Territorial Men 4: Dwaye Mend...

By missgrainne

10.6M 277K 146K

Stuck in the past and the mystery behind it, Dwaye Mendez try to live his life again as normal as he used bef... More

Synopsis
Prologue
1 ~ Secrets
2 ~ Voice
4 ~ Trouble
5 ~ DNA
6 ~ Baby
7 ~ Stay
8 ~ Contented
9 ~ Hate
10 ~ Drugged
11 ~ SPG 1/2
12 ~ Baby (SPG 2/2)
13 ~ Possessive + Territorial
14 ~ Lips
15 ~ Hurt
16 ~ Feelings (SPG)
17 ~ Tears
18 ~ Yes
19 ~ Eyes
20 ~ Surprise (SPG 1/2)
21 ~ Wine (SPG 2/2)
22 ~ Pregnant
23 ~ Heart (SPG)
24 ~ Past 1/3
25 ~ Past 2/3
26 ~ Past 3/3
27 ~ Love
28 ~ Married (SPG)
29 ~ His Life
30 ~ You & Me
Epilogue

3 ~ Phone call

274K 9K 5.7K
By missgrainne



CHAPTER THREE

HATING-GABI na nang magising si Jessielyn dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ng bahay na tinutuluyan niya. Maingat na bumangon siya sa kama, ang komosyon sa labas ay hindi nakatakas sa pandinig niya.

"Halughugin niyo ang buong kabahayan!" Galit ang boses ng isang lalaki.

Bumangon ang kaba sa dibdib niya. Jess was living alone in that house. Ang mga kasambahay at mga magsasaka ay malalayo ang bahay mula sa kinaroroonan niya. She used to stay in this place with Alexza, before her friend escaped together with Dwaye few days ago. Ngayon, siya ang naiwan.

Nang marinig niya ang mga yabag papunta sa pangalawang palapag ay mas lalo siyang nataranta.

"Damn! Damn!" She cursed lowly before she went to the window of her room.

Her mind tells her to escape. She needs to escape from these monster! Wala siyang ideya kung sino ang mga taong 'yon. Mga magnanakaw ba? Rapist? Terorista? Hindi niya alam!

Ilang pinto na sa pangalawang palapag ang nagbukas-sara, ang silid na inu-okupa niya ay nasa pinaka-dulo. Nang marinig na papalapit na ang mga yabag ay nagpasya siyang tumalon sa bintana.

"Ouch! Ahhh!" Pigil na pag-igik niya nang bumagsak ang katawan niya sa lupa.

Mumunting ilaw lang nagsilbing liwanag niya upang makatakbo sa malawak na palayan para makatakas at humingi ng tulong, lalo pa at nakita niya sa harap ng bahay ang dalawang itim na SUV, at may iilang kalalakihan na pawang mga nakaitim at may mga hawak na baril!

Kahit kinakabahan at iika-ika ay pinilit niya ang sariling maglakad-takbo, itinatago ang sarili sa matataas na damo ng palayan.

"Walang tao! Bukas ang bintana sa huling kwarto sa itaas!" Malakas na anunsyo ng isang lalaki.

"Nakatakas! Halughugin niyo ang buong lugar! Hindi pa 'yon nakakalayo!"

"Hanapin niyo sa palayan! Go! Go!"

Patindi nang patindi ang kaba sa dibdib niya lalo pa't nakita niya ang ilang kalalakihan na nagsitakbuhan na sa palayan at may mga hawak na flashlight!

She's wondering if she's really the one they are looking for? Or maybe it's Alexza? Or Dwaye? Bakit ba siya nadamay sa gulong ito?

Sa kakamadali ay hindi napansin ni Jessielyn ang mga lupang nakatambak sa dinaraanan niya dahilan para madapa siya, at gumawa ng ingay nang bumagsak ang kanyang katawan sa palayan.

"Nandon! Nandon!" Sigaw ng isang lalaki at mabilis na natutukan ng flash light ang gawi niya.

