang 'to. May inorder kasi si mama sa isang online store. Baka ito na yun."
Paglabas ko ng bahay, doon ko napagtantong mali ang hula ko, at tama ang hinala ko.
Sa tapat ng gate nakaparada ang isang kotse at komportableng nakasandal doon si Raeken habang kinakawayan ako.
Ano na naman ang naisip ng pasaway na 'to at dumayo na naman dito sa amin?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sa pintuan ng bahay namin.
Nakasandal ang katawan ni Raeken sa kotseng pinarada niya sa tapat ng bahay namin. "Labas tayo. Tinatamad ako sa amin."
I rolled my eyes at him. Nakakainggit talaga ang lalaking 'to. Pwedeng magawa ang kahit ano anumang oras niya man gustuhin dahil alam niyang meron siyang panggastos at sariling sasakyan. Legit privileges ng pagiging anak-mayaman.
"Hindi ba pwedeng iba na lang ang yayain mo?"
"Ayoko nga. Ikaw ang gusto kong kasama, 'no. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka pumapayag na sumama sa akin."
Stubborn brat. "Hindi ako pwedeng sumama. Binabantayan ko sina lolo at lola. Yung parents ko pumunta sa seminar kaya hindi basta pwedeng umalis."
Saglit na natigilan si Raeken, na tila ba inaabsorb niya pa ang sinabi ko. Maya-maya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, na para bang naintindihan niya ang sitwasyon ko at kung bakit hindi ako makakasama sa kanya.
"Eh 'di isama natin sila." Iyon ang naging tugon ni Raeken.
"Ano?" Ibang klase talaga ang persistence ni Raeken.
"Sabi mo kasi hindi ka pwedeng sumama dahil binabantayan mo sila. Eh 'di isama na lang natin sila sa lakad natin. Hitting two birds with one stone, 'di ba? Nakalabas na tayo, nababantayan mo pa sila. Sisiguraduhin ko naman na mag-eenjoy din sila eh." Lumapit si Raeken sa gate at ipinatong ang ulo niya sa bakal na umabot lamang hanggang sa baba niya. "Isama na natin sila. O baka gusto mong ako ang pumasok diyan sa loob ng bahay ninyo –"
"Oo na, oo na," sabi ko habang naglalakad papunta sa gate para pagbuksan si Raeken. "Ikaw na magsabi. Ipapakilala na rin kita. Baka isipin pa nila manliligaw kita."
"Mas kapani-paniwala kung iyon ang sasabihin mo sa kanila kaysa sabihin mong magkaibigan tayo."
Tumigil ako sa paglalakad at binigyan siya ng isang malamig na titig. "Huwag mo akong sisimulan."
"Biro lang. Ito naman ang sensitive," tugon niya habang sabay kaming naglalakad papasok sa bahay namin.
Hah. Bahala na nga.
HINDI ko alam kung bakit, pero imbes na magduda at pagsuspetyahan ng kung ano si Raeken ay kinagiliwan lamang siya ng lolo at lola ko. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya pero lahat ata ng nakikilala niyang kamag-anak ko ay kinagigiliwan siya.
Anak nga talaga siya ng pulitiko. Sobrang charming.
Pumunta kami sa isang mall at doon ay pinamili ni Raeken ng kung anu-ano ang lolo at lola ko. Napaisip ko tuloy kung ako ba talaga ang ipinunta niya sa bahay namin.
Pagkatapos mamili ay dinala namin sa park ang lolo at lola ko. Hindi naman kasi pwedeng paglakarin namin sila maghapon dahil matanda na rin sila. Hindi lang kami nagtagal doon, dahil pagkatapos mamili ay bumalik na rin kami. Hindi kami umuwi agad, at sa halip ay tumigil muna kami sa park para naman makalabas naman sina lolo at lola sa bahay.
Nagpaalam muna kami sa kanila na bibili ng pagkain para sa aming apat. Dumiretso kami sa mga food stalls sa hindi kalayuan. Mula sa kinatatayuan namin ay nakikita ko pa sina lolo at lola, kaya nababantayan ko pa rin sila.
Habang bumibili ng burgers si Raeken ay hindi ko napigilang pagmasdan ang lolo at lola ko na masayang nag-uusap habang nakaupo sa bench. I felt this fuzzy and warm feeling inside me while I was watching the two of them. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa caramel habang naamoy at natitikman ko ang tamis niyon.
Pero bigla kong naramdaman na parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang makita kong lumapat ang labi ng lolo ko sa noo ni lola. Then he looked at her like she was the most precious thing in the world.
Humigpit ang hawak ng mainit na kamay na iyon sa puso ko. Kahit mahigpit iyon ay hindi naman masakit. I felt safe, rather. More of... contented and at peace.
"Bakit ka umiiyak?" Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Raeken nang bigla itong lumitaw sa tabi ko. "May masakit ba sa lolo at lola mo kaya nagkakaganyan ka? Nararamdaman mo ba yun ngayon?"
Pinunasan ko ang mga luhang umagos mula sa mga mata ko. Hindi ko na halos namalayan na lumuluha na pala ako. "Wala naman. Masaya lang ako. Overwhelmed, ganun. Ewan, hindi ko alam."
"Ang gulo mo rin eh. Masaya ka pero hindi ka sigurado?"
"Eh kasi naiinggit ako sa lolo at lola ko. Habang tinitingnan ko sila, ramdam ko yung saya at contentment nila habang magkasama. Nararamdaman ko lang yung ganitong saya kapag nakikita at nararamdaman ko sa ibang tao. Pakiramdam ko nahihiram ko yung saya na nararamdaman nila. Kung wala pa siguro 'tong kondisyon ko, hindi ko pa mararamdaman to."
