Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

91.5K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Labing Siyam na Kabanata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Dos na Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata
Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Ika-Bente Otso na Kabanata

1.5K 63 28
By MariaBaybayin

January 21, 1899

"Naghain ako ng isang protesta laban sa mga Amerikano para soberanya ng Pilipinas, ngunit sa kasawiang palad ay nais padin nilang panindigan ang kanilang pagkontrol sa ating bansa." sambit ni Presidente Aguinaldo. Nasa isang pag pupulong siya sa Malolos kung saan kasama niya ang kaniyang mga gabinete upang pagusapan ang namumuo at pausbong na labanan sa pagitan ng Pilipinas at Amerikano.

".. kaya naman naandito tayo upang lagdaan ang isang proklamasyon ng isang Kontitusyon. Konstitusyon kung saan nag dedeklara ng unang Republika ng Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino at tayo lamang ang dapat na makinabang sa bansang ito, Walang sinuman ang dapat na lumupig satin. Hindi ang Espanya at lalong hindi rin ang mga Amerikano" Pahabol pa ni Aguinaldo.

"Maghanda kayo para sa nalalapit na pakikipagdigmaan." Bantang pahabol ni Miong. Napukaw naman ni Goyo ang atensyon ni Miong dahil sa ito ay tila lutang at hindi malaman ang gagawin.

Nilapitan ni Miong si Goyo na bagamat nasa loob man ng pagpupulong ay tila malayo naman ang iniisip at kanina pa nakatulala sa hangin. " Goyo? may problema ba? Kanina ko pa napapansin na tila ika'y balisa. Nais ko lamang ipaalala na kung ano man ang iyong nasa isipan sa ngayon ay mas kailangan mo munang iisang tabi ito. Marami pa tayo ng kailangan isiping mas importanteng bagay. Sana ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin." Sambit ni Miong sabay hawak naman nito sa balikat ni Goyo bago pa man ito tuluyang lumisan. Nag alala naman si Vicente sa kanyang kaibigan kung kaya't pagkatapos makipagusap sa isang kolonel ay agad na nilapitan ang kaibigan at kinumusta.

"Goyo, ayos ka lamang ba? Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw na tila wala ka sa iyong sarili, may bumabagabag ba sa iyo kaibigan?" Tanong ni Vicente. Napatingin naman ni Goyo sa kanyang kaibiigan at nagpakawala lamang ito ng isang ngiti.

"Ayos lamang ako Vicente, nagaalala lamang ako, naaalala mo ba ang Binibini na aking palaging nakukwento sayo?" Ani ni Goyo..

"Si Kristina? Bakit ano ang tungkol saknya?" Sagot naman ni Vicente. Nagpakawala ng malalim na bugtong hininga si Goyo at sinimulan ng magkwento sa kaibigan.

"May isang linggo narin ang nakararaan simula ng mawala si Kristina. Maging ako ay nag aaalala na, kahit si Madre Dolores ay hindi din alam kung nasaan siya nagtungo. Tinanong ko na rin siya kina Crisanta at Rosario, ngunit maging sila ay hindi rin alam ang kinalalagyan ng kanilang kaibigan. May nakapagsabi sakin na namataan daw siya sa isang barrio sa Obando, ngunit nang mangaling ako roon ay wala naman daw nagngangalang Kristina ang nakatira doon. Hindi ko na malaman ang gagawin ko Vicente, ako'y nag aalala na talaga." Sambit ni Goyo sa kaibigan.

"Hindi kaya sinasadya na muna ni Kristina na hindi magpakita sa kung sino man ngayon? Baka naman maging siya ay marami ding gumugulo sa isip kaya naman mas ninanais niya munang mapag-isa. Sa tingin ko ay kailangan niya muna siguro ng distansya, Goyo. Makakabuti muna siguro kung hahayaan muna natin siya mapag-isa" ani naman ni Vicente. Napatango nalamang si Goyo.


********************


Magiisang linggo narin simula ng mapadpad ako sa lugar nila Miguel. Sa isang linggo kong pananatili sa kanilang lugar, masasabi kong busilak ang kalooban ng kanilang pamilya. Tinuturing nila kong isang kapamilya at tumutulong sila ng walang ano mang kapalit. Napagtanto ko rin na sa panahong ito, tunay na may ginituang puso ang mga tao dahil kahit mahirap lamang sila ay bukal sa kanilla ang tumulong sa kapwa kahit na ba hindi pa nila ganoon ka kilala ang isang tao.

