The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕13

59K 637 44
By kellylee0101

SAM


Hanggang sa nakauwi ako sa bahay hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko kasi kahit papaano nabawasan ang mabigat na dinadala ko at gumaan ng husto ang pakiramdam ko. Hindi naman pala talaga siya ganun ka-gangster katulad ng iniisip ko and to think na ginawa niya ang lahat ng 'yun para lang mapangiti ako is a big approve sign for me.

Aaminin ko, sobrang na-touch ako.

Kung sakaling maipapasa niya ang exams niya hindi naman siguro ganun magiging ka-pangit ang resulta kung magiging gf nga niya ako for a month. Siguro naman magiging mabait siya sakin kahit papaano, syempre 'wag lang niyang papairalin ang pagiging pervert niya, for sure magkakasundo kami.

Pero—bakit nga ba iniisip ko kaagad na magiging girlfriend niya ko agad eh wala pa nga 'yung exams? Tyaka diba nga? Impossible 'yun kaya ako pumayag? Kaya bakit ako nag-iisip ng mga ganitong bagay? Ughhhh kaloka. Napakitaan lang ako ng konting katinuan niya, asa naman agad ako na magiging okay kaming dalawa. Wait. Ang nega ko kaagad. Haynako simula naman kasi ng nakilala ko si gangster naging sobrang indecisive kong tao, naging toyoin na rin pati mood swings ko. Juicecolored.

Nagderetso ako sa loob ng bahay matapos kong mai-park ang kotse. Nang makapasok ako, dinatnan ko naman si Kiel na nasa sala.

"Oh bakit nandito ka? Anong oras na ah?" Sinira ko ang pinto gamit ang kaliwa kong paa gamit ang pag-sipa dito.

"Boring sa bahay. Saan ka galing?" Nakaupo lang siya sa couch habang pinagmamasdan akong ibaba ang mga gamit kong dala.

"Kay gangster.." Nakangiti kong sabi. "Kumain ka na ba? Tara dinner tayo!" Naglakad ako palapit sa kanya at hinila siya patayo mula sa kinauupuan niya.

"Opo eto na..ano bang meron?" Umakbay naman siya sakin at naglakad kami ng sabay papuntang kitchen.

Nagalugad na namin ang buong ref pero walang niluto si Mama at si Manang kaya napagdesisyunan namin pareho na magpa-deliver na lang.

"Sige ako na ang tatawag.." Tumakbo pabalik ng sala si Kiel at agad na kinalikot ang telepono para tumawag sa isang fast food resto. Nag-order siya ng barkada size pizza, tapos chicken and lasagna. Swak naman sa malaking gutom naming dalawa.

Habang naghihintay kami sa delivery, nagkwentuhan lang kami sa living room.

"Kamusta ka naman Kiel? Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Okay ako. Anong ibig mong sabihin?"

"Wala lang, you seem off these days. Is something bothering you?" Ako.

Nakita ko lang siya na umiling pero napapangiti. Bigla niyang pinisil 'yung pareho kong pisngi. "It's amazing how we still manage to know each other so well kahit na ang tagal nating hindi nagkasama. Kilalang-kilala mo pa rin talaga ako pati lahat ng kilos ko.."

"Of course, ako pa ba? Bestfriend nga diba? Ano ba kasi 'yun? Tell me.." Napangiti ako at humarap sa kanya at ipinatong mga kamay ko sa kamay niya.

Bigla na lang siyang napasimangot tapos yumuko siya. Mga ilang seconds pa ang lumipas nang inangat niya 'yung ulo niya at ngumiti sakin saka umiling. "Wala. 'Wag mo nang isipin 'yun..baka gutom lang 'to."

Tinusok-tusok ko lang siya sa tagiliran. Ang ayoko sa lahat 'yung obvious na, naglilihim pa. Sure na sure naman ako na alam niya na hindi ko siya titigilan not until sabihin niya sakin kung anong problema niya. "Dali na..tell me." I winked at him. Ibubuka na sana niya ang bibig niya nang biglang tumunog ang phone ko. "Wait, check ko lang kung sinong nagtext baka importante." Pagpapaalam ko sabay takbo para abutin ang phone ko na nakababa sa center table.

'Hoy amazons. uuwi aq kay mama bkas kya late na tyo magstart ng lessons. K? tyaka wg mo masyadong mamiss ang kapogian ko ha masisilayan mo pko sa skul. Bye.'