Hindi agad sumagot si Raeken. Akala ko nga nawala na siya sa tabi ko, nang bigla ko na lamang maramdaman ang mga bisig niya na nakapalibot na sa akin. Nakayakap siya nang mahigpit habang hinahaplos niya ang likod ng ulo ko
During that moment, I suddenly smelled vanilla. Vanilla cupcakes to be exact. Iyon ang amoy ng isa sa mga paborito kong pagkain. Na naaamoy ko rin kapag naririnig ko ang paborito kong kanta, ang Rainbow Connection.
"Tahan na. Hindi mo na kailangang manghiram ng saya sa iba. Pasasayahin kita. Pangako yan."
HINATID ko muna ang lolo at lola ko sa bahay namin bago ako lumabas para bumili ng cake at pastries sa bakery. Naroon na rin naman sa bahay ang mga magulang ko noong mga sandaling iyon at pinagalitan pa nila ako dahil hindi ko man lang daw inaasikaso ang bisita namin. Ito namang si Raeken, nagpumilit na sasama daw sa akin mamili.
"Sa susunod, huwag kang bigla na lang susulpot dito sa bahay namin. Magsabi ka naman," sabi ko habang nakatingin lang ng diretso sa daan.
"Ang boring naman kasi kung planado lahat ng lakad, kaya binigla na lang kita. At tsaka nag-enjoy naman yung lolo at lola mo ah."
"Kahit na. Dapat magsabi ka pa rin. Tumawag ka, o kaya magtext ka," tugon ko.
"Pero nag-enjoy ka?"
Napatingin ako sa kanya, at medyo nabigla at nagtaka ako dahil sa tanong niyang iyon. "Oo naman, 'no."
Bigla siyang humarap sa akin, kaya pabaliktad na ang lakad niya habang tumatawa.
"Nag-eenjoy ka rin pala kapag kasama mo ako?" tanong sa akin ni Raeken habang nakangiti.
"Umayos ka nga ng paglalakad mo. Kahit pa wala masyadong dumadaan dito, baka maaksidente ka pa rin," saway ko sa kanya.
Parang bata talaga ang ungas na 'to. Parang hindi siya yung intimidating at aroganteng Raeken na nakikita ko sa school.
"Ikaw ha. Concerned ka rin sa akin. Ano ba yan kinikilig ako..."
Habang nagsasalita siya, napansin ko ang isang kotse na mabilis na papalapit sa amin. Mula sa bintana ng kotse ay nakita kong nakadungaw ang isang lalaki na nakasuot ng bonnet habang may kutsilyo itong hawak.
Kapag dumaan ang sasakyan malapit sa amin, matatamaan ng kutsilyo si Raeken.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa nang mapansin ko agad ang nakaambang panganib. Bago pa man matapos si Raeken sa pagsasalita, buong-lakas ko siyang hinila palayo sa daan at papunta sa akin para makaiwas siya sa kapahamakan. Sabay kaming bumagsak sa aspalto, pero dahil nakapatong siya sa akin, nadaganan at nagasgasan ang braso ko na unang tumama sa daan. Pero ininda ko muna ang sakit at agad akong tumayo para kunin ang plate number ng sasakyang muntik nang makasagasa sa amin ni Raeken.
Sinulat ko agad ang plate number sa palad ko, bago ako nanghihinang napaupo na lamang sa kalsada.
"Ano bang nangyari? Anong meron sa kotseng yun?"
"Yung... Yung lalaki sa loob ng kotse. May hawak na kutsilyo. Kung hindi kita hinila, baka nasaksak ka na..."
Nanlaki ang mga mata at namutla ang mukha ni Raeken nang marinig niya iyon. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay at talampakan niya. Nakatingin ako sa kanya, kaya nararamdaman ko ang kaba at takot sa loob ng sistema niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
"At ako pa talaga ang tinanong mo niyan eh niligtas mo nga ako. Ikaw, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Paniguradong mga kalaban iyon ni Daddy sa pulitika. Talagang hindi sila titigil. I am not going to let this pass. I'll make sure they'll pay for what they did!"
Hinawakan ang humahapdi ko nang braso. "Okay lang naman. Gasgas lang 'to. Huwag ka nang gumanti o ano, baka mapahamak ka pa."
Tinulungan akong makatayo ni Raeken, tapos tiningnan niya ang braso ko, na hindi lang nagdurugo kundi namamaga na rin.
"My father will definitely do something to get back at them. At ano ang sinasabi mong gasgas? Wendy, nasprain ata 'tong braso mo eh. Namamaga na oh. Tara sa ospital."
"Mamaya na. Ipa-blotter muna natin yung may-ari ng sasakyan. Nasulat ko naman yung plate number –"
"Huwag nang matigas ang ulo." Tapos ay pinangko niya ako nang walang sabi-sabi. "Kung magmamatigas ka, eh 'di sige, bibitbitin na lang kita."
"Ibaba mo ako. Makakapaglakad naman ako eh. Kaya ko namang –"
"Wendy, pwede ba, mamaya ka na umangal? It is my fault that you were in danger and that you were injured just right now. Can you at least let me take responsibility for it?"
"Pero kailangan –"
"Isa pa at hahalikan na talaga kita."
That was when I finally shut my mouth.
Hinintay ko siyang magsalita muli, pero sa halip na sermunan ako, bigla niya na lang akong niyakap.
"Raeken..."
"I can't let this happen again. I promise."