"Gabriela, nais mo bang sumama muli sakin sa ilog? Maaari kang magtampisaw roon habang hinuhugasan ko ang mga pinaglutuan." paunlak na paanyaya ni Miguel.

Nag-guhit naman ng malaking ngiti saking pisngi ang pag-aya na iyon ni Miguel.. "Nako, Hinding hindi ko hihindian yan Ginoo.. Ano tara na ba ?" maligayang sambit ko saknya..

Napangiti naman si Miguel sa reaksyon kong iyon.. "Tara? Kakaibang salita.. Haha.. Bueno, Halika na, para madami pa tayong oras maligo sa ilog.." ani niya.

Masaya kaming naglalakad ni Miguel ng mapansin kong nakatitig siya sakin habang bakas naman sa kanyang mukha ang kasiyahan. Sabi ng kanyang ina na si Aling Rosa, simula ng dumating ako sa buhay ni Miguel ay tila ba nag iba raw ito. Naging likas daw itong masayahin at makulit. Mas madalas na daw nila itong nakikitang nakangiti at naging palabiro na din daw ito.

"Miguel? Matagal na ba kayong nakatira dito?" Ang ibig kong sabihin, dito sa Obando?" Pagbasag ko sa katahimikan .. Tila natauhan naman si Miguel sa pagkakatitig niya sakin..

"Ah eh-- Oo, matagal na kaming taga dito, ngunit tubong Ilocos ang aking mga magulang.. Lumuwas sana kami dito sa Maynila upang magbakasakali sa magandang buhay ngunit tulad ng iba ay sadyang mailap talaga ang buhay roon. Unang una pa, mas pinaprayoridad sa maynila ang mga taong masalapi kaya kami napadpad dito sa Obando.. Dahil isang mangingisda na si Ama noon pa man, mas naging maayos ang kabuhayan namin ng matira kami dito sa Obando dahil pangingisda ang naturang ikinabubuhay dito. Di naglaon nakapagpundar nadin si Ama ng sarili naming pala-isdaan" Ani ng binata.. Napatango tango naman ako sa sagot na iyon ni Miguel..

Sandali muli kaming natahimik, at sa pagkakataong ito naman, si Miguel na ang nakakuha ng tsempo upang magtanong sakin..

"Ikaw ba Binibini? Hindi mo ba inaaasam na makitang muli ang pamilya mo? Siguradong kung nasaan man sila ngayon ay nag aalala na ang mga iyon sayo.." sambit naman ni Miguel. Napatingin naman ako nang seryoso kay Miguel ng may lungkot ang mga mata..

"Wala akong pamilya dito Miguel, Isa lamang akong dayo, at sa katunayan niyan, sigurado akong kung may naghahanap man sakin ngayon, walang iba kundi si Madam Dolores at Goyo lamang iyon.." sambit ko naman saknya..

"Wala kang pamilya dito? Dahil ba sila ay nasa malayo? Eh si Madam Dolores? Sino siya?" Tanong niya sakin..

"Siguro nga Miguel, dahil malayo sila.. Napakalayo.. uhm.. Si Madam Dolores, Siya ang nangangasiwa ng paaralang pinapasukan ko. Siya ang halos tumayong magulang ko sa Sta Catalina.." paliwanag ko saknya.. Napatango tango lang siya sa sinabi ko..

"Ganun ba? Eh si Goyo? Sino naman siya?" Tanong niya sabay taas ng kilay.. Natawa man ako sa kanyang reaksyon, Maylungkot pa din akong naramdaman ng muli kong narinig ang pangalan ng taong pinaka minahal ko...

"Si Goyo, Siya ang espesyal na lalaki para sakin.. Ngunit pinili kong lumayo saknya dahil hindi kami pwede sa isa't isa.. May ibang Binibining nakalaan para saknya ang tadhana" may lungkot kong sambit..

"Ngunit kung mahal mo talaga siya? Bakit kailangan mong lumayo? Hindi ba dapat ipinaglalaban mo ang pagibig mo saknya?" Tanong ni Miguel. Maging siya ay nagsimula naring malungkot..