Muntik ko nang maibalibag ang cellphone ko dahil sa text ng mokong na 'yun. Ang kapal talaga ng face at talagang nakagawa pa siya ng paraan para lang makuha ang number ko at bwisitin ako hanggang sa text ha. Nakoooo naman. Okay na sana eh, ang ganda na sana ng build up ko sa kanya eh, kaso lang lumagapak na naman dahil sa kayabangan niya. Gangster. Tss. Akala ko pa naman kung anong importante, paimportante lang pala.

Napa-pout lang ako matapos kong mabasa ang text sabay ibinaba agad ito. Hindi ko na lang siya nireplayan dahil for sure hahaba lang usapan naming dalawa at maiinis lang ako dahil aasarin lang ako 'nun which means mananalo siya dahil papatulan ko ang utak biya na 'yun at siya lang ang matutuwa saming dalawa.

"Sinong nagtext?" Si Kiel. Napansin siguro niya na medyo napataas ang kilay ko nang hawakan ko ang phone ko.

"Sino pa ba? Edi si gangster." Ako.

"Type ka ba 'nun? Lagi ka kasing inaasar e?"

"Type? Yuckkk. Baka type bwisitin at sirain ang araw." Nasusuyang sagot ko. "Hindi mo alam kung anong klaseng hirap ang inaabot ko para lang mapatino 'yung airhead na 'yun."

"Type ka 'nun, sigurado ako!" Nakangiting asong pang-aasar ni Kiel.

"Uy kilabutan ka nga sa sinasabi mo dyan. Impossible noh! Hindi ako gusto 'nun at lalong di ko siya gusto. Manapa baka tirisin, gusto kong tirisin 'yung airhead na 'yun. Grrrr."

"Okay, sabi mo eh.." Siya.

Napalo ko sa braso si Kiel dahil sa inis. "Bakit? Inaano ba kita? Tahimik na ko ha?"

"Tahimik ka nga kung makangiti ka naman parang ewan. Nakakadiri naman 'yung iniisip mong type ako 'nun eh napakamanyak kaya 'nun tyaka feeling pogi masyado."

"Bakit? Wala na kaya akong sinasabi.."

"Haynako ewan ko sayo." Napa-pout na lang ako. Just in time naman na dumating ang delivery boy kaya ako na ang lumabas at kumuha ng food namin.

"Ituloy mo mamaya ha?" Sabay palo ko sa braso niya at tumakbo ako papalabas ng bahay para salubungin ang pizza.

____

KIEL

I hate changes. Really. I mean how could everything be alright one day then the next day everything's fcked up. I mean, dati-rati ako lang ang meron siya, ngayon pakiramdam ko meron na siyang iba. And it sucks, big time.

Ayoko ng feeling na nakikipagkompitensya, at mas ayoko ng feeling na naiiwan at ang feeling na maipagpapalit sa iba.

At ang pinaka-ayoko ay 'yung may umaagaw ng atensyon niya.

Naguguluhan ako sa sarili ko, may something sa loob ko na hindi ko maintindihan. Parang may gustong sumabog na hindi ko alam.

Ayoko talaga ng nararamdaman ko, pero pilit itong sumisiksik sa kaunting space na nilaan ko.

May mga bagay kasing worth na mawala kung worth it ang pinaglalaban mo. Pero worth it pa nga bang maituturing kung mawawala naman in the long run ang unang naging pundasyon ng kung anong narating ng relasyon niyo?

Hindi ako selosong tao lalo na pagdating kay Samantha dahil alam kong ako lang ang lalaki sa buhay niya bukod sa Papa niya. At alam na alam ko kung ano ang lugar ko sa buhay niya. Pero, iba talaga 'yung pakiramdam ko sa Chase na 'yun.

Feeling ko may namumuo sa kanila pero hindi lang nila inaadmit na dalawa. Hindi nila ina-acknowledge dahil siguro hindi 'rin nila alam kung may nararamdaman nga ba sila.

Basta. Ewan!

Alam ko naman kung gaano kaayaw ni Sam sa playboy na 'yun, pero diba nga sabi nila.. the more you hate, the more you love. Applicable ba sa lahat ng sitwasyon 'yun?

'WAG NAMAN SANA.

HINDI KO YATA KAYA.

Hindi mahirap makagaanan ng loob si Sam at lalong hindi siya mahirap mahalin kaya natatakot akong baka mahulog ang loob ni Chase kay Sam at ganun din si Sam kay Chase.

Hindi naman sa in love ako kay Sam o ano, pero ayoko talaga nang may lalaking aaligid sa best friend ko. Natatakot akong baka saktan lang ng gangster na 'yun si Sam odikaya paibigin niya at iwan sa huli. Hindi ko yata alam kung anong magiging reaksyon o ikikilos ko kapag nangyari 'yun.

Dahil damn, I would kill for her.

