It Started In The Bus [BoyXBo...

By blackfoxsenpai

57.3K 911 167

Ang buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may su... More

It Started In The Bus [BoyXBoy]
1: Simula
2: Roommate
3: Bwiset
4: Pasukan
5: Alaga
6: Kakambal
7: Bago
8: Iba
9: Apoy
10: Paglago
New Portrayers.
11: Dr. Z
12: Kumag VS Hambog
13: Kumag VS Hambog Part 2
14: Kumag VS Hambog Part 3
15: Parang Tayo na Hindi.
16: Prank
17: Ewan
18: Biglaan
19: Kunware
20: Surpresa
21: Regalo
22: Kaibigan
23: Sandali
24: Gitara
25: Sagot
26: Aligid
27: Mr. Carrots
28: Huli
29: Bakit
Note
31: Sapat
32: Bestfriend

30: Man

362 12 9
By blackfoxsenpai

Hey guys. Thanks for reading. Feel free to comment anything you'd like to ask. Kung naguguluhan kayo or what, comment nyo lang. Handa akong sagutin iyan, positive man or negative. Hehehe. Enjoy reading. :)

#TeamKhyRex

****

"I can’t see the end of the rainbow we’ve made without him." - Khyron Reyes

****

~=Khyron=~

“Anak, saan kami nagkulang?” bigkas ni mama sa akin.

Isa sa mga pinakamasakit na salitang narinig ko sa aking mga magulang matapos ang halos labing siyam na taong pamamalagi ko sa mundong aking ginagalawan ngayon. Masakit. Hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman ko kapag nalaman nila mama kung ano ang pinakatinatago tago kong sikreto ng buhay ko.

Sana man lang ay may nakapagsabi sa akin na ganito pala ang mangyayari sa akin at kay Zarex ngayong gabi. Dahil pagkatapos namin magsaya sa ilalim ng puting buwan kaharap ng maaliwalas na agos ng alon sa dagat ng Pacific Ocean ay ganito pala ang kapalit noon.

Sana man lang ay nakapaghanda ako. Hindi ako handa. At hindi ko alam kung kailan ba ako magiging handa na harapin ang mga taong tumayong mga paa, kamay, mata, ilong, tenga at bibig sa tuwing ako ay may problema. Hindi ko alam kung kailan ba akong magiging handa na harapin ang mga taong pinakamahalaga sa akin at sabihin na may minamahal akong lalaki rin.

Hindi ko rin naman alam kung bakit nga ba ako natatakot. Ewan ko. Takot siguro ako na hindi kami maaccept. Takot siguro ako na hindi na mababago na ang tingin nila sa panganay nila. Takot siguro ako na hindi na, o may chance na hindi na maibabalik ang dating samahan namin ng pamilya ko lalong lalo na kay Khyle.

I heard so, so many coming out stories noon. Sa sobrang dami ay pinagtatawanan ko na lang ang iba sa mga ito. Sinasabi ko sa sarili ko, ‘Ano ba naman yan, puro naman sila kadramahan. Gaano ba kahirap aminin at sabihin sa harap ng magulang mo ang mga salitang bakla ako.’ I remembered, tinatawanan ko nga ang mga ito noon.

Sana nga kasing dali lang ng pag-amin na may ginawa kang kasalanan sa kalaro mo ang pag-amin na bakla ka. Sana nga parehas lamang ang reaksyon ng mga tao sa pagitan ng pag-amin ng kung straight ka ba o bakla.

Sinasabi ko sa sarili ko na ipapaalam mo lang naman kung ano ka sa magulang mo. Siguro naman ay parang nagsabi ka lang na aalis ka ng bahay at gagala kasama ang mga kaibigan mo kapag sinabi mo ang mga katagang iyon.

Bakit mo pa papahirapan ang sarili mo? Lol, pamilya mo yun. And I believe na kapag pamilya ay tinatanggap kung ano man ang meron sa kanilang anak. And depenisyon ko sa isang pamilya ay ang mga taong pinagsama sama ng pagmamahal, respeto, pagpapakumbaba, pananalangin, at tiwala. Ang depenisyon ko sa sarili kong pamilya. Dahil sa depensiyong ito ay naisip ko na bakit nga baa ng hirap umamin ng mga bakla kong kakilala na bakla sila sa kanilang mga magulang. Hahaha.