Maraming yabag ang narinig ni Jess hanggang sa may humaklit sa braso niya para mapatayo siya.

"Hindi ako ang hinahanap niyo!" Sigaw niya kaagad at panay ang pasag sa dalawang lalaki na halos buhatin na siya papunta sa SUV.

"Ikaw ang sadya namin! Tumahimik ka!" Sigaw din sa kanya ng lalaki at mas lalong humigpit ang kapit sa braso niya na sigurado siyang mag-iiwan ng marka sa kanyang balat.

"At ano ang kailangan niyo sa'kin?! Sino kayo?! Hindi ako mayaman! Wala akong pang ransom sa inyo!"

"Sumama ka nalang sa amin! Ang dami mong dada!"

Pagbukas ng pinto ng SUV ay marahas siyang ibinalandra ng dalawang lalaki bago ang mga ito sumunod. Mabilis na nilisan nila ang lugar na 'yon. At wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng mga ito. Pero isa lang ang sigurado siya, tauhan ang mga ito ni Tommy Herrera! Ang lalaking gustong pakasalan si Alexza at gustong pabagsakin si Dwaye.

"Piringan niyo!" Utos ng lalaki na nakaupo sa front passenger seat.

Kaagad naman na sumunod ang dalawang lalaking katabi niya. Walang nagawa ang pagpalag ni Jess dahil sa lakas ng dalawa. They covered her eyes with a black cloth, making her blind.

Kadiliman ang siyang namayani sa kanya habang papunta sa lugar kung saan hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya.

Is this the end of her life? Or is this only the beginning of the new chapter of her life?

DWAYE WAS about to turn around from Jess, but he stopped when he heard the voice from the other line.

"Mama, do you have a boy-fend there?" The cute voice of a little girl asked Jessielyn.

Dwaye's eyes went to the woman in front of him, who looks very pale. Nagsalubong ang kilay niya, nakaramdam ng kung ano sa kanyang dibdib lalo na nang magsalita ulit ang bata.

"Are you still there, Mama?"

Mama? Did that little girl called Jess her Mama? Did he heard it right?

"A-ah, y-yes. I...I will call you later." Natataranta na pinutol ni Jess ang tawag at itinago ang cellphone sa likod.

Tumalim ang tingin niya dito. Was she playing with him? She lied to him! That baby isn't her boyfriend! It's her daughter!?

"What the fuck is that?"

Hindi niya napigilan ang sarili. He felt betrayed! At pakiramdam niya ay napaglaruan siya ng babaeng kaharap!

"I need to go." Jess ignored his anger.

Bumaba ito sa kama, wala talagang balak na harapin siya at ang biglaang galit niya.

Lalagpasan na sana siya nito ngunit nahawakan niya ito sa braso, dahilan para magkaharap sila.

"Explain." He commanded.

Tiningala siya ni Jess, mas mukha pa itong galit kesa sa kanya, pinipigilan lang din ang sarili.

"Tell me why do I need to explain to you?"

"You lied to me!" He pointed out. Patawarin siya, totoong nagagalit siya!

Dahil ba niloko siya nitong may boyfriend ito? Dahil ba may anak ito at hindi niya alam? O dahil ba may ibang lalaki na nakagalaw dito at nagbunga? Mas lalo siyang nagalit sa huling dahilan!

"People lie, Dwaye. Ikaw din naman, di ba? So what's the fuss?"

"You have a daughter..." halos hindi lumabas sa bibig niya 'yon.

"Bitiwan mo ako. Kailangan ko nang umalis."

"You have a daughter." Ulit niya. Naghahangad ng kumpirmasyon mula dito kahit na kumpirmado na.

Muli ay sinalubong nito ang mga mata niya. Galit ang nakita niya do'n na kaagad din nawala.

"Yes, I have a daughter."

"Who's the father?" Deretsahang tanong niya.

Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi nakaka-kaba ang sagot. Paano kung siya pala ang ama? Itinago lang sa kanya? Pero, paano kung hindi pala siya?

"Don't worry, it's not you. You're not the father. You're still free." Jess said coldly, before she removed his hand on her arm.

The woman leave him there, stunned and full of regrets.

NASAPO NI JESS ang dibdib paglabas niya sa pinto ng hotel room ni Dwaye. Sa dibdib niya ay nandon din ang cellphone niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang unti-unting nahulog ang luha sa pisngi at nasundan 'yon ng mga pigil na hikbi. Kabado at takot na takot siya kanina ng komprontahin siya ni Dwaye tungkol sa anak niya.

Hindi pa siya handa na may makaalam ng sekreto niya at bakit si Dwaye pa ang unang nakaalam niyon? Sa lahat ng tao, bakit 'yung lalaki pa na labis niyang pinaglihiman ng lahat nang tungkol sa bagay na 'yon?

"WHAT TOOK you so long, Mama?" Atasha asked her, after giving each other's hug.

Jess squatted and brushed her three year old daughter's dark brown hair with her fingers. Her slightly curly hair is so soft and silky. And the color of Atasha's hair remind her of someone.

There's a  glint of happiness on Atasha's eyes. This little angel gave her another life to live. She love this pretty girl more than anyone in this world...more than herself.

"My flight was delayed. I'm sorry about that, baby. Good girl ka ba habang wala ako?"

Mabait na tumango ang anak, hinahaplos ang pisngi niya gamit ang malambot at malilit na daliri. Ah, that feels really good. Nawawala ang pagod niya.

"Opo. Good girl si Atasha Daye."

Napangiti siya. "Good. At dahil diyan, may pasalubong ako sayo."

Atasha giggled. "I'm excited, Mama!"

Natawa siya at kinarga ang anak papasok sa kwarto nilang mag-ina. Ibinaba niya ito sa kama, tapos ay inumpisahan niyang buksan ang maletang dala para sa pasalubong sa anak.

"This is not a real fish, baby. Is that okay?"

Ipinakita niya sa anak ang unan na hugis isda. Napatayo si Atasha sa kama at tumalon-talon, tuwang-tuwa ang anak niya.

"That's cute! Give it to me, Mama!" She even wide her small arms.

"Catch!" Inihagis niya sa anak ang hugis isdang unan ngunit tumama iyon sa mukha nito. "Oops." Natawa siya nang humagikhik ang anak at niyakap ang ibinigay niya.

"Thank you, Mama! I love you! I love you!"

Jess heart melted. It almost got her into tears. Palagi nalang siyang nagiging emosyonal kapag ganito na ang anak niya, natural na malambing.

"I love you too, my Atasha Daye." She smile at her daughter. "And, I have more for you." She wiggled her eyebrows playfully, making Atasha's more excited.

Naupo siya sa kama at ibinigay sa anak ang iba pang pasalubong. A necklace and bracelet that made from shells, stuffed toys, slippers, summer dresses and many more.

"Where's the sands?" Atasha asked, searching for the sands.

"Are you serious? You like sands?"

"Yes, Mama. A white sands. Wala pong white sands?"

"Ah, meron. Pero, hindi na ako kumuha. I thought what I bought would be enough."

Atasha pouted her cute lips. "I want white sands, Mama." Her lips trembled. Para itong iiyak na, pinipigil lang.

Napakamot siya sa noo. Hindi niya naman ito in-spoiled ng todo pero hindi siya mapapakali kapag hindi nabigay ang gusto ng anak.

"Don't be sad. Mama will give you a white sands. Okay?"

"When? I want the white sands in that beach, Mama. Atasha Daye love it."

"Hindi ba pwedeng ibang buhangin nalang? Malayo ang lugar na 'yon, anak."

Yumuko ito at kinusot ang mga mata. Goodness! She's crying!