____

SAM

As we go a long way, mas nakikilala natin ang isang tao whether it'll be bad or the good side of them. I'm happy na habang tumatagal ang pagkakakilala ko kay gangster e, mas nakikilala ko ang iba't ibang sides niya. I thought talaga na I have to live with the idea of typecasting him as a playboy and gangster person pero okay naman pala siyang tao. Masasabi kong sometimes he's a decent guy kahit pa medyo badboy at pervert mag-isip.

Speaking of the airhead gangster, nagising na lang ako na may number na nga siya sa phone ko. At ang kapal pa ng mukha niyang pangalanan ang sarili niyang 'Chase my love' sa contacts ko. Nakakairita. Paano siya nakapasok sa kwarto ko at nagalaw ang phone ko na may password? Imba. May pagka-hacker slash stalker ata si mokong. At ang gandang bubungad sa umaga ng text niyang—Gulat ka no? ang pogi ko kasi. Subukan mo lang na baguhin ang pangalan ko sa phone mo lagot ka sakin mamaya. Btw, see u later, amazona.

Nagreply naman agad ako right after kong mabasa ang text niya. Hoy utak hangin hindi ako natatakot sayo. Sabay pinindot ko ang send button at gumayak na para pumasok sa school. Binago ko na rin ang name niya sa contacts ko dahil baka makita pa nila Krystal 'yun baka kung ano pang isipin saming dalawa. Yuck.

Nung after nga nung birthday ko hindi nila ako tinigilan sa kaka-interrogate sakin kung bakit kasama ko si gangster na dumating, ngayon pa kayang ganun 'yung pangalang sinave niya? Pwe siya. Nakakaimbyerna. Hindi niya alam kung paanong palusot ang ginawa ko para lang tigilan nila ko.

"Summer, baba na at kakain na!" Malakas na katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.

Sakto naman na nakagayak na ko kaya agad kong binuksan ang pinto ang sinalubong si Mama ng halik sa pisngi. "Goodmorning, Ma."

"Goodmorning anak." Nakangiting tugon naman niya.

"Ma? Pwedeng dumaan ng bookstore mamaya? May kailangan lang akong bilin tyaka saglit lang ako promise." Nakalahad pa ang kamay ko na animo'y nanunumpa.

Hindi pa rin naman nawawala ang trauma ko pero hindi pa rin naman nun maiaalis ang pagkahumaling ko sa mga libro. Tyaka ang sabi nga nila conquer your fears diba? Kaya bakit ako magpapatalo sa nangyari sakin kung pwede naman akong magmove-on at maging mas mabuting tao after that incident. Saka maaga naman ang labas namin at nandyan na din ang driver ko kaya hindi na ko masyadong natatakot. Atsaka isa pa, wala pa ring alam si Mama sa sinapit ko nung araw na 'yun kaya ayokong mag-worry na naman siya.

"Okay, basta be back before dinner and palagi mo akong itetext." Si Mama.

Tumango lang ako then I kissed her again on her cheek and gave her a consoling hug.

Sabay kaming bumaba sa kitchen at nagsalo sa niluto niyang breakfast. Habang kumakain kami bigla namang nagsalita si Mama.

"Sam? May nanliligaw na ba sayo ngayon ha, nak?"

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang laman ng bibig ko buti na lang at agad kong nadampot ang baso ng tubig at nilagok ang laman nito. "Mama naman! Ano bang klasing tanong 'yan!" Nagmamaktol na sagot ko.

"Bakit? May mali ba sa tanong ko? Maganda ka, matalino, mabait, higit sa lahat dalagang pilipina ka naman." Malokong tanong ni Mama.

"Wala, pero hindi naman normal ang tanong mo, Ma."

"Hindi normal? E ikaw nga 'tong hindi normal dahil teenager ka na wala ka pang first love at first boyfriend. Nasa edad ka na para ma-inlove noh.."

Napailing ako. "Ayoko pa, Ma. Alam mo naman na ayoko pa hanggang nag-aaral ako. Makakasira lang sa mga plans ko 'yun."

"Ano ka? Masaya kayang ma-inlove. Masarap 'yung feeling na may nag-aalaga at nagka-care sayo."

Ibang klase talaga 'tong Mama ko.. sa lahat ng nanay siya 'yung tinutulak 'yung anak para magboyfriend.

"Ayoko pa nga po, Mama. I don't have any time for that."

"Oo na, oo na. Basta kapag handa ka na sabihin mo sakin, kapag na-inlove ka na sabihin mo sakin, kapag masaya ka sabihin mo sakin, kapag nasaktan ka mas wag mong kalimutan na sabihin sakin. Basta 'wag mong kakalimutan na nandito lang palagi si Mama na handang makinig sa kahit anong pagdadaanan mo. Okay?"