But I was wrong. I was so wrong. Inuulit ko, I was so WRONG. Tanga. Bobo. Yan yung mga words na makakapagdescribe kung ano ako noon at ngayon. Puta. Sobrang tanga ko na isiping madali lang ang pag-amin sa mga magulang na kabilang ka sa pangatlong kasarian. Alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla at si Zarex lang ang minamahal kong lalaki sa buong mundo, but that’s not the fucking point. Sa tingin ng magulang ko ngayon, sa tingin ng kapatid ko, sa tingin ng mga kabarkada ko, sa tingin ng diyos, sa magiging tingin sa akin ng mga tao sa paligid, bakla ako. Nagmahal ako ng lalaki eh. At ayon sa batas ng lipunan ay kapag nagmahal ka ng isang lalaki ay bakla ka na rin. And I don’t understand kung sinong putanginang abnoy ang nagpakalat ng ganoong paniniwala.

Sobrang hirap. Sobrang hirap na makita mo yung mga matang nakapukol sa iyo. Sobrang hirap na makita mo yung lungkot, galit, pagsisisi, panghihinayang, at pag-aalinlangan sa mga mata ng magulang mo. Sobrang hirap. Makitang isa kang disappointment sa mata ng sarili mong magulang. Pero anong magagawa ko? Puta, nagmahal lang naman ako. Hindi pa ba sapat iyon para tanggapin ako, kami? Sa pagkakaalam ko ay wala pa naman kaming natatapakang tao sa relasyon namin ni Zarex ng apat na buwan.

Hindi ko maiwasang isipin na siguro kung hindi ako pumuntang Maynila ay sana hindi ko nakilala si Zarex. Sana ay hindi kami tumuloy sa isang kwarto. Sana ay hindi kami naging magkaklase. Sana ay hindi na kami nahulog sa isa’t isa. Sana hindi ko na sya sinagot. Sana hindi naging kami. Kung dahil sa pagpunta ko sa Maynila ay naging iba ang tingin ko sa aking sarili at tingin sa akin ng mga magulang ko, sana ay hindi na nga ako pumuntang Maynila.

Pero PUTANGINA! Oo, isang malutong na putangina. Hinding hindi ako nagsisi na minahal ko si Zarex. Hinding hindi ako nagsisi na nakilala ko ang taong ito. Hinding hindi ako nagsisisi na naging magkaroommate kami sa iisang kwarto, na kahit pa ako na ang nagiging yaya nya at personal cook ay hinding hindi ako nasgsisisi sa kung ano ang meron sa amin ni Zarex ngayon.

No doubts. Wala akong pagaalinlangang nakilala ko itong malibog na ito. Kahit malibog pa sa malibog ang lalaking ito ay hindi ako nagsasawang mahalin sya. And I can defend me, him, us, just for the sake of that love. Hinding hindi ko sya ipagpapalit. Wala eh. Mahal ko.

Pero pakshet, sobrang hirap pumili. Alam kong hindi ko kailangang pumili sa pagitan ni Zarex at ng mga magulang ko pero parang ganun ang nangyayari eh. Kapag alam mong naiipit ka na sa sitwasyon, hinding hindi mo na naiisip kung ano ba talaga ang tamang gawin. Para bang lahat ng ingay sa paligid mo ay nababangayan sa utak ko. Masyado akong nagiging occupied.

“….Ma.” mahina kong usal sa aking inang kanina pa umiiyak habang yakap yakap ni papa. Rinig na rinig ang mga mumunting hikbi na nanggagaling sa nanay ko. Sinabayan pa nga ng hikbi ko dahil parang gripo nanaman ang aking mga mata sa pagluha na hindi ko na kaya pang pigilan. Ewan ko ba. Hindi talaga ako naging iyakin. Bilang lang ang mga araw na umiyak sa 19 years of existence ko sa planetang Earth. Pero simula nung naging kami ng Zarex, parang nagpakawala ang La Mesa Dam ng mga mata ko.

Andito kami ngayon sa may terrace ng isa sa mga luxury villas ng resort. Malaking bahay ito at para lamang daw sa mga VIPs na pumupunta dito. Mahahalata mo nga iyon dahil sa ganda ng ayos nito, sa labas at loob. Pangbigatin talaga.