"Mahirap ipaliwanag Miguel.. Maging ang sitwasyon ko ay mahirap din ipaliwanag, Kung bakit ako nandito, sa panahon niyo at kung paano ako napadpad dito." ani ko saknya..

Kumunot naman ang noo nito at napaisip ng malalim. Marahil ay sa hindi na niya maintindhan ang aking mga ibig ipahiwatig. Ngunit mas mainam narin siguro ito, nawala siyang maintindihan at wala siyang alam.

"Siguro nga madami akong hindi pa alam tungkol sayo Binibini, Ngunit hangad ko ang iyong kaligayahan, nawa'y mapagisipan mong ipaglaban ang iyong nararamdaman para sa Ginoong iyon. At siya ay tunay na maswerte dahil iniibig mo siya Gabriela.." seryosong tugon ni Miguel.. Tumingin na muli ito ng deretso sa dinaraanan namin at sumambit.. "Narito na tayo, ang lugar na ganito kaganda ay walang lugar para sa kalungkutan kaya naman ngumiti ka na dyan Gabriela.. Magiging maayos din ang lahat" ani sakin ni Miguel sabay ngiti..

Nagsimula na kong mag tampisaw sa ilog. Hindi ko mapigilang mamangha sa kadahilanang sa panahong ito mo makikita ang tunay na kalinisan ng mga ilog. Yoon bang makikita mo ang mga bato sa ilog na iyong kinalalagyan. Malayong malayo na ito sa mga ilog ng modernong panahon.

Patuloy ang aking pagkahumaling sa paglalaro sa ilog ng marinig kong may tumawag ng aking tunay na pangalan..

"Kristina" tugon nito.. Pareho naman kami napalingon ni Miguel sa pinagmulan ng boses na iyon..

Nanglingunin ko ito. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, at hindi ko rin mawari kung paano ako natunton ng lalaking iyon.. Agad akong napatayo saking pagkakalublob sa ilog..

"C-Crisanto? Anong ginagawa mo dito, p-pa-paano mong..---" sambit ko naman habang ako'y papalapit sa kinatatayuan niya.. Napatingin naman ako kay Miguel at kung ano ang reaksyon nito. Tulad ng aking inaasahan, kunot ang mga noo nito at tila nagtataka kung sino ang lalaking tumawag sa akin.

Muli kong ibinaling ang tingin kay Crisanto at tuluyan ng lumapit sakanya. Sinalubong naman ako ni Crisanto at agad ako nitong niyakap..

"Ano ba ang nangyari sayo, Kristina? Hindi mo ba alam na lubos akong nag alala sa iyo? Maging si Madre Dolores ay balisa na kakaisip kung saan ka nag punta.." sambit nito..

Wala naman akong naisagot sa kanyang mga pahayag.. Nakatayo lamang ako habang siya naman ay higpit na higpit sa pag kakayakap sa akin. Lumapit naman sa kung nasaan kami si Miguel at hindi na napigilang magtanong sa kanyang nasasaksihan..

"K-kristina?" Patanong na usal ni Miguel.. "Ngunit Gabriela ang iyong pakilala sa amin hindi ba? Kung gayon ay nagsinungaling ka samin." Galit na pahayag nito..

Bumalik na si Miguel sa tabing ilog upang kunin ang mga hinugasang kasangkapan at lilisanin na sana, nang habulin ko ito at napagpasyahang magpaliwanag saknya..

"Miguel, Sandali, Miguel" tawag ko saknya.. Napahinto naman ang binata at muling lumingon sakin..

"O sige, magsalita ka, magpaliwanag ka Binibini, hindi bat noong una palang ay sinabi naman namin sa iyong mabubuti kaming tao? Bakit kailangan mong magbalatkayo? Bakit mo pa kailangang magsinungaling. At pinaabot mo pa ito ng isang linggo. Kung hindi pa dahil sa lalaking iyan, hindi namin malalaman na Kristina ang iyong tunay na pagkakakilanlan.." marahan ngunit may puot na sambit ni Miguel..

Napabuntong hininga naman ako. "Patawarin mo ko Miguel.. Hindi ko nais na magsinungaling sayo, sa inyo.. Ngunit saking napagdaanan sa kamay ng mga masasamang taong iyon, nagbigay ito sakin ng matinding takot kaya naman napag isipan kong wag sabhin ang tunay kong pagkakakilanlan.. Ako si Maria Kristina Montealto. Yaan ang tunay kong pangalan.." ani ko saknya..