Nahihirapan ang loob na dinala niya ito sa bisig niya. Inalo-alo. Bakit ba kasi nakalimutan niyang magdala ng buhangin kahit konti lang? At bakit ba trip nitong anak niya ang buhangin at ang iba pang bagay na makikita sa beach? Err.

"Tell your boy-fend to bring the white sands, Mama." Inosenteng suhestiyon ng anak, humihikbi sa dibdib niya.

"Mama does not have boyfriend."

"Who was with you then?" Kahit inosente ang tanong na 'yon pakiramdam niya ay ini-interrogate siya ni Atasha. "Ang sexy ng boses, Mama. Pogi po ba 'yung boy-fend mo?"

Napapantastikuhan na binaba niya ang tingin sa anak na nakasubsob lang sa dibdib niya.

"Sino ang nagturo sayo ng sexy at pogi na 'yan?"

"Tita-Ninang Mylene po." Mylene is her close friend other than Alexza. Their neighbor, kaya palagi nilang nakakasama. "She told me that you were with your boy-fend, Mama."

"Ha? Hindi." Napasinghap siya. "Goodness, anak. Stop that boyfriend thing, okay? Ang bata-bata mo pa para dyan."

"Hindi ako pwedeng mag boy-fend, Mama?"

Napangiwi siya. Sasakit yata ang ulo niya o ang tatay ng anak niya ang sasakit ang ulo kapag narinig itong pinag-uusapan nila.

"Hindi pwede." Pinal na sabi niya.

"Pero gusto ko pong magka boy-fend, Mama."

Nasuklay niya ang buhok gamit ang daliri. Baka mali lang siya ng pagkakaintindi? Baka kaibigan lalaki naman ang sinasabi ng anak.

"Umm, okay, do you mean, kaibigan na lalaki?"

Atasha nod her head. "Opo, boy-fend."

"Oh, okay. You can have a boy friends and a girl friends."

"Pero gusto ko rin po maging boy-fend 'yung boy-fend mo, Mama. Gusto ko pong magka boy-fend ng pogi."

Si Dwaye ba ang tinutukoy ng anak niya? No way!

"You better go to sleep, baby."

"But I want white sands, Mama." Ulit ng anak. "Please, p-please."

Napabuntong hininga si Jess. "Mama will do her best to give you a white sands from that beach, okay? Can you sleep now?"

"How can you do that? Are we going to fly there?"

"No, I will ask a friend to bring a sands here."

"Your boy-fend?" Sumasakit na talaga ang ulo niya.

"Yeah, that man."

"Call him, Mama. Parinig po ng boses."

"No," Mabilis na tanggi niya. "He's busy."

"Pero—" naputol ang sasabihin ng anak nang mag vibrate ang cellphone niya na nasa ibabaw lang din ng kama.

Mabilis itong kumalas ng yakap sa kanya at kinuha ang aparato. Nagkibit siya ng balikat. Atasha used to answer her phone calls, sanay na naman ang mga caller niya na ang anak niya ang nagmamadaling sumagot bago ibigay sa kanya.

"Unregistered number, Mama." Atasha showed her the caller's number. It's unfamiliar, but her heart suddenly beat fast.

"Don't answer—"

"Hello?" Atasha answered and place the cellphone on her ear. "Hello?"

"Press the loud speaker baby." Kabado na utos niya sa anak. Bakit nga ba siya kinakabahan?

Atasha pressed the loud speaker, she's smiling at her. Ibinalik nito ang cellphone sa tenga, naghihintay magsalita ang caller.

"Hi," the familiar baritone said coolly.

Kaagad na naalarma siya nang makilala ang boses na 'yon!

"Hello, I know your voice, po." At ang anak niya ay casual na nakikipag usap sa lalaking hindi naman nito kilala!

"Hmm,"

"Are you my Mama's boy-fend?"

The caller chuckled softly. "What did your Mama tell you?"

"Mama does not have boy-fend, po."

"That's good. Your daddy will get mad if he discovered that your Mama has a boyfriend."

"I don't have daddy, po."