Malayo ito sa mga rooms na nirentahan namin nila mama. Ayon na rin sa kagustuhan nila papa para walang istorbo sa aming pag-uusap. Apat lang kaming nandito ngayon. Ako, si Zarex, si mama at papa. Nakatayo lang kaming dalawa samantalang sila ay nakaupo sa may kahabaang upuang narra.

Pasado alas dos imedya na ng gabi. Wala ng taong maingay sa paligid, at ang mga alon lamang sa dagat at mga huni ng mga kuliglig sa kung saan ang maririnig mo. Nagsitulugan na rin ang mga tao sa resort, marahil ay pagod na rin sila. Ako rin eh.

Pati ang barkada ay tulog na. wala silang kaalam alam sa kung anong nangyayari sa amin ngayon. Para kaming pinatayo sa bunganga ng bulkan na kahit anong saglit ay magkasama kaming matutupok ni Zarex sa init nitong dala.

Kanina pagkatapos naming mag-usap ni Khyle ay hindi ko pa ito nakikita. Siguro ay natulog na rin. Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma sa sarili ko at pagiisip isip ng kung ano ano ay napagpasyahan naming dalawa ni Zarex ang sundin ang hininging favor ni Khyle. Ang ipaalam sa mga magulang ko na may relasyon kaming dalawa.

Noong una ay sobrang ayaw ko muna. Pero napilit ko naman ang sarili ko, sa tulong na rin ni Zarex na nagsabing, “Khy, kung hindi ngayon, kailan pa? Sooner or later ay ipaalam din naman natin ang relasyon nating may apat na buwan na. mas maganda siguro kung tayong dalawa mismo ang magsabi sa kanila kaysa malaman pa nila sa kapatid mo o sa iba pang tao. Tiyak na mas lalaki lang gulo kapag nangyari iyon.”

“Nak, bakit? Bakit ka nagkaganyan? Anong pagkukulang namin sa iyo ng mama mo? Lahat ng luho ay binigay namin sa inyo ni Khyle, para lang masunod ang gusto nyong dalawa. Inispoil namin kayo sa material na bagay. Sinikap naming magtrabaho ni mama niyo ng maayos para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Pero bakit Khyron? Please, sabihin mo naman na hindi nasayang ang pagpapalaki namin sa iyo ng labing siyam na taon.” Pagkatapos sabihin iyon ni papa ay nagsimula na rin itong umiyak. Siguro ay dahil hindi nya na rin kayang pagtakpan pa kung ano nga baa ng nararamdaman nya ngayon. Siguro disappointed nga talaga sila sa akin. Ay, di pala siguro, disappointed nga talaga sila sa akin.

“Pero bakit Khyron? Please, sabihin mo naman na hindi nasayang ang pagpapalaki namin sa iyo ng labing siyam na taon.”

Sa mga huling katagang binitawan ni papa sa akin ay para akong sinampal ng isang libong beses. Parang sinaksak ng daan daang karayom ang puso ko. Napakasakit na makita mo ang mga magulang mo na ganito. Dahil sa akin.

Bigla nanamang bumuhas ang luha ko ng mga sandaling iyon. Gwapo ako, matikas, habulin ng chics, matalino, pero pagdating sa pamilya ay hindi ko maiwasang maging malambot.

Unang beses kong nakitang umiyak si papa. Ng dahil sa akin. Ng dahil sa iyo Khyron. Pero ano nga ba talagang magagawa ko? Pagpapaliwanag lang ang kaya kong maibigay ngayon. At hinding hindi ko kakayanin kung maghihiwalay kami ng landas ni Zarex dahil lamang sa tagpong iyon.

“Pa, wag naman po kayong magsalita ng ganyan.” Panimula ko sa aking sasabihin. Uiiyak pa rin ako kaya naman hinawakan na lang ni Zarex ang kamay ko dahil maging sya ay hindi makapagsalita. Pinaramdam nya sa akin na hindi ako nagi-iisa at nandiyan lamang sya sa aking tabi para gabayan at suportahan ako.