Napailing iling naman ito at tumalikod muli. Nagsimula na itong maglakad muli pero hinarang ko ito upang patuloy na magpaliwanag..

"Miguel, Sandali, Sana naman ay paniwalaan mo ko.. O sige, Sa unang pagkakataon ay magkukwento na ako sayo.." muli kong ani habang si Crisanto naman ay tahimik lamang na nasa saking likuran..

"May nagtangka sa buhay ko at Julieta ang pangalan niya.. Hindi ko malaman kung bakit siya galit saakin.. Sa galit nito, nakuha niya kong ipadakip at ipapaslang. Awa ng diyos at nakaligtas ako sa kanyang pagkakabihag sakin. At yoon ang araw na nakita mo ako.. Sa takot ko na madakip nila kong muli napagpasyahan kong ibahin nalamang ang aking pangalan upang di nila ko matunton. Para narin hindi kayo malagay sa peligro. Pasensiya ka na Miguel sa aking nagawa" sambit ko saknya habang nag babadya namang tumulo ang luha saking kaliwang mata.

"Naiintindihan ko ang iyong punto Binibini, Ngunit mas maigi kung maaga palamang sana ay nagsabi ka nalamang upang maging kami ay maprotektahan ka.." mahinahong sambit ni Miguel.. Naputol naman ang aming usapan ng magsalita si Crisanto..

"Si Julieta,? Pinagtangkaan ni Julieta ang iyong buhay?" gitlang pahayag ni Crisanto..

Tumingin naman ako sa kanya at tumango nalamang ng may lungkot sa mga mata..

"Hindi ko lubos na maisip ito, mabait na Binibini si Julieta, ngunit paanong--" ani ni Crisanto na hanggang ngayon ay hindi padin makapaniwala..

Nakaramdam naman ako ng pagkahilo at may alaalang pumasok sa aking isipan..

Si Julieta ay isang ulilang lubos nang makilala siya ni Madam Dolores sa labas ng Plaza ng Simbahan ng San Agustin.

"Magandang araw po Madre, baka po nais niyong bumili ng aking sampaguita para sa inyong poon" sambit ng paslit na Julieta..

Nabihag naman ng paslit ang attensyon ng madre kung kaya't hindi napigilan ni Madam Dolores na paunlakan ang alok ng paslit..

Habang binabalot ng batang si Julieta ang sampaguitang binili ng Madre, hindi napansin ni Julieta na naantig at nahabag ang madreng ito saknya..

"iha? Maaari ko bang malaman ang iyong edad?" Tanong ni Madam Dolores..

"Magwawalong gulang palamang po ako, Madre" sambit naman ng bata.

"Napaka bata mo pa upang maghanap buhay iha, nasaan ang iyong mga magulang, hindi ba dapat ay nag aaral ka palamang,?" Tanong muli ng Madre..

Nakayuko namang sumagot ang batang si Julieta.. "Wala na po akong magulang, ulila na po ako, nakatira po ako sa tiyahin ko ngunit malupit po ito at ang nais po niya ay mag trabaho ako upang may makain po ako sa araw araw" ani ni Julieta..

Ikinalungkot naman ito ng Madre. Sa habag nito sa bata ay naisipan nalamang niya itong ampunin at patirahin sa Sta Catalina.. Inalok niya ito ng trabahong gawaing bahay, at ang kapalit nito ay ang pag aaral ng bata hanggang sa makatapos ito ng sekondarya. Ikinalugod naman ito ng bata at agad na sumama kay Madam Dolores.

Hanggang sa pagdadalaga ni Julieta ay naging gabay nito si Madre Dolores, hanggang isang araw ay nakilala nito si Gregorio.

Madalas magdala ng bulaklak si Goyo sa Sta Catalina dahil sa utos narin ng kanyang matalik na kaibigan na si Crisanto. Ang mga bulaklak na iyon ay padala ni Crisanto para sa iniibig niya noon na si Rosario.

Na-akit si Julieta sa una nilang pagkikita ni Goyo at simula noon ay nagkaroon ito ng pagtingin sa binata.. Ngunit tanggap naman ni Julieta na kahit kailan man ay hindi siya magugustuhan ni Gregorio dahil sa siya isang alipin lamang.. Minahal ni Julieta ng palihim si Gregorio mula noon..