Napangiwi siya. Naghahalo ang lungkot at saya niya habang pinapanood ang anak. Atasha didn't ask her yet about her father, pero paano kapag nag umpisa na itong mag-usisa tungkol sa ama nito?

"You don't have a daddy? Where's he?"

"Give me the phone." She almost whispered the words. Inilahad niya pa ang kamay sa anak.

"My daddy is, umm, I don't know, po. Hahanapin pa po namin."

"You want me to help you find your dad?"

"Talaga?" Excited at halos mapatalon ang anak niya. "What's your name, po?"

"Dwaye."

Napapikit siya. 'Yung ikinatatakot niya, mangyayari na yata.

"Wow! It's sounds like my name!"

"Really? What's your name, sweetheart?"

"Atasha Daye. I'm three and very pretty like my Mama." Atasha winked at her playfully.

"Atasha Daye." Her daughter's name slipped on Dwaye's lips softly. "Beautiful name. I love it."

"Thank you. Umm, can you do me a favor?"

Nanlaki ang mga mata niya. Umiling-iling siya sa anak, pero nginusuan lang siya nito at umiling-iling din.

"Sure. What is it?"

"Pwede po ba kitang maging boy-fend?"

Tinakpan niya ang bibig para hindi marinig ang pagtawa niya. She didn't expect it. She found it funny. Atasha is so innocent and very adorable.

Sa kabilang linya naman ay ang halakhak ni Dwaye ang narinig nila. Tuwang-tuwa, eh?

"Okay, yeah. We can be friends, sweetheart."

"One more." Atasha pointed her forefinger, animo nasa harap lang ang kausap.

"Shoot!" Dwaye said, he sounds like enjoying the conversation with Atasha.

"Are you still in beach resort my boy-fend?"

"Yeah, I'll be staying here for a few more days."

"Ow..." Lumungkot ang boses ng anak. Hindi niya alam kung bakit, pati ang mukha nito ay lumungkot din.

"Are you sad?" Obviously, naramdaman 'yon ng kabilang linya. Hay, nga naman, ang lakas makaramdam.

"Atasha Daye wants white sands from that beach, but Mama forgot to bring some for me." Nagpapaawa ang boses ng anak, nakahanap ng kakampi.

"Oh, I could bring a white sands for you."

"Tomorrow?"

"Atasha." Saway niya sa anak sa mahinang boses.

Her daughter gave her a puppy dog eyes. Nagpapaawa na naman.

Napabuntong hininga si Jess. Ang hirap kapag kaharap niya ang weakness niya. Hindi na siya makapiyok pa.

"Tomorrow? Sure."

Atasha giggled and kissed the cellphone screen. May tunog pa ang halik ng anak niya.

"Did you just kiss the cellphone?" Dwaye asked, very amuse now.

"That's my kiss for you, my boy-fend."

"Oh, you're very sweet." His voice sounds like he melted with her daughter's sweetness.

"Mama," Atasha gave her the cellphone. "You can speak to my Mama now. Thank you, my boy-fend. Good night."

"Good night, sweetheart." Dwaye said softly.

"It's me." She said casually.

Pinatay niya na ang speaker. At ang anak niya naman ay nahiga sa hita niya. Mukhang makiki-usyoso pa.

"Give me your address. I'll bring sands for Atasha."

"You don't need to do that, Dwaye."

"Yeah, but I made a promise to Atasha. I don't want to disappoint that little girl beside you."

Hindi niya alam kung ano ba ang tamang desisyon na dapat gawin. Iniiwasan niya si Dwaye, pero tila ito naman ay lapit nang lapit sa kanya? At ngayon pati ang anak niya ay nasasali na rin.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15.3M 431K 35
Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli niyang misyon bago magpakasal sa kanyang...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
7.2M 184K 34
WARNING: R-18 | Mature Content | SYNOPSIS: Behind Valerie's smile was a secret she wanted to burry six feet under but she can't. She had a memory in...