"Opo naman syempre." I smiled at her.

_______

AFTERSCHOOL

BOOKS, VAMPIRES and SWEETS ang guilty pleasures ko, kapag nakikita ko sila kumakawala 'yung puso ko. Hindi ako makahinga. Masyado akong nagiging masaya.

Right after my driver parked takbo agad ako sa bookstore. Dinampot ko 'yung tatlong may cute na book covers, puro kikomachine comics 'yung kinuha ko. 3 sequels na una kong balak basahin highly recommended kasi ni Krystal itong book na 'to bukod na daw sa cool na comic strips eh, ang kulit at educational daw ang tema nito.

Naglibot-libot pa ako ng saglit sa loob ng bookstore hanggang sa nakita ko ang true love ko. 'Yung feeling na last piece na ng BLOOD LUST 'yung nasa harapan ko at sobrang lapit na nito sakin. Grabe 'yung feeling, 'yung ibig kumawala ng puso ko sa loob ng katawan ko dahil sa sobrang kilig na maiuuwi ko mamaya ang pinakahuling piraso ng librong ilang araw ko ng inaabangan na lumabas sa merkado.

Kaso..

Napangiwi ako ng biglang may dumampot nito at hindi ako ang nakaunang nakakuha nito dahil sa sobrang pag-eemote at pagfa-fangirl sa utak ko. Naningkit bigla ang mga mata ko sa inis at lumakad ako papalapit sa cashier ng bigo. Medyo mahaba pa 'yung pila kaya mas matagal kong iindahin ang pagkabigo ko.

Kaso habang nakatayo ako..

"Gusto mo ba 'to?" Sabi sakin nung lalaki na nauna saking makakuha nung libro.

Tumingin lang ako sa kamay niya na may hawak sa libro. Hindi ako makakibo. Gustong-gusto ko talaga 'yun.

Mag-paawa effect kaya ako?

Gamitan ko kaya siya ng puppy eyes?

PUPPY EYES. PUPPY EYES. GUMANA KA PLEASE..

Pero imbis na makipag-eye to eye contact ako sa kanya ng maawa siya sakin e matindi talaga ang titig ko sa libro na hawak niya at para akong uwang na nagpa-puppy eyes sa kamay niya. Para akong tanga pero hindi ko ininda, di bale na basta para sa ekonomiya.

Iniabot niya bigla 'yung book sa kamay ko. "Ikaw na lang ang bumili niyan. Mukha namang gustong gusto mo talaga 'yan.."

Iniangat ko 'yung ulo ko para magpasalamat. Ngiting aso akong napatingin sa kanya habang nakangiti din sakin 'yung lalaki.

Teka—nalaglag yata 'yung panty ko makidampot nga please. Ang—ang cute niya!! Ayy hindi, lemme correct that, ang gwapooooo niyaaaa! Nakanganga lang ako habang umalis lang siya basta at lumabas ng bookstore.

Teka? familiar siya.

"Wow! Ate, kilala mo siya? Ang gwapoooo!"

"Oo nga! Ang cool pa niya!!"

Sabi sakin nung dalawang babae sa likod ko na nakapila sabay biglang kumalawit sa braso ko.

Umiling lang ako kasi hindi ko naman siya talaga kilala. Pero familiar talaga siya.

"Hi, I'm Mhaie"

"I'm Dimple" sabay nilang sabi at abot ng kamay sakin.

Nagkaroon pa ko ng instant friends dahil kay sa kanya.

Naghintayan kaming magbayad at nagcoffee ng magkakasama.

"Sam, kilala mo ba siya?" Sabi ni Mhaie.

"Hindi eh. Pero familiar siya sakin. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita."

"Girl, alam ko na. Baka sa school mo." Sabi naman ni Dimple.

"Hindi eh. Kasi kung 'yun lang kilala ko lahat sa mukha yung schoolmates ko. Kaya impossible"

"Eh bakit kilala ka ni Seyd?!" high pitched na sabi ni Dimple.

Wait. SEYD?!

"Teka—That's Seyd?!!" Gulat na gulat kong sigaw sa kanila kaya napatango lang sila.

Lumabas ako agad ng coffee shop at hinanap sa paligid si Seyd kahit na alam ko naman na kanina pa siya nakaalis. Nagbaka sakali lang ako na he's still around pero wala. Chance ko na sana 'yun para makabawi sa kanya at makapag-thank you ulit. Bumalik na lang ako sa upuan namin nila Mhaei habang nakapout.