Hindi naglaon ay dumating narin sa Sta Catalina si Kristina. Nabighani sa ganda ni Kristina ang dalagang si Julieta.. Ninais nitong maging kaibigan ang bagong Binibini sa paaralan. Ngunit nang mapag alaman nitong siya ang napupusuan ni Goyo ay nagsimula ng sumama ang timpla ni Julieta sa Meztisang dalaga..

Lalo pa nitong ikinagalit ng mamataang hinalikan ito ni Crisanto habang alam ng dalaga na iniibig si Kristina nang pinakamamahal niya na si Goyo..

Natapos doon ang panunumbalik ng alaala at labis kong ikinagulat ang lahat..

"Kung gayon ay iyon pala ang dahilan kaya masama ang loob sakin ni Julieta, Siya pala ay matagal ng umiibig kay Goyo, ngunit paano ko ito hindi napansin.. Samantalang sa tuwina ay si Julieta ang palaging humaharap kay Goyo, lalo na noong panahong ayoko pang tanggapin ang kanyang pag-ibig..? Hindi ko napansing umiibig pala siya sa lalaking mahal ko rin?" Ani ko saking isipan..

Napansin naman ni Miguel at Crisanto ang akma kong pagkahilo kaya naman sabay silang napatanong saking kundisyon..

"Ayos ka lamang ba Kristina?"
"Ayos ka lang ba binibini?" Sabay na sambit ng mga ito kasabay ng pag agapay ng dalawa sakin..

"Ayos lamang ako, nahilo lang ako, ngunit hindi niyo kailangang mag alala.. kaya ko ang aking sarili.." ani ko saknila..

"Mabuti pa siguro ay bumalik na muna tayo saming tahanan.. Isama mo narin ang iyong kaibigan Kristina.." sambit ni Miguel at nagpatuloy na sa paglalakad..


NOW PLAYING
AKO NALANG SANA - Mark Carpio






Goodmorning Mi Delpilares..
Kay ganda simulan ang linggo sa update hindi ba? Nais ko lamang ipaalam sa inyo na ngayon ko lamang natapos ang update na ito sa kaDahilanang ako ay nagkasakit ng halos 2 linggo.. paupdate na sana ko noong bago magpasko ngunit sa kasamaang palad ako ay nagka trangkaso ng halos 2 linggo kaya naman wala sa mabuting kundisyon ang aking utak para magisip ng koncepto para sa susunod na kabanata.. Awa ng dyos.. Heto ako ngaun at ok na :) kaya naman sa wakas pagtapos ng halos 1 buwan nakapag update din :) asahan na po ang sunod sunod kong update dahil target ko po matapos ang Bayani ng Tirad pass bago pa man ang aking kaarawan.. matagal pa naman un april pa..

Siya nga pala.. ako ay nag iisip ulit ng panibagong konsepto ng Historical novel.. which runs from 1960's. In short sa era ng mga lolo at lola ko :) ipagdasal natin to guys :) kasi sa ngaun mejo d ko pa alam yung flow ng story pero may concept na kong naiisip.. sana ay mapagtagumpayan ko ito..

2 pala ang target ko maipublish this year.. so gusto ko rin itry ang Epistolary Novel.. Hehe.. kwento naman siya about sa isang baybayin enthusiast na makakakilala ng guy baybayin enthusiast din :) haha.. gusto ko maipakita sainyo sa nobelang ito ang ganda ng Ating ancient way of writting at gusto ko rin kayo maudjok na matuto ng baybayin :) ayun lamang..

Maraming salamat sa supporta lalo na sa mga nag PM sakin at nag cocomment ng UD na ulit.. haha.. nararamdaman ko po yung pGmamahal niyo kay Goyo guys :) at sobrang appreciate ko yun :) ayun lang time check :) 2:15 na at ang sarap talaga mag sulat ng storya pG ganitong oras.. antahimik.. haha ayun lamang guys :) Goodnightieeee ❤️❤️

Mahal ko kayoo :)

Continue Reading

You'll Also Like

239K 13.2K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
47K 1K 98
Miracle Fernandez Esqueda, isang ordinaryong College student with an ordinary life. In fact, it was too ordinary for her that it is starting to bore...
624 80 18
Binabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko s...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.4M 81.1K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...