“Pa, naalala nyo pa ba yung mga panahong nakikipagsapakan pa ako sa labas ng day-care center para lang makiagawa sa candy ng kalaro ko. And nung time na nagstart na akong magtrain ng basketball sa kanto. At nung time na ipakilala ko sa inyo yung una kong girlfriend, na nasundan pa ng napakaraming babae, until yung last breakup ko. And nung time na nahuli nyo pa kaming dalawa ng kaklase kong babae na katatapos lang gumawa ng kababalaghan sa banyo ng men’s cr ng school. At nung time na sobrnag pinipilit kong magpabili ng xbox, psp, at Gameboy nung bata pa ako. All those were normal for me. Kung iniisip nyo po pa, ma, na bakla ako, hindi po totoo yun. I am not gay. It’s just that, nahulog lang ako sa taong kapareho kong mga lawit. And I can’t consider myself as gay.” Pinutol ko muna ang sasabihin ko para huminga at lumanghap ng hangip. Pinunasan ko muna ang mga luha ko saka nagpatuloy.

“And I knew what you did for us. Alam ko po kung anong ginawa nyo sa aming dalawa ni Khyle. Kahit pagod sa trabaho ay hindi nyo pa rin tinatanggal ang time na makasama kami para hindi mabuwag ang salitang ‘pamilya’ sa bahay. Alam kong umuuwi kayo ng bahay na stressed at overloaded sa trabaho pero hindi ko man lang kayo nakitang umiyak, napagod, sumuko, sumimangot, magreklamo, magalit. Hindi eh. Sa lahat po ng sakripisyo na iyon, ay isang ako ang umusbong. I did well sa school. Sinubukan kong itaas ang bandera ng pamilya natin sa school and I did it, with flying colors. Para lamang masuklian kayo sa sakripisyong ginawa sa amin. It was priceless na makita kayong nakangiti habang nilalagyan ako ng medal as the class valedictorian. And I really treasure that moment. And I really thank you for that. Sobrang salamat po ma, pa.”

“And as for me and Zarex, yeah. We are currently in a four month long relationship at balak pa po naming pahabain iyon. I know na hindi madaling tanggapin. Nagsimula po kasi nung tinulungan ko syang gamutin habang bugbog sarado ang katawan nya. Hanggang sa namuo na po yung damdaming iyon, hindi lang sa akin, pati na rin po kay Zarex. At yun, inamin nya po na gusto nya ako at gusto ko rin sya kaya’t sinimulan nyang manligaw kaya sinagot ko na rin after 3 months. Ma, ayoko nito. Ayoko talaga nung una. I keep on telling myself na hindi ako bakla. Hindi ako bakla. Hindi ako bakla. Hindi ako bakla. Pero bakit nagawa kong mahalin si Zarex? Kailangan ko na bang kwestiyunin ang sarili ko kung ano ba talaga ako? Hindi ako nagmamahal ng kapwa kong may bayag but Zarex was the only exception. I can’t see the end of the rainbow we’ve made without him. Ma, pa, ang kailangan lang po namin ay pan-unawa ninyo. Hindi po namin hinihiling na tanggapin nyo na kami agad sa mga oras na ito dahil alam ko po na mahirap pa talagang tanggapin.” pagtatapos ko n aking paliwanag. Naramdaman ko na lang na humigpit ang hawak ni Zarex sa aking kamay kaya’t nilingon ko sya.

Nakayuko ito at humihikbi na rin pala. Umiiyak si Zarex sa harapan ng aking mag magulang nang bigla itong magsalita.

“Please, tito, tita, or should I say, Mr. and Mrs. Reyes. Please, sana po ay unawain nyo po kami ng anak ninyo. Mahal na mahal ko po itong hambog na ito at pinapangako ko po na hinding hindi ko say sasaktan. Patawad po kung minahal ko ang anak ninyo at dahil sa akin ay hindi nya naabot ang mga ekspektasyon nyo sa kanya.” Pag-iyak pa rin ni Zarex.

Nagulat naman ako sakanya, at the same time ay mas lalo ko lang minahal itong lalaking ito. Hindi sumusuko kahit sa harap na ng mga magulang ko. He is truly a man. Kahit nakakahiyang ipakita ang kalambutan ng isang lalaki ay ginawa nya, para lamang maipakita sa mga magulang ko na puro at puno ng sinseridad ang mga sinasabi nya. He’s a fighter, I’m sure.

Itutuloy…

****

May katuloy po itong next chapter. Pinutol ko lang po, masyado na kasing tinamad mga daliri ko sa kakatype hahaha. See you next chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

483K 23.1K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.