"Anyareeh Girl? Bakit bigla ka na lang lumabas?"

"Hinabol ko kasi si Seyd eh"

"Akala ko ba hindi mo siya kilala?" Si Mhaie

"Oo nga." Maalam na tanong naman ni Dimple.

"hindi nga." Ako.

"Eh bat hinahabol mo siya? Teka ang gulo natin. Wait 'wag mong sabihin na crush mo siya?" Kinikilig naman si Mhaei pagkakatanong niya.

"Hindi ah! Pero cute siya in all fairness. Pero hindi ko siya crush, gusto ko lang magthank you ulit sa kanya from saving me the other time from some thugs na balahura."

"Talaga? Wow. How manly naman niya. My goodness!" Sabi ni Mhaie na magkadikit pa 'yung kamay at nakatingin sa ceiling.

Naikwento ko na sa kanila yung nangyari nung time na yun and kahit bagong magkakaibigan pa lang kami ramdam ko ang sobrang pag-aalala nila sakin dahil sa boses nila. Nagkuhanan na rin kami ng numbers pati pictures which is very cute and kind of them. Gusto kasi nila mag-get together sana ulit kami next time.

"San ka nga pala nag-aaral?" Tanong nila sakin.

"Sa TPIHS, kayo ba?"

"Whaaaaat?!!!" Sigaw nila ng sabay kaya napatakip tuloy ako ng tenga. Lahat ng tao sa coffee shop nagtinginan samin.

Kalma lang girls. Kalma lang. Anong meron? May away ba?!

"Bakit parang nagulat kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Shut up. Ang swerte mo, girl!" Sabi ni Mhaie tapos dinampot yung right hand ko at hinawakan.

"Ako? Lucky?? Why??"

"Dun kaya nag-aaral si Chase!!" Sabay na naman nilang sabi. Wow naman, lagi silang in unison.

"Oo nga. Sa kanila yun eh." Sagot ko naman sarcastically. Everybody knows naman about that kasi. "Anong meron? Wala naming special sa school ko ha?"

"Wala ka dyan. Bukod pala sa uber rich ka eh I am very much sure na nakikita mo siya lagi.."

Tumango ako. "Malamang girls, hari ng Tomogawa 'yun, walang hindi nakakakita sa kanya dahil laging naghahasik ng lagim 'yun dun..tyaka hindi ako RK sadyang masipag lang si Mama."

Pati si dimple napahawak na rin sa isa kong kamay.

Ano bang nangyayari sa dalawa na 'to?

WAIT DON'T TELL ME, KASAMA SILA SA MARAMING BABAE NA MAY GUSTO KAY CHASE?

Ibang klase. Ang lakas talaga ng karisma ni yabang. Kung alam nyo lang. Tsk tsk. Poor them for liking someone like him. Napailing ako.

"Ang swerte mo Sam!!!! So, close ba kayo?"

Ouch ha. Hindi nila pinansin 'yung note kong naghahasik ng lagim si airhead dun. Ganun ba talaga sila kahumaling sa kanya? "Hindi kami close. Pero lagi kaming nag-aaway."

"Oh my. Don't tell me gf ka niya? Ang luckyyyyy!!!"

Binitiwan ko 'yung mga kamay nila. "H—hindi ah! Hi—hindi pwede!" Napaekis bigla ang mga kamay ko. Teka..Bakit bigla akong kinabahan?

I must admit na malaki kasi ang possibility na by the next coming days maging gf niya ako dahil sa deal namin. Pero hindi ko talaga kayang aminin sa sarili ko na mangyayari 'yun.

Hindi tuloy ako nakakibo kaagad.

"Uy, sorry ha? Nakalimutan kong maaga nga pala akong pinapauwi ng Mama ko. Bye girls. It was nice meeting you. Text text na lang tayo." Nagbeso ako sa kanila at agad na umuwi.

"Oh my. Don't tell me gf ka niya? Ang luckyyyyy!!!"

"Oh my. Don't tell me gf ka niya? Ang luckyyyyy!!!"

"Oh my. Don't tell me gf ka niya? Ang luckyyyyy!!!"

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko yung sinabi nila Dimple at Mhaie.

Nababaliw na yata ako. Bakit ko ba siya biglang iniisip? Bakit ba bigla akong nakaramdam ng matinding kaba?

Tyaka—Bakit naman ako magiging maswerte kung alam ko naman na playboy yung lalaki na yun at masyadong malakas mang-good time. Tyaka as if naman gusto kong ma-lable na girlfriend niya.

NO.

NOT.

NEVER.

Pero?

TSE! EWAN!

****



Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
3K 192 39
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
166K 7.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
19.